2020 TOKYO OLYMPICS: 70 PINOY ATHLETE SASABAK SA QUALIFYING EVENTS

(NI ANN ENCARNACION)

MAHIGIT 70 atletang Pinoy ang sasabak sa qualifying events para sa 2020 Tokyo Olympics mula sa iba’t ibang National Sports Associations (NSAs).

Sa Hulyo 2020 na ang 2020 Tokyo Olympics kaya nagkukumahog na ang mga pambansang atleta na makapasa sa qualifying events para sa pinaka-prestihiyosong sports tournament sa buong mundo.

Target ng Pilipinas na makapagpadala ng maraming Filipino athletes sa kada apat na taong torneo kasunod ng matagumpay na kampanya sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, kung saan naging overall champion ang bansa.

Pitong weightlifters, sa pangunguna ni Rio de Janeiro silver medalist Hidilyn Diaz at kapwa Olympian Nestor Colonia, ang magpapasimula sa kampanya ng Pilipinas para makakuha ng tiket sa 2020 Tokyo Olympics sa pagsalang sa qualifying meet na Roma 2020 World Cup sa Enero 27-31.

Kukumpletuhin naman  ni SEA Games gold medallist Kristel Macrohon at silver medallist Elreen Ando ang anim na IWF sanctioned events sa pamamagitan ng pagsabak sa 2020 Asian Weightlifting Championships sa Nur-Sultan, Kazakhstan sa Abril 20-25, kasama sina Maryflor Diaz, John Ceniza at Jeffrey Garcia.

Pangungunahan nina reigning world champion Nesthy Petecio at Eumir Marcial ang national boxers na sasagupa sa Asia-Oceania Olympic qualifying meet sa Pebrero 3-14 sa Wuhan, China at panghuli sa world Olympic qualifying tournament sa Mayo 13-24 sa Paris, France.

Tatangkain naman ni SEAG double-gold medallist sprinter Kristina Knott na mag-qualify sa Olympics sa pagtakbo sa Asian Athletics Indoor Championships sa Hangzhou, China sa Pebrero 12-13.

Kasama ni Knott na lalaban sa China si pole vaulter Natalie Uy at marathoner Cristine Hallasgo, na nag-dethrone sa dating SEA Games marathon queen na si Mary Joy Tabal.

Maging ang mga golfer na sina Yuka Saso, Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan, at karatekas Joane Orbon, Junna Tsukii, Sharif Afif at Jamie Lim ay susubukan na mag-qualify sa 2020 Olympics.

Kabilang pa sa naghahangad makakuha ng tiket sa Tokyo ay sina judoka Kiyomi Watanabe,  BMX cyclist Daniel Caluag, at swimmers James Deiparine at Remedy Rule.

Please follow and like us:
Read More

CALOY YULO BYAHENG TOKYO OLYMPICS

(NI ANN ENCARNACION)

DALAWANG Filipino athletes na ang nakaabante sa 2020 Tokyo Olympics.

Matapos ang pole vaulter na si Ernest John Obiena, byaheng Tokyo na rin sa Enero 2020 ang gymnast na si  Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo matapos makapasok sa men’s all-around finals ng 49th FIG Artistic Gymnastics Championships sa Hans Martin Schleyer Halle, Stuttgart, Germany.

Nakakuha ng identical scores na 14.333 sa vault at parallel bars si Yulo sa huling dalawang events niya para makopo ang 18th overall spot, mula sa 160 entries, at makasama sa 24 gymnasts sa all-around finals na magaganap sa Biyernes.

Tumapos na pampito naman siya sa paborito niyang floor exercise matapos umiskor ng 14.666 at  makapasok sa final round na gaganapin sa Sabado.

Kinumpirma ang pag-qualify sa Olympics ng 19-anyos na Pinoy gymnast sa official press notice ng International Gymnastics Federation, may French acronym na FIG, at natanggap ng Gymnastics Association of the Philippines sa pamamagitan ng secretary general nitong si Bettina Pou.
Hindi naman inaasahan nina Yulo at Japanese coach Munehiko Kugiyama ang naging resulta dahil hindi pa man nananalo ng medalya ay nagawa na ni Yulo na maging ikalawang Pinoy na nag-qualify sa Tokyo Olympics.

Si Yulo ang unang Filipino gymnast at una rin sa buong Southeast Asia na nag-qualify sa Olympics.

Matatandaan na una nang nagkuwalipika sa Tokyo Olympics ang paul vaulter na si Obiena matapos nitong lampasan ng .01 ang Olympic qualifying standard na 5.80 metro. Dahil dito, ang 5.81 metro na tinalon niya sa Chiara, Italy ang bagong national record sa pole vault.

“Yes, Caloy (Yulo’s nickname) has already qualified in the all-around because he has moved up as No. 1 in the individual rankings since China, Russia and Japan have already qualified their athletes after their 1-2-3 finish, respectively, at last year’s worlds held in Doha, Qatar,” ayon kay Pou.

“This is wonderful for Philippine gymnastics and for Caloy. It is an honor for GAP to have the second qualifier to the Olympics,” sabi naman ni GAP president Cynthia Carrion.

“Hopefully he will continue to do well and win a medal in both the all-around and floor exercise. And we urge our countrymen back home to pray for his success here,” dagdag nito.

Masayang binati naman ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino si Yulo sa kanyang tagumpay. “We would like to congratulate Caloy Yulo for being our country’s second Olympic qualifier. We would like to acknowledge GAP and its president, Cynthia Carrion, in making this happen.”

Sinabi pa niya, “As he continues to train hard, we pray that this boy will be among our medal hopeful in the Tokyo Olympics.”  Ann Encarnacion

Please follow and like us:
Read More

BLU GIRLS PAPALO SA 2020 OLYMPICS

(NI DENNIS INIGO)

MANINGNING ang kapalaran na naghihintay para sa Philippine Blu Girls lalo’t malaki ang tsansa nito na makalaro sa 2020 Tokyo Olympics.
Naniniwala si coach Anna Santiago na may pag-asa ang soft ball team ng bansa na makapag-compete sa kada apat na taong Olimpiyada.

“May awa po ang Diyos at mapagtatagumpayan namin ito. Tiwala lang po at think positive. Hinihingi po namin ang suporta ng sambayanan,” ani Santiago, markadong player ng Ph Team at itinuturing na winningest coach sa sports matapos maihatid ang Adamson Lady Falcons sa 73 sunod na panalo sa UAAP.

“Actually, naputol na po yung winning streak namin,” pagtatapat nito sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Sa suporta at pangangasiwa ni Jean Henri Lhuillier, muling umariba ang Blu Girls sa international scene at puspusan ang kanilang paghahanda para sa WBSC Asia/Oceania Qualifying tournament,  huling tsansa ng Blu Girls para makasikwat ng Olympic slot para sa 2020 Tokyo Games sa Setyembre 24-29 sa Shanghai, China.

“Target po naming manalo rito. Kung papalarin kami po ang kauna-unahang team sports sa Pilipinas na makalalaro sa Olympics. Malaki po ang tsansa natin dahil natalo na po natin sa Asian tournament ang makakalaban namin dito,” sabi ni Santiago.

Kabilang sa makasasagupa ng Blu Girls ang World No. 6 Chinese-Taipei, No. 7 Australia, No. 8 China, No. 11 New Zealand, No. 23 Korea, No. 37 Indonesia at No.42 HongKong. Ang Pilipinas ang kasalukuyang No. 13 sa World ranking.

“I am more than confident that our Blu Girls have a shot at representing the country in the Olympics, given their stellar performances in the past years. I have great belief that the Blu Girls have a decent chance at winning because historically, we’ve beaten the teams we’ll be going up against here,” mensahe ni Lhuillier na ipinadala sa TOPS.

Tiwala si Santiago sa kakayahan, determinasyon at tikas ng Blu Girls na kinabibilangan ng homegrown talents at ilang Fil-Am players sa katauhan nina Chelsea Suitos, Cheska Altomonte, Angelie Ursabia, at Arianne Vallestero na kasama niyang bumisita sa TOPS.

Please follow and like us:
Read More

DRAGONBOAT IPUPURSIGE SA TOKYO OLYMPICS

(NI DENNIS INIGO)

NAKASALALAY ngayon sa mga opisyal kung mapapabilang bilang ‘demonstration sport’ ang Dragonboats sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Itinakda ang isang pagpupulong para sa mga kinatawan ng Canoe Kayak Olympic Test Event,  kabilang ang Pilipinas,  sa Setyembre 12-15 sa Tokyo, Japan. Itinalaga si Canoe and Dragonboat head coach Len Escollante bilang technical officials sa Olympic Test Event.

Sinabi ni Escollante, posibleng matuldukan na ng International Canoe Federation (ICF), sa kanilang pinal na desisyon sa Tokyo, ang pag-entra ng Dragonboat sa 2020 Olympics.

Ayon sa ulat,  posibleng maging demo sport ang Dragonboat sa Tokyo Summer Games, partikular ang 500 meters small boat at ten seater mixed event.

Ang 500 meters small boat at ten seater mixed event ay pawang sprint competition na kapapalooban ng 5 lalake at 3 babae,  kasama ang steerman at drummer.

Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamahusay na koponan sa Dragonboat sa buong mundo kaya’t malaki ang tsansang makuha na ang pinakamimithing ginto ng bansa sa Olympics kung mapapabilang ang naturang isport.

Kung matatandaan napasabak si Pinay bowler Arianne Cerdena sa demo sport na bowling noong  1998 Seoul Olympic Games at nakapaguwi siya ng gintong medalya dito.

Gayundin si Willy Wang ng wushu na nagsukbit ng gold 20 years ago sa 2008 Beijing Olympic Games, noong demo sport pa lang din ang wushu.

Please follow and like us:
Read More

TOKYO OLYMPICS ‘DI PA NAGSISIMULA; HIDILYN DIAZ PANALO NA!

hidilyn12

(NI LOUIS AQUINO)

MAY nanalo na.

At ito’y walang iba kundi si Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz na nakakuha ng P2-million sponsorship para sa kampanya niya sa 2020 Tokyo Olympics.

Kamakalawa ay pinirmahan na ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Phoenix Petroleum Philippines para sa P2 million training fund ni Diaz.

“Ang PSC hindi nila kayang sagutin lahat kasi may ibang requirements sa pagti-training, sa mga coaches medyo mahal. Sabi ko, hanap ako ng mga kaibigan na pwedeng tumulong,” sabi ni Senador Bong Go na present din sa nasabing MOA signing.

“After initial meetings kay Dennis at sa kaniyang abogado, pumayag naman silang tumulong sa pagti-training ni (Hidilyn),” dagdag niya. “Malaki ang potensyal ng batang ‘to. Sayang ang talento ni Hidilyn kung di natin bibigyan ng buong suporta.”

Nakilala si Diaz matapos manalo ng silver medal sa weightlifting sa Rio de Janeiro noong 2016.

Nakakuha naman ng tatlong silver medals si Diaz sa 2019 Asian Weightlifting Championship na ginanap sa China.
Ayon kay Ramirez, pinondohan na nila si Diaz ng P4.5 million ngayong taon para sa training nito sa China, kasama ang kanyang buwanang sahod, food allowance at para sa kanyang coach na si Julius Kaiwen Gao.

Please follow and like us:
Read More