VINTAGE BOMB NATUNGKAB SA CONSTRUCTION SITE

(NI JG TUMBADO)

LAKING gulat at hindi makapaniwala ang isang payloader operator sa kanyang pagkakatagpo sa isang dambuhalang vintage bomb na kanyang natungkab sa isang construction site sa Sitio Lusong, Barangay Bianan sa Mariveles, Bataan.

Ang nabanggit na bomba na may haba na apat na talampakan, isang talampakan sa diametro at may timbang na 1000 pounds ay nahukay ni Mang Roberto, sa pagtatayuang planta sa lugar nitong Lunes.

Ayon kay Police Corporal James Ocampo, ng Explosives and Ordnance Division (EOD), ng Bataan Provincial Police Office (BPPO), isang uri ng unexploded explosive ordnance o UXO ang nahukay na bomba.

Ibig sabihin ay hindi pa ito sumabog sa lupa ng ihulog mula sa Japanese warplane at posible pa rin itong sumabog.

Batay sa report ng Mariveles Municipal police, laking takot ng nasabing payloader operator ng kanyang matungkab at bumulaga sa kanyang harapan ang bomba kung kayat mabilis nitong tinabunan muli ng lupa.

Sa isinagawang retrieval operation ng bomb squad ay maingat na naiangat at naialis sa lugar ang bomba gamit din ang payloader.

Dinala pansamantala sa magazine site ng provincial police office ang vintage bomb.

Please follow and like us:
Read More

BOMBA TINANGKANG IBENTA SA JUNK SHOP

(NI JULIE DUIGAN)

HINALANG panahon pa ng hapon ang nadiskubreng vintage bomb ng mga bata habang lumalangoy at nangangalakal sa ilog na sakop ng Tondo, Manila, Linggo ng hapon.

Base sa ulat ni P/Lt.Col. Reynaldo Magdaluyo, station commander ng  Raxabago Police Station 1, bandang alas-5:00 ng hapon nang matagpuan ang vintage bomb sa Maralla River, sakop ng Barangay 128, sa Balut,Tondo.

Kasalukuyan umanong naliligo ang ilang kabataan sa lugar at nangangalakal nang madiskubre ng isang Cyrus Supremo, 13,  ang bomba.

Tinangka pa umano ng mga bata na ibenta ang vintage bomb sa isang junkshop na malapit sa lugar, ngunit malaunan ay nadiskubreng pampasabog pala ito kaya’t kaagad na inireport at itinurn-over sa mga awtoridad.

 

Please follow and like us:
Read More

4 VINTAGE BOMB NAKITA SA RIZAL

bomba12

(TEKSTO/PHOTO BY JC TUMBADO)

APAT na piraso ng ‘vintage bomb’ ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Rodriguez, Rizal.

Dagliang kinordon ng rumespondeng mga tauhan ng Rizal Provincial Police Office-Bomb Disposal Unit (RPPO-BDU) ang lugar sa Sitio Wawa, Barangay San Rafael at ipinalayo ang mga residente na malapit sa pinagkatagpuan sa mga bomba dahil sa posibleng sumabog pa ang mga ito.

Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, isang tawag sa telepono mula sa Barangay ang kanilang natanggap kaugnay sa pagkakatagpo sa mga bomba nitong Biyernes ng umaga.

Sinasabing nahukay sa isang construction site ang apat na vintage bomb na posible pa umanong sumabog.

Nasa pangangalaga na ng RPPO-BDU ang narekober na mga bomba.

Please follow and like us:
Read More

VINTAGE BOMB NAHUKAY SA MANILA BAY

manila bay12

(NI DAHLIA S. ANIN)

HABANG nagsasagawa ng dredging operation sa Manila Bay noong Sabado ay natagpuan ang isang vintage bomb.

Isang manggagawa ang nakakita sa tabing-dagat ng vintage bomb na sumama sa mga basurang nahukay sa isinasagawang dredging operation.

Agad itong ipinagbigay alam sa MPD Explosive and Ordnance Division (EOD) at napag-alaman na ang bombabng nakita ay isang 18mm illuminating round.

Nasa pangangalaga na ng EOD ang bomba para sa isasagawang disposal.

Please follow and like us:
Read More