SANGGOL INILUWAL SA BALDE SA HEALTH CENTER, PATAY

baby feet12

(NI ANNIE PINEDA) BINAWIAN din ng buhay ang isang sanggol nang mabilis itong mailuwal ng kanyang ina at mahulog sa balde sa loob ng health center, sa Zamboanga City. Batay sa ulat, isinugod ang ginang na hindi pinangalanan sa health center sa Barangay Mercedes ng nasabing lungsod dahil oras na ng kanyang kapanganakan. Pagpasok sa delivery room, inihanda na ng midwife ang kanyang mga gamit subalit nang kanyang balikan ang buntis , nailuwal na nitong ang sanggol at nahulog sa balde. Kaagad naman dinampot ang sanggol sa balde at sinubukan…

Read More

SANGGOL INILIBING SA TANGKE NG INIDORO NG OSPITAL

zambo123

(NI ANNIE PINEDA) KAAWA-AWA ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol na lalaki nang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng tangke ng inidoro , kaninang umaga sa probinsya ng Zamboanga City. Batay sa report ng pulisya, alas 8:00 ng umaga nang matagpuan ang sanggol na nakasabit pa ang umbilical cord na nasa tangke ng inidoro sa loob ng palikuran ng Doctor’s Hospital sa nasabing lungod. Ayon sa utility worker ng ospital, naglilinis siya ng kubeta at ikakabit na sana nito ang hawakan ng toilet tank para sa paglabas…

Read More

LALAKING NAG-AMOK PATAY SA PARAK

zamboanga map12

(NI KIKO CUETO) ZAMBOANGA City — Patay ang isang lalaki na nag-amok sa Barangay Cabatangan nang barilin ng pulis na rumesponde sa lugar. Sa report, nagwawala ang lalaki na kinilalang si Arnel Francisco at naghahamon ng away. Agad nagsumbong sa pulis ang mga residente at pinuntahan ito. Pagdating ng responde sa halip na kumalma ay nanutok pa ito ng patalim sa mga pulis dahilan para siya ay barilin. Sinabi ni Kagawad Efren Jalon na hinaharass na ni Francisco ang ilang residente nang walang  dahilan. Sinubukan umanong pakalmahin ng mga kaanak…

Read More

BADING PATAY SA KA-SEX SA MOTEL

zamboanga map12

(NI ANNIE PINEDA) NALILIGO sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang isang bading matapos ataduhin ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ng hindi pa kilalang suspek na umano’y ka-sex nito sa loob ng isang motel, sa Zamboanga City. Kinilala ang biktimang si Benjamin Cerna , 52, residente ng Barangay Tumaga, Zamboanga City. Batay sa paunang imbestigasyon, pumasok ang biktima at suspek sa loob ng motel ngunit natapos  ang oras na kinuha nina Cerna, pero hindi pa rin sila lumalabas ng kanilang silid, kaya’t napilitan na silang…

Read More

JORDANIAN NA KONEKTADO KAY BIN LADEN ARESTADO SA ZAMBO

zamboanga map12

(NI JESSE KABEL) MABILIS na kumikilos ngayon ang intelligence operatives ng Armed Forces of the Philippine (AFP)at Philippine National Police (PNP) kasunod ng ulat na isang  Jordanian national na may kaugnayan kay Osama Bin Laden ng Al Qaeda terror group ang namalagi sa Pilipinas at nadakip. Layunin ng intelligence network na magsagawa ng back tracking at kilalanin ang mga taong nakahalubilo o nagkaroon ng kontak sa nasabing Jordanian national. Sa ulat, inaresto ng  mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang  Jordanian national na sinasabing nagtrabaho para sa isang kaanak…

Read More

ABU SAYYAF BOMBER ARESTADO

arrested12

(NI JESSE KABEL) ARESTADO ang isang  umano’y bomber ng Abu Sayyaf Group matapos ang ikinasang pinagsanib na law enforcement operation ng Philippine  Army’s 44th Infantry Battalion at Philippine National Police sa Barangay Bangkaw-bangkaw, Naga, Zamboanga Sibugay, ngayong Miyerkoles ng umaga. Ayon kay Lt. Col. Don Templonuevo, 44th Infantry Battalion Commander, base sa mga impormasyong itinuga ng ilang sumukong ASG, ang suspek na si Isnaji Hasim ay kumikilos sa ilalim ng pamumuno ni Furiji Indama, isang Basilan-based Abu Sayyaf leader. Kaalyado rin ng ASG bomber ang isang  Hashim Saripa, kabilang sa…

Read More

COVERED COURT GUMUHO; 9 STUDENTS SUGATAN

(NI JG TUMBADO) SIYAM na high school students ang sugatan nang mabagsakan ng bubungan ng gumuhong covered court ng paaralan sa Zamboanga City, araw ng Lunes. Isinugod sa Labuan Public Hospital ang mga estudyante bunsod ng tinamong mga sugat sa kanilang ulo at katawan. Ayon sa pulisya, alas 8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Sinubong National High School habang nasa kalagitnaan ng pagkaklase. Ang naturang covered court ay ginagamit ng ilang mga mag-aaral bilang pansamantalang classroom. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang…

Read More

KAMBAL NA ANAK PINUKPOK NG TATAY SA ULO

zamboanga map12

(NI KIKO CUETO) ZAMBOANGA CITY– Sugatan sa ulo ang kambal na 11-taong gulang, nang hampasin ng bato ng kanilang mismong ama dahil nakulitan sa kanila. Sa imbestigasyon, sinabi ng ina ng mga bata na naglalaba siya malapit sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente. Pag-uwi niya ay nagulat na lamang siya na duguan ang mga anak niya. Agad niyang dinala sa ospital ang kambal para malapatan ng paunang lunas. Nasa mabuting kalagayan na ngayon ang mga bata. Ayon sa ina, nadala sa galit ang ama dahil sobrang likot ng kaniyang…

Read More

ESTUDYANTE ARESTADO SA P325,000 SHABU

ARRESTED-9

(NI NICK ECHEVARRIA) NADAKIP ng pulisya ang isang binata habang nakumpiskahan naman ng aabot sa P325,000 halaga ng shabu sa isang  buy bust operation sa Zamboanga City, Linggo ng madaling araw. Nakilala ang suspek na si Brandon Lee Rashad Ahmad Lahaman, 21, binata, high school student at nakatira sa Baliwasan Tabuk, San Jose Gusu ng nasabing lungsod. Sa report ni P/CInsp. Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9,  ganap na alas 3:10 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa JJ Drive, Barangay San Jose. Nagkasundo umano ang…

Read More

PULIS, ‘KA-RELASYON’ NG MISIS PATAY SA MOTEL

crime22

(NI JG TUMBADO) NAG-IWAN ng dalawang patay kabilang ang pulis na nag-amok sa isang lodging house sa Barangay Lagao sa General Santos City Lunes ng gabi. Tinukoy ng pulisya ang suspek na si PO2 Amir Abdulsali, naninirahan sa Zamboanga City at nakatalaga sa Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF)-Police Regional Office-12. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na alas 9:30 ng gabi nang magwala umano si PO2 Abdulsali sa nabanggit na lugar nang malaman nitong pinagsasamantalahan pala ang kanyang 19-anyos na asawa na si Jennycel ng amain nito na si Edros…

Read More

NANAY, 2 ANAK MISTERYOSONG NAMATAY SA PAGTULOG

crime

(NI KIKO CUETO) ZAMBOANGA CITY — Palaisipan ngayon ang halos sabay-sabay na pagkamatay ng mag-iina habang natutulong kasama ang kanilang ama sa Barangay Dita, Zamboanga City. Sa imbestigasyon, sinabi ni Chief Insp. Sonny Joe Amponin, hepe ng Police Station 2, madaling-araw pa nang mapansin ng asawa na hindi na humihinga ang kanyang misis na si Imnang Dulong. Nang lumabas siya para gisingin o puntahan ang mga anak, laking gulat niya nang malaman na pati ang dalawa nilang anak na babae, may edad 10 at 13, ay hindi na rin nagising.…

Read More

2 ANGGULO SA ZAMBO MOSQUE ATTACK  TINUTUTUKAN

mosque200

DALAWANG anggulo ngayon ang pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) sa pagpasabog sa mosque sa Zamboanga City. Una ay ang  mga kristiyanong nagbigay ng matinding mensahe na kaya rin nilang magsagawa ng terror attack o mga Muslim din na may matagal nang kaalitan sa kapwa nila Muslim sa Mindanao. Gayon man, sinabi ni Director General Oscar Albayalde, chief ng Philippine National Police (PNP), na ang retaliatory attack angle kasunod ng madugong pagsabong sa Jolo Catholic church na nag-iwan ng 21 patay at nakasugat ng daang katao ay isa lamang sa…

Read More

SAYYAF MEMBER ARESTADO SA ZAMBO

abu

(NI AL JACINTO) ZAMBOANGA CITY – Inaalam ngayon ng pulisya kung may plano ba ang Abu Sayyaf na maghasik ng lagim o dumukot sa Zamboanga City matapos na madakip ang isang miyembro nito na sabit diumano sa mga kasong kidnapping sa kalapit na Basilan province. Hindi pa naglalabas ng resulta ng imbestigasyon ang pulisya dahil patuloy pa ang imbestigasyon kay Daud Isnani, 33, na nadakip sa Barangay Talon-Talon ng mga operatiba ng Regional Anti-Criminality Task Group ng Regional Intelligence Division 9 ng pulisya. Galing umano sa Basilan si Isnani at…

Read More