ELECTRICIAN PATAY SA KURYENTE

electrocution

(NI FRANCIS SORIANO) PATAY noon din ang isang electrician makaraang makuryente habang nagpapalit ng ilaw sa kisame sa Mang Inasal sa Valenzuela City, nitong Huwebes. Kinilala Valenzuela City Police Chief Col. Carlito Gaces, ang biktima na si Edito Demate, 48, ng Purok 4, Anonas St. Angeles Pampanga City. Ayon kay Gaces, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa naturang restaurant na nasa Ground Floor ng Happy Go Shopping Mall sa lbaba St. Bignay, habang nagpapalit ng ilaw ang biktima sa kisame. Mabilis naman isinugod sa Valenzuela Emergency Hospital subalit, hindi…

Read More

HELPER ARESTADO SA RAPE NG TOTOY

(Ni FRANCIS SORIANO) ARESTADO ang isang 30-anyos na helper matapos nitong halayin ang 15-anyos na anak ng kanyang amo sa Valenzuela City, Martes ng gabi. Kinilala ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Carlito Gaces, ang suspek na naaresto na si Arthur Jabonete, 30, stay-in helper habang ang biktimang ay isang Grade 8 at kapwa ng Sitio Kabatuhan, Gen. T. De Leon. Ayon sa ulat,  dakong alas-11, dumating ng kanilang bahay ang biktima at nagtuloy kaagad sa kanyang silid subalit lingid sa kaalaman ng binatilyo, sinundan siya ng suspek at pumasok din sa kanyang silid bago isinara…

Read More

BINTI, PAA NG TAO LUMUTANG SA ILOG

(NI GUILLERMO OCTAVIO) IPINALALAGAY ng pulisya na anumang oras ay may matagpuang  mga parte ng katawan ng tao matapos lumutang sa Tullahan River sa Malabon City ang binti at paa ng pinagpira-pirasong katawan ng tao. Ayon sa pulisya, walong pulgada ang haba ng natagpuang paa sa bahagi ng ilog na sakop ng Barangay Tinajeros, at ang karugtong na binti ay may sukat namang 18 pulgada. Kasamang lumutang ng mga basura sa ilog ang binti at paa. Hindi pa batid kung sa lalaki o sa babae ang mga ito. Ayon sa Malabon Police,…

Read More

‘SESYON’ SA KOTSE, 2 TIMBOG

(NI FRANCIS SORIANO) HIMAS- rehas ngayon ang dalawa katao, matapos maaresto ng mga nagpapatrulyang awtoridad na humihithit ng marijuana sa loob ng kanilang sasakyan sa Valenzuela City, nitong Miyerkoles. Kinilala ni Valenzuela City Police Chief PCOL Carlito Gaces, ang mga naarestong suspek  na sina Vel Christian Mayor, 31, businessman at  Mark Kevin Balatbat, 29, kapwa residente ng Doon St., Brgy. Maysan. Ayon sa ulat ni PCMS Restie Mables, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek nang mga nagpapatrulyang tauhan ng PCP-10 nang maaktuhan humihithit umani ng hinihinalang marijuana sa…

Read More

84-ANYOS PEKENG COLONEL, ARESTADO SA BARIL, BALA

(NI GUILLERMO OCTAVIO) Sa kulungan humantong ang isang 84-anyos na nagpakilalang colonel sa Valenzuela City nang mahulihan ng mga hindi lisensyadong baril. Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang mga pulis sa Don Cecilio J. Santos St., Karuhatan, Valenzuela City nang maispatan si Emerenciano Castro,  ng Capt. Cruz St., Barangay Parada na nakasuot ng camouflage jacket na may markang ‘Pulis’  sa likod at ‘Col. EA Castro’ sa harap habang may naka-holster na baril sa baywang. Nang hingan ng dokumento para sa kanyang armas ay nagpakilala ang suspek na isa siyang retiradong police…

Read More

TRIP NG LASING; 15-ANYOS HINAMBALOS SA ULO

arrested12

(NI CHERK BALAGTAS) TRAUMA ang inabot ng isang 15-anyos na binatilyo matapos siyang paghahampasin sa ulo nang walang dahilan ng nakasalubong na lasing na lalaki sa Lungsod ng Valenzuela, Sabado ng hapon. Sa ulat ng Valenzuela City Police -Women and Children Protection Desk (WCPD), bandang alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng F. Bautista, Barangay Marulas ng nasabing lungsod. Naglalakad papunta sa bahay ng kanyang kaibigan ang biktimang itinago sa pangalang Aldrin, nang makasalubong ang lango sa alak na suspek na si Jolan Daza, 34, ng nasabi…

Read More

LIVE SEX SA INUMAN

(NI GUILLERMO OCTAVIO) NANOOD lamang ang dalawang kaibigan ng isang 14-anyos na dalagita habang ginagahasa ito ng isa nilang kainuman sa Valenzuela City. Dala ng kalasingan ay hindi na nakapanlaban ang biktimang itinago sa pangalang “Gretchen” habang ginagahasa ni Marc Jayson Basco, 21, ng Brgy Maysan, at habang hinahalay ni Basco si Gretchen ay nanood lamang at patuloy na nag-inuman sina Jayson Galoso, 21; at Raul Aniban, 31. Alas-5:00 ng hapon ay nagpaalam si ‘Gretchen’ na pupunta sa bahay ng kaibigang si Ronna kung saan dinatnan nito ang mga kaibigan…

Read More

PABRIKA NG PAPEL NASUNOG

(NI ALAIN AJERO/PHOTO BY AJ GOLEZ) NASUNOG ang pabrika ng papel sa Valenzuela City, madaling araw ng Biyernes. Bandang alas-5 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy at agad na kumalat dahil sa materyales na nasa loob ng pabrika sa Dizon compound, Maysan Road, Valenzuela City. Ayon sa mga empleyado ng pabrika, nakarinig sila ng pagputok at kasunod ay naglagablab na ang establisimyento. Dakong alas-6 ng umaga ay iniangat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod ang ikatlong alarma. Walang naiulat na nasaktan sa insidente at kasalukuyan pang inaaalam…

Read More

‘DI KINAYANG MAWALA SI MAHAL

suicide12

(NI FRANCIS SORIANO) TILA ending sa pelikula nagtapos ang buhay ng isang 22-anyos na lover boy, makaraan nitong wakasan ang kanyang buhay gamit ang piraso ng tela sa pagbibigti matapos tapusin na ng relasyon ang kanilang pag-ibig noong Biyernes ng gabi, sa Valenzuela City. Kinilala ni PCOL Carlito Gaces, hepe ng Valenzuela City Police Station ang biktima  na si Johnbert Antolin, residente sa 5030 Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon. Ayon kay Gaces, natagpuan umano ang biktima ng kanyang trabahong si Mark Joshua Tioxon, 23, na nakasabit sa kanyang kuwarto gamit ang piraso ng…

Read More

COED, NI-RAPE NG BUYER NG CELLPHONE

(NI CHERK BALAGTAS) ISANG babaeng college student na nagbebenta ng cellphone ang ginahasa ng kanyang buyer matapos lansihin at madala sa bahay ng suspect sa Valenzuela City, nitong Linggo. Sa ulat ng Valenzuela City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), ganap umanong alas – 11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek na si Ricardo Garcia, alyas Bong, 52, may asawa at residente ng Declines Compound, Philippine Gun Club Street, Barangay Marulas. Bago ang insidente ay nakipagkita umano ang biktimang itinago sa pangalang Anette, 30, college…

Read More

3 TODAS SA SALPUKAN NG AMBULANSIYA, TRUCK

accident121

(NI GUILLERMO OCTAVIO) TODAS ang tatlong lulan ng ambulansiya ng Valenzuela City, kabilang ang itinatakbo sa pagamutan sa Ilocos para maoperahan, habang tatlo rin ang sugatan, nang sumalpok ang ambulansya sa isang truck sa highway na sakop ng Barangay Ili Norte, San Juan, La Union. Hindi na umabot na maoperahan si Jessie Acorda, 49,  ng Valenzuela City at kasama niyang namatay sina Cecilia Hufano, 54, ng Veinte Reales,Valenzuela City; at Samuel Hufano, 59, ng Barangay Pao, San Fernando City, La Union. Idineklarang dead-on-arrival sina Acorda at Cecilia Hufano sa Ilocos Training and…

Read More

PEKENG EMPLEYADO NG CITY HALL HULI SA KOTONG

valenzuela city12

(NI FRANCIS SORIANO) PATUNG-PATONG na kaso ngayon ang kakaharapin ng isang 41-anyos matapos itong maaresto ng Valenzuela City Police Station dahil sa pagpapangap at pangingikil sa mga negosyante, nitong Linggo. Kinilala ni P/Col. Carlito Gaces, hepe ng Valenzuela City Police Station ang naarestong suspek na si Ramil Coronel, 41, ng No. 1443 Saint Louis Compound 5, Brgy. Malinta. Ayon kay Gaces, unang nabiktima si Josephine Jerus Lladoc, 43, ng 2023 Apolonia St. Mapulang Lupa dahil sa hindi umano nito pag-renew ng business permit ng kanyang vulcanizing shop. Pagkatapos nito ay hiningian naman ng P15,000 si…

Read More

LOLO NABURYONG, SARILI SINAKSAK

crime34

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ISANG lalaking nawawala na umano sa sarili matapos makagat ng asong gala ang nagtangkang magpakamataay sa pamamagitan ng pagsasaksak sa sarili  sa Valenzuela City. Itinakbo sa Valenzuela City Medical Center ng kanyang apo si Ricardo Del Rosario, ng 585 Coloong St., ng lungsod matapos ang tangkang pagpapatiwakal ng biktima. Ayon sa apo ng biktima na si Joshua Bagas, 22, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang lola alas-8 ng gabi na nagsaksak ang kanyang lolo sa loob ng silid nito. Tinungo ni Bagas ang bahay ng lolo…

Read More

DEADMA SI BF; DALAGITA LUMAKLAK NG BLEACHING AGENT

suicide

(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa pag-ibig, kasalukuyang inoobserbahan ngayon sa Valenzuela Medical Center ang isang dalagita makaraan tangkahin nitong magpatiwakal sa pag-inom ng bleaching agent, Biyernes ng hapon sa Valenzuela City. Kinilala ng awtoridad ang biktima na si ‘Katya’ di tunay na pangalan, Grade 7 student. Ayon sa inisyal na imbestigasyon dumaranas umano ng depresyon ang biktima dahil sa patuloy na pagdeadma ng kanyang boyfriend. Bandang alas-2:00 ng hapon, bumili ito ng bleaching agent sa tindahan saka ininom pagdating sa kanilang tirahan. Tiyempo namang naroon ang boyfriend ng biktima at…

Read More

14-ANYOS DALAGITA NAKITANG PATAY SA BAHAY NG TIYUHIN

stab

(NI GUILLERMO OCTAVIO) TADTAD ng saksak sa katawan ang isang 14-anyos na dalagita sa loob ng bahay ng kanyang tiyuhin sa Valenzuela City. Binawian ng buhay habang tinatangkang isalba sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktimang si Clarisse Joyce Marcelo, ng 18 P. Adriano St., Brgy. Malanday. Dinakip naman sa follow-up operation ang tiyuhin ng biktima na si Rusty Marcelo, 30, kapitbahay ng biktima, na sinasabing pangunahing suspek sa krimen. Natagpuan ang biktima ng kanyang tiyahin na si Rosario Marcelo-Tumibay sa loob ng bahay ng suspek dakong alas-9:30 ng umaga…

Read More

2 BAGONG PUMPING STATION SA VALENZUELA NAGKABITAK

wawa12

(NI GUILLERMO OCTAVIO) DALAWANG pumping station sa Valenzuela City ay napinsala sa 6.1 na pagyanig na naganap noong Lunes ng hapon. Nagkaroon ng mga lamat ang dalawang bagong bukas na  “high-impact” na pumping stations na pinasinayaan dalawang linggo pa lamang ang nakararaan. Ayon sa pamahalaang lungsod, kinakitaaan ng mga lamat ang  mga dingding ng Coloong at Wawang Pulo  pumping stations matapos ang pagyanig sa Valenzuela City. Ang P1.027-billyong pumping stations ay pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways noon lamang Abril 6. Gayunpaman, napag-alamang aayusin ng contractor ang mga…

Read More

11 ARESTADO SA 24/7 SHABU CARINDERIA SA VALENZUELA

arrested12

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ARESTADO ang isang adik, ang dyowa niyang tulak at siyam na iba pa sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa  “shabu carinderia” ng magdyowa Valenzuela City Linggo ng hapon. Dakong alas-12:30 ng hapon nang isagawa ang operasyon laban sa mga tulak na sina Shirley Morales, 44, Salvador Bajaro, 49 at Michael Quizon, 37, sa Sia Compd., Lamesa St., Brgy. Ugong matapos may mag-Hudas hinggil sa pagtutulak ng droga ng mga ito sa naturang lugar. Nang magkaabutan na ng shabu ang mga suspek at sa poseur-buyer kapalit…

Read More

3 GUN RUNNERS HULI SA ENTRAPMENT

guns

(NI CHERK BALAGTAS) HULI  ang tatlong mga kalalakihan na umano ay mga miyembro ng isang gun-running syndicate sa isinagawang entrapment operation ng Northern Police District sa Lungsod ng Valenzuela Linggo ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Roderick Santos, 26, binata, Reynel Roxas, 23, nakatira sa Kabulusan Dos, at si Eduardo Matias, 25. Ganap na alas – 2:30 ng madaling araw nang magkasa ng operasyon ang mga tauhan ng NPD at Valenzuela City Police sa kahabaan ng T. Concepcion Street, Barangay Marulas ng nasabing lungsod, isang pulis ang…

Read More

TOTOY UMAYAW SA TAGAY, UMUWING MAY BLACKEYE

8black

(NI GUILLERMO OCTAVIO) AMOY chico at may black eye nang umuwi ang isang totoy na nasa Ikawalong Baitang matapos na tugisin ng lagari, sapakin at batuhin ng basong may alak ng isang lasing na construction worker nang tumanggi sa tagay ang estudyante sa lungsod ng Valenzuela Huwebes ng gabi. Naglalakad mula sa paaralan sa kahabaan ng Feliciano Street, Barangay Mapulang Lupa , kasama ang mga kaibigan, ang 14-anyos na itinago sa pangalang Elmer nang alukin ng tagay ng bangengeng obrerong si Jimmy Mengote, 51. Tumanggi si Elmer at sinabi umano sa…

Read More