SCHOOL SA ZAMBO PINASABOG; VCM NASUNOG

zamboangadel sur12

(NI JG TUMBADO)

NIYANIG ng isang malakas na pagsabog ang paaralan sa Zamboanga del Sur na nagresulta sa pagkasunog naman ng isang unit ng Vote Counting Machine (VCM) na nagamit nitong eleksyon noong Lunes.

Nagulantang ang mga residente na naninirahan malapit sa San Pablo Central Elementary School kung saan sinasabing nagmula ang malakas na pagsabog nitong gabi ng Miyerkoles.

Nabatid kay Police Maj. Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, ang pagsabog ay nasundan ng sunog dahilan para matupok ang isa sa siyam na VCM na nakaimbak sa silid-aralan.

Hindi naman napinsala ang iba pang gamit.

Nilinaw naman ni Galvez na ang mga VCM at gamit na nasa silid-aralan ay pawang depektibo at hindi gumana noong nakaraang eleksyon.

Agad din namang naapula ang sunog makalipas ang 10 minuto.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More