LOLO KALABOSO SA RAPE NG APO

arrested124

(NI JULIE DUIGAN)

KALABOSO ang isang 63-anyos na lolo makaraang ireklamo ng panggagahasa ng sariling apo, sa Tondo, Manila.

Kasong rape o paglabag sa Republic Act 8353  ang haharapin ng suspek na residente ng Tondo, Manila dahil sa reklamo ng 13-anyos na dalagitang apo, Grade 9.

Batay sa ulat ng Manila  Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, naganap ang panghahalay ng bandang ala-1:00 ng hapon nitong Lunes (Hunyo 10) sa loob ng kanilang bahay.

Inaresto nina Kagawad Rodolfo Cabinbin at Ex-O Dennis Romio Marquez, ng  Barangay 232 Zone 21 District 2 ang suspek nang pormal na ireklamo ng biktima.

Sa salaysay ng biktima kay P/Corporal Shiela Marie De Guzman, habang mag-isa siyang  natutulog  sa loob ng kanilang bahay ay nagulat siya nang gisingin ng kanyang lolo.

Ini-lock umano ng lolo niya ang pintuan at inutusan siyang maghubad ng underwear at gahasain ito.

Please follow and like us:
Read More

SPED STUDENT PINAG-DROGA, NI-RAPE; 3 ARESTADO

arrested12

(NI JULIE DUIGAN)

DAHIL  sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District, dinampot ang dalawa sa tatlong lalaki  na inaakusahang nagpa-droga muna sa isang special education (SPED) student, bago ito tuluyang hinalay, sa Tondo, Manila Sabado ng gabi.

Ang pagkakaaresto sa mga suspect ay bunsod ng pagkakita ng biktima sa mukha ng isa sa mga suspect sa Facebook.

Kinilala ni Manila Police District (MPD)-Raxabago Police Station 1 (PS-1) P/LCol. Reynaldo Magdaluyo ang mga naarestong suspek na sina Manuel Saylo, 19, ng 408 Kagitingan St at Cesar Gabino, 30, ng 343 San Ramon St.,Tuazon, kapwa sa Tondo.

Samantala, nakatakas at tinutugis pa ng mga awtoridad ang kanilang kasabwat na si Danny Pelayo, 25, na residente ng Banaba St., sa panulukan ng Masinop St. sa Tondo.

Nagbunsod sa pagkakatimbog ng mga suspek base na rin sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang ‘”Amor”, 17 anyos

Ayon ka Lt.Col.Magdaluyo, bandang alas-11:00 ng hatinggabi nitong  Hunyo 1 nang isagawa ng mga suspek ang panggagahasa sa biktima sa 1337-D Balimbing St sa Tondo.

Nauna rito, nagtungo lamang ang biktima kasama ang pinsan nito, sa isang sari-sari store, upang bumili nang lapitan umano sila ni Saylo at sinabihang ‘Balik kayo ha.’

Hindi naman umano pinansin ng magpinsan ang ginawa ng lalaki at umuwi na ng bahay.

Lingid sa kanilang kaalaman ay sinundan na pala ng suspek ang biktima at isinama saka isinagawa ang panghahalay dito.

Nang mapuna naman ng ina ng biktima na nawawala na ang anak ay humingi na ito ng tulong sa mga opisyal ng Barangay 43 at hinanap ang biktima, ngunit makalipas ang ilang sandali ay natagpuan nila itong pauwi na ng bahay, ngunit tila pagod at tulala.

Nang tanungin umano kung saan ito galing ay sinabing nagtungo lamang siya sa bahay ng kanyang kaklase.

Ayon sa ina ng biktima, natuklasan lang nila ang nangyari sa anak nang magbukas ng Facebook account ang hipag niya at eksaktong lumabas ang mukha ni Saylo.

Dito na umano nagkwento ang biktima sa mga kababuyang ginawa sa kanya ng mga suspek at sinabing tinakot siya ng mga ito na papatayin kapag hindi sumunod sa gusto nila.

“Hinanap namin. Tapos nakita namin siya hindi ko muna tinanong. Tulala siya. Nang tinanong saan siya galing, sabi sa classmate niya.  Kinabukasan tinanong ng anak ko ng hipag ko. May binuksan sa FB saktong lumabas ang mukha ng lalaki. Andami na kinwento ng anak ko. Sinundan daw po siya at dinala sa bahay. Sinabi na hinubaran siya tinanggalan ng bra. Minanyak nila,” mangiyak-ngiyak pa nang magsalaysay ng ginang.

Kaagad namang nagsuplong sa pulisya ang pamilya ng biktima at naaresto ang dalawang suspek sa follow-up operation, ngunit nakatakas si Pelayo.

Sa presinto, mariing pinabulaanan ng mga suspek na ginahasa nila ang biktima at sinabing hinipuan lamang nila ito dala ng kanilang kalasingan.

Itinuro rin ng mga suspek si Pelayo na siyang ‘gumalaw’ sa biktima at matapos gahasain ay pinasukan pa umano nito ng bote ng ketchup ang kaselanan ng dalagita.

Samantala, ayon kay Magdaluyo, lumitaw sa pagsusuri na positibong ginahasa ang biktima.

Naglunsad na rin aniya sila ng manhunt operation para kaagad na madakip ang nakatakas na suspek.

“Hindi mo ma-imagine na may ganung tao na kayang pagsamantalahan ang may kapansanan sa pag-iisip. Dinala dun, pinagdroga, binaboy,” aniya.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong rape in relation to child abuse, at pinag-aaralan na rin ang paghahain sa kanila ng kasong may kinalaman sa paggamit ng ilegal na droga.

 

Please follow and like us:
Read More

BARUNG-BARONG NA DRUG DEN NI-RAID; 2 PATAY

shooting6

(NI JULIE DUIGAN)

KAPWA hindi na umabot nang buhay sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center ang dalawang sinasabing bumabatak ng shabu sa Port Area, Manila, nang maaktuhan at makipagbarilan sa sumalakay na mga pulis, Huwebes ng  umaga.

Sina Arnel Galit, 31, miyembro ng Batang City Jail ng 174 Blk. 1 Gasangan , Baseco Compound Port Area at isang hindi pa nakikilalang suspek na nasa 35 hanggang 40 anyos, nakasuot ng kulay gray na short pants at walang suot na pang-itaas ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

Batay sa ulat ni Det. Jorlan Taluban na isinumite kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-7:17 ng umaga , nang maganap ang engkuwentro sa loob ng barung-barong sa 15-D Baseco Compound.

Nabatid kay P/Major Salvador Inigo,hepe ng Baseco Police Community Precinct , sakop ng MPD-Ermita Police Station 5 , nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may nagsa-shabu session sa lugar , kaya agad na nagresponde si Inigo at ilan nitong tauhan.

Pagsapit sa barung-barong, agad umano silang pinaputukan, kaya nang gumanti ng putok ang mga pulis ay tumambad ang duguan na katawan ng dalawang suspek.

Agad namang naisugod sa nasabing ospital ang dalawa. Narekober sa crime scene ang isang shotgun na 12 gauge ; isang improvised na pistola at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

 

Please follow and like us:
Read More

RESBAK NG RIDER; 16-ANYOS BINARIL SA DIBDIB

crimeshooting12

(NI DAHLIA S. ANIN)

HINDI na umabot nang buhay sa ospital ang isang binatilyo, makaraang barilin ng rider ng sinipa niyang motorsiklo, habang naglalakad sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Kevin Lois Mosod, 16, at grade 8 na sana sa pasukan, ng Tondo, Maynila.

Sa kuha ng CCTV sa Barangay 72, naglalakad  ang biktima, kasama ang dalawa pa nitong kaibigan nang dumaan ang motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki na may angkas na tatlong babae.

Nagkainitan umano ang rider at ang biktima dahilan para sipain nito ang motorsiklo.

Nakita din sa kuha ng cctv na  hinabol pa ito ng binatilyo.

Umalis ang driver ng motorsiklo at bumalik ito kung nasaan si Monsod at ang kanyang mga kaibigan, saka ito binaril. Isang tama ng bala malapit sa dibdib ng biktima ang tumapos sa buhay niya.

Ayon sa kasama ni Monsod, binati lang umano nila ang isang angkas na babae dahil kaklase ito ng isa sa kanila na tila hindi nagustuhan ng driver, dahil pinagmumura sila. Sinipa umano ni Monsod ang tambutso ng motor nito para gumanti. Pagbalik umano ng rider ay nagtakbuhan sila at napahiwalay sa kanila si Monsod na tinamaan na ng baril.

Sinabi naman ni Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, ng Raxabago Police Station, na maaring nagkapikunan ang biktima at salarin kaya nauwi ito sa pamamaril.

Hustisya naman ang hiling ng ina ni Monsod na sana mahanap nila ang salarin. Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

INIWAN NG ASAWA, NEGOSYANTE NAGBIGTI

suicide

(NI JULIE DUIGAN)

MULA  umanong iwan ng asawa, anim na buwan na ang nakararaan, nagpasiya nang kitlin ang sariling  buhay ng isang 37 anyos na negosyante, nang matagpuang nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto sa Tondo, Manila, Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Ranier Lao, ng Raja Matanda St., Tondo.

Batay sa ulat ni Det. Donald Panaligan na isinumite kay P/Capt. Henry Navarro , hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:30 ng umaga , nang matagpuan si Lao sa ikalawang  palapag ng kanyang kuwarto.

Salaysay ni Rosita Briones, 53, kasambahay ng pamilya Lao , bandang alas-6:00 ng umaga nang dumating ang kanyang amo galing sa labas ng bahay.

Sinundan umano nito si Lao, sa utos umano ng tiyahing si Lolita ngunit, pinababa siya ng biktima.

Ilang saglit pa ay humihingi na ng tulong ang anak ng biktima dahil nakabitin na ang kanyang ama at halos wala nang buhay.

Dito na humingi ng saklolo si Briones sa kapitbahay. Napag-alaman na mula umanong iwan ng asawa ay madalas na tulala at naiba na ang pag-uugali nito.

Please follow and like us:
Read More

INABANGAN SA ESKINITA: BABAE PATAY, PARTNER SUGATAN SA BALA

crime

(NI JULIE DUIGAN)

NAGMAMAKAAWA pa nang marinig ng ilang kapitbahay ang palahaw ng isang 20-anyos na ginang ngunit itinuloy pa rin ng gunman na pagbabarilin at mapatay habang sugatan naman ang live-in partner nito, Sabado ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo General Hospital ang ginang na nakilalang si Heidi Garde habang patuloy na inoobserbahan ang kinakasamang si Rommel Abalos, 38, kapwa residente ng Bldg.14 Unit 312 Permanent Housing sa Tondo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Charles Duran, kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District- Homicide Section,  bandang alas- 3:45 ng madaling araw , nang maganap ang pamamaril sa likurang gusali ng Bldg.18 sa Permanent Housing sakop ng Brgy.128 sa Tondo.

Sa report ng pulisya, naglalakad  sa eskinita ang mga biktima, nang sumulpot ang gunman at hinarap ang mag live-in partner.

Dalawa sa residente malapit sa lugar ang nakarinig nang pagmamakaawa, pero itinuloy pa rin na paputukan ng ilang beses ang dalawa.

Ilang barangay tanod ang nagsugod kay Garde sa pagamutan, pero hindi na umabot ng buhay , habang si Abalos naman ay nakapaglakad pa at nakatawag ng tricycle para dalhin ang sarili sa nasabing ospital.

Gayunman , patuloy na iniimbestigahan  ang motibo ng pamamaril kung may kaugnayan ito sa droga. Nakakita ng 9MM na bala ng kalibreng baril sa mga biktima.

Please follow and like us:
Read More

MAGBIYENAN MAGKASUNOD NA TINODAS SA BAHAY

crimeshooting

(NI JULIE DUIGAN)

MAGKASUNOD na binaunan ng mga bala ang mag-biyenang lalaki na sinasabing sangkot umano sa aktibidad ng illegal na droga, nang magkasunod na pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang salarin sa harapan ng kani-kanilang bahay sa Tondo, Manila, Linggo ng gabi.

Nakilala ang magbiyenan na sina John Carbin Madayag, 26, estudyante, ng 31 Lurel St.,  at si Jun Aguilar, 57, barangay maintenance, na  residente naman sa 22 Camachile Ext, kapwa sa Tondo.

Samantala, patuloy naman ang pangangalap ng testigo sa pagkakakilanlan ng tumakas na gunman na inilarawan lamang na nakasuot ng puting t-shirt, shorts at bull cap.

Batay sa ulat na isinumite ni Det.Jansen Rey San Pedro, kay P/Capt. Henry Navarro hepe  ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:07 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa  harapan ng magkahiwalay na bahay ng magbiyenan sa Laurel St. at sa harap ng bahay ni Aguilar.

Nabatid sa report ng pulisya, habang nakaupo sa nakaparadang motorsiklo si Madayag sa harap ng kanilang bahay sa Coral St, nang lapitan ng suspek saka malapitan itong binaril sa ulo.

Nang matiyak na napuruhan si Madayag, naglakad ang suspek patungo naman sa bahay ni Aguilar, may ilang metro ang layo sa panulukan ng Laurel St, at Camachile St., saka umano ito pinaputukan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagawa pa umano ni Aguilar na makatakbo patungo sa loob ng kanilang bahay , pero sinundan ito saka muling pinaputukan. Nang masigurong patay, mabilis na tumakas ang gunman .

Kitang kita pa sa CCTV ng barangay ang pagtakas ng suspek sa direksiyon ng Pacheco St, habang nagpapalit ng damit pang-itaas upang hindi makilalala.

Si Madayag ay isinugod ng kanyang kinakasamang si Annabel Ferrer sa Mary Johnston Hospital habang si Aguilar naman ay isinugod ng mga kaanak sa Gat Andres Hospital, ngunit kapwa patay na ang mga ito.

Inaalam naman ngayon ng mga awtoridad kung posibleng may kinalaman sa illegal na droga ang krimen matapos na lumitaw sa kanilang inisyal na pagsisiyasat na ang mga biktima, ay kapwa hinihinalang drug personality sa kanilang lugar.

Ayon kay Ariel Piorada, punong barangay sa  Brgy.119,  bago ang pamamaril,  may dalawa umanong lalaki na  nagpakilalang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nagsasagawa ito ng balidasyon hinggil sa aktibidad ng mga biktima.

Natuklasan rin naman ng mga awtoridad na ang dating asawa ni Annabel, bago niya maging karelasyon si Madayag, ay binaril at napatay rin noong Abril 2018 lamang dahil rin sa umano’y illegal drug activities nito.

Narekober ng mga awtoridad mula sa crime scene ang dalawang piraso ng kalibre .45 live ammunitions at limang pirasong fired cartridge shells.

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK PINAINOM NG ASIDO, TATAY NAGSAKSAK SA SARILI

suicide

(NI JULIE DUIGAN)

KAPWA wala nang buhay ang mag-ama, nang datnan ng isang 17-anyos na anak na panganay , habang nakahandusay sa lapag ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila, Lunes ng tanghali.

Nakilala ang mag-ama na sina Randy Cruz, 43 anyos , laborer ; at ang anak nitong si Zian Paulo , 4-anyos, ng 1220 Sandico St.,

Base sa isinumiteng ulat ni Det.Jorlan Taluban kay P/Sr.Insp. Henry Navarro , hepe ng Manila Police District-Homicide Section , bandang 12:20 ng tanghali , nang madiskubre ni Ryan Cruz , panganay na anak ng biktima na naliligo sa dugo habang bumubula naman ang bibig ng kanyang kapatid.

Nabatid sa asawa ni Cruz, isang OFW, malimit umanong sabihan siya ni mister na kung magpapakamatay ay magsasama siya ng anak at umano’y selos ang sinasabing motibo nang makapanayam si misis.

Tatlong tama ng saksak sa tiyan ang tinamo ng nakatatandang Cruz , na ayon sa anak ay lumabas pa ito ng bahay para manghiram ng kutsilyo.

Please follow and like us:
Read More

CHAIRMAN TINODAS SA HARAP NG BRGY HALL

tondo1

(NI JULIE DUIGAN)

PATAY sa tama ng bala sa ulo at dibdib ang isang  barangay chairman Martes ng hapon sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Marcelino Ortega, ng Brgy. 199 Zone 18 sa Pilar St., Tondo, habang mabilis namang tumakas ang magka-angkas sa motorsiklo na kalalakihan sa direksiyon ng Abad Santos Avenue.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril sa harapan ng Barangay hall sa panulukan ng Hermosa at Pilar St., sa Tondo., bandang alas-2:58 ng hapon

Nabatid sa report ng pulisya, habang nasa harapan ng barangay hall si Chairman Ortega ay biglang sumulpot ang riding in tandem saka niratrat ang biktima.

Nagawa pang maisugod sa Ospital ng Tondo si Ortega subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Noong Enero 30, tinambangan at napatay din  QC Barangay Bagong Silangan chair Crisell Beltran habang sakay ng kanyang van sa katanghaliang tapat ilang metro ang layo sa barangay hall.

Inilibing na si Beltran habang arestado ang sinasabing suspect sa pananambang. Gayunman, hindi pa rin alam kung sino ang mastermind sa ikinasang pagtumba sa barangay chairman.

Please follow and like us:
Read More