MAG-ASAWA SABAY INATAKE SA PUSO, PATAY

(NI RENE CRISOSTOMO)

KAPWA namatay ang live-in partners , na pinaniniwalaang sabay na inatake sa loob ng kanilang bahay,  sa Tondo, Manila, nitong Biyernes.

Kinilala ang mag live- in na  sina Marcellita Dollete, 54; at Edgar Canus, 52, kapwa residente ng 1953 Juan Luna st., Tondo.

Batay sa ulat ni Det.Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 5:00 ng  madaling araw nang madiskubre na wala nang buhay ang dalawa ng kanilang anak na si Mary Grace, call center agent.

Isa pa nitong kapitbahay ang napasilip sa nakabukas na bintana at nakita ang ginang na nakasandal sa dining table habang nakaupo at inakala niyang natutulog ito kaya kinatok upang gisingin.

Sa kabila ng malalakas na tawag at katok ay hindi umano gumagalaw man lang ang ginang na pinagdudahan kung bakit kaya’t ipinaalam sa nakasasakop na barangay.

Nagkataong dumating na rin ang anak ng mag-asawa na si Mary Grace mula sa trabaho kaya nabuksan ang pintuan .

Nasorpresa siya nang matuklasan na wala nang buhay ang ina at ang ama ay patay na rin sa loob ng bedroom.

Kapwa umano may sakit sa puso ang dalawa subalit nagtataka rin sila kung bakit magkasabay na namatay ang dalawa.

Wala ring nakitang external injuries sa katawan ng mga biktima.

Isinailalim sa awtopsiya ang dalawang bangkay para makasiguro kung anong sanhi ng kanilang kamatayan.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAKADISPALKO NG KITA SA DROGA, ITINUMBA

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ)

NAGAWA pang masabi ng isang 24-anyos na lalaki  na masabi sa kanyang ama bago ito tuluyang  malagutan ng hininga  sa Ospital ng Tondo, na siya ay pinagbabaril  ng kanyang kababata at kaibigan ang bumaril sa kanya, Lunes ng umaga sa Tondo, Maynila.

Tinitingnang motibo ni PMSG Dennis Suba, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, sa pagbabaril sa biktimang si Robin Roland Relango, ng 1139 B Vargas St., Brgy. 216 Zone 20 sa Tondo, ay ang nadispalko nitong kita mula sa iligal na droga may isang taon na  ang nakalilipas.

Nalaman na may isang taon umanong nawala ang biktima sa kanilang lugar matapos na hindi makapag-remit ng kita sa iligal na droga, inakala umano ng biktima na kinalimutan na ng suspek na  si Renielle Punzalan  , 24,  nakatira rin sa nabanggit na lugar, ang away nila sa hindi na i-remit na kita ng shabu dahil naging maayos naman ang pakikitungo sa biktima ng suspek nang magkita.

Niyaya umano  ng suspek ang biktima sa kanyang bahay nang magkita at sumama naman ang biktima pero pagpasok sa loob ng bahay, dito na pinagbabaril ng suspek ang biktima.

Nakalabas pa ng bahay ang biktima kahit  may tama na ng mga bala at nagawa pa nitong sabihin sa kanyang amang  si Rule  na binaril siya ni Renielle.

Nadala ang biktima sa pagamutan pero di na rin naisalba ng mga doktor. Nakakuha ng sachet ng  pinatuyong dahon ng marijuana ang nurse sa bulsa ng biktima nang isugod ito sa pagamutan.

Please follow and like us:
Read More

3 MAGKAKAANAK PATAY, 2 BATA SUGATAN SA TONDO FIRE

(NI HARVEY PEREZ)

HALOS hindi na makilala ang tatlong magkakamag-anak na kinabibilangan ng mag-ina matapos matusta nang hindi malalabas sa nasusunog nilang bahay, Miyerkoles ng umaga sa Honorio Lopez Boulevard, Tondo,Maynila.

Nabatid na  unang napaulat na nawawala ang mga biktimang sina Mara Beneza, 23,  anak niyang si Leo Lance Tequillo, 4, at pamangking si Andrei Tequillo, 5, pero nang maapula  na ang apoy  ay nakita ang kanilang sunog na bangkay  sa loob ng kanilang bahay na magkakayakap.

Sinabi ni Fire Insp. John Jalique, hepe ng Intelligence and Investigation ng Manila Fire Department, may dalawang bata pa na nasa edad 7 at 8 ang nagtamo ng first at second-degree burns sa na isinugod sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ni  FO1 Axel Ramos, ng Manila-Bureau of Fire Protection (BFP), alas  6:17 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa isang 2-palapag na residential building sa Honorio Lopez Boulevard, sa Tondo.
Sinabi ni   Michelle Bacanza, kaanak ng mga biktima at residente rin sa lugar, hindi nakalabas ang mga biktima  sa nasusunog nilang tahanan.

Naapula ang sunog dakong alas 6:55 ng umaga na  umabot  sa  ikalawang alarma ang sunog.
May  10  bahay na yari sa light materials ang nadamay na masunog , 20 pamilya ang nawalan ng tahanan at aabot sa P50,000 ang napinsalang ari-arian.

Patuloy na iniimbestigahan ng arson ang sanhi ng sunog na hinala naman ng ilang residente sa lugar na sinadya dahil pinaalis na umano sila sa lugar.

 

 

Please follow and like us:
Read More

DUELO SA TONDO: 1 PATAY, 1 SUGATAN

(NI HARVEY PEREZ)

NASAWI ang isa habang sugatan naman ang tiyuhin ng suspek makaraang mauwi sa duelo ang  matagal nang alitan ng magkapitbahay, Lunes ng umaga sa  Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni  PSg Roderick Magpale, ng Manila Police District-homicide section, ang biktima ay nakilalang si  Rommel Reyes, 40, ng 805 Coral Street, Tondo, na nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo habang sumuko naman ang suspek na si Joel Mural, 33, ng 801 Coral Street, Tondo.

Habang nasugatan naman ang tiyuhin ng suspek na si Elmo Mural, 55, sa  kanang palad makaraang tamaan ng ligaw na bala, habang tinatangkang awatin ang dalawa.

Nalaman na  ang insidente  ay naganap dakong alas-8:50 ng umaga sa  tabi ng Ilog sa Pilapil Street, sa Tondo.

Nabatid na matagal na umanong may alitan sina Rommel at Joel at nang mag-krus ang landas ng mga ito, na kapwa armado ng baril, ay nagkagirian na  ang mga ito.

Una umanong binaril ng  biktima ang suspek pero  hindi pumutok ang kanyang baril kaya  nang gumanti ang suspek ay tinamaan siya sa dibdib.

Sa kabila na bumagsak na ang biktima nilapitan pa ito ng suspek at  pinaputukan sa ulo, na nagresulta ng kanyang kamatayan .

Naaresto naman ang suspek matapos na pakiusapan ng kanyang ina na barangay Kagawad na sumuko na sa mga pulis na nagresponde.

 

 

Please follow and like us:
Read More

TIBO PINATAY SA HARAP NG INA, GF

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ)

BUMULAGTA ang isang 22-anyos na  ‘tibo’ nang barilin nang  malapitan ng gunman na nakasakay ng motorsiklo, habang naglalakad kasama ang kanyang ina at kasintahan, Martes ng gabi sa Road 10 Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay  sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang biktimang si   Jeeva Revilla, dalaga, saleslady, ng Building 8 Happy Land sa Brgy. 105 Tondo.

Samantalang nakatakas naman ang suspek na inilarawan na nasa edad 30-35, may taas 5’0, naka-long sleeve na polo, maong pants, nakasuot ng kulay itim na sapatos at naka-helmet.

Ayon kay PMMSG Richard Escarlan , imbestigador ng Manila Police District-homicide section, alas  8:15 ng gabi, nang pagbabarilin ang biktima sa harapan ng isang junk shop sa Happy Land.

Nilapitan at saka pinagbabaril ng suspek ang biktima na nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ng ng  kanyang kasintahan at ina na si   Eva Revilla, 52, ngunit hindi na umabot nang buhay.

Iniimbestigahan naman MPD-hs ang pagkakakilanlan ng suspek at posibleng motibo ng krimen.

Please follow and like us:
Read More

DAANG KILO NG BULOK NA IMPORTED NA KARNE NASAMSAM SA TONDO

UMAALINGASAW  na amoy ang bumungad sa awtoridad nang buksan ang isang sasakyan na puno ng daang kilo ng bulok na imported na karne at dimsum na itatapon sa Road 10 sa Tondo, Maynila, Linggo ng hapon.

Nasabat ng awtoridad ang L300 van na may karga na bulok na karne kasunod ng sumbong na may magtatapon muli ng mga karne sa lugar.

Sinabi ni ni Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Raxabago-Tondo Police Station na may ilang linggo nang minamanman ang kilos ng grupo na nagtatapon ng bulok na imported meat.

Madalas din na mga kahon na lamang ang natitira sa lugar at hindi natitiyempuhan ang mga bulok na karne.

Sinabi ni Magdaluyo na lubhang napakapanganib sa kalusugan ang mga karne na ilan pa sa mga tiwali ay pinupulot ito at muling ibinebenta sa murang halaga.

Ang mga kontaminadong karne ay may tatak na galing sa Brazil.

Kasamang tumambad sa van ang ilang kahon ng chicken wings at dimsum. Natukoy naman sa rehistro ng L300 van na galing itong sa bodegang pagmamay-ari ng isang negosyante sa Tondo, ani Magdaluyo.

Sinabi ng hepe ng magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa ikadarakip ng mga nasa likod ng pagtatapon ng bulok na karne.

 

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN SA TONDO PINASLANG NG TANDEM

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ)

BUMULAGTA  ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng mga suspek na riding in tandem, sa  Tondo, Maynila, Biyernes ng umaga.

Hindi na naisalba ng mga doktor  sa Chinese General Hospital ang biktimang si  Alfredo Lansingan, chair ng Barangay 161 sa Gagalangin, Tondo.

Nakatakas naman ang mga suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo matapos na makitang napuruhan  ang biktima.

Sa imbestigasyon ng  Manila Police District-homicide section , dakong  alas 9:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa panulukan ng Solis Street at Dagupan Street sa Tondo.

Base sa  kuha ng CCTV sa lugar, nakasakay umano sa kanyang motorsiklo ang biktima, nang tawagin  ng mga susupek at saka  apat na beses  ulit na pinaputukan, ngunit dalawang bala lamang ang tumama sa biktima.

Sinabi ng mga nakakita na inakala nilang may y pumutok lamang na gulong pero nagulat sila nang makitang bumagsak ang biktima at duguan.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

PUMATAY NG PAMANGKIN NA PASLIT, TODAS SA PRESINTO

crime

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI na sinikatan ng araw ang isang  lalaking pumatay sa kanyang apat na anyos pamangkin nang mang-agaw ng baril sa isang pulis-Maynila sa loob ng Manila Police District-Police Station 2, habang iniimbestigahan, Lunes ng gabi sa Moriones,Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital ang suspek na si Edmundo Perucho, 51, pedicab driver at ng Gate 10 Parola Compound,Tondo, Maynila dahil sa  tama  ng bala sa kanang bahagi ng ulo mula sa service firearm ni PSSG Luigi Tan.

Ayon kay PCpl Rodel Benitez, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong alas  8:28 n gabi sa loob ng MPD-Police Station 2, kung saan iniimbestigahan ang suspek sa pagpatay sa biktimang si  Larz Genesis Dela Cruz, 4 na binurdahan nito ng saksak dakong ala- 1:15 ng hapon.

Nagpaalam umanong iihi ang suspect na sinamahan  ni PSSG Alfred  Luigi Tan, gayunman, pagdating sa comfort room at tinanggalan ng posas, kaagad nitong inagaw ang baril ng pulis.

Sa puntong ito, nag-agawan umano ang dalawa sa baril  habang nagsasalita ang suspek ng “Wala ng kwenta tong buhay ko. Damay-damay na tayo,” nang  pumutok ang baril at duguang bumagsak ang suspek.

Nalaman  na pinagbalingan umano ng galit ng suspek  ang paslit matapos nitong makipagsuntukan sa ama ng bata na si Gener  habang nag-iinuman sila.

Nagdududa  umano ang suspek na may kalaguyo ang kanyang asawa na kapatid ng ama ng bata at kinukunsinti ito ng mga kaanak ng kanyang misis.

Base sa kuha ng CCTV camera sa lugar, lumilitaw na dakong 1 ng hapon ay makikita pa ang biktima na naglalaro sa kalsada sa labas lamang ng eskinita na papasok sa kanilang tahanan, ngunit pagsapit ng 1:12 ng hapon ay nakita umano itong pumasok na sa eskinita, matapos na tawagin ng suspek upang utusang bumili ng yelo sa tindahan pero sa halip na  pabilhin ng yelo ay isinagawa na ng suspek ang pagpatay sa biktima.

Sa testimonya ng testigo na si Jennifer Matibag, dakong 1:40 ng hapon nang makita niyang nag-aamok ang suspek, at nagsisigaw habang palabas ng eskinita at sinasabing dapat na siyang patayin dahil pumatay siya ng bata.

“Patayin nyo na ako! Pumatay ako ng bata!” sigaw pa umano nito, habang iwinawasiwas ang dalang duguang kutsilyo, na may habang 15 pulgada.

Naisugod pa sa ospital ang bata ngunit namatay din.

Please follow and like us:
Read More

SUGALAN SA LAMAY; 1 PATAY

crimeshooting12

(NI JULIE DUIGAN)

NADILIG ng dugo ang isang lamay sa patay nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek sa Tondo,Manila, Linggo ng madaling araw.

Namatay habang inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Alexis Encallado, ng Masikap St. sa Brgy.29 sa Tondo.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Jr Concepcion ,26, ng Parola Compound.

Base sa ulat ni Det. Charles John Duran kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District -Homicide Section, bandang alas-3:18 ng madaling araw,nang maganap ang pamamaril sa panulukan ng Road 10 at Mabagos St. sakop ng Brgy. 30 sa Tondo.

Sa imbestigasyon, ginising umano si Encallado habang nasa kasagsagan ang lamay ng magkakapitbahay sa lugar nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa sugal na baraha.

Naawat naman ang biktima at ang suspek hanggang sa umalis na si Concepcion at nang magbalik ay armado na ito ng baril.

Dito na umano binaril si Encallado  ang biktima na tinamaan sa kaliwang kilikili.

Agad tumakas ang suspect.

Please follow and like us:
Read More

MISTER ‘DI NAGBAYAD NG UTANG ITINUMBA

crime85

(NI JULIE DUIGAN)

MALAKI  ang hinala na may kaugnayan sa hindi pagbabayad ng utang ng isang 40-anyos na mister na una nang may nakaalitan, ang pamamaril at pagpatay dito sa Tondo, Manila, Lunes ng madaling araw.

Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ricky Paghunasan, ng Happy Land, Tondo, Manila, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nakatakas ang hindi nakilalang salarin, na inilarawang nakasuot ng dilaw na helmet, light blue na pantalon at pulang jacket.

Batay sa ulat ni Det.Roderick Magpale ng Manila Police District -Homicide Section, bandang alas-5:50 ng madaling araw nang maganap ang pananambang sa panulukan ng Chesa St. at sa  R-10 sa Tondo.

Sakay din ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabaybay ang Chesa St., nang biglang sumulpot ang suspek mula sa likuran at kaagad siyang pinagbabaril, gamit ang hindi tukoy na kalibre ng baril.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis nang lumulan sa motorsiklo ang suspek at tumakas patungo sa Pacheco St, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Nabatid sa pulisya, bago umano ang pamamaril, may nakasuntukan muna ito noong Linggo dahil sa hindi nabayarang utang, at nakarating pa ang usapin sa barangay.

Gayunman, inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman ang naturang insidente sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-DYOWA PATAY SA AMBUSH

tondo12

(NI HARVEY PEREZ)

TINITINGNAN ng mga imbestigador ng Manila Police District-homicide section ang anggulong crime of passion  sa pananambang  sa isang umano’y lovers, Martes ng gabi sa Port Area, Maynila.

Inalis na ng MPD-homicide section ang anggulong robbery dahil hindi naman tinangay ng dalawang suspek ang bag na dala  ng mga biktimang sina  Arnel Puno, 41, security guard, ng Block 15-B, Baseco Compound, at Shirley Ebora, negosyante, 35, ng  Sto. Cristo, Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, magkaangkas si Ebora sa minamanehong motorsiklo ni Puno at habang binabaybay ang northbound lane ng Port Area nang tambangan sila ng dalawang gunman na nag-aabang sa kanila sa may panulukan ng  Elliptical Road, Muelle del Rio at 2nd streets dakong alas 8:20 ng gabi.

Namatay kaagad sa pinangyarihan ng krimen  ang dalawa na kapwa may mga  tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakuha  naman ng  mga imbestigador ang anim na basyo ng bala sa crime scene.

Sa impormasyon nakuha ng pulisya, nalaman na si Puno at si Ebora, isang vegetable dealer ay kapwa may asawa pero base sa imbestigasyon ay mayroon silang “illicit affair”.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen para malaman kung sino ang nasa likod ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER NA NAKAPATAY SA 16-ANYOS ARESTADO

tondocrime12

(NI HARVEY PEREZ)

NASA kustodiya na ng  mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 1, ang rider na bumaril at nakapatay sa isang 16- anyos na binatilyo sa isang follow-up operation, Huwebes ng madaling araw sa  Tondo, Maynila.

Itinurn-over na sa Manila Police District-homicide section,ang suspek na si Mark Joseph Vasquez, 22, at residente ng Barangay 68 sa Tondo.

Alas-2:00 ng madaling araw nang matiyempuhan ng mga pulis sa kanilang bahay ang suspek.

Nabatid na ang suspek ang itinuturong  bumaril at nakapatay sa  biktimang si Kevin Lois Monsod, 16, na residente ng naturang lugar.

Tuluyang nadakip ang suspek sa tulong ng mga CCTV footages mula sa tatlong barangay sa Tondo, kabilang ang sa Barangay 72, kung saan isinagawa ang pagpatay kay Monsod, dakong alas-2:20 ng madaling araw ng Martes sa kanto ng Quezon Street, at  Concha Street, sa Tondo.

Todo tanggi naman ng suspek na siya ang nakapatay kay Monsod dahil nasa bahay lamang umano siya nang maganap ang insidente.

Habang sinabi  naman ni PLT.Col. Reynaldo Magdaluyo,station commander ng MPD-PS 1 na 101% silang sigurado na si Vasquez ang nakabaril at nakapatay kay Monsod.

Kinilala rin ang suspek  ng dalawang menor de edad na kaibigan ni Monsod na siyang nakasaksi sa pangyayari.

Sasampahan naman ng kasong murder sa Manila Prosecutor Office si Vasquez.

Matatandaan na galing sa inuman at papatawid lamang ng kalsada si Monsod at kanyang dalawang menor de edad na kaibigan, nang madaanan sila ng suspek, na may kaangkas na tatlong babae.

Nabatid na  kaklase ng isa sa mga kaibigan ni Monsod ang isa sa mga babaeng angkas ng suspek at binati niya ito ng, “Pangit, kumusta na?”

Hindi naman umano ito nagustuhan ng suspek kaya’t nagbitiw ito ng hindi magagandang pananalita.
Ikinagalit naman ito ni Monsod at dahil nakainom, sinipa nito ang motor ng suspek.

Ilang minuto ay nagbalik ang suspek, bumaba ng motorsiklo , hinabol ang mga binatilyo at saka pinagbabaril dahilan para tamaan si Monsod na nahuli sa pagtakbo.

Tinamaan sa dibdib ang biktima na bumalandra sa kanyang collar bone at tumagos sa baga at tuluyang binawian ng buhay habang ginagamot.

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTE PATAY SA AMBUSH

crimeshooting12

(NI JULIE DUIGAN)

IDINEKLARANG dead on arrival sa Tondo General Hospital ang isang 48-anyos na negosyante, makaraang pagbabarilin ng apat na suspek na lulan ng dalawang motorsiklo, habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner sa Tondo, Manila, Biyernes ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Melchor  Almazan, may asawa, ng 24 Torcillo St., Dagat Dagatan, Caloocan City.

Samantala, apat na gunman na lulan ng dalawang  motorsiklo na ang isa’y nakasuot ng kulay itim na t-shirt , ang manhunt ngayon ng pulisya, habang nangangalap ng testigo sa ikalulutas ng kaso.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Lester Evangelista, kay P/Capt. Henry Navarro , hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:20 ng gabi , nang maganap ang pamamaril sa Ismakay Market sa Vitas, Tondo

Sa report ng pulisya, lulan ng kulay itim na Toyota Fortuner (KLT-08) si Almazan, at pagsapit sa lugar, lingid dito ay nakabuntot na ang dalawang motorsiklo na sakay ng magkakangkas na suspek.

Agad niratrat ang naturang negosyante.

Matapos isagawa ang krimen, bumaba ng motorsiklo ang dalawa sa suspek, saka binuksan ang pinto ng biktima at kinuha ang kanilang pakay.

Naiwang duguan si Almazan , at isang Vladimir Almazan , 22. Ilang tambay sa lugar ang nagtulong-tulong na maisugod ang biktima sa nasabing pagamutan , subalit dakong alas-8:35 ng gabi subalithindi rin naisalba.

Please follow and like us:
Read More

ANAK NG BGY CAPTAIN HULI SA DRUGS

arrested12

(NI KOI HIPOLITO)

KALABOSO ang anak ng barangay chair na nagtutulak ng iligal na droga at itinuturing na high value target nang magsagawa ng isang search operation ang mga pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-NCRPO), SWAT at ng Manila Police District (MPD-PS7), nitong Biyernes ng umaga sa No. 21, Brgy. 228 Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na si Benidict Cortez, alyas “Jon-jon”, anak ni Ricardo Cortez na kasalukuyang barangay chair sa nasabing lugar. Si Cortez ang sinasabing isa sa malalaking personalidad sa droga na nag-o-operate ng kanyang iligal na aktibidades sa Tondo, Manila.

Base sa report na ipinadala ni RDEU Chief Ferdinand Mendoza kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, naaresto ang suspek sa bisa ng inihain na search warrant sa bahay ni alyas “Jon-jon” na inisyu ni Hon. Judge Carolina I. Sison ng Branch 18, Manila Regional Trial Court.

Nasamsam sa paghahalughog sa bahay ng suspek ang apat na piraso ng plastic sachets ng mga hinihinalang shabu na may 50 gramo at street market value na P340,000.00., isang 12 gauge shotgun rifle, 48 bala para sa cal.40 at mga drug paraphernalias.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa opisina ng RDEU office sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at mahaharap sa patong-patong na kaso ng paglabag sa violation of Sec.5 at 11 of RA 9165 (Comprehensive Laws on Illegal Drugs Act.of 2002) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms).

 

 

Please follow and like us:
Read More

DRIVERS NABULAGA SA OPLAN HARABAS NG PDEA

drug test12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

MAGKAKASUNOD na isinagawa ang sorpresang drug test sa mga truck drivers ng mga container van  sa Port Area at sa Tondo, Manila.

Ito ang napag-alaman kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Director General Aaron Aquino, makaraang ipatupad ang  panibagong “Oplan: Harabas”   sa pakikipag-uganayan ng ilang ahensya ng gobyerno upang maibaba ang demand ng  illegal na droga ,pagtataguyod ng mga lugar ng trabaho na walang droga.
“We are also doing this to keep track of long haul drivers under the influence  of illegal drugs” , ayon kay Aquino.

Sa pagsasagawa ng  drug test sa mga truck drivers sa dalawang malalaking daungan, ang Manila International Container Port (MICP) sa North Harbor, Tondo at Port of Manila sa  South Harbor , Port Area, Manila, ang  Land Transportation Office  (LTO), Land Transportation Franchising  and Regulatory  Board (LTFRB) , Philippine  National Police  (PNP), Bureau of Customs (BOC) ,  Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG),  Manila International Container Port(MICP),  International  Container  Service Terminal Inc., (ICSTI), Asian Terminal Inc., (ATI), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), at Manila  Tricycle  Regulatory Office (MTRO) .

Nabatid pa sa PDEA, na may  mga kaugalian ang ilang mga driver na gumamit ng droga upang manatiling gising sa kanilang biyahe kaya  isinailalim sila sa drug screening  dahil nag-ooperate sila ng malalaking sasakyan o heavy duty vehicles at bumabiyahe ng malalayo.

Dahil dito ,ang sinumang truck driver na tumangging  sumailalim sa mandatory drug test  ay irereport sa LTO at ang mga mapapatunayang positibo  sa illegal na droga ay matatanggalan ng lisensya.

Dumating din ang PDEA’s Preventive Education  and Community  Involvement  Service (PECIS) upang magsagawa naman ng on-site counseling  at tutulong  sa pagpapa-rehab sa mga driver na mapapatunayang nagpositibo sa paggamit ng illegal na droga  sa pakikipag-ugnayan na rin sa  Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGUs).

 

 

Please follow and like us:
Read More

KELOT PATAY SA BUMAGSAK NA BAKAL NG COVERED COURT

crime

(NI JULIE DUIGAN)

HINDI na umabot nang buhay sa pinagdalhang pagamutan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki nang mabagsakan ng bakal sa ginagawang covered court sa pampublikong eskuwelahan , Martes ng umaga sa Tondo,Manila.

Inilarawan sa edad 40 hanggang 45 anyos ang biktima ; nakasuot ng kulay puting t-shirt, asul na pantalon at may kalakihan ang pangangatawan.

Batay sa ulat ni Det. Roderick Magpale, na isinumiti kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section , bandang alas-10:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa ginagawang covered court sa Felipe Calderon High School sa Hermosa St., sa Tondo.

Sa report ng pulisya , habang ikinakabit ang bakal na paglalagyan ng bubong ng court nang bumigay ito at tamaan sa ulo ang naglalakad na biktima.

Nagtulung-tulong naman ang ilang construction worker na isugod ang biktima sa ospital ng Tondo subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Please follow and like us:
Read More

‘PRANING’ NANUNOG; 100 PAMILYA APEKTADO

fire tondo12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

MASUWERTE pa rin na hindi nakuyog ang isang 22- anyos na umano’y praning makaraang bitbitin sa presinto nang sunugin umano ang sarili nitong bahay sa Tondo,Manila, Sabado ng gabi.

Nasa kustodiya  ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7 at nakatakdang ilipat sa Arson Division ng Manila Fire Department, kung mapatutunayang positibong sinunog ng suspek na si Aldrine Manansala, alyas “Bindong “, ng 725 Laon Nasa St., Gagalangin Tondo, ang kanilang bahay.

Sinabi ng mga residente na naapektuhan na umano ang isip ng suspect dahil sa paggamit ng droga. Gamit umano ang spray paint at lighter nang silaban ito ng suspect.

Bukod dito, nadamay pa ang ilang kabahayan na tinatayang nasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan. Bandang alas- 8:31 ng gabi na nang sumiklab ang apoy na umabot sa ikatlong alarma at naideklarang fire under control ng dakong alas-11:00 ng gabi.

Habang naglalagablab ang sunog, anim ang idineklarang nasugatan na sina Nenita Lardizabal, 64; Gerald Brown, 38; Imee Perayre, 20; Liezel Mislos, 42; Manuel Corpuz, 64; at isa pang hindi napangalanan.

Itinanggi naman ng kaanak ng suspect ang paratang ng mga kapitbahay na sinadyang sunugin ng suspect ang bahay at sinabing natumbang may sinding kandila ang dahilan ng sunog.

Please follow and like us:
Read More

19-TAON ANG NAKALIPAS, PULIS ARESTADO SA TORTURE NG PRESO

torture1

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

NAKAMIT din sa wakas ang hustisya — matapos ang 19 taon  paghihintay – nang madakip ang isang pulis na sangkot sa pagtorture sa bilanggo ng Police Community Precinct sa Tondo, Maynila.

Inaresto si PO1 Nonito Binayug, sa kanyang bahay sa Tondo, Maynila nang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Unang naaresto ang kapatid nitong si dating Sr.Insp. Joselito Binayug na noon ay Block Commander ng  Manila Police District -Asuncion PCP, na sakop ng Station 2. Kasalukuyan itong nakatalaga sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Nabunyag ang pagpapahirap na ginawa ng mga ito nang lumabas sa telebisyon ang sinasabing pagtorture sa isang bilanggo.

Base sa ulat ni Atty. Emeterio Dongalo, hepe ng  NBI -Special Action Unit (NBI-SAU) noong 2010 pa naganap ang pagtortyur kay Darius Evangelista.

Dahil dito, nahaharap  ang mag-utol sa  paglabag sa Republic Act 9745 o Anti-torture Act.

Matatandaang kumalat ang  video ng torture kay Evangelista kung saan makikita ,  habang nasa loob ng PCP sa Tondo ,  inilalabas ang ari nito at hinila ng ilang ulit gamit ang tali.

Please follow and like us:
Read More

‘HIRED KILLER’ NG NAKADISPALKONG PUSHER ARESTADO

hired killer

(NI JULIE DUIGAN)

BINITBIT ng mga operatiba ng  Manila Police District ang dalawa umanong  hired killer ng  noturyus na drug pusher na hindi nakakapag remit ng benta ng shabu , matapos mabuking ang kanilang transaksiyon Lunes ng hapon sa magkahiwalay na lugar sa Sampaloc at sa Tondo,Manila.

Unang nadakip ang isang  Apolonio Flores,37 anyos ng Sampaloc, Maynila, ng bandang 2:45 ng hapon  sa A.H Lacson Avenue , makaraang ituga ng isang concerned citizen nang makitaan ng baril sa kanyang tagiliran habang nagpapagawa ng motorsiklo

Dito na nagresponde ang mga tauhan ni P/Supt. Robert Domingo , Station  Commnader ng MPD-PS 4 , at nadiskubre sa mobile phone nito na may kausap pang lalaki .

Dahil dito, agad na nakipag-koordina ang mga tauhan ni Supt. Domingo sa tanggapan ni P/Supt. Reynaldo Magdaluyo, Station Commander ng  MPD-Raxabago Police Station 1 at nagsagawa ng follow-up operation  at matimbog ang isa pang suspek  na nakilalang  si  Prince Patrick Cortez, 32, ng Tondo, bandang alas-4:30 ng hapon sa Earnshaw St. at Del Fiero St. sa Tondo.

Sa imbestigasyon ng pulisya nabatid  na si Cortez umano ang nag-uutos kay Flores kung sino ang itutumbang pusher na hindi nakakapag-remit ng kita sa shabu.

Gayunman , nahaharap sa kasong paglabag sa Section 28 Article V of RA 10591 in relation to Sec. 261 Art. 22 ng BP 881 (Omnibus Election Code) at paglabag sa  Sec. 3 PD 1866 as Amended by RA 9516, ang dalawang naarestong suspek.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PEKENG PARI ARESTADO; KITA INIPIT SA BIBLIYA

fake1

SA unang kita ay mapapabilib ka na totoong pari si Marlon Ponterez  Kumpleto ito sa aksesorya at may kipkip pang Bibliya.

Siya ang inatasang magbendisyon sa mga imahen ng santo at isang bahay sa Barangay 105 sa Tondo, Maynila Linggo ng hapon kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Bakhita.

Gayunman, matapos niyang matanggap ang abuloy ay iniipit niya ang pera sa Bibliya dahilan para pagdudahan siya ng mga residente. Nasilip din ang kanyang tattoo sa katawan na marijuana at miyembro ng Sputnik Gang. Bukod dito ay nanghingi pa siya ng karagdagang abuloy na nakalagay sa sobre.

Nang dalhin sa presinto, nabatid na pekeng pari si Ponterez at isang taon na niyang ginagawa ang modus niya higit sa mga karatig lugar sa Metro Manila at Laguna.

Sa presinto ay nakuha kay Ponterez ang isang bote na may tubig galing Bundok Banahaw na ginagamit niya sa pagbebendisyon. Nang usisain ang suspect, nabatid na nakulong na rin ito sa kasong carnapping.

Kung walang makuhang sertipikasyon sa mga simbahan na magpapatunay sa pagiging pari ni Ponterez, kakasuhan siya ng usurpation of authority, estafa at grave coercion.

Please follow and like us:
Read More

EX-COP NILASING, PINATAY

crime

(NI SAMANTHA MENDOZA)

NASAWI ang dating pulis ang inanyayahang mag-inuman ng grupo ng mga kalalakihan ngunit matapos nito ay pinagsasaksak hanggang mamatay sa Tondo, Maynila.

Nabatid sa imbestigasyon ng Manila Police District -homicide section,  nadala pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ,ang biktimang si dating PO1 Jose Igig, 42, at residente ng  Building 19, Unit 411, Vitas, Tondo,  pero idineklarang patay ng mga doctor dakong 8:35 ng gabi, dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PCInsp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-hs, dakong 8:05 ng gabi nang madiskubre ang biktima ng kanyang pamangkin na duguan nang nakahandusay sa Road 10, Scarborough, Katuparan sa Vitas.

Isinugod ang biktima sa pagamutan pero hindi na naisalba pa ng mga doktor. Huling nakitang buhay ang biktima habang nakikipag-inuman sa ilang kaibigan. Nang magtungo ang mga awtoridad sa crime scene, nakarekober ng mga ebidensiya na posibleng makapagturo sa mga salarin gaya ng mga basag na bote ng alak, isang orange na kitchen knife, at isa pang kutsilyo na may itim na hawakan.

Si Igig ay dating pulis-Quezon City na nasibak sa serbisyo dahil sa kasong grave misconduct na kinaharap sa Office of the Ombudsman noong 2010. Patuloy naman inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo ng pagpaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

DALAGA PATAY SA KA-LIVE IN

knife

(NI SAMANTHA MENDOZA)

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng isang 62-anyos na matanda ang kanyang 38-anyos na dating kinakasama nang tumangging makipagbalikan, Sabado ng hapon sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Tondo, ang biktimang si Janet Santos, ng 783 Int. 31,Ma.Guizon St. Daang Bakal, Tondo, Maynila dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pinaghahanap naman ang suspek na si Patrick Francisco Ramos, 62, ng Laong Nasa St. Tondo, Maynila na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Ayon kay  SPO1 Jorlan Taluban, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente dakong ala 1 ng hapon habang naglalaba ang biktima sa kanyang bahay. Nalaman na dumating ang suspek sa bahay ng biktima at hinimok ito makipagbalikan sa kanya pero tumanggi ito at nang talikuran ang suspek, bumunot ito ng patalim at sinaksak ang biktima sa likurang bahagi ng katawan.

Tinangka umanong salagin ng biktima ang mga saksak pero patuloy itong inatake hanggang bumagsak. Tumakas ang suspek bitbit ang patalim. Patuloy naman ang follow up operation para madakip ang suspek.

Please follow and like us:
Read More