PAANO ‘PAG HINATAW NA NG MGA PINOY ANG CHINESE WORKER?

TODOPASA

MAY katwiran si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na hindi dapat magkaroon ng “great wall” o dambuhalang pader na nagbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawang Chinese na hindi nagbabayad ng wastong buwis sa Pilipinas.

Nagbigay ng ultimatum kamakailan ang Department of Finance (DOF) sa mga Chinese employer at empleyado na sundin ang batas sa buwis sa a­ting bansa hindi iyong puro “palusot” lamang sila.

Iginigiit kasi ng DOF at mga finance manager ng bansa na magtaas nang magtaas ng buwis ang Kongreso sa pamamagitan ng TRAIN LAWS ngunit hindi nakakakolekta nang maayos na buwis at patuloy ang katiwalian sa Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, at Department of Labor and Employment (DOLE).

Diin ni Recto: “Baka kaya nagdagsaan ang mga dayuhang ito sa Pilipinas ay dahil masyado tayong maluwag. Nalulusutan ang BIR, DOLE at Bureau of Immigration.”

Hindi tamang mahigpit ang BIR sa pagbubuwis sa mga Pilipino pero niluluwagan ang mga manggagawang Chinese na hindi nakakaltasan ng tax ang kanilang suweldong mas malaki kaysa mga kababayan natin.

Kawalang katarungan ang ginagawa ng ating economic managers at hindi habang panahon ang pagtitiis ng mga Pilipinong nanonood lamang ngayon sa pang-aabuso ng mga Chinese. Huwag na nilang hintayin na mag-alsa ang mga manggagawang Pilipino na nagpapasan ng hindi patas na pagbubuwis ng ating gobyerno.

Kapag sinasaktan na ng mga Pilipino ang mga manggagawang Chinese na nalilibre ng buwis, marahil kikilos na ang mga nasa Malakanyang lalo ang mga maka-Chinese na sina Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Presidential Spokesman Salvador Panelo. (TODOPASA /ARIEL BORLONGAN)

Please follow and like us:
Read More

PILIPINAS, HIHINGI RIN PALA NG TULONG SA UN

TODOPASA

BUMIGAY na si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. nang gamitin kamakalawa ang 25-taong batas na may kaugnayan sa Uni­ted Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Humingi ng tulong sa UN headquarters si Locsin kaya malinaw nang hindi puwedeng gumalaw mag-isa ang Pilipinas at balewalain ang mga pandaigdigang samahan tulad ng International Maritime Orga­nization (IMO) sa London, United Kingdom na nagpapatupad sa UNCLOS.

Nagsumbong si Locsin sa mga delegado ng UN sa New York hinggil sa pagbangga ng fishing trawler na Yuemaobinyu 42212 sa maliit na bangkang pangisda ng 22 Pilipino sa laot malapit sa Recto Bank na malinaw na pasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ilegal na namamalakaya ang Yuemaobinyu 42212 sa EEZ ng ating bansa kaya wasto lamang ireklamo sa IMO na nagpapatupad sa UNCLOS at kapwa nilagdaan ng Pilipinas at China.

Kung sa karagatan ito ng Malaysia o Indonesia naganap, hindi makadidikit ang Yuemaobinyu 42212 sa F/B Gemver dahil pasasabugin na kaagad ito ng Malaysian at Indonesia Navies.

Pero dahil inutil ang ating Philippine Navy at Philippine Coast Guard, tatanggapin na lamang nila ang katwiran ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na “banggaan lang ng mga barko ‘yan” kaya hindi dapat patulan.

Marami nang pang-aabuso ang mga barkong Chinese sa karagatan ng ating bansa at aping-api na ang mga mangingisdang Pilipino kaya napapanahon nang gamitin na natin ang Mutual Defense Treaty sa United States para hindi na tayo dinuduro ng mapang-abusong barkong pangisda ng China.

Ewan ko lang kung makaporma pa ang mga kasapi ng Chinese military militia na nagpapanggap na mga barkong pangisda kung nakapaligid sa ating karagatan ang mga barkong pandigma ng US Navy. O ‘di ba?  (TODOPASA / ARIEL BORLONGAN)

Please follow and like us:
Read More

TUMATAKBONG VICE-GOVERNOR, “NARCO POLITIKO” PALA? 

TODOPASA

SINO itong kandidato sa pagka-bise gobernador sa isang lalawigan sa Gitnang Luzon na tipong artistahin na gumagastos ng halos P1 milyon kada araw kahit noong hindi pa nagsisimula ang pormal na kampanya sa kanyang lalawigan.

Kalat na kalat na kung gaanong halaga ang ginugugol nitong tumatakbong vice governor kahit hindi pa nagkakampanyahan sa kanyang lalawigan.

Dinaig pa ang aktor na si Daniel Fernando na tumatakbong gobernador sa Bulacan.

Pero hindi ba’t kabilang ang kandidatong ito sa nakalista sa National Police Commission (Napolcom) na narco-politikos kasama nina Mayor Edgardo Pamintuan ng Angeles City; Andres Lacson ng Concepcion, Tarlac; at Erlon Agustin ng Camiling, Tarlac?

Tinanggalan nga ng Philippine National Police ng security detail ang kandidatong ito hanggang ngayon matapos ang Napolcom report kahit ipinagmamalaki niyang wala na siya sa listahan.

Nagpakita pa ang pulpol na politikong ito sa kanyang Facebook account ng plaque of recog­nition na ibinigay ng noo’y si Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa pero hindi binawi ng Napolcom ang paratang.

Ipinagyabang pa ng politiko na ang kanyang bayan ang best implementor ng “Oplan Double Barrel” sa buong Region 3 noong Agosto 2016 pero napabulaanan din ito.

Ayon sa isang Alyas Kidlat, siya lamang ang diniinan ng politikong ito dahil sagabal sa drug syndicate nito lalo nang tutukan niya ang Subic shabu laboratory. Hindi kataka-takang binawi ng Police Regional Office 3 (PRO3) noon ang lahat ng sekyung pulis ng politiko dahil sangkot ito sa pagpapakalat ng iligal na droga sa kanyang bayan na naging sikat at ma­tunog sa buong Gitnang Luzon na nagkamit ng dalawang magkasunod na pagkilala bilang na­ngunguna sa pinakamalaking bilang ng natokhang o gumagamit ng shabu sa buong Gitnang Luzon na lumabas sa datos sa pulisya.

May ulat pang nagsuhol ang politikong ito ng P50 milyon sa isang taga-Malakanyang “maglaho” lang ang kanyang pangalan sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte pero hindi pa rin siya inalis bilang narco-politiko. Pero paano ‘yan, sasabit ang taga-Malakanyang na tumatakbo sa mataas na posisyon nga­yon kung totoo ang ulat na tumanggap siya ng tumataginting na P50M. Tsk. Tsk. Tsk.  (TODOPASA / ARIEL BORLONGAN)

Please follow and like us:
Read More