SUV VS MOTORSIKLO: 9 SUGATAN

(NI DONDON DINOY)

MAGSAYSAY, Davao del Sur– Dalawang drayber at pitong pasahero ang sugatan sa banggaan ng isang sports utility vehicle (SUV) at motorsiklo sa Magsaysay- Bansalan Provincial Road sa Brgy Dalawinon, Magsaysay, Davao del Sur, alas 6:40 ng umaga, Martes, December 10, 2019.

Ayon sa ulat ng Magsaysay Police Station, isang sports utility vehicle (SUV) Ford Everest na may plate number ZLU 972, kulay silver na minamaneho ni Mark Aton Tilap, residente sa Brgy. Poblacion.

Wala umanong lisensya na minaneho nito ang SUV habang sakay sina Marsha Tilap, 30; Adrea Aton, babae, 11; James Tilap, 13; Gina Aton, 50; Dwaine Mark Tilap, isang taon; at Annamae Gillarte, 32, ng Brgy. Poblacion.

Habang ang isang motorsiklo na may pangalangang motoposh ay minamaneho ni Victorino Regala Pajel,  43, at sakay ang anak na si Melvin Pajel, 16-anyos, residente sa Brgy. New Ilocos ng lugar.

Sa imbestigasyon ni Police Master Sgt. Ramil Locostales, traffic in-charge, ang nasabing motorsiklo ay naglalakbay galing Magsaysay Davao del Sur papuntang Bansalan Davao del Sur samantala ang Ford Everest naman ay galing sa Bansalan Davao del Sur papuntang Magsaysay Davao del Sur ng biglang nagpalit ng direksiyon ang Ford Everest na naging dahilan upang masalpok ang motorsiklo at dumeretso sa isang puno.

Nagtamo ng grabeng pinsala ang mga biktima. Agad dinala sa Viacrusis Hospital, sa Bansalan Davao del Sur para magamot ang mga biktima kung saan kritikal ang dalawang drayber.

 

Please follow and like us:
Read More

VAN NAHULOG SA ILOG, FOREIGNER TODAS, MISIS SUGATAN

(NI NILOU DEL CARMEN)

NAMATAY ang isang 65-anyos na dayuhan nang ang minamaneho nitong van ay mahulog sa ilog sa Alaminos, Laguna Sabado ng hapon.

Kinilala ng Alaminos police ang namatay na si Dirk Francois, Belgian national at naninirahan sa Bay, Laguna.

Ginagamot naman sa San Pablo City Medical Center ang misis nito na si Babyliza Fancois.

Batay sa report, minamaneho ng biktima ang Delica van sa Calabarzon road patungo sa direksyon ng Lipa City nang pagsapit sa tulay sa Barangay San Miguel ay mapadaan ang sasakyan sa hindi pantay na shoulder ng kalsada.

Nawalan ng kontrol sa sasakyan ang biktima at sumalpok pa ito sa puno bago tuluyang nahulog sa may kalalimang talampas patungo sa ilog.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idIneklara na itong dead on arrival ng doktor.

Sugatan namang dinala sa ospital ang ginang na nagtamo rin ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS ITINUMBA PAGBABA NG PAMPASAHERONG VAN 

crime43

(NI ANNIE PINEDA)

DUGUAN na bumulagta ang isang misis nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek pagkababa mismo sa sinakyan nitong pampasaherong van, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Surigao del Sur.

Kinilala ang biktimang si Analyn Surita Dahunog, 36, ng P-7, Brgy. Quirino, Madrid, Surigao del Sur.

Batay sa report ng Madrid Municipal Police Station, naganap ang insidente malapit lamang sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, galing Tandag City ang biktima at sumakay ito ng pampasaherong van pauwi at pagkababa nito agad siyang nilapitan ng suspek at binaril ng dalawang beses na agad nitong ikinamatay.

Mabilis naman tumakas ang suspek at kasama nito na nagsilbing look-out ilang metro lamang ang layo sa pinangyarihan.

Paniwala ng mga awtoridad, matagal nang sinusubaybayan ng mga mag suspek ang biktima hanggang magkaroon ang mga ito ng pagkakataon at naisagawa ang pagpatay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

MAG-AMA SA MOTORSIKLO NABANGGA; TATAY PATAY

motoraccident12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NAKAYAKAP pa ang  ama  sa kanyang  3-anyos na anak nang nalagutan ng hininga na kapwa nakaangkas sa motorisklo nang banggain at kaladkarin ng isang Pick-up sa Dasmarinas City, Cavite.

Namatay noon din si Archie Cataluna, 34,  ng Pasong Kawayan II, Gen Trias City, Cavite habang isinugod sa ospital ang 3-anyos na anak nito na si Ragnar Cataluna at driver ng motorsiklo na si Joel Joven, 38 ng Block 104 Lot 17, Mary Chris Complex, Pascam Gen Trias City, Cavite.

Hawak naman na ng pulisya ang driver ng Nissan Navara Pick-up na si Maria Victoria Sabino, 48 ng Block 49 Lot 18 P1A, Mero Gate Silang Estate, Silang, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Donato Almenario, ng Dasmarinas City Police Station, kapwa angkas ang mag-amang Cataluna sa minamanehong motorsiklong Yamaha Mio ni Joven habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway patungo sa direksiyon ng Tagaytay City dakong alas-11:15, Martes ng gabi.

Pagsapit sa gasoline station sa Brgy Sampaloc 2, Dasmarinas City, Cavite nang tumbukin ang likurang bahagi ng sinasakyang motorsiklo ng isang Nissan Navara Pick-up na may plakang NCM 8338 na minamaneho ni Sabino na kasunod nito patungo rin sa nasabing direksiyon.

Nang mabangga, nakaladkad pa ng ilang metro ang nasabing motorsiklo kung saan agad na namatay si Archie na nasa likurang bahagi ng motorsiklo.

Masuwerte namang nakaligtas ang anak ng biktima, bagama’t bali umano ang katawan nito, ayon sa imbestigador na si Almenario.

Ayon pa kay Almenario, pawang walang mga suot na helmet ang tatlo nang naganap ang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

VAN SUMALPOK SA BAHAY: TITSER PATAY, 4 SUGATAN

accident12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang guro habang sugatan naman ang apat na iba pa, kabilang ang drayber, matapos bumangga ang pampasaherong van sa isang bahay pahingahan sa National Highway Barangay Dalingaoen sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Leonila Salang Fernandez, guro ng isang paaralan sa Cotabato City at residente ng Amhersia St. NovaTierra Village Lanang Davao City, habang ang nasugatan ay sina Juvil Hermosura, ng Surallah South Cotabato, Czyrie Jade Cariaso na taga Upi Maguindanao, Kamesa Pananggilan, ng Kabuntalan, Maguindanao.

Ayon kay Police Staff Sergeant Ibrahim Langaban Mandas, traffic investigator ng Pikit PNP, alas 3:00 ng madaling araw ng Martes habang binabaybay ng Toyota van  na inamaneho ni  Celso Geromo Gerago Jr ang national highway galing Davao City at patungo sana sa Cotabato City.

Nang pagsapit sa lugar, iniwasan ng drayber ang tumatawid na aso hanggang sa nawalan siya ng kontrol at bumangga sa bahay pahingahan o purok sa lugar.

Dahil sa lakas ng impact, patay ang guro na papunta na sana ng kanilang paaralan at ikinasugat ng apat na iba pang pasahero.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

81-ANYOS KUBRADOR NG STL PATAY SA VAN

accident12

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Todas ang isang 81-anyos na lalaking kubrador ng Small Town Lottery (STL) matapos aksidenteng mabangga ng humaharurot na van sa Maharlika Highway sakop ng bayan ng Atimonan, sa lalawigang ito noong Lunes.

Sa report ng Atimonan police station, kinilala ang biktima na si Rolando Montejo Sr., residente ng Barangay Tagbakin.

Tumatawid ang biktima sa highway sakop ng nasabing barangay, bandang alas-6:20 ng gabi habang nangongolekta ng taya sa STL nang salpukin ito ng humahagibis na Toyota Hi-ace Commuter van na minamaneho ni Robert Dosdo, 42.

Tumilapon ang biktima sa lakas ng pagkakabangga at nagtamo ito ng grabeng pinsala sa katawan.

Isinugod sa Doña Marta Hospital sa kabayanan ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay sanhi ng malubhang kalagayan.

Nakakulong ang tsuper ng van sa Atimonan police jail.

 

Please follow and like us:
Read More

2 LALAKI NIRATRAT SA VAN

CRIME12

(NI NILOU DEL CARMEN)

KRITIKAL ang  dalawang lalaki matapos nang pagbabarilin habang sakay sa isang  van sa Barangay Pinamucan Proper, Batangas City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronnie Sauro Jr., 27, machine operator at residente ng Brgy. Natunuan North, bayan ng San Pascual  at Angelito Saes, 41, driver, ng Barangay Simlong, Batangas City.

Ayon sa imbestigador ng Batangas City Police, sakay sa Toyota hiace ang mga biktima na minamaneho  at  patungong Barangay Simlong nang biglang pinaulanan ng bala ng suspek na sakay din ng isang hindi nakilalang sasakyan.

Natadtad ng bala ang kaliwang bahagi ng van.

Target umano ng hindi pa nakikilalang suspek ang driver na si Saes na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadamay din ang katabi nito na si Sauro na nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan.

Blangko pa ng pulisya sa motibo sa pamamaril at kung sino ang mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-INA PISAK SA PICK-UP TRUCK

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

PISAK ang mag-ina makaraan mabangga ang mga ito ng humaharurot na pick-up truck nang pumutok ang gulong ng traysikel na kanilang sinasakyan, sa Koronadal City.

Kinilala ang mga namatay na sina Lucita Etchona, 75, at anak nitong si Ronnie, 35, kritikal naman ang 5-anyos na bata, habang sugatan ang pitong iba pa, at pawang residente ng Bgy. Paraiso, Koronadal City.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng trak na kinilalang si Ennis Cris Yap.

Batay sa report ng Koronadal Police Station, dakong alas 9:00 ng umaga ng Huwebes nang maganap ang insidente sa Purok Mesias, Barangay Paraiso, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasypn, sakay ng isang tricycle na minamaneho ni Reminito Diego Jr. at papunta sa bayan ng Norala, nang pumutok ang unahang gulong ng tricycle, dahilan para mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Napalipat sa kabilang lane ang tricycle at saktong nahagip pick-up truck na minamaneho ni Yap.

Sa bilis ng pangyayari hindi na nito naiwasan pang tricycle kaya nasalpok ang mga biktima.

Dinala naman sa ospital ang mga biktima pero nalagutan ng hininga ang mag-inang Etchona.

Please follow and like us:
Read More

MISIS PATAY, 1 KRITIKAL SA VAN

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang misis ang ginawa nitong pagbabantay sa inuman sa kanyang mister ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan makaraan mahagip ito ng humaharurot na van habang nakaupo sa nakaparadang motorsiklo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Negros Oriental.

Kinilala ang biktimang si Connie Gulay, 35, ng Purok 4, Barangay Cangmating, Sibulan, Negros Oriental.

Sugatan naman ang isang Reggie Eullaran, 31, kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at driver ng van na kinilalang si Ronelo Sayson.

Batay sa report ng pulisya, Sabado ng gabi nang maganap ang insidente sa tabing kalsada sa Sibulan Negros Oriental.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakaupo lamang ang biktima sa nakaparadang motorsiklo habang hinihintay ang asawa nitong nakikipag-inuman nang bigla na lamang siyang mahagip ni Sayson at Eullaran.

Sa lakas ng pagkakasalpok, bumagsak si Gulay sa sementadong kalsada at tumama ang ulo habang sugatan si Eullaran.

Kaagad naman dinala sa Negros Oriental Provincial Hospital ang mga biktima pero nalagutan ng hininga si Gulay, Linggo, alas 2:00 ng madaling araw habang patuloy na ginagamot sa ospital si Eullaran.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries si Sayson.

 

Please follow and like us:
Read More

10 SUGATAN SA BANGGAAN NG TREN, VAN

(NI CYRILL QUILO)

CALAMBA, Laguna- Isang van ang sumalpok sa rumaragasa tren ng PNR sa Purok 6 ,Brgy. Rd Parian, Calamba, Laguna, ngayong Martes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PolLt. Col. Jac Malinao, bandang alas 4:50 ng madaling araw patungong Tutuban Maynila ang tren ng Philippine National Railways PNR nang tumawid ang puting van lulan ang driver na si Jourdan Charlie Lunaria, 31, ng JP Rizal St. Victoria, Laguna at Miguel Aguilar, 22, ng Brgy. Looc Calamba City.

Nahagip ang kaliwang bahagi ng van na tutungo sa Brgy. Parian. Sumalpok ito sa rumaragasang tren saka tumama sa ilang kabahayan nina Albert Bunagwa, Mark Lester Ricafranca at Jennielyn Leonen.

Damay din sa banggaan ang isang tricycle ni Gloria Villanueva.

Samantala, sugatan naman ang apat pang residenteng sina Nilda Leonen,Lea  Chavez,Lorena Tiamzon at Jan Aireel Manood.

Sa pangunguna ni Jeffrey Rodriguez, ng Public Order and Safety Office (POSO) dinala ang lahat ng mga sugatan sa JP Rizal Memorial Hospital upang lapatan ng lunas.

Please follow and like us:
Read More

2-ANYOS BABY TUMAWID SA KALSADA, PATAY SA VAN

accident12

(NI KOI HIPOLITO)

DEAD on arrival sa Taguig District Hospital ang biktimang dalawang taon gulang na batang babae matapos magulungan ng isang SUV, Lunes ng hapon sa Mindanao Avenue, Brgy. Maharlika, Taguig City.

Nakilala ang biktima na si Monaira Sabaan, ng Blk.15 Lot 10 sa nasabing lugar, habang ang suspek na driver ay nakilala lamang na si Charlie Mapandi.

Base sa inisyal na imbestigasyon binabagtas ng suspek ang matarik na bahagi ng Mindanao Aveneue nang hindi mapansin ng suspek na gumagapang patawid ang batang biktima na kanyang aksidenteng nagulungan. Mabilis naman isinugod ng kanyang mga magulang sa pagamutan ang biktima subalit namatay din.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homecide.

 

Please follow and like us:
Read More

2 NIRATRAT SA VAN

CRIME12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nitong nagmamaneho sa van matapos pagbabarilin habang tumatakbo  sa national highway, Pagsanjan, Laguna Lunes ng hapon.

Dead on arrival sa Pagsanjan Medical Center ang biktimang si Jojo Perez samantalang ginagamot pa si Wenny Bautista.

Ayon sa report ng Pagsanjan police, kapwa nakasakay  ang dalawa sa itim na Innova van  mula sa bayan ng Sta Cruz, nang pagsapit sa Barangay Biñan ay biglang tumapat ang mga naka-motorsiklong suspek sa kanang bahagi ng sasakyan.

Pinaulanan ng mga ito ng bala ang nakaupo sa passenger seat na si Perez.

Nahagip naman ng mga bala ang nagmamanehong si Bautista.

Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at ang impormasyon na ang biktimang si  Perez ay sangkot sa iligal na droga sa Pagsanjan at mga karatig bayan.

 

Please follow and like us:
Read More

5-ANYOS PISAK SA VAN

crime08

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG limang taong gulang na batang babae ang naging kalunos -lunos ang katapusan matapos madurog ang ulo nito nang magulungan ng van sa Lungsod ng Caloocan Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap umanong alas – 5:00 pasado ng hapon nang maganap ang insidente sa parking lot ng Macropoint International Sales Corporation na matatagpuan sa kahabaan ng Tanigue Street, Samantad Compound, Barangay 14 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong naglalaro sa gilid na bahagi ng parking lot ang biktimang si Althea Joy Saniel, limang taong gulang ng Block 4, Lot 13 ng nasabi ring lugar nang dumating ang paparada noong isang Isuzu Aluminum Van na may plakang UOF 565 at hindi mapansin ng driver nitong si Alos Cesar Garana, 58, ng Block 1, na naglalaro sa kanyang paparadahan ang biktima kaya’t tuloy -tuloy lang ito hanggang sa masagi na nga at tila ba hinigop ang paslit sa pailalim ng nasabing sasakyan.

Tuloy -tuloy lang ang pagandar ng nasabing van hanggang sa tuluyan nang magulungan ng hulihang gulong nito ang ulo ng biktima na ikinadurog nito at agaran niyang ikinasawi, hindi rin naman tumakas at kusang sumama sa mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na rin ng Caloocan City Police detention facility at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Please follow and like us:
Read More

ENGINEER PINATAY SA VAN

crime

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Sa ospital na binawian nang buhay ang isang empleyado ng Pagalungan LGU matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng commuter van na bumabaybay sa  national highway ng Davao-Cotabato road, Barangay Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao.

Kinilala ang biktima na si Engr. Mustapha Andoy Abdullah, 45, at nakatira sa Poblacion, Pagalungan, ng nasabing lalawigan at kawani ng Municipal Planning and Development Office ng LGU.

Ayon kay Kapitan Kadjack Andoy, kapatid ng biktima, pauwi na sana sa nirerentahan nitong boarding house sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, ang kanyang kapatid sakay ng pampasaherong van nang sumabay sa pagsakay ang gunman, pasado alas 3:00 ng hapon nitong Martes.

Ayon kay Police Chief Inspector Erwin Tabora, hepe ng Datu Montawal, Maguindanao, pagdating sa nasabing barangay, nag utos ang suspek na ihinto ang sasakyan at agad itong bumaba. Dito na pinagbabaril ang biktima gamit ang caliber 45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang suspek  lulan ng motorsiklo patungong Pikit Cotabato.

Ayon sa kapitan, nakatanggap na ng banta sa buhay ang kanilang pamilya.

Pulitika ang isa sa mga sinusundang anggulo ng pulisya sa insidente.

Please follow and like us:
Read More