14,000 PUWERSA NG PNP KASADO NA SA TRASLACION 2020

TINIYAK ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na sasapat  ang kabuuang 13,624 pulis na pakikilusin para sa seguridad at kaayusan ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno ngayong Huwebes.

Sinabi ng kalihim na bagama’,t pinaigsi ang ruta ng traslacion, kinakailangan pa ring masiguro ang kaligtasan ng libu-libong deboto na inaasahang daragsa sa prusisyon.

“Despite it taking a shorter route than usual, we guarantee the public and the devotees of the Black Nazarene that all bases are covered and all security measures are in place for the Traslacion 2020,” pahayag ni Año.

“This annual display of faith is expected to attract thousands of believers kaya naman siniguro namin na makakaagapay tayo sa pagtitiyak ng seguridad ng lahat,” dagdag pa ng kalihim.

Nauna na aniyang naplantsa ng DILG, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection gayundin ng iba pang law enforcement units ang plano ng seguridad at ang daloy ng prusisyon mula sa Quirino Grandstand pabalik ng Quiapo church sa Maynila.

Sinasabing mayroong 2,144 pulis na binubuo ng Regional Mobile Force Battalion at Special Action Force ang magse-secure sa tinawag na “andas wall” habang mayroong 1,065 pulis mula sa Eastern Police District (EPD) ang mangangasiwa sa crowd control at 1,206 pulis mula sa Regional Headquarters at patrolmen ay nakaposisyon sa paligid ng Quiapo.

Hiwalay pa ito sa malaking grupo ng puwersa ng PNP at BFP na nakatutok sa mga ruta ng traslacion at sa iba pang krimen na maaaring mangyari sa panahon ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno.

“Alam nating ang Traslacion sa kapistahan ng Itim na Nazareno ay isa sa mga pinakamasidhing pagpapakita ng pananampalataya ng ating mga kababayan na nagtitipon ng daang libong Filipino kaya naman ginawa natin ang kinakailangang paghahanda at itinalaga ang ating kapulisan para sa kaligtasan ng lahat,” ani Año.

“Sa lahat po ng ating ginagawa, hinihiling po namin na sana disiplina muna. Nauunawaan po namin na ito ay pagpapahayag ng inyong pananampalataya, ngunit una pa rin po ang hangarin nating walang masaktan at maging ligtas ang lahat kaya sana po makiisa tayo,” paalala pa ng kalihim.  (JG Tumbado)

Please follow and like us:
Read More

1,000 TAUHAN NG MMDA TUTULONG SA TRASLACION 

(NI ROSE PULGAR)

NASA  1000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang itatalaga sa susunod na Huwebes (Enero 9) upang umasiste sa 2020 Traslacion ng Itim na Nazareno para matiyak na ligtas at maayos ang pista.

Ayon kay MMDA Chair Danilo Lim ang MMDA contingent ay binubuo ng mga tauhan mula sa Metro Public Safety Office (MPSO), Traffic Discipline Office, Metro Parkways Clearing Group, at Sidewalk Clearing Operations Group, na pawang mga inatasan para tumulon sa kapulisan, at lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila para mapanatili ang kaayusan sa taunang aktibidad.

“Nakakasa na ang aming action plan. Bukod sa mga tauhan, magpapakalat din ang ahensya ng ambulansya, road emergency vehicles, traffic mobile cars, at iba pang kinakailangang kagamitan,” ani Lim.

Sinabi pa ni Lim, nangako rin ng tulong ang mga volunteers para sa Traslacion ngayong taon at makikipagtulungan ang mga ito sa MPSO sa pagbibigay ng first-aid treatment sa mga deboto at pagbibigay ng rescue at emergency response kung kinakailangan.

Ayon naman kay Michael Salalima, concurrent Chief of Staff ng Office of the General Manager at Focal Person para sa Disaster Risk Reduction and Management, nagse-setup na ng tents, plastic barriers, at fences sa Quirino Grandstand kung saan magaganap ang ilang aktibidad, kabilang dito ang “Pahalik”, prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno, Vigil, at misa.

“Naglalagay na ng barriers para sa tradisyunal na ‘Pahalik’ bilang bahagi ng crowd control at para maging maayos ang pila ng mga deboto,” paliwanag ni Salalima.

Inatasan din ni Lim ang paglilinis ng ruta ng prusisyon at pinaaalis ang mga kalat at anumang obstruction para na rin sa kaligtasan ng mga lalahok na deboto.

Sa Enero 9, pansamantalang isasara sa trapiko ang: Quirino Grandstand, Katigbak Road thru Padre Burgos St., Finance Road thru Ayala Boulevard, Palanca St., Quezon Boulevard, Arlegui St., Fraternal St., Vergara St., Duque de Alba St., Castillejos St., Farnecio St., Arlegui St., Nepomuceno St., Concepcion Aguila St., Carcer St., Hidalgo thru Plaza Del Carmen, Bilibid Viejo thru Gil Puyat, JP De Guzman St., Hidalgo St., Quezon Boulevard, Palanca St. thru under Quezon Bridge, Villalobos thru Plaza Miranda at Quiapo Church kung saan magtatapos ang Traslacion.

Nakaposisyon naman sa hulihan ng prusisyon ang mga street sweepers at tauhan ng road clearing group para agad na malinisan ang kalsada sa anumang uri ng basura.

 

Please follow and like us:
Read More

TRASLACION MAS MAAGANG MATATAPOS NGAYONG TAON

(NI KIKO CUETO)

INAASAHANG mas maagang matatapos ang traslacion ng itim na Nazareno sa susunod na linggo.

Ang traslacion na isang maituturing na phenomenon ay humahatak ng milyun-milyong deboto na nakayapak kada taon.

Daraan ito ngayon sa Ayala Bridge sa unang pagkakataon, imbes na sa tatlong ibang tulay na kinukumpuni.

“Inaasahan lang na mas maikli, makabalik sana nang mas maaga sa Quiapo [ang Traslacion],” sinabi ni Fr. Douglas Badong, vicar ng Minor Basilica ng Black Nazarene, ang siyang tahanan ng 400-taong ebony statue ni Hesukristo.

“Pero hindi pa namin matantya kung anong oras makabalik kasi siyempre minsan nakadepende rin sa attitude ng mga namamasan,” sinabi ng pari sa panayam sa DZMM.

Noong isang taon ang traslacion ay inabot ng 22 oras at may 4 milyong deboto ang dumalo na naniniwalang gagaling sila  sa karamdaman at mabibigyan kasagutan ang kanilang mga kahilingan.

Please follow and like us:
Read More

RUTA NG TRASLACION SA 2020 POSIBLENG MAIBA

(NI DAHLIA S. ANIN)

POSIBLENG maiba ang ruta ng gaganaping Traslacion sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9, 2020.

Ayon kay MPD Director P/Brig. General Bernabe Barba, matinding paghahanda ang ginagawa ng kapulisan at kinatawan ng Basilica Menor ng Quiapo upang mapaghandaan ang gagawing Traslacion.

Nabatid din na iibahin na ang ruta ng Traslacion at imbes na sa Jones Bridge ay sa Ayala Bridge na ito dadaan.

Hindi na umano ligtas sa milyung-milyong deboto ng Nazareno ang Jones Bridge dahil hindi nagbigay ng clearance ang DPWH, ayon pa kay Barba.

Pero, katulad ng nakasanayan ay tuloy pa rin ang tradisyunal na pahalik sa Quirino Grandstand isang araw bago isagawa ang Traslacion.

Matatandaang isinagawa kamakailan ang inagurasyon ng Jones Bridge matapos itong irestore kung saan ibinalik pa ang La Madre Filipina sculpture na nasira noong panahon ng digmaan.

Please follow and like us:
Read More

MPD OFFICIAL NA NAMALO SA MGA PULIS SINIBAK

palo

(NI JESE KABEL)

ISANG mataas na opisyal ng Manila Police District ang sinibak ni PNP-National Capital Regional Police Office Director Guilermo Eleazar kaugnay sa reklamo ng kangyang mga tauhan na pinagpapalo ng kahoy sa kasagsagan ng Traslacion ng Poon Itim na Nazareno, Biyernes ng tanghali.

Inutos ni Director Eleazar ang pag relieve sa puwesto ni Major Alden Panganiban, deputy commander ng MPD Station 11 na nakabase sa Binondo area.

Sa impormasyong ibinahagi ni P/Sr Insp Diploma , PNP-NCRPO Public Information Office chief, pansamantalang inilagay sa floating status si Panganiban.

Ito ay habang iniimbestigahan ng Regional Investigation and Detection Management Division, NCRPO ang kasong kinakaharap nito.

Bagama’t inaantabayanan pa ang opisyal na reklamo ng mga pulis na sinasabing pinagpapalo nito ng kahoy.

“The NCRPO will conduct fair investigation regarding the incident.’ ani Diploma kaugnay sa reklamo ang ilang nilang tauhan na umano’y hinataw ni Panganiban.

Ayon sa reklamo ng mga bagitong pulis mula sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit at Regional Support Unit ng NCRPO, pinagpapalo umano sila ng kahoy ng opisyal ng MPD. Sa reklamo ng mga pulis na tumangging magpabanggit ng mga pangalan, hindi umano nila nasunod ang ilang utos ni Panganiban at nang ito ay mapikon ay bigla na lamang silang pinalo gamit ang isang kahoy.

Marami umano ang nakakita sa ginawang pananakit ng nasabing opisyal ng MPD.

Bukod dito ay naiulat rin na ilang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nakatikim ng paninigaw sa nasabing opisyal ng pulisya.

Ito ay makaraan niyang iutos na alisin ang ilang barikada sa bahagi ng Jones Bridge bagay na hindi kaagad nasunod ng ilang MMDA personnel dahil kailangan muna nila itong ipag-bigay alam sa kanilang mga opisyal.

Bigong makunan ng pahayag ang opisyal hinggil akusasyon.

Please follow and like us:
Read More

TRAFFIC REROUTING IPATUTUPAD SA MAYNILA

REROUTING by MYKE ROME

(NI SAMANTHA MENDOZA)

ISASARA ang ilang kalsada at magkakaroon ng traffic re routing ang  Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa panahon ng mga aktibidad para sa pista ng Poon ng Itim na Nazareno sa Enero 9 sa Maynila.

Nabatid sa abiso ng MDTEU, sa Lunes, Enero 7,  isasagawa ang pagbabasbas at prusisyon para sa mga replica ng Nazareno, sisimulan ang pagsasara ng ilang kalsada. Nalaman na mula alas 11 ng umaga ay isasara ang southbound lane ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda, at ang westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street. Gayundin, magkakaroon ng traffic  rerouting para sa nasabing araw ang MDTEU. Nabatid na ang lahat ng sasakyang mula sa España Boulevard na nais magtungo sa Roxas Blvd./South Pier Zone/Taft Ave. ay dapat na kumanan sa P. Campa, diretso sa Fugoso Street, patungo sa kanilang destinasyon habang ang mga sasakyan namang nais na dumaan sa Quezon Boulevard, mula sa A. Mendoza Street, ay dapat na kumanan sa Fugoso, kaliwa sa Rizal Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Sa bisperas ng pista ng Quiapo,   sisimulan ang pagdaraos ng vigil o “pahalik” sa imahe ng Itim na Nazareno, ay magkakaroon rin ng road closures at traffic rerouting. Alas 5  ng  madaling araw ay isasarado na rin ang Katigbak Drive, South Drive at Independence Road. Ang mga sasakyan naman na mula sa Bonifacio Drive at P. Burgos, na nais na dumaan sa Independence Road, ay dapat na dumiretso sa Roxas Boulevard patungo sa kanilang destinasyon.

Habang ang mga sasakyan naman na magmumula sa Roxas Boulevard at TM Kalaw, na nais dumaan ng Independence Road, ay dapat na dumiretso sa Roxas Boulevard patungo sa destinasyon at ang mga sasakyang patungo ng Manila Hotel at H2O Hotel ay may one lane-access sa Katigbak Drive Sa preparasyon naman sa Traslacion, mula alas 10 ng gabi ay Isasarado rin ang mga kalsada sa Katigbak Drive at South Drive, pero lalagyan ng isang one lane-access patungong Manila Hotel at H2O Hotel; northbound lane ng Quezon at McArthur Bridge mula Bonifacio Shrine, at Taft Avenue mula Ayala Boulevard hanggang  Bonifacio Shrine.

Nalaman na sa araw naman  ng Traslacion sa Miyerkules,  Enero 9, ganap na alas 12 ng madaling araw ay sisimulan na ring isara sa daloy ng trapiko, ang kahabaan ng Mc Arthur, Jones at Quezon Bridge; Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang TM Kalaw Street; magkabilang linya ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso St. at España Ave / P. Campa St. para sa southbound at mula Taft Avenue/Ayala Blvd para sa northbound. Inabisuhan  ng MDTEU ang mga motorista na kung wala namang importanteng gagawin sa mga lugar na apektado ng Traslacion ay mas makabubuting ipagpaliban na lamang muna ang kanilang lakad. Gayunman , kung talagang hindi maiiwasan ay  maghanap na lamang ng alternatibong ruta patungo sa kani-kanilang destinasyon. (PHOTO BY: MYKE ROME)

 

Please follow and like us:
Read More