LALAKI NABUNDOL NG KOTSE NG PARI, PATAY 

accident12

(NI KIKO CUETO)

NEGROS OCCIDENTAL — Patay ang isang lalaki nang mabundol ng sasakyan na minamaneho ng isang pari sa Valladolid, Mabini Highway, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Fidel Mahusay, 56.

Sa imbestigasyon, sinasabing tumatawid ang biktima nang mabangga ng kotse, pasado alas-8 ng gabi.

Sinubukan umanong umilag ng pari ngunit umatras si Mahusay kaya nabangga pa rin ito.

Sumuko ang pari sa Bacolod City Police Office. Handa itong tumulong sa pamilya ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

PRENO ‘DI KUMAGAT: TEACHER PATAY, 2 KRITIKAL SA JEEP

accident121

(NI JULIE DUIGAN)

PATAY ang isang hindi muna tinukoy na teacher, habang dalawa ang nasa malubhang kalagayan , makaraang mabundol ng pampasaherong jeep , nitong Lunes sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at  Pureza St. Sta. Mesa, Manila.

Dahil dito, nahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide at  reckless imprudence resulting to double serious Physical Injuries at nakapiit ang driver na si Fernando Florida.

Sinabi nito na nawalan siya ng preno at nadale  rin matapos masalpok ng motorsiklo ang closed van na  minamaneho  ni John Lee Espiritu.

Kaugnay nito, aalamin naman ni Master Sgt. Mark Anthony Ramirez, may hawak ng kaso, ang pangalan ng dalawa pang nasa malubhang kalagayan sa pinagdalhang pagamutan.

 

Please follow and like us:
Read More

KARAMBOLA NG 10  SASAKYAN, ISA  ANG PATAY

accident123

(TEKSTO/PHOTO BY NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang babae matapos araruhin ang tricycle na sinasakyan nito ng isang ten-wheeler cargo truck na nawalan ng preno at walo pang sasakyan sa President J.P. Laurel highway sa Lipa City, Sabado ng umaga.

Kinilala ng Lipa City police ang biktima na si Jocelyn Aguila na nasawi noon din matapos pumailalim sa truck at makaladkad pa ng ilang metro.

Batay sa imbestigasyon, patungo sa direksyon ng Lipa City galing direksyon ng San Jose  ang siyam na nasa unahang  sasakyan nang mawalan ng preno ang nasa hulihang truck na may plate number TDN 780 sa may bahagi ng Barangay Tambo, dakong alas 9:00 ng umaga.

Tumilapon ang biktima matapos salpukin ng rumaragasang truck ang sinasakyan nitong tricycle.

Sinagasa pa ng truck ang walo pang sasakyan na kinabibilangan ng mga kotse, ilang van at pick-up na lahat ay nagtamo ng pinsala.

Naaresto naman ng mga pulis ang driver ng truck na si Dindo Organo na nakakulong na sa Lipa City police  station at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple damage to properties.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MOTOR SUMALPOK SA JEEP; BARIL, BALA, SHABU BUKING

bala12

(TEKSTO/ PHOTO BY NI JAY-CZAR LA TORRE)

ZAMBALES- Sumambulat sa kalsada ang isang baril na kargado ng mga bala at isang ‘coin purse’ matapos sumalpok ang isang lalaking nagmamaneho ng motor sa isang pampasadang jeep sa kahabaan ng National Highway sa Bayan ng Subic

Ayon sa pulisya dakong alas-8:30 ng umaga nitong Martes nang isang driver ng pampublikong sasakyan ang nagtungo sa Subic Municipal Police Station upang i-report ang banggaan na nagpakilalang si Esmeraldo Agustin Recio, 53. Bitbit nito ang 9 mm. calibre pistol na ayon sa kanya ay humagis mula sa isang lalaking naka single na motorsiklo na bumangga sa kanyang minamanehong sasakyan.

Ayon pa kay Recio, sugatan ang naturang lalaki na binabantayan ng mga tanod ng Barangay Mangan-Vaca na nagkataong nakadestino sa lugar.
Agad naman rumisponde ang mga pulis na tinawagan ang SPOSO rescue team sa naturang bayan upang mabigyan ng paunang lunas ang sugatang driver na nakikalang si John Carlo Maigue , 22, residente ng Barangay Calapacuan.

Sinabi ni PCI Jude Bryan Maguddayao, hepe sa naturang istasyon, nakakitaan din umano ng isang itim na ‘coin purse’ si Maigue na naglalaman ng aabot sa 15 gramo ng shabu.

Aminado naman ni Maigue na sa kanya nga nakuha subalit itinangging sya ang nagmamay-ari ng mga ito sapagkat ayon sa kanya ay napag-utusan lamang sya na dalhin ang baril at droga sa isang tao sa karatig na bayan.

Napag-alamang dati na nakulong si Maigue sa kasong may kinalaman din droga at Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan ng ito’y lumaya.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 at Omnibus Election Code at reckless imprudence resulting to damage of property ang arestadong suspek.

Please follow and like us:
Read More