1 PATAY, ISA SUGATAN SA MOTORSIKLO VS VAN

accident121

(NI FRANCIS SORIANO)

PATAY ang rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos makipagsalpukan sa isang van sa Valenzuea City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Roldan Capillo, 33, ng Area 6 Purok 4 Maysan, habang ginagamot naman sa naturang pagamutan ang angkas nitong si Rodel Corpin na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

Ayon sa ulat,  dakong  ala-1:30 ng madaling araw, kapwa tinatahak ng Yamaha Sporty (9684-BH) na minamaneho ni Capillo angkas si Corpin at ng Isuzu Ref Van (WQB-787) na minamaneho naman ni si Christian Idava, 26, ng Sulukan St. Bubulong Malaki San Ildefonso Bulacan, nang maganap ang aksidente.
Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide and Physical Injury ang driver ng van na si Idava.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

‘ROOKIE COP’ HULI SA DROGA

(NI AJ GOLEZ)

INIHARAP ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P / Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang pulis na si PO1 Jun Acosta na naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Valenzuela City Police Station, sa isinagawang buy bust operation sa Mc Arthur Highway, Barangay Malinta, ng nasabing lungsod.

Kasama sa mga naaresto sina Vanessa Bayani, 28, Marianne Salas, 34, at Randy Delos Santos. Nakuha sa mga ito ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, buy bust money, PNP Identification card at dalawang motorsiklo.

Please follow and like us:
Read More

ANAK MINOLESTIYA; TATAY KALABOSO

arrested124

(NI FRANCIS SORIANO)

HIMAS-REHAS ngayon ang isang 50-anyos na tatay matapos arestuhin kaugnay sa reklamo ng sariling anak makaraan nitong molestiyahin, Biyernes ng hatinggabi sa Valenzuela City.

Ayon sa Valenzuela City  Police-Women and Children’s Protection Desk (WCPD), kasong acts of lasciviousness at paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang haharapin ng suspek na itinago sa pangalang ‘Mang Roger’.

Base sa ulat ng WCPD, naganap ang pangmomolestiya ng suspek sa anak dakong alas-12 ng gabi habang mahimbing na natutulog sa loob ng kanyang silid sa Brgy. Marulas.

Mabilis naman nakapagsumbong ang biktima sa Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 3  na agad dinakip ang suspek.

Nang kapkapan ay nakuhanan pa umano ng dalawang sachet ng shabu ang suspect.

Please follow and like us:
Read More

13-ANYOS NI-RAPE NG 2 KAKLASE; INIWAN SA GITNA NG ULAN

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ARESTADO ang dalawang totoy matapos halinhinang gahasain ang nilasing nilang 13-anyos na kaklase, sa Valenzuela City, nitong Martes.

Dinampot ang estudyante ng alternative learning system (ALS) na sina Christian Aranas, 18, at isang 17-anyos na itinago sa pangalang “Jeremiah” na inilipat na sa sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Nabatid, noong Lunes ay inimbita ni Jeremiah ang biktimang itinago sa pangalang ‘Kathryn’ na pumunta sa kanyang birthday party sa Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon pagkatapos ng klase.

Pumunta naman si ‘Kathryn’ ngunit lingid sa kaalaman nito ay plano na ni Jeremiah at Aranas ang maitim na balak sa biktima.

Pagdating pa lamang umano ng biktima sa party ay sinalubong na ng tagay ang dalagita.

Hindi na namalayan ni ‘Kathryn’ na nakararami na siya ng tagay hanggang sa siya ay mawalan ng malay. Dito ay naramdaman niyang nilalaro siya ng mga biktima.

Nagpapasag si ‘Kathryn’ ngunit wala itong nagawa sa dalawang kaklaseng hayok sa laman na halinhinang gumahasa sa kanya.

Hindi pa kuntento sa kanilang kahayupan, nang makaraos ay kinaladkad na parang hayop ng mga suspek si ‘Kathryn’ at iniwang parang nanlilimahid na basahan sa ilalim ng malakas na ulan sa Camcam Street, Brgy. Gen T. De Leon bago magmadaling-araw ng Martes.

Kahit na nalamog ang katawan ay pinilit makauwi ni ‘Kathryn’ at isinalaysay sa ina ang kahalayang sinapit.

Wala namang inaksayang sandali ang ina ni ‘Kathryn’ at pumunta sa himpilan ng pulisya at ipinadakip ang  dalawang suspect.

Please follow and like us:
Read More

 SENATE LIAISON OFFICER, 10 PA,  KULONG SA DROGA

arested12

(NI ALAIN AJERO)

DINAKIP ang isang liaison officer ng Senado, kasama ang 10 iba pa sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Valenzuela city.

Kulong na ay tiyak nang wala nang babalikang trabaho at aalisan pa ng benepisyo si Senate liaison officer Eusebio Munar, 48, na nadakip alas-11 ng gabi nitong Martes sa operasyon ng mga awtoridad sa 15 Ilang-Ilang St., Karuhatan, kung saan nadakip din sina Robert Pamilar, 19, at ang itinuturong tulak sa naturang lugar na si Richard Eliano, 21.

Tatlong sachet ng shabu ang nakuha sa mga suspek,  P200 buy-bust money at isa pang P200 bill.

Bago ito, alas-10:30 ay nalambat sa kahabaan ng Alley C, Molina St. Brgy.  Veinte Reales sina Jessie Sumaria, 31; Romar Mercene, 29; Reymark Mauricio, 19;  Julito Cometa, 18; at isang 17-anyos na binatilyong itinago sa pangalang Torquato.

Isang coin purse na naglalaman ng limang sachet ng shabu, tatlong sachet ng marijuana at ang P200 buy-bust money ang nakumpiska sa mga inaresto.

Samantala, dinampot naman sina John Paul Solomon, 24; Junel Suicon, 23; at Zyron Manabat, 29, sa buy-bust operation sa Road 4, Diam St., Gen T. De Leon, alas-3 ng madaling araw ng Miyerkoles at nakunan ng isang coin purse na naglalaman ng pitong sachet ng shabu at P300 cash.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PARLORISTANG BADING, PAROKYANO HULI SA DROGA

ARRESTEDHAND12

(NI FRANCIS SORIANO

HINDI na himas buhok kundi himas rehas naman ngayon ang isang hairstylist at kasama nito, matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan ng droga sa Valenzuela City.

Kininilala P/Col. Carlito Gaces, bagong hepe ng Valenzuela City Police Station ang naarestong mga suspek na si Jordan Tanaun, alyas “JM”, ng 28 ng Blk 3 Bukid Malinta at Jeffrey Gadi alyas “Paula”, 29, ng Phase 1, Bagbaguin Caloocan City.

Ayon kay Gaces, dakong alas-4:25 ng madaling araw nang maaktuhan nina PSSg Rolando Magno Jr. at PCpl Mario Martin III ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek na nag-aabutan ng hinihinalang shabu na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NANINGIL NG RENTA, BINUGBOG NG TENANT

crime145

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG 41-anyos na negosyante ang bugbog-sarado  sa kanyang tenant nang mapikon sa sinisingil na renta sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktimang si Eddie Llena Manzanero, ng P. Faustino Street, Barangay Punturin, ng nasabing lungsod na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela Medical Center matapos ng magtamo ng malalalang pinsala sa mukha at katawan habang ang suspek ay kinilalang si Mervin Gripon, 35, ng Block 3 Lot 23 Northville 13 ng nasabing lugar.

Kusang  sumuko si Gripon matapos ang pambubugbog sa biktima.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, ganap umanong alas -5:30 ng hapon noong Lunes nang maganap ang insidente sa inuupahang bahay ng suspek.

Pinuntahan ng biktima ang suspect upang paalisin na dahil sa hindi nakakapagbayad ng kanyang renta.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang bugbugin ng suspect ang may-ari ng bahay.

Duguan na ang biktima ay hindi pa rin ito tinatantanan ng suspect dahilan para awatin na ito ng mga kapitbahay.

 

Please follow and like us:
Read More

UTOL SINUNDAN SA HUKAY

suicide

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ISANG retiradong  manager ng banko ang nagkaroon umano ng depresyon nang mamatay ang kanyang kuya kaya’t nagdesisyon itong sundan sa kabilang-buhay ang kapatid, sa Valenzuela City, nitong Biyernes.

Nadiskubre ang bangkay ni Glenn Brecio Ruiz, 61, ng kanyang pamangkin na si Laarni Jeanne Ruiz, alas-10:00 ng umaga, na nakabitin sa comfort room  ng kanilang bahay sa 35 Sabino Alley Compound, Brgy. Maysan.

Kable ng kuryente na ipinulupot sa leeg ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Kukuha sana ng damit si Laarni sa gilid ng kanilang bahay nang mapansin ang suicide note ng biktima kung saan nakasaad na sa banyo matatagpuan ang kanyang bangkay.

Humahangos na sinabi ni Laarni sa isang tiyahin ang nalaman at inutusan siya nitong humingi ng tulong sa barangay.

Sa  tulong ng mga tanod ay pinuwersa ang pinto ng banyo at bumulaga sa kanila ang bangkay ng biktima.

Diabetic ang biktima at dumanas ng  depresyon  mula nang mamatay ang kanyang kuya.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO PATAY SA BUMULUSOK NA JEEP

accident135

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

LUBOS na ikinataranta ng isang 68-anyos lolo na driver ng Isuzu jeep ang pagkakaatras nito sa isang bakal na signage dahilan para iarangkada ang sasakyan at bumangga sa isang beauty salon, sa Valenzuela City.

Hindi na umabot nang buhay nang maipit sa sasakyan ang biktimang si Felicimo Hamor, Jr., ng 32 A. Luna St., Concepcion, Malabon City.

Nabatid na nagmamaniobra ng kanyang jeep na Isuzu  na may plakang NYB-283, ala-1 ng madaling-araw sa kahabaan ng M.H. Del Pilar, Poblacion Street, Brgy. Polo, si Hamor nang bumangga ang likuran ng jeep sa bakal na poste ng isang no loading at unloading signage.

Dala marahil ng pagkataranta ay dumire-deretso ang sasakyan hanggang sa sumalpok ito isang beauty salon.

Isinugod ng Valenzuela Rescue Team sa nasabing ospital ang biktima kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

 

Please follow and like us:
Read More

RAPE SA HALAGANG P200; DRIVER KALABOSO

rape

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ARESTADO ang isang sabik sa sex  na pedicab driver nang dalawang beses gahasain ang isang 16-anyos na dalagita at dalawang beses ding daliriin ang ang ari ng 12-anyos na kaibigan nito  kapalit ng P200 sa Valenzuela City.

Kinasuhan ng two counts of rape, two counts of attempted rape in relation to R.A. 7610 o Anti-Child Abuse Law at two counts of illegal detention ang kakaharapin ni Remmy Custodio, alyas “Roldan”, 38.

Sa mismong bahay niya sa 42 Ilang-Ilang St., Balangkas dinampot ang suspek matapos makapagsumbong sa kanyang ina ang 12-anyos na biktima.

Pumunta  ang 16-anyos na biktima kasama ang kaibigang 12-anyos sa bahay ng suspek noong umaga ng Mayo 8, upang kunin ang kanilang damit na hiniram ng kanilang kaibigan.

Nakasilip ng pagkakataong makaiskor si Custodio at dagling pinapasok ang mga nene at hindi na pinakawalan hanggang sa tuluyang magahasa ang 16-anyos at laruin ang 12-anyos.

Nang makaraos ay ikinandado ng suspek ang pinto at muli na namang ginahasa ang dalagitan dakong alas-7 ng gabi.

Kinabukasan, binigyan ng suspek ng P200 ang dalawang biktima at pinalaya ngunit binantaang huwag ipagsabi ang kanyang ginawa kung ayaw nilang mapasama.

Alas -8 nitong Biyernes ng gabi bumalik sa bahay ng suspek ang magkaibigan upang makiusap na makuha na ang damit na hiniram sa kanila.

Dito ay dinaklot muli ni Custodio ang dibdib ng dalagita.

Pag-uwi sa bahay ay nagsumbong na ang mga biktima sa kanilang nanay dahilan para humingi ng tulong sa pulisya at ipadakip ang suspect.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI 2 BESES NAGBARIL SA SARILI, BUHAY!

crime22

(Ni FRANCIS SORIANO)

HIMALANG nabuhay at kasalukuyang nakaratay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang tinamong tama ng bala sa dibdib ang isang 53-anyos na driver sa No. 10 Pag-asa Subdivision, Brgy. Marulas, Lungsod ng Valenzuela.

Kinilala ni Police Colonel David Nicolas Poklay, Chief of Police ng Valenzuela City Police Station, ang biktima na si Jervin Ganaden.

Ayon sa ulat, nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang isang cal. 38 revolver ang biktima habang nasa loob ng banyo, bandang alas-7:15 ng Huwebes ng umaga.

Nang marinig ang putok ng baril, agad humingi ng tulong ang mga kaanak sa Valenzuela Rescue Unit at isinugod si Ganaden sa pagamutan.

Agad din isinuko sa pulisya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala at dalawang basyo ng bala sa mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 3 na rumesponde sa naturang lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

TIYUHIN NA PUMATAY NG PAMANGKIN: GALIT AKO SA TATAY NYA

arrest

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

NAG-MEA CULPA na ang suspek sa pagpatay sa 14-anyos na nene sa Valenzuela City at sinabing nagawa niyang saksakin ng walong beses ang pamangkin dahil sa galit sa kuya ng  biktima.

Hindi naman binili i ng pulisya na ito lamang ang dahilan ni Rusty Marcelo, 30, sa pagpatay sa pamangkin na si Clarisse Joy Marcelo na may tig-apat na saksak sa dibdib at likod dahil may mga palatandaan umanong binalak halayin ng suspek ang pamangkin at nanlaban ito.

Kinasuhan na murder in relation to Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) at walang inirekomendang piyansa ang Valenzuela City Prosecutor’s Office para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Binawian ng buhay sa Valenzuela City Emergency Hospital si Clarisse Joyce ng 18 P. Adriano St., Brgy. Malanday at dinakip sa follow-up operation si Marcelo.

Tadtad ng saksak nang makita ang biktima ng kanyang tiyahin na si Rosario Marcelo-Tumibay, alas-9:30 ng umaga at dagling humingi ng saklolo si Rosario sa ama ng biktima na si Danilo at itinakbo ang bikima sa ospital.

Pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng suspek dahil doon umano huling nakitang buhay ang biktima. Nakuha ng mga awtoridad ang kutsilyong ginamit sa krimen ngunit malinis na ito maging ang bahay at sahig kung saan dumanak ang dugo ay nalinis na rin na tila walang nangyaring karumal-dumal na krimen.

Nagkabuhol-buhol ang paliwanag ni Rusty kaya’t binitbit na siya sa presinto kung saan matapos isailalim sa masusing imbestigasyon ay umamin ang suspek sa krimen.

Please follow and like us:
Read More

‘MANYAK’ SA BUS ARESTADO

arrested12

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG karpintero ang inaresto ng mga awtoridad matapos ireklamo ng isang pharmacist na minolestiya niya sa loob ng isang pampasaherong bus sa Lungsod ng Valenzuela, Miyerkoles ng gabi.

Sa ulat ng Valenzuela City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), ganap umanong alas – 9:00 pasado ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng isang pampasaherong bus sa Valenzuela Gateway Complex Terminal sa Paso de Blas.

Nakaupo sa loob ng bus ang biktimang, 31-anyos na dalaga nang maramdaman niyang nakahawak na sa kanyang ari ang kamay ng suspect na si Lodgerio Navarte, 53, may asawa, residente ng Kabesang Porong Street, Barangay Punturi.

Sa gulat ay agad na hinampas ng biktima ang kamay ng suspek patanggal sa kanyang maselang bahagi ngunit sa halip na tumigil ay muli na namang ibinalik ng suspek ang kanyang kamay sa ari ng biktima dahilan upang sapakin na siya ng biktima saka mabilis na humingi ng saklolo sa himpilan ng Valenzuela City Police Community Precinct I na agad din namang nakaresponde at umaresto sa suspek.

Please follow and like us:
Read More

SINTURON GAMIT SA SUICIDE

suicide16

(NI CHERK BALAGTAS)

DAHIL sa hinalang may iba nang gusto ang kanyang kinakasama, nagdesisyon ang isang welder na wakasan na ang buhay nang magbigti sa loob ng kanilang bahay, Miyerkoles ng madaling-araw, sa Valenzuela City.

Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang makita ng dalawang anak si Jesus Tabalinal, 36, na wala nang buhay at nakabigti.

Bago maganap ang insidente ay nag-aaway ang biktima at live-in partner na si Annalyn Magayanes, 35. Pinipilit umano ng biktima na paaminin si Annalyn na may ibang lalaki.

Dahil naririndi, nagpasiya si Annalyn na lumabas ng bahay kasama ang ilang kaibigan.

Madaling-araw nang sunduin siya ng dalawang anak na edad 10 at 11 at sinabing nakabigti ang biktima gamit ng sinturon.

Agad umuwi si Annalyn at sa tulong  ng mga kapitbahay ay naisugod pa sa ospital si Jesus ngunit patay na nang idating.

Please follow and like us:
Read More

ARMAS, BALA ‘KOLEKSIYON’ LANG; LALAKI KINASUHAN

baril12

(NI FRANCIS SORIANO)

PORMAL nang sinampahan ng kasong illegal possession of fire arms and ammunation (Violation of R.A. 10591) sa city prosecutors office ang  isang drug surrenderer matapos makumpiskahan ng samot-saring  baril at bala sa kanyang tahanan.

Ayon kay  PSSUPT David Nicolas Poklay,  Chief of Police ng Valenzuela PNP,  pinasok ng operatiba na armando ng search warrant ang bahay ng suspek na si Ariel R. Alberto, 48, sa 7-E Roberto St., Sitio Sto. Rosario, Barangay Maysan, Valenzuela City.

Dito ay nakumpiska ang isang 12 gauge armscor shotgun, isang cal. 22 rifle, apat na cal. 38 revolvers, isang cal. 32 revolver, isang cal. 22 magnum black widow revolver, isang cal. 22 airgun rifle, isang cal. 9MM Beretta airsoft pistol, 96 pieces gauge 12 ammunition, 72 pieces cal. 38 ammunition, 95 pieces cal. 22 magnum ammunition, 163 cal. 22 ammunition, 50 pieces cal. 32 ammunition, 16 pieces cal. 380 ammunition, 5 cal. 38 revolver holsters.

Samantala,  ayon sa suspek, ang mga baril ay koleksiyon lamang na nakatago sa kanyang bahay.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKING GRADUATE SA REHAB HULI SA ‘ARSENAL’

armas12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

DINAKIP ang isang graduate sa rehab matapos madiskubreng mayroon itong arsenal ng baril at bala nang salakayin ng mga pulis ang bahay nito sa bisa ng search warrant sa Valenzuela City.

Arestado si Ariel Alberto, 48, ng 7-E Roberto St., Sitio Sto. Rosario, Barangay Maysan dahil sa pag-iingat ng isang 12 gauge Armscor shotgun, isang cal. 22 rifle, apat na cal. 38 revolvers, isang cal. 32 revolver, isang cal. 22 Magnum Black Widow revolver, isang cal. 22 airgun rifle, isang cal. 9MM Beretta airsoft pistol, 96 piraso na bala ng 12 gauge shotgun, 72 piraso na bala ng cal. 38, 95 piraso na bala ng cal. 22 Magnum, 163 piraso na bala ng cal. 22, 50 piraso na bala ng cal. 32, 16 piraso na bala cal. 380, limang cal. 38 revolver holsters, at dalawang . 9mm pistols.

Ayon sa  pulisya, si Alberto ay nagtapos sa community-based rehabilitation and wellness program noong nakaraang taon.

Paglabag sa R.A. 10591 ang isinampang kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More

LALAKING ‘SATANISTA’ PATAY SA BALA NG PARAK

gun12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

HINDI umubra sa bala ang sinasabing pagiging Satanista ng isang tulak ng shabu nang makipagbarilan ito at mapatay ng mga pulis sa isinagawang buy-bust operation Martes ng madaling -araw sa Valenzuela City.

Nalagutan ng hininga habang itinatakbo sa Valenzuela Emergency Hospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan si Roderick Javier, alyas “Eric Demonyo” , 45, ng 198 Pabilonia St., Brgy. Isla., Valenzuela City.

Isinagawa ang operasyon laban kay Javier ala-1:30 ng madaling araw matapos ang isang lingggong pagmamatyag.

Nang magkaliwaan ng shabu at P500 marked money ang suspek at ang pulis na nagpanggap na iiskor, sumenyas ang poseur-buyer sa mga kasama.

Dito tila nakatunoy ang suspect at agad pinagbabaril ang mga sumasalakay na pulis.

Pagganti ng mga parak ay agad itong nasapul at itinakbo sa nasabing ospital kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

Narekober sa shorts ng suspek ang P500 buy-bust money, P200 at walong plastic sachets ng shabu na tinatayang P20,000 ang halaga.

Please follow and like us:
Read More

‘DEAL’ IKINASA SA AUV; P120K MARIJUANA NASAMSAM

(PHOTO BY AJ GOLEZ)

UMAABOT sa  P120,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng pulisya sa buy-bust operation sa loob ng van sa Valenzuela City ng Martes.

Bandang ala-1 ng madaling araw, isinagawa ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit of the Valenzuela City Police Station, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa 7th Street, Fortune Village 5, Barangay Parada.

Bumili ang undercover officer kay Johnedel Geronimo ng P500 halaga ng marijuana sa kanyang pulang Toyota Innova. Matapos nito ay agad na syang dinampot at nabawi rito ang P2,000 cash. Isa pang suspect, si Methusela Paradero ay nakuhanan ng marked money.

Nang halughugin ang sasakyan, nakita pa ang apat na bloke ng umano’y marijuana na may bigat na apat na kilo.

Agad dinala ang mga suspect sa Valenzuela City Police Station para imbestigahan pa.

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTENG SAKITIN NAGBIGTI

suicide16

(NI FRANCIS SORIANO)

PATAY na nang matagpuan ang katawan ng isang 64-anyos na negosyante na nakatali ang leeg at nakasabit sa isang puno Sabado ng gabi sa Barangay Bagbaguin, Valenzuela City.

Kinilala ang biktima na si Jerry Uy, 64 years old, married, businessman, residente sa No. 43 Gen. Luis Street, Bagbaguin.

Ayon sa awtoridad, dakong 7:30 ng gabi nang matagpuan ang katawan na nakasabit sa puno. Isang duty guard, si Carlito Lomangaya, ang nagbigay-alam sa maybahay ng biktima na si Jessie Uy. Sinabi ni Jessie na lagi umanong depressed ang biktima dahil sa kanyang mga sakit.

Please follow and like us:
Read More

DRIVER NAKATULOG, 2 RIDER PATAY

motor

(NI ALAIN AJERO)

IPINALALAGAY na nakatulog ang driver ng isang bus kaya nahagip nito at nakaladkad ng ilang metro ang isang motorsiklo na naging dahilan ng pagkamatay ng magkaangkas na sakay nito, sa Valenzuela City Martes ng hatinggabi. Kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property  ang isasampa laban kay Silverio Mejias, 47, ng 044 Estraño St., Meycauayan, Bulacan sa Valenzuela City Prosecutor’s Office samantalang hihilahin ang minamanehong bus ng suspek sa Valenzuela City Police impounding area.

Kinilala naman  ang mga biktima na sina John Alvin Goya, 22, ng Sitio Pangolo, Taytay, Rizal, na agad binawian ng buhay habang ang kanyang angkas na nakilala lang sa alyas na Dexter, ng B43 Sitio Batasin, Brgy. San Juan Floodway, Taytay, Rizal ay nalagutan ng hininga sa Valenzuela Medical Center.

Patungong Caloocan sina Goya lulan ng motorsiklong may plakang 9883-UL  sa Mac Arthur Highway bandang alas 12:30 ng hatingggabi habang ang Star Bus na minamaneho ni Mejias  na may conduction sticker na  KT0501 ay nasa kabilang linya nang bigla na lamang kumabig pakaliwa ang bus. Nasapul ang motorsiklo nina Goya at nakaladkad pa ng ilang metro.  Sumalpok pa sa concrete barrier ng Wilcon Home Depot ang bus at tuluyan lamang na nahinto sa garahe ng establisyamento.

Please follow and like us:
Read More