DAHIL SA MAHABANG BAKASYON; FANS NI LIZA NABABAWASAN?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

PARA sa isang artista, isa sa pinaka malaking problema iyong out of circulation ka. Bagama’t may mga fans na talagang loyal at maghihintay sa iyo, mas maraming fans ang mawawala dahil lilipat iyan sa isang bagong artistang mas madalas nilang makikita. Kaya nga ang sinasabi nilang kalaban ng isang artista talaga ay iyong mahabang absence sa kanilang career.

Isang magandang example si Nora Aunor. Bago siya umalis noon papunta sa US, kahit na papaano gumagalaw pa rin naman ang career niya. May mga major film producers pa ring kumukuha sa kanya. Tapos tumanggap siya ng shows sa US, nagkaroon naman siya ng problema sa airport. Dahil sa kaso, hindi siya makaalis sa US. Napakatagal niyang out of circulation. Nang magbalik pa siya, wala na siyang boses na nadisgrasya sa isang operasyon. Hirap na ang career ni Nora.

Wala nang malaking film company na kumuha sa kanya. Puro indie na lang.

Maski na si Vilma Santos eh, suwerte nga lang siya dahil kahit na papaano mas marami ang kanyang loyal followers na talagang nakahandang maghintay sa kanya. Ang advantage siguro ni Ate Vi, nakikita pa rin naman siya ng mga fans kahit na wala siyang pelikula. Pero marami na ring fans na nawala, at normal lang naman iyon dahil wala siyang pelikula o TV show.

Nabanggit lang namin iyan dahil kay Liza Soberano. Tatlong buwan siya sa US dahil sa pagpapa-opera ng kanyang finger. At least totoong nagpa-opera, hindi iyong ang sinasabing operasyon at drawing lang kung hindi man masasabing fund raising activity.

Tapos ngayon ang sinasabi ng kanyng doctor, kailangan niyang magpahinga ng mga dalawang buwan pa habang sumasailalim sa therapy. Halos kalahating taon na iyang hindi napapanood si Liza. Ilang fans ang nawala sa kanya dahil diyan? Hindi naman mauubos ang fans niya, pero malaki ang mawawala.

Please follow and like us:
Read More

KRIS BERNAL GUSTO NANG MAG-ASAWA AT MAGKA-BABY

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

THIRTY years old na pala si Kris Bernal at ngayon daw ay pinag-iisipan na

niyang mag-asawa para magkaroon na raw siya ng baby.

Sabi niya sa mediacon ng bagong afternoon drama niya sa GMA 7 na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, gusto na raw niya magkapamilya sa edad na 32 o 33.

Pero gusto pa rin niyang mag-artista dahil gustung-gusto niya ang trabahong ito.

Kaya ngayon ay medyo namimili na raw siya ng mga project na ginagawa niya dahil marami pa raw siyang gustong gawin, hindi yung paulit-ulit na ginagawa niya.

Kaya gusto niya ang role niya rito bilang multo na gustong ituloy pa rin ang pakikipagrelasyon sa dating boyfriend na ginampanan naman ni Rayver Cruz.

Lagi raw niya kasing ginagawa yung role na ginampanan ni Megan Young, kaya kahit mukhang support siya rito, gusto niya ang role dahil challenging sa kanya.

Gusto na raw niyang gumawa ng iba pang kakaibang project dahil  baka two o three years from now, mag-aasawa na siya at magkaanak.

“Lagi kong sinasabi na more on the character na ako eh…on the role. Sinasabi ko nga na nasa point na ako  kung babalikan ko yung role ni Megan (Young) na laging inaapi, feeling ko ang boring lang ulit for me.

“Maganda naman yung role ni Megan, pero ilang beses ko nang ginagawa na ako lagi yung takot, yung kimi. Sabi ko mas gusto ko nang gawin yung iba,” sabi ni Kris.

Hindi pa naman daw nila pinag-uusapan ng non-showbiz boyfriend niya ang magpakasal, at hindi pa naman daw nag-propose sa kanya. Pero kung sakaling tatanungin na siya, ready naman daw siya anytime.

“Three more years feel ko for family. Pero siguro yung getting married, siguro two years. Gusto ko na kasi ng maraming anak,” pahayag ng Kapuso actress.

Magti-three years na rin pala sila ng non-showbiz boyfriend niya, kaya sa ngayon okay na raw siya kung ito ang makakasama niya forever at magkapamilya.

Sa totoo lang, kaya na ni Kris na mag-settle down kasi nakapag-ipon naman siya.

Nakapag-negosyo siya at kumikita na siya.

Di ba nakabili na nga siya ng bahay sa Amerika, kaya puwede na.

 

 

Please follow and like us:
Read More

ABANIEL, PORRAS LUHAAN SA US

sports21

(NI ARIEL BORLONGAN)

KAPWA nabigo sina dating world champion Gretchen Abaniel at ex-world rated Glenn Porras sa kanilang mga laban nitong Biyernes sa Avalon, Hollywood, California sa United States.

Natalo kay WBC female silver light flyweight beltholder Seniesa Estrada (17-0, 7 KOs) si Gretchen Abaniel (18-11, 6 KOs) sa knockout sa 4th round, ayon sa Fightnews.

“Abaniel quit on her stool after the end of round four,” dagdag sa ulat.

Nakipagsabayan naman si Porras kay WBC No. 6 super bantamweight Azat Hovhannisyan ng Armenia hanggang sa naputukan ito sa kaliwang pisngi at itigil ng Amerikanong referee ang sagupaan eksaktong 2:08 sa 4th round.

“Super bantamweight Azat Hovhannisyan (17-3, 14 KOs) punished Glen Porras (32-9, 20 KOs) until their bout was stopped in round four. Time was 2:08. No knockdowns,” dagdag na ulat ng Fightnews.

Please follow and like us:
Read More

NANAY HULI SA CYBERSEX NG ANAK, PAMANGKIN

(NI JG TUMBADO)

KASO sa paglabag sa Republic Act 10175 o ang cybercrime law at human trafficking ang kinakaharap ngayon na reklamo laban sa isang 32 anyos na ginang dahil sa pagpapalaganap nito sa kanyang dalawang menor de edad na anak na babae at sa isang taong gulang na sanggol na pamangkin nito sa online prostitution sa Cebu.

Naka ditine sa Women and Children Protection Center (WCPC) sa Cebu Provincial Police Office (CPPO) sa Barangay Lahug ang suspek na ginang habang ang kanyang dalawang anak at pamangkin ay pormal na nai-turn over sa kostudiya ng City Social Welfare and Development (CSWD).

Nabatid sa report kay Senior Supt. Romeo Perigo, hepe ng WCPC ng Police Regional Office-7, ang mga biktima na nasa edad 13 anyos, 3 anyos at ang 1 taong gulang na sanggol na babae ay ibinebenta ng suspek sa umanoy naging parokyano nitong mga pedopilya mula sa bansang Estados Unidos at Australia sa pamamagitan ng internet.

“We are still gathering more information. But based on our initial findings, we believe that transactions are from the US and Australia,” pahayag ni Perigo.

Ang matagumpay na operasyon at pagsagip sa mga biktima sa online prostitution ay bunsod na rin ng isang impormasyong inilapit sa pulisya mula sa naka diskubreng indibidwal na isa sa mga  kaibigan ng suspek na ina.

Please follow and like us:
Read More

JANINE, RAYVER NAGSAMA NA SA US PERO ‘DI PA MAG ON

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

SA kabila nang nagbakasyon na sa America nitong Holidays sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz at matagal na rin silang nakikitang magkasama, sweet sa isa’t-isa, hindi pa pala “officially yours” ang dalawa.
Actually, nagulat kami na hindi pa pala sila official. Dahil all the while talaga, akala namin ay openly, sila na.
“Hindi pa, hindi pa,”natawang sabi ni Janine.
Wala raw silang date or anniversary.
“Wala po, wala pa po talagang ganun.”
Sabi pa niya, “Well, for me kasi, mas importante yung relationship kesa dun sa label. Meron na official na mag boyfriend-girlftiend, pero hindi naman sila masaya.”
Inamin naman ni Janine na base na rin sa past experiences niya kaya ayaw rin daw niya ng masyadong madaliin o seryosohin.
One week lang daw ang naging U.S. vacation nila kunsaan sumama si Rayver at nakasama sa bonding naman nilang magkakapatid kasama ang ama na si Ramon Christopher.
Mas naging masaya raw ang bakasyon na kasama nila ang rumored boyfriend.
“Nanood kami ng N.B.A. kasi pareho kaming super fan ng Lakers. Nag-Disneyland kami at kumain ng kumain. Talagang para kaming turista.”
May bagong movie naman si Janine, kunsaan, may kissing scene sa pelikulang sila ni Enchong Dee sa “Elise,” ang Valentine’s offering ng Regal Films ngayong February 6.
“Meron, meron… eh, ako kasi medyo nerbiyosa talaga ko kapag merong kissing scene.
“Pero dahil si Enchong ang kasama ko, mas naging kumportable ako dahil si Enchong ang kasama ko.”

KUMPORTABLE DAHIL KAY ENCHONG DEE

Malapit na magkaibigan sina Enchong at Rayver at natatawang kuwento ni Janine, sa kanilang dalawa, mas si Enchong pa raw ang na-awkward.
“Ako kasi, ginamit ko na lang ang nerbiyos ko sa eksena kasi, ninenerbiyos talaga ko run. Si Enchong, nakakatawa kasi, siya ang awkward dahil bestfriend niya si Rayver.
“After ng scene, nagdyo-joke siya na, I think I lost a friend.”
Sa isang banda, kahit na hindi pa raw sila official ni Rayver, sinabi rin daw niya rito ang tungkol sa ginawang kissing scene nila.

SAY NI KATRINA:  SIKAT AKO

(SUKLAY DIVA YATA ‘ YAN)

First major concert ni Katrina Velarde o mas kilala bilang si Suklay Diva ang “SiKAT Ako” concert niya sa New Frontier Theater on February 1.
Hindi raw siya nainip na mabigyan ng pagkakataon na mag-stage ng sarili niyang concert at tingin niya rin, this could be the right time, though aminado itong nandoon ang kaba dahil mas malaking venue nga naman kumpara sa mga intimate venues like Music Museum.
Eh, kung ipapakita on stage, kakabahan pa ba siya? Since 6 year old ay kontesera na siya at “classmate” niya sa mga singing contests noon pa si Angeline Quinto.
Nahasa pa siya lalo sa mga shows/concert ni Gary Valenciano na madalas din ay kasama siya. And yes,  isa rin sa special guest niya si Gary V sa concert niya.
At 24 napakarami ng hirap na pinagdaanan ni Katrina. Mula sa pagtutuhog at pagtitinda ng sampaguita, single mommy sa kanyang 3- year old baby boy at nagkaroon pa ng bell’s palsy, survivor rin talaga siya na certified Tondo girl.
Ayon kay Katrina, “Kung hindi niyo po alam na may Bell’s palsy ako, hindi niyo mahahalata, pero hindi pa rin ako fully healed.”
Sa lahat daw ng mga pinagdaanan niya, ang pagkakaroon ng ganitong sakit siya pinaka-natakot.
“Inisip ko po, paano pa ko makakakanta? Yun po ang talaga ang ginagawa ko. Ipinagpalit ko nga po pag-aaral ko. So, natakot po talaga ko.”
At double meaning man ang title ng concert niya na SiKAT ako. Una, hango sa pangalan niya talaga at sa social media, puwede naman talaga niyang i-claim na sikat nga siya.
Sikat siya sa mga pagsubok at pagiging survivor.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PACQUIAO NASA US NA PARA SA JAN 19 MATCH

pacman23

DUMATING na si Filipino boxing legend Manny Pacquiao sa Estados Unidos kasama ang misis na si Jinkee, mga anak at ang buong training staff.

Pero, bago umalis noong Sabado ng gabi, humirit pa ng sparring ang Fighting Senator sa Elorde Gym sa Five E-Com Center sa Pasay City.

Tig-apat na rounds sina Australian George Cambosos Jr. at Jeric Chavez, lightweight champion ng Pilipinas, kung saan nakipagsabayan ang dalawa kay Pacquiao sa suntukan.

“Kaya ako umispar ngayon, kasi pagdating sa LA, siyempre may jetlag pa, hindi agad ako makakaispar, kaya umispar muna ako ditto (Manila),” wika ni Pacquiao, na noong nakaraang Disyembre 17 ay nagdiwang ng ika-40 kaarawan sa Gen. Santos City.

Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang WBA welterweight crown kay Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Ito ang pagbabalik sa Amerika ni Pacquiao makalipas ang dalawang taon, kung saan huli niyang sinagupa si Jesse Vargas noong 2016.

Huling sabak naman ng eight-division world champion noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina na kanyang tinalo via knockout.

Tatapusin ni Pacquiao ang huling bahagi ng training sa Wild Card Boxing Club ni Freddie Roach, na kinuha niyang consultant. (VTROMANO)

Please follow and like us:
Read More