ESTUDYANTE NAG-SUICIDE SA DORM

crime12

(NI RENE CRISOSTOMO)

MALALIMANG imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad sa motibo ng pagpapatiwakal ng isang 25-anyos na estudyante ng University of Sto. Tomas, makaraan umano itong tumalon sa tinutuluyang domitoryo sa Sampaloc,Manila, Lunes ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Paul Justine Tensioco, binata, may kursong BS Accountancy at nanunuluyan sa Adelina Dormitory sa 1117 Adeline St.,. Sampaloc.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Donald Panaligan, kay P/Capt. Henry Navarro hepe ng Manila Police District-Homicide Section , bandang  alas-8:50 ng umaga, nang makarinig ng malakas na kalabog ang isang Bemars  Endino, 41, caretaker ng nasabing dormitoryo.

Salaysay ni Endino, habang nagkakape ito sa harap ng dormitoryo nang makarinig ito ng malakas na kalabog at nakita nitong duguan at wala nang buhay na biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente gayundin sa dalawang roommates ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

UAAP SEASON 82 SEMIFINALS: LAST CHANCE SA UST, UP

INAASAHANG magiging mas mainit ang bakbakan ng UST at UP sa kanilang do-or-die game bukas (Nobyembre 13) sa Mall of Asia Arena.

Ang mananalo ang siyang makakabangga ng undefeated Ateneo de Manila University sa best-of-3 finals.
Umabante ang fourth-seeded UST sa semifinals stepladder kontra UP makaraang talunin ng Growling Tigers ang No. 3 Far Eastern University, 81-71, noong nakaraang Miyerkoles.

May twice-to-beat advantage ang No. 2 Fighting Maroons at nangangailangan lang ng isang panalo papasok sa finals ngunit binigo sila sa ikatlong pagkakataon ng Growling Tigers, 89-69, Linggo para makapwersa ng decider game.

Bago ito, tinalo ng UST ang UP sa dalawang beses na paghaharap nila sa elimination round, 85-69 sa first round, at 84-78 sa second round.

Bumida para sa UST ang Season 82 MVP na si Soulemane Chabi Yo na tumipon ng double-double 17 points at 15 rebounds.

Nag-ambag din ang tandem nina Rhenz Abando at Mark Nonoy ng kabuuang 33 points at 11 rebounds, habang nagdagdag si Sherwin Concepcion ng 12 points, kabilang ang crucial 3-pointers sa final quarter, at  Renzo Subido 8 points at 12 assists para sa Growling Tigers.

“It’s all about execution. Execution on both defense and offense. We executed our game plan and lahat ng instructions ko, sinusunod ng mga players. We were connected out there,” sabi ni UST coach Aldin Ayo matapos ang kanilang panalo.

Maganda ang naging simula ng Growling Tigers nang kumunekta ng triples nina Subido at Rhenz Abando na nagpaabante sa UST 19-13 sa opening quarter.

Pagdating ng third quarter, lumobo na ang lamang ng UST, 52-33, ngunit sa pangunguna ni UP Maroons’ Bright Akhuetie bahagyang naibaba ito sa 57-46, 1:15 ang nalalabi sa oras.

Naibaba pa ng Maroons sa single digit ang lamang ng Tigers nang pumasok ang floater ni Kobe Paras, 72-63, 3:14 ang nalalabi sa last quarter.

Ngunit magkasunod na pumukol ng tres sina Concepcion at Nonoy upang muling dumistansiya ang UST, 78-63, at mula rito ay hindi na sila nahabol ng UP. (PHOTO BY MJ ROMERO)

Please follow and like us:
Read More

AWARDS PINAKYAW NG UST

MANALO o matalo, waging-wagi ang University of Santo Tomas (UST) sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament matapos hakutin ang top individual honors kahapon.

Nakuha ni Beninese big man Soulemane Chabi Yo ang Most Valuable Player honors matapos manguna sa kanyang 76 statistical points at mag-average ng 16.93 points at 14.71 rebounds per game sa unang season niya sa Growling Tigers, No.4 seed at may 8-6 panalo-talong record.

Kasama rin siya sa Mythical Team na kinabibilangan din nina De La Salle University’s Justine Baltazar at Jamie Malonzo, University of the Philippines’ Kobe Paras, at University of the East’s Rey Suerte.

Pumangalawa si Baltazar sa MVP race na may 64 SPs at may averages ng 15.14 points, 11.8 rebounds, at 1.07 blocks per game.

Hindi rin nagkamali na lumipat sa UP si Paras na nag-average ng 17.4 points, 5.67 rebounds, at 1.9 assists per game.

Napili naman Top rookie ang isa pang Growling Tigers member na si Mark Nonoy matapos mag-average ng 10 points, 3.86 rebounds, at 2.29 assists.

Ngayon lang ulit nagkaroon ng MVP at Rookie of the Year ang UST makaraaan ang sampung taon nang tanghaling MVP si Dylan Ababou at RoY si Jeric Teng noong 2009.

Nakumpleto ng UST ang sweep sa individual awards sa Season 82 nang tanghalin din MVP sa women’s division ang Congolese center na si Grace Irebu.

Si Irebu, na inakay ang Tigresses sa 11-3 record at second seed sa pagtatapos ng elimination round, ay may 90 SPs at kasama rin sa Mythical Team.

Kabilang din sa wome’s basketball Mythical Team sina Adamson University’s Nathalia Prado (86 SPs), National University’s Jack Animam (78.57 SPs), Far Eastern University’s Clare Castro (66.64 SPs), at La Salle’s Kent Pastrana (57 SPs).

Si Pastrana rin ang nakakuha ng Rookie of the Year honors.

Please follow and like us:
Read More

UAAP SEASON 82; UST NAISAHAN NG ATENEO

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO)

NAGTULONG sina Thirdy Ravena at Ange Kouame ng Ateneo Blue Eagles upang maungusan ang UST Growling Tigers, 71-70, sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kahapon.

Nadepensahan ni Kouame si Soulemane Chabi Yo ng UST kaya’t naprotektahan ang gahiblang kalamangan ng Blue Eagles hanggang sa huling segundo ng laro.

Nagposte ng double-double 17 points at 10 rebounds, tig-dalawang assists at steals si Ravena at Kouame na gumawa naman ng 11 points, 10 rebounds at tatlong blocks.

Nananatiling perpekto ang rekord ng Blue Eagles sa 3-0 habang nadungisan ang Growling Tigers 2-1.

 

Please follow and like us:
Read More

PVL COLLEGIATE: UST NANAIG SA CSB 

(NI LOUIS AQUINO)

NAUNGUSAN ng University of Sto. Tomas ang College of St. Benilde, 21-25, 25-22, 25-19, 24-26, 15-12, kahapon sa PVL Collegiate Conference sa Arena San Juan.

Pinangunahan ni rookie Imee Hernandez ang UST sa pagpalo ng 20 puntos kabilang ang 16 attacks, tatlong blocks at isang ace para manaig sa CSB, sa kabila ng 46 errors ng Tigresses.

Nag-ambag naman si Rachelle Roldan ng 13 attacks at apat na aces para sa kabuuang 17 points, kabilang ang game-winning cross court kill.

Nagdagdag naman si skipper KC Galdones ng 15 points, habang si spiker EJ Laure ay may nine blocks sa kabuuang 13 points.

Nananatiling unbeaten sa dalawang laban ang UST, na nasa unahan ng Pool B kasama ang Arellano University. May 1-1 win-loss record naman ang St. Benilde.

Samantala, nagbida sina senior spiker Ivana Agudo at rookie Shiela Kiseo sa panalo ng Far Eastern University kontra Technological Institute of the Philippines, 25-13, 25-22, 25-16.

Umiskor si Agudo ng 16 points kabilang ang 12 attacks at four aces, habang nagdagdag ng 14 points at nine digs si Kiseo para Lady Tamaraws, na nakabawi sa pagkatalo sa St. Benilde.

Nag-ambag naman sina France Ronquillo ng 10 points, habang may 11 excellent sets  at seven markers si Angel Cayuna para sa FEU na ngayon ay may 1-1 record.

Kapwa wala pa rin panalo ang TIP at Lyceum na parehong nasa hulihan ng Pool B.

Sa Pool A, nanalo ang San Beda laban sa Letran, 21-25, 21-25, 25-23, 25-8, 15-11, kaya’t nagimprub ang record ng Lady Red Spikers sa 1-1, ka-tie ang University of Perpetual Help. Nalaglag naman ang Lady Knights sa 0-2 kagaya ng San Sebastian na wala pa ring panalo sa dalawang laban.

 

 

Please follow and like us:
Read More