PVL COLLEGIATE PLAYER OF THE WEEK: ADAMSON’S TRISHA GENESIS

HINIRANG na Sports Vision PVL Collegiate Conference Player of the Week si Trisha Genesis ng Adamson University matapos ihatid ang Lady Falcons sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Collegiate Conference. Nakuha ng Adamson ang napakaimportanteng ikaapat na panalo kontra Ateneo de Manila Universtiy, 14-25, 25-21, 25-15, 25-21, noong Linggo para makaabante sa PVL Season 3 semifinals. Kumamada ang tubong Sta. Rosa, Laguna ng game-high 19 points kabilang ang 12 attacks, anim na service aces at siyam na excellent receptions sa naturang panalo kontra Ateneo. “Ang saya po…

Read More