ISLAMIC PREACHER HULI SA KIDNAPPING

crime kidnapping12

(NI NICK ECHEVARRIA)

MATAPOS  ang anim na buwang surveillance ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) bumagsak din sa kanilang kamay ang No.3 most wanted person sa Mindanao nitong Miyerkoles.

Nakilala ang suspek na nadakip sa kanyang bahay sa Purok C Kabasalan, Zamboanga Sibugay, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping, na si  Nasirin Baladji, alias Zaed, isang preacher ng relihiyong Islam at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay PNP-AKG Director P/Col. Jonnel Estomo ang nadakip na suspek ang nasa likod ng tatlong insidente ng kidnapping, kasama ang isang Jordanian national.

Nabatid na ang naarestong preacher  ay sangkot sa kidnapping with  ransom sa mga biktimang sina; Rolando Del Torchio sa Dipolog City noong Oct 7, 2015; Elmer Romoc noong Aug. 5, 2015 sa parehong lungsod at sa  Jordanian journalist na si Baker Atyani sa Jolo, Sulu noong June 12, 2012.

Sinabi ni Estomo na ang pagdakip  sa suspek ay resulta ng inilunsad na manhunt operation at sa pinaigting na kampanya ng PNP sa lahat ng mga kidnappers na may warrant of arrest.

 

Please follow and like us:
Read More

BUS NAHULOG SA BANGIN; 3 PATAY

accidentsign1

(NI BONG PAULO)

TATLO katao ang naiulat na nasawi makaraang mahulog ang isang pampasaherong bus sa isang bangin sa Purok Euphobia, Brgy Lutiman, Alicia, Zamboanga Sibugay Province, Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Gertrudes Buhat Baya, 73, ng Brgy Samonte, Talusan, ZSP; Rina Ahay Mualam, 14, estudyante at Salma Mualam, 35, kapwa nakatira sa Brgy Buhangin Mahaba, Olutanga, ZSP

Sa ulat ni Pol. Lt. Col. Helen Galvez, tagapagsalita ng PRO -9 nangyari ang aksidente alas-7:10 ng umaga kung saan binabaybay ng isang Lizamay Express Bus (JVC 315) kulay asul na minamaneho ni Noriel Bucoy Andico, 41, ng Brgy Luboc, Sirawai, Zamboanga Del Norte ang nasabing highway nang mawalan umano ito ng kontrol.

Batay sa ulat, pumalya umano ang makina ng bus kaya nahulog ito sa bangin na nagsanhi ng pagkamatay ng tatlo at pagkakasugat ng apat na iba pa.

Kinilala ang apat na sugatan na sina Victor Antiampo, 62; Medivina Antiampo, 55, kapwa residente ng Brgy Fama, Olutanga, ZSP; Karim Jarol, 62 at Sapiya Jarol, 62, ang dalawang huli ay mga residente ng Brgy Buhangin Mahaba, Olutanga, ZSP.

Sakay ng nasabing bus ang 45 na pasahero nang maaksidente buhat sa bayan ng Olutang patungo sana sa Zamboanga City nang mangyari ang aksidente.

Hawak na ngayon ng pulisya ang drayber ng bus.

Dinala naman sa Lanchita Medical Hospital ang mga sugatan.

Please follow and like us:
Read More

2 KOLEKTOR NG PAUTANG UTAS SA TANDEM

crime100

(NI NICK ECHEVARRIA)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang holdaper ang dalawang kolektor ng isang micro financing bago tinangay ang perang dala ng biktima sa Alicia, Zamboanga Sibugay, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang mga biktimang na natamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Philip Jhon Pontijon, 29, assistant manager at Nur Akram Sajili, 24, kolektor, kapwa empleyado ng ASA Foundation Micro Financing  sa Mabuhay ng nasabing lalawigan.

Sa report ni P/Major Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9,   naganap ang insidente dakong alas 3:25  sa kahabaan ng Barangay Road  ng Barangay Sto. Nino sa nasabing bayan.

Galing umano  sa paniningil ng pautang ang mga biktima sa Sitio Tarla, Barangay Tampalan nang tambangan sila ng dalawang suspek at pagbabarilin lulan ng  kulay dilaw na Honda XRM na motorsiklo.

Tumakas ang mga suspek tangay ang bag na  naglalaman ng koleksyon sa hindi pa mabatid na halaga.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, maaaring minanmanan ng mga suspek ang dalawa dahil planado at kabisado ng mga ito ang oras at dadaanan ng mga biktima.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

SK KAGAWAD BINARIL SA ULO

zamboanga sibugay

(NI NICK ECHEVARRIA)

BINARIL at napatay habang nangunguha ng tanglad ang isang kagawad ng Sangguniang Kabataan ng hindi pa nakilalang salarin sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay, Huwebes ng gabi.

Isang tama ng bala sa ulo mula sa .45 kalibre ng baril ang agad na ikinamatay ng biktimang si Jackson Hugo Guarin, 24, SK Kagawad at residente ng Barangay Sioton ng nasabing  bayan.

Base sa salaysay ng hipag ng biktima sa pulisya, naganap ang krimen bandang alas- 9:00 sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Sioton.

Lumabas umano ang biktima para manguha ng tanglad sa gilid ng kanilang bahay para ipangsahog sa nilulutong ulam nang makarinig na lamang sila  ng malakas na putok ng baril hanggang sa makita nilang nakahandusay ang biktima sa kalsada.

Bagama’t naaninag  papalayo, hindi naman lubusang nakilala ang suspek na tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Kasigpitan sa bayan ng Talusan.

Patuloy na inimbestigahan ng pulisya ang krimen.

Please follow and like us:
Read More