LALAKI MAY BITBIT NA BALA, ARESTADO SA MRT3

mrt312

(NI JEDI PIA REYES)

KALABOSO ngayon ang isang lalaking pasakay na ng Metro Rail Transit Line 3 makaraang makumpiskahan ng magazine at mga bala sa kanyang bag, Miyerkoles ng umaga.

Nakita sa x-ray machine sa North Avenue station ng MRT 3 ang bag ng suspek na si Don Ray Adina na naglalaman ng isang magazine ng baril gayundin ang walong piraso ng bala ng 10mm pistola.

Patungong southbound ng Edsa si Adina nang sitahin ng guwardiya sa istasyon si Adina dakong alas-8:00 ng umaga dahil sa kahina-hinalang mga gamit sa bag nito.

Walang ibinigay na paliwanag ang suspek sa bitbit nitong mga bala at patuloy ang pag-iimbestiga ng pulisya sa insidente.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police sa Shaw Boulevard ang suspek na maaaring maharap sa kasong paglabag sa illegal possession of ammunition.

Please follow and like us:
Read More