2 PULIS, 30 PA TIMBOG SA TUPADA

(NI JG TUMBADO) KALABOSO ngayon ang dalawang aktibong pulis gayundin ang 31 iba pa matapos mahuli sa ilegal na sabungan sa Caloocan City, Linggo ng umaga. Kinilala ang mga pulis na sina sina Patrolman Randy Yape at Police Corporal Mark Joseph Patayan na dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police Integrated Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG). Dakong alas-10:45 ng umaga nang ilunsad ng mga otoridad ang anti-illegal cockfighting operation nito sa Rosal Street, San Lazaro Tala, ng nasabing lungsod. Narekober din sa lugar ang mga manok na panabong at…

Read More

RESBAK NG MGA MISIS: 21 MISTER PINAHULI SA TUPADA 

sabong20

(NI KIKO CUETO) TIMBOG ang 21 lalaki sa ginawang operasyon ng pulis laban sa iligal na sabungan. Ang nagbigay ng tip – ang mga misis ng mga naaresto. “Nagrereklamo na nga to’ng mga asa-asawa nila dahil nga kung minsan imbis na ibigay sa kanila yung pera, ginagamit lang sa sugal,” sinabi ni Police Colonel Jun Alamo ng Imus Philippine National Police (PNP) Agad namang nagpunta ang mga nakasibilyang pulis ang sabungan na nasa Barangay Pasong Buaya, na nasa isang bakanteng lote na malayo sa sentro ng komunidad. Nagtangka pang tumakas…

Read More

PARAK BINARIL SA TUPADA

(NI GUILLERMO OCTAVIO) AGAW-buhay ang isang pulis nang barilin sa tupadahan sa Caloocan City. Kinilala ang biktima na si Senior Master Sergeant Carlito De Guzman na nakatalaga sa NPD-Mobile Force Battalion. Napag-alamang may nagnguso sa pulisya na may nagtutupada at bumabatak sa isang bahagi ng Barangay 188. Bukod dito, sinabi rin ng nagnguso na may mga armadong lalaking nakapaligid sa gradas. Kasamang rumesponde si De Guzman sa nasabing tupadahan ala-1:30 ng hapon noong Sabado ngunit naispatan agad ng mga armadong lalaki , pinagbabaril at nahagip sa tiyan. Nang makitang bulagta…

Read More

ROOKIE COP SINAKSAK NG TARI; 6 ARESTADO SA TUPADA

(NI FRANCIS SORIANO)  PATUNG-PATONG na kaso ngayon ang haharapin ng anim na sabungero matapos arestuhin sa iligal na tupada makaraang manlanban at manaksak ng isang pulis sa sa Kiko Camarin, Barangay 178, Caloocan City, nitong Linggo. Kinilala ni P/Col Noel Flores, Chief of Police ng Caloocan City Police Station, ang mga suspek na sina Romy Quisay Caasi, 24, ng Goyoden, Bolinao Pangasinan; Joel Esptero, 53, residente sa Amparo Village Anahaw Barangay 18, Caloocan City; Gerald Gonzaga Batislaon, 50, residente ng Bahay Bukid, Area D, Camarin, Caloocan City; Aries Dioneda, 31, Joevito Batasan, 34, at Ruel…

Read More