MOIRA, ‘DI PA RIN MAAYOS ANG ILONG SA MALING PROCEDURE

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

ILANG buwan na nanatili sa bahay si Moira dela Torre pagkatapos ng pinsalang tinamo dahil sa isang procedure na ginawa sa kanyang ilong. Ayon sa singer ay mayroong pagkakamali sa ginawang non-invasive procedure sa kanya.

“Well basically may nagkamali. My nose went on necrosis and it was a very simple procedure, but it went wrong. Hindi po siya naagapan agad because we had no idea what was happening. I was at high risk of being blind, of aneurysm, of heart attack and stroke. For three months I was at home recovering ‘coz I was on house arrest. But I’m better now, I’m 85% healed but I’m 100% healed internally. I feel like this whole season made me so much better,” pagbabahagi ni Moira.

Kakakasal pa lamang sa asawang si Jason Marvin Hernandez ng singer nang maranasan ni Moira pambihirang pinsala sa ilong. “Siyempre he was super calm but I know that he was super scared inside. Kasi bagong kasal kami and that was like a month or two months after our wedding. The whole time he was at the hospital with me,” kwento ng singer.

Hindi na nagsampa ng kaso si Moira laban sa tao o clinic kung saang isinagawa ang procedure sa kanyang ilong. “Ayoko po, naaawa po ako eh. Napatawad ko na rin naman po and I know that that person didn’t mean to do that. I’ve forgiven that person. That person helped me fix everything,” giit niya.

Malaki ang pasasalamat ni Moira sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa gitna ng kanyang mga pinagdaanang pagsubok. “Kung hindi siya (ilong) maayos, okay lang. I feel like I’ve come to that point where I’m very secured about myself whether I’m fat or thin, whether my face is at its best or not. I know that I’m here because of my songs. And I will continue because of my songs,” pagtatapos ni Moira. Reports from JCC

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment