EROPLANO NAAKSIDENTE; VIETNAMESE ATHLETES STRANDED SA NAIA

naia3

(NI FROILAN MORALLOS)

NA-STRANDED sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga atleta ng Vietnam makaraang magkaroon ng sira ang kanilang sinasakayn na eroplano na maghahatid sa mga ito pauwi ng Vietnam.

Ayon sa report, paalis kanina sa NAIA terminal 1 ang Vietnamese Airlines flight HVN9654 kung saan lulan ang mga atleta ng Vietnam nang masira ang kaliwang bahagi ng leading edge pakpak ng eroplano makaraang tumama ang gilid sa passengers loading bridge.

Dahilan ito upang pigilin o hindi payagan makalipad ang flight sa piniiral na regulasyon ng NAIA.

Kinailangang manatili sa loob ng isang gabi ang eroplano habang inaalam pa ng aircraft accident investigators (AAI) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang napinsala ng eroplano.

Napag-alaman na dumating ang Vietnamese commercial plane sa Manila noong December 10, para sunduin ang Vietnamese participants ng SEA Games upang dalhin pauwi sa kanilang bansa.

Dahil sa nangyaring insedente pansamantalang hinatak ang Airbus A321 at inilagay sa park ng Bay 4 ng NAIA 1 , habang hinihintay ang go signal at imbestigasyon ng AAI sa aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG VIETNAMESE, NAGWALA, ARESTADO

arrested12

(NI ROSE PULGAR)

ARESTADO ng mga tauhan ng Makati City Police Station ang isang babaeng Vietnamese makaraang magwala at sabuyan ng tubig ang dalawang traffic enforcer na humuhuli sa kanya sa isang traffic violation, Lunes ng hapon sa sa Makati City.

Nakakulong sa himpilan ng pulisya ang dayuhan na si Yenha Thi Thuy, 30, nahaharap sa mga kasong Alarm and Scandal at Disobedience, Assault of Agent of Person in Authority.

Batay sa ulat ng Makati City Police, dakong alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Jupiter at Makati Avenue sa Barangay Bel-Air.

Lumalabas sa imbestigasyon, sakay ang suspect ng kanyang Ford Echo na may plakang AXA 2941 nang parahin ng mga traffic enforcers na sina Richard Redulfin at Daniel Cha dahil sa traffic violation nang umandar kahit pula na ang traffic light.

Hindi naman makapagbigay ng driver’s license si Yenha dahilan para sabihan siya ng mga enforcers na mai-impound ang kanyang sasakyan.

Dito na nagwala ang dayuhang babae at sinabuyan pa ng tubig buhat sa bottled water ang mga enforcer.

Humingi naman ng tulong ang mga enforcer sa mga pulis na nasa lugar na nagresulta sa pag-aresto sa nagwawalang dayuhan.

 

Please follow and like us:
Read More

2 CHINESE HULI SA SEX DEN; 6 VIETNAMESE ‘SEX WORKERS’ NASAGIP

(NI KOI HIPOLITO)

NASAGIP ng pinagsanib na elemento ng Regional Special Operations Unit (RSOU), Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD), Regional Intelligence Group (RID) ng National Capital Region Police Office at ng Makati City Police Station, ang anim na turistang Vietnamese national na iligal na nagtatrabaho bilang umano’y sex workers  habang arestado naman ang dalawang Chinese national na nagpapatakbo ng prostitution den, bandang alas-10:00 ng gabi nitong Miyerkoles, sa Avida Astern Tower 2, Malugay St., Brgy. San Antonio, Makati City.

Nakilala ang dalawang suspek na tumatayong mga ‘Mama Sang’ o namamahala sa lugar na sina Kuang Meiting at Li Xuemei habang ang mga babaeng narescue ay sina Nguyen Thi Thuy Trang, Nguyen Thi Thruc Ly, Vo Thi Ngoc Tu, Nguyen Thi Diem Phoung, Nguyen Thi Trang at si Nguyen Thi Tham.

Narekober sa lugar na ginagawang prostitution den ang mga kahon ng condom, siyam na piraso ng cellular phones, isang laptop, walong passports, mga QR codes at  pera na mga hinihinalang kinita sa nasabing iligal na aktibidades.

Base sa panayam ng media kay NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar, isang confidential informant ang nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa nagaganap na prostitusyon sa nasabing lugar na agad naman inimbestigahan ng mga otoridad at nang magpositibo ay kanilang isinagawa ang isang entrapment operations sa lugar.

Dagdag pa ni Eleazar na ang mga nasagip na mga kababaihan ay pawang mga nagdeklarang mga turista na at karamihan umano ng mga turistang nagtatrabaho dito ay kinabibilangan ng mga Malaysian, Chinese at Vietnamese sa pamamagitan umano ng isang application sa internet.

Nakikita ang mga babae na nagtatrabaho dito bilang mga sex workers.

Mahaharap ngayon ang dalawang Chinese national sa mga kasong Anti-Human Trafficking at Prostitution habang ang mga nasagip ay dadalhin sa tanggapan ng Bureau of Immigration para sa deportation process.

 

Please follow and like us:
Read More

4 CHINESE, VIETNAMESE, PINOY, LAGLAG SA KIDNAPPING

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

KASONG kidnapping at serious illegal detention ang kinakaharap ng apat na Chinese national, isang Vietnamese at isang  Filipino matapos bitbitin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Muntinlupa City, iniulat kahapon.

Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang mga nadakip na suspek na sina Tan Xiaguang, Zheng Jia Lei ;  Su Zhiwei at Jian Zhou pawang mga Chinese national ; Tran Bui Thu Thuy, isang Vietnamese at ang Filipino na si Virgilio Cuyugan San Juan.
Nabatid sa report ng NBI, nag-ugat sa pagkakadakip ng mga suspek sa tulong ng head security ng Alabang Village sa Muntinlupa City, noong Agosto 5, 2019 kung saan isang biktima ng pagdukot ang natagpuan sa loob ng village.
Ayon sa biktima na nagtratrabaho bilang electrician sa isang Chinese employeer sa isang online company, kinidnap  sila ng mga Chinese national matapos na paghinalaang nagsumbong sila sa mga pulis kaugnay sa illegal activities ng kanilang employer.

Sa salaysay pa ng biktima, galing sila ng Clark, Pampanga at  pauwi na ng bahay nang posasan sila ng kanyang misis at ikinukong ng 10 araw saka tinortyur.

Inilipat din sila sa isang bahay sa 311 Cadena de Amor  St., Ayala , Alabang Village kung saan nagawang alertuhin ang kapitbahay sa pamamagitan ng paghagis ng papel na may mensahe.

 

Please follow and like us:
Read More

5 VIETNAMESE HULI SA ITINAGONG AGARWOOD

(NI AMIHAN SABILLO)

DINAKIP ng Butuan Police ang limang banyaga sa magkahiwalay na operasyon ng PNP dahil sa pag iingat ng Agarwood o endangered na klase ng puno sa Butuan City.

Kinilala ni Police Brigadier General Gilberto Cruz, Police Regional Office 13 director, unang naaresto ang tatlong Vietnamese Miyerkoles ng gabi na sina Nguyên Thi Chung, 40; Diêl Thi Bích Hòa, 45; Vū Vãn Trang, 34,

Nadakip ang tatlo sa entrance na bahagi ng isang hotel matapos mainspeksyon ang kanilang bag na naglalaman ng 2 kilo ng Agarwood at halos P2 millyon.

Sa follow up operation naman ngayong Huwebes ng alas-5:00 ng madaling araw, nahuli ang dalawa  pang Vietnamese na sina Tu Quoc Vu, 35; at To Tien Phat, 22, sa Butuan City Airport kung saan nakuhanan sila ng 20 kilo ng Agarwood at P4 milyong cash.

Base sa report ng PRO 13, iligal na nanguha ng agarwood ang mga dayuhan sa Agusan del sur at Surigao Del sur para ibenta at gawing pabango ito sa ibang bansa.

Mahaharap ang limang dayuhan sa paglabag sa Section 68 ng Presidential Decree 705 o revised forestry code of the Philippines.

Please follow and like us:
Read More