PVL COLLEGIATE CONFERENCE: EAGLES PINASADSAD NG FALCONS

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO)

SINORPRESA ng underdog Adamson University ang Ateneo, 14-25, 25-21, 25-15, 25-21, at tuluyang umabante sa semifinals ng PVL Collegiate Conference Linggo sa Arena, San Juan.

Kumamada ang sophomore spiker na si Trisha Genesis ng 19 points, 12 attacks, anim na aces, isang block, at siyam na excellent receptions para pangunahan ang Lady Falcons, wala pa rin talo sa apat na games.

Nag-ambag naman ang teammate niya at rookie na si Lucille Almonte ng 14 points, 15 digs at 11 excellent receptions upang akayin ang Adamson sa semifinals sa Pool A.

Pinuri ni Adamson coach Lerma Giron ang Lady Falcons kasabay ang paalala sa mga ito kung ano ang tunay na goal nila–UAAP crown.

“Itong PVL, it’s a good tool and good experience sa amin pero we’re looking forward sa UAAP whatever the result nitong PVL bonus na ‘to,” ani Giron.

Nanguna para sa Lady Eagles si Erika Raagas na umiskor ng 16 points, habang nagdagdag ng 12 points si Ponggay Gaston.

Dahil sa pagkatalo ay nahulog sa ikalawang puwesto ang Ateneo sa Pool A sa 3-1 panalo-talong kartada nito.

Please follow and like us:
Read More

KIM NINENERBIYOS KAY JULIA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

SA August 25 na gaganapin ang pinakaaabangang Star Magic Games sa Araneta Coliseum. Sina Kim Chiu at Julia Barretto ang magsisilbing mga Team Captain para sa larong volleyball. Aminado si Kim na kinakabahan siya dahil alam niyang magaling na manlalaro si Julia.

“Na-stress na naman ako, naalala ko na naman. Siyempre una, stress kasi hindi naman ako mega todo player at sa Araneta Coliseum pa gagawin. Katapat namin Team Julia so nervous kasi Julia, varsity na siya before. So ako do’n lang sa mababang paaralan ng Cebu City. ‘Yon lang ‘yung lakas na maibibigay ko so sana maging okay ‘yung game,” nakangiting bungad ni Kim.

Bilang paghahanda ay puspusan ang ginagawang pagwo-workout sa gym ng aktres ngayon. Para kay Kim ay gusto lamang niyang mag-enjoy sa nasabing event ng Star Magic. “Wala namang lumalaban na ayaw manalo. Siyempre gusto naming manalo pero siyempre gusto namin fun at the same time. Siyempre ipupusod ko ‘yung hair, baka may tamaan ang hair ko, baka ito ipangpalo ko ng bola,” natatawang pahayag ng dalaga.

Inaasahan ang maraming mga tagahanga na manonood sa Araneta Coliseum sa Linggo. Mayroong pakiusap si Kim para sa lahat ng magbibigay ng suporta sa kanya-kanyang idolong maglalaro. “Usually basketball lang ang naglalaro but this time sinali na kami.

So sobrang nakakakaba but sana with prayers and strength, may mangyari sa amin, bawal mag-‘Boo!’ Dapat lahat happy lang, dapat fun and games. ‘Yon ‘yung nasa isip nila ‘pag pumasok sila ng Araneta. Sobrang mabubusog sila ‘pag manonood sila kasi may basketball and may volleyball. So we’re all having fun with the game,” pagtatapos ng aktres. -Reports JCC-

Please follow and like us:
Read More

ATENEO MUNTIK MASILAT NG LETRAN

(NI LOUIS AQUINO)

MUNTIK nang ma-upset ng Letran ang Ateneo de Manila University ngunit sa huli ay nanaig ang UAAP champions Lady Eagles, 25-16, 22-25, 25-13, 25-20, sa pagsisimula ng Premier Volleyball League Season 3 Collegiate Conference Sabado sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Nanguna para sa Ateneo si Faith Nisperos na pumalo ng 19 puntos kasama ang 17 attacks at dalawang aces, habang pitong aces sa kabuuang 13 ng Lady Eagles kasama ang eight kills ang kinamada ni Vanessa Gandler.

“We have to adjust our rotation because Ponggay (Gaston) got sick… You know naman hindi kompleto ‘yung lineup namin, so we really have to make a way find a way with what we have,” sabi ni Ateneo coach Oliver Almadro.

Binulaga naman ng College of St. Benilde Lady Blazers ang Far Eastern University Lady Tamaraws makaraang talunin ang huli sa straight sets, 28-26, 25-22, 25-17.

Nagtulungan sina Klarissa Abriam at Chelsea Umali para sa Benilde sa pagposte ng 23 combined markers kontra sa Lady Tams.

Walang hirap na tinalo rin ng Adamson Lady Falcons ang San Beda University Lady Spikers sa tatlong sets, 25-18, 25-22, 25-16.

Sinandalan ng Lady Falcons ang kanilang neophyte na si Lucille Almonte at bagong setter na si Louie Romero para sa kanilang panalo sa unang laro.

 

Please follow and like us:
Read More

UAAP SEASON 81 FINALS: KATIPUNAN KAMPEON

champ12

HINDI “kami naman” kundi “kami ulit” ang kinalabasan ng decider game sa pagitan ng UST at Ateneo makaraang manalo ang Lady Eagles 25-17, 25-22, 25-22, sa UAAP Season 81 Finals kahapon sa MOA Arena.

Sa simula pa lang ay naging agresibo na ang Ateneo sa pangunguna ng team captain nitong si Bea de Leon at mga kapwa graduating Lady Eagles na sina Maddie Madayag at Kat Tolentino nang kunin ang unang set, 25-17.

Pilit na bumawi ang Tigresses sa pamamagitan ng tandem nina Season 81 MVP Sisi Rondina at Rookie of the Year Eya Laure pero nagpamalas ng mas balanseng laro ang Lady Eagles na muling inangkin ang second set.

Ilang beses na nagtangkang humabol ng Tigresses sa pangatlo at huling set pero nanaig pa rin ang Lady Eagles at tuluyang sinungkit ang kampeonato.

Matatandaan na kinuha ng UST ang Game 1 nang talunin ang Ateneo sa tatlong sets din 25-17, 25-16, 25-20.

Inakala ng marami na tatapusin na ng Tigresses ang laban nooong Game 2 (Mayo 15) pero sa malas ay nagkaroon ng  left ankle sprain ang kanilang rookie sensation na si Laure, na sinamantala ng Lady Eagles na nakatakas ng panalo 24-26, 25-14, 21-25, 15-25, at nakapwersa ng decider game.

Malaking panghihinayang ang nadama ng garaduating UST team captain na si Rondina matapos ang kanilang pagkatalo sa Game 2.

“Akala ko huli na, hindi pala. Na-extend pa,” ani Rondina na nangakong gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang maibalik sa Tigresses ang championship crown.

Huling nagchampion ang Tigresses noong Season 72 sa panahon nina Rhea Dimaculangan, Angge Tabaquero, at Aiza Maizo na tinalo ang La Salle Lady Spikers.

Huli namang nagkampeon ang Lady Eagles noong Season 77 kaya’t masayang-masaya sila na nabawi ang korona ngayong Season 81.

Please follow and like us:
Read More

UAAP SEASON 81 CHAMPIONSHIP: KATIPUNAN  O ESPANA?

volleyball12

(PHOTO BY MJ ROMERO)

WALA nang bukas para sa UST Lady Tigresses at Ateneo Lady Eagles na maghaharap sa decider game ngayon sa MOA Arena.

Inakala ng marami na tatapusin na ng Tigresses ang laban noong Miyerkoles makaraang ilampaso sa tatlong sets ang Lady Eagles sa Game 1 ng kanilang best-of-three finals series. Pero sa malas ay nagkaroon ng  left ankle sprain ang kanilang rookie sensation at UAAP Season 81 women’s volleyball Rookie of the Year na si Eya Laure, na sinamantala ng Lady Eagles na nakatakas ng panalo 24-26, 25-14, 21-25, 15-25, at nakapwersa ng decider game.

Malaking panghihinayang naman ang nadama ni UST team captain at Season 81 Most Valuable Player Sisi Rondina matapos ang kanilang pagkatalo sa Game 2.

“Akala ko huli na, hindi pala. Na-extend pa,” ani Rondina na kumpiyansa pa rin lalo’t hindi grabe ang pinsala ng teammate na si Laure.

“Thankful pa rin kami na hindi ganoon kalala ‘yung nangyari kay Eya. Alam kong babawi kami. It’s just a bad game,” dagdag na sabi niya matapos ang panalo ng Ateneo.

Nangako rin si Rondina, nasa huling taon na sa UST, na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya sa Game 3 upang maibalik sa Tigresses ang championship crown.

Huling nagchampion ang Tigresses noong Season 72 sa panahon nina Rhea Dimaculangan, Angge Tabaquero, at Aiza Maizo na tinalo ang La Salle Lady Spikers.

Samantala gaya ng UST, target din ng Lady Eagles na makuha ang korona na huli nilang nahawakan noong Season 77.

Gaya ni Rondina, nasa huling taon na rin sa Ateneo ni team captain Bea de Leon kaya’t gusto niyang maging masaya ang pag-exit niya sa Lady Eagles.

“Well, it’s our last. Actually our last this time,” ani  de Leon. “So kami, our mindset talaga, whatever happens, we keep praying na we enjoy every moment.”

“Whatever happens, whatever is next for us, we made it this far. That’s really big for us, so talaga for us, we’re going to Game 3 with grateful hearts, with happy hearts, with love for each other, and love for the game,” sabi pa nito matapos ang Game 2 win ng Ateneo.

 

Please follow and like us:
Read More

ATENEO vs UST SA FINALS 

feu12

(PHOTO BY MIKE ROMERO)

BALIK sa UAAP women’s volleyball finals ang Ateneo matapos talunin ang Far Eastern Universtiy 25-20, 21-25,25-23,25-14, sa semifinals matach up nila kahapon ng hapon sa Arena, San Juan City.

Muntikan nang ma-upset ng FEU ang twice-to-beat Ateneo nang talunin ito noong Sabado.

Gayunman hindi pumayag ang Lady Eagles na sina Maddie Madayag at Bea De Leon, na kapwa nasa final season na nila, na masilat pa ng Lady Tamaraws.

Hindi nakalaro sina De Leon at Madayag noong nakaraang season kaya’t gano’n na lang kasidhi ang kanilang hangarin na matulungan ang Ateneo na makabalik sa finals.

Nabigo naman ang FEU na makaabanteng muli sa finals. Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagkaroon ng pagkakataon ang  Lady Tamaraws sa korona ngunit nabigo sila sa La Salle Lady Spikers.

Pinatalsik naman ng University of Santo Tomas Lady Tigresses ang defending champ Lady Spikers sa sagupaan nila noong May 5 sa MOA Areana, Pasay City.

Magsisimula ang best-of-three finals series sa pagitan ng UST at Ateneo simula sa Sabado (May 11) sa Smart Araneta Coliseum.  EBG

Please follow and like us:
Read More