ATENEO BACK-TO-BACK CHAMP

GUMAWA ng kasaysayan ang Ateneo Blue Eagles nang magkampeon na may perpektong kartada sa UAAP Season 82 men’s basketball finals sa Mall of Asia Arena kahapon. Winalis ng Blue Eagles ang UST Growling Tigers nang talunin ito sa iskor na 86-79 sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals series. May perpektong 16-0 ngayong season ang Ateneo, itinuturing na “most dominant campaign” sa buong collegiate basketball. Bumida para sa Blue Eagles si Thirdy Ravena na umiskor ng 17 puntos, kabilang ang walo sa huling quarter, bukod sa pitong rebounds at limang…

Read More

UAAP SEASON 82 MEN’S BASKETBALL: PERFECT ATENEO

NANATILING walang talo ang Ateneo na  tinapos ang kampanya ng University of the East sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament  makaraang ilampaso ito, 84-50, Linggo sa Ynares Center, Antipolo. Dahil sa panalo, nag-imprub ang kartada ng Ateneo sa 12-0 at nangangailangan na lang ng dalawang panalo para awtomatikong makapasok sa finals. Bumida sa Blue Eagles sina Isaac Go 13 puntos, Ange Kouame 11 points, eight rebounds at three blocks, at Thirdy Ravena 11 points, seven boards at two assists. Sa simula lang lumamang ang Red Warriors, 4-0, at pagkaraan…

Read More

UAAP SEASON 82 MEN’S BASKETBALL: FEU WINALIS NG NU

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO) WINALIS ng National University ang Far Eastern University sa dalawang beses na paghaharap nila sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament. Unang nanalo ang NU kontra FEU, 61-39, noong September 25. Naulit ito sa game na umabot sa overtime, 85-79, kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Bumida para sa Bulldogs si Dave Ildefonso na kumamada ng 27 points at 11 rebounds para tuldukan ang two-game losing streak ng kanyang team na nananatili sa dulo ng team standings sa 2-7 panalo-talong record. Mula sa 18 puntos…

Read More

UAAP MEN’S BADMINTON TITLES; HINAKOT NG NU

(PHOTO BY MJ ROMERO) PINAKYAW ng National University ang UAAP men’s badminton titles matapos pasukuin ang Ateneo, 3-1, kahapon sa PNP Sports Center Badminton Courts. Maliban sa nadepensahan ang kanilang titulo sa ikaanim na sunod na pagkakataon, kinuha rin ng Bulldogs ang dalawa pang importanteng titulo sa torneo–Most Valuable Player at Rookie of the Year. Tinalo ng tandem nina rookie Solomon Padiz Jr at graduating senior Keeyan Gabuelo ang NU sina Keoni Asuncion at Arthur Salvado ng Ateneo para mapanatili ang korona sa UAAP men’s badminton. Dahil sa impresibong laro,…

Read More

GAY MILLIONAIRE OBSSESSED KAY TISOY PLAYER NG UAAP

(NI ED DE LEON) MADALAS na nanonood ng UAAP ang isang gay millionaire, at talaga raw pinasusundan sa kanyang mga ‘agents’ ang tisoy at magaling na player ng isang universidad. Ang tanong nga ay ‘bibitiwan’ na ba niya ang isa pang poging cager na ka-team pa naman ni tisoy? Talaga raw excited si gay millionaire basta nakikita ngayon ang tisoy na cager. Nakahanda siyang tambakan iyon kahit isang truck na rubber shoes. Mukhang balak niyang paliguan din ng datung. May nagsabi raw kasi sa kanya na basta nakita niya ang…

Read More

MISFIRING FEU INILAMPASO; NU NANALO RIN

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO) SA wakas ay nakapitas na rin ng panalo ang National University sa pamamagitan ng halos hindi lumaban na Far Eastern University Tamaraws, 61-39, sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena kahapon. Matapos ang anim na laro, nakuha na rin ng Bulldogs ang inaasam na panalo laban sa Tamaraws na sa simula pa lang ay halos isinuko na ang laban nang umiskor lang ng 13 points sa first half. Mula sa 22 points na kalamangan ng NU, 35-13,…

Read More

UAAP SEASON 82; UST NAISAHAN NG ATENEO

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO) NAGTULONG sina Thirdy Ravena at Ange Kouame ng Ateneo Blue Eagles upang maungusan ang UST Growling Tigers, 71-70, sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kahapon. Nadepensahan ni Kouame si Soulemane Chabi Yo ng UST kaya’t naprotektahan ang gahiblang kalamangan ng Blue Eagles hanggang sa huling segundo ng laro. Nagposte ng double-double 17 points at 10 rebounds, tig-dalawang assists at steals si Ravena at Kouame na gumawa naman ng 11 points, 10 rebounds at tatlong blocks. Nananatiling perpekto ang rekord ng…

Read More

WARRIORS SINUWAG NG TAMARAWS

(PHOTO BY MJ ROMERO) NAKASUNGKIT ng panalo ang Far Eastern University laban sa University of the East, 81-65, sa UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon. Inakay ang Tamaraws sa panalo nina Wendell Comboy at L-Jay Gonzales nang umiskor ang mga ito ng 24 at 14, ayon sa pagkakasunod. Ito ang career-best nina Cowboy na nagtala ng 6-of-9 shooting sa tres, at Gonzales na nagposte rin ng walong rebounds, walong assists at tatlong steals. “At least naka-isa na kami, but sinasabi ko na sa mga players, play every play,…

Read More

PBA D-LEAGUE : CIGNAL-ATENEO BYAHENG FINALS

thirdy12

(NI LOUIS AQUINO) FIRST time lucky. Ganito ang nangyari sa Cignal-Ateneo na pasok agad sa finals sa unang pagsabak nito sa PBA D-League matapos talunin ang Valencia City Bukidnon-SSCR, 100-73, kahapon sa Ynares Sports Arena, Pasig. Nanguna para sa Blue Eagles ang two-time UAAP Finals MVP na si Thirdy Ravena na nagbuhos ng 14 sa kanyang kabuuang 19 points sa first half para makaahon ang team mula sa 12 puntos na kalamangan ng Valencia-SSCR. Nagposte rin si Ravena ng limang rebounds, limang assists, dalawang steals at isang block upang walisin…

Read More

UAAP SEASON 81 FINALS: KATIPUNAN KAMPEON

champ12

HINDI “kami naman” kundi “kami ulit” ang kinalabasan ng decider game sa pagitan ng UST at Ateneo makaraang manalo ang Lady Eagles 25-17, 25-22, 25-22, sa UAAP Season 81 Finals kahapon sa MOA Arena. Sa simula pa lang ay naging agresibo na ang Ateneo sa pangunguna ng team captain nitong si Bea de Leon at mga kapwa graduating Lady Eagles na sina Maddie Madayag at Kat Tolentino nang kunin ang unang set, 25-17. Pilit na bumawi ang Tigresses sa pamamagitan ng tandem nina Season 81 MVP Sisi Rondina at Rookie…

Read More

UAAP: TIGRESSES INILAMPASO ANG ATENEO 

VOLLEY12

(PHOTO BY MJ ROMERO) PINATUNAYAN ni University of Sto Tomas Lady Tigresses team captain Sisi Rondina na kaya niya at ng kanyang team na manalo laban sa Ateneo Lady Eagles nang ilampaso ito kahapon sa loob ng tatlong sets sa Game 1 ng best-of-three UAAP Season 81 women’s volleyball Finals. Ipinakita ng Tigresses ang kanilang bangis at hindi pinaporma ang Lady Eagles simula sa unang set hanggang sa ikatlo at huling set 25-17, 25-16, 25-20. Ayon kay Rondina wala silang ibang inisip kundi “finals na ‘to” kaya’t ibinigay na nila…

Read More