SCHOOL SA ZAMBO PINASABOG; VCM NASUNOG

zamboangadel sur12

(NI JG TUMBADO)

NIYANIG ng isang malakas na pagsabog ang paaralan sa Zamboanga del Sur na nagresulta sa pagkasunog naman ng isang unit ng Vote Counting Machine (VCM) na nagamit nitong eleksyon noong Lunes.

Nagulantang ang mga residente na naninirahan malapit sa San Pablo Central Elementary School kung saan sinasabing nagmula ang malakas na pagsabog nitong gabi ng Miyerkoles.

Nabatid kay Police Maj. Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, ang pagsabog ay nasundan ng sunog dahilan para matupok ang isa sa siyam na VCM na nakaimbak sa silid-aralan.

Hindi naman napinsala ang iba pang gamit.

Nilinaw naman ni Galvez na ang mga VCM at gamit na nasa silid-aralan ay pawang depektibo at hindi gumana noong nakaraang eleksyon.

Agad din namang naapula ang sunog makalipas ang 10 minuto.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

2 SUSPEK SA PAGSUNOG NG COUNTING MACHINE LAGLAG

vcmsuspect12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAARESTO na ng mga awtoridad nitong Martes ng gabi ang dalawang suspek na nanunog ng vote counting machine at mga election paraphernalia sa Jones, Isabela.

Kinilala ni Cagayan Police Regional Office spokesperson Lieutenant Colonel Chevalier Iringan ang dalawang nadakip na sina Jayson Leaño at Rodel Pascual, kapwa nakatira sa Brgy. Sta Isabel sa bayan ng Jones.

Unang naaresto si Pascual sa isang hot pursuit operations bandang alas-10:30 sa Barangay Diarao habang si Leaño naman ay kusang sumuko sa barangay captain ng kanilang barangay ganap na alas-9:30 ng umaga nitong Miyerkoles.

Ayon sa mga umarestong pulis, ang dalawang suspek ay positibong kinilala ng mga nakasaksi sa insidente ng panununog.

Matatandaan na noong Martes ng umaga, ganap na alas-6:20, hinarang ng mga armadong lalaki ang isang dump truck at saka ipinababa ang lulan nitong VCM at mga election paraphernalia sa grupo ng mga Board of Election Inspectors (BEI) na silang maghahatid sana sa sinunog na VCM sa municipal hall ng Jones.

Ang sinunog na VCM ay may lamang 200 mga balota na hindi pa nabibilang mula sa mga polling precinct ng Barangay Dicamay 1 at 2.

Isinailalim ng pulisya sa kaukulang interogasyon ang mga nahuling suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

COMELEC VOTE COUNTING MACHINE  SINUNOG

vcm isabela12

(NI JESSE KABEL)

SINILABAN ng mga  hindi pa nakilalang armadong kalalakihan  ang isang vote counting machine (VCM) at iba pang election paraphernalia sa bayan ng Jones, Isabela, itinuturing na isang hotspot ng Philippine Army at Philippine National Police sa Region 2.

Sa inisyal na ulat mula sa Police Regional Office-2 (PRO-2), bandang alas 6:20 Martes ng umaga ay ihahatid ng mga miyembro ng board of election inspectors ang VCM at election paraphernalia sa municipality ng Jones nang bigla silang harangin ng mga armadong suspek .

Pinababa umano ng mga suspek ang mga BEI na sakay ng isang dump truck at ipinasuko ang VCM  saka sinilaban ng dalawang lalaki ang mga ito.

Ang sinunog na VCM at election paraphernalia ay mula sa polling precinct numbers 0037A, 0037B, 0038A, 0038B at 0038P1 mula sa Barangay Dicamay I at polling precinct number 0039A, 0039B, 0039C, 0040 A 0040B at 0040P1 na mula naman sa Barangay Dicamay II.

Ang Jones ay binubuo ng  42 barangays na may  30,263 registered voters at  762 ng mga botante ay mula sa  Dicamay I.

Ayon kay election officer Darius Perdines  nahirapang mag-transmit ng resulta ng botohan ang mga barangay ng Dicamay I at Dicamay II dahil sa mahinang internet signal.

Dalawang babae ang naglalaban para sa  mayoralty post sa bayan ng Jones na  sina incumbent mayor Leticia Sebastian at ang  businesswoman na si Melanie Uy.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng military at pulis sa  insidente.

Please follow and like us:
Read More