4 PATAY, 16 SUGATAN SA SALPUKAN NG BUS, WING VAN

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY–Apat na ang naitalang namatay habang nasa 16 ang sugatan matapos ang banggaan ng isang pampasaherong bus at isang wing van sa Binugao, Toril nitong lungsod, pasado alas- 3:00 ng hapon, Martes, Setyembre 10.

Ayon sa Toril Police Station, isang Mindanao Star Bus na lulan ang maraming pasahero at wing van na puno ng kargamento ang nagsalpukan.

Wasak ang kabilang bahagi ng dingding ng wing van matapos pumasok sa driver side ng bus at dahilan upang masugatan ang mga pasahero.

Agad binawian ng buhay ang pasaherong si Judy Mejares, 50, habang sa Southern Philippine Medical Center (SPMC) naman binawian ng buhay ang mga pasaherong sina Theresa Gonzales, at mag-asawang Julieta, 53 at Rodrigo Tulin.

Napag-alaman na mayroong 21 pasahero ang bus galing sa North Cotabato at papunta sa Ecoland Terminal dito sa lungsod nang mangyari ang sakuna.

Napag-alaman na nakalabas na kahapon ng umaga ang 11 biktima ngunit nasa operating room pa ang ilan sa kanila.

Kabilang sa mga naiwan sa pagamutan ang 37-anyos na drayber ng bus na si Andro Saiden Abdulwahab; Jeffrey Abarquez, 29; Lizel Ramos, 25; Lucresia Gomez, 74; Patrocenia Gomez, 81; Dorotea Masangay, 81; at Emediline Masangay, 51.

Isa umanong retiradong sundalo ang namatay na si Rodrigo Tulin habang ang asawa nitong si Julieta ay kawani ng Department of Social Welfare and Development sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley Province, na pauwi na sa kanilang lugar galing sa Midsayap, North Cotabato.

Patuloy na ino-obserbahan sa SPMC ang natitirang mga biktima habang patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa malagim na trahedya.

 

Please follow and like us:
Read More

BUS VS WING VAN; 1 TODAS, 8 SUGATAN

accident121

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Isang 50-anyos na babae ang nasawi habang hindi bababa sa walo katao, halos mga pasahero ng bus, ang nasugatan sa inisyal na ulat sa banggaan ng bus at wing van truck sa Mc Arthur Highway, Central 1 Barangay Binugao Toril, Davao City, Martes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Judy Tepacia Mejares, 50.

Sa ulat na nakarating kay Police Col. Alexander Tagum, hepe ng Davao City Police, nangyari ang aksidente ala-1:15 ng hapon.

Ang wing van ay minamaneho ni Nick Barcelona Lopez, 37, ng Purok 9 Livara Compound Tacurong Sultan Kudarat, ay patungo ng Digos na direksiyon habang ang Mindanao Star Bus (M01-15-002647) ay papasok ng Davao City Proper.

Ang bus ay minamaneho ni Zandro Saiden Abdulwahab, 37, ng Cotabato City.

Ayon sa ulat, nasa parehong magkasalungat na direksiyon ang dalawang mga sasakyan na nasangkot nang magkasalpukan.

Dahil sa lakas ng impact, wasak ang unang bahagi ng bus na ikinasugat ng ilang mga pasahero na sina Jeffrey Abarquez, 29,; Theresa Gonzales, 55, Bayugan 1, Agusan del Sur; Lizel Ramos, 25, ng  Bansalan Davao del sur; Lucrecia Aller Gomez, 74, retired teacher at ang kanyang kapatid na si Patrocenia Aller Gomez, 81, kapwa residente ng Ubas compound Matina, Davao City; Dorotea Masangay, 81, ng Mercedez Caraga Davao Oriental at Emediline  Masangay, 51, ng Duha San Rafael Maa, Davao city.

Ang mga sugatan ay dinala sa iba’t-ibang pagamutan sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER PATAY SA SINALUBONG NA TRUCK

accident121

(NI BONG PAULO)

MAAGANG sinalubong ni kamatayan ang isang 21-anyos na drayber ng motorsiklo matapos na makasalpukan ang isang wing van truck sa road mishap na naganap sa sa Brgy. Ulamian, Libungan, North Cotabato, Linggo ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Nick Kadil Bad, residente ng Supermarket Site, Cotabato City, habang kinilala naman ang drayber ng truck na si Randy Vilos Masil, 51, ng Taal 1, Bangkal, Davao City.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, alas-10:40 ng umaga nang maganap ang aksidente kung saan galing sa direksiyon ng Cotabato City ang motorsiklo papunta ng Libungan nang masalpok nito ang isang multicab dahilan para mawalan ito ng kontrol hanggang sa bumangga sa isang Fuso wing van truck.

Tumilapon ang biktima at nabagok ang ulo nito habang nagtamo ito ng matitinding pasa at sugat sa katawan na mabilis namang isinugod sa  Mount of Blessing Hospital, sa Brgy Poblacion, Libungan, Cotabato at kalaunan ay inilipat sa Cotabato Regional Medical Center, sa Cotabato City, pero dakong alas-11:45 ng gabi ay binawian ng buhay ang biktima.

 

Please follow and like us:
Read More