TIYUHIN BINURDAHAN NG SAKSAK NG PAMANGKIN

(NI JG TUMBADO) NAPATAY sa saksak ng pamangkin ang kanyang tiyuhin sa isang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Tubod, Surigao del Norte, nitong Lunes. Pitong tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Eugene Cortes habang nakilala naman ang pamangkin nitong suspek sa krimen na si Jason Biol. Batay sa imbestigasyon, lango sa alak ng umuwi ng bahay si Cortes Lunes ng gabi at nagbababasag at nagsisigaw ito kaya’t inawat ng suspek. Subalit nagbitiw umano ng mga masasakit na salita si Cortes…

Read More

INAWAY ANG ASAWA, MISTER NAPATAY NG TIYUHIN

crime143

(NI TJ DELOS REYES) PATAY ang isang mister matapos saksakin ng mismong tiyuhin nito makaraan ayaw magpaawat sa pang-aaway sa kanyang asawa, Sabado ng gabi sa Quezon City. Kinilala  ang biktima na si Egie Asuncion, 27, construction worker, ng Joan of Arc St., Brgy. Gulod, Novaliches. Patuloy naman pinaghahanap ng kapulisan ang tiyuhin ng biktima na  si Jimuel Sadidul, 41, binata, na agad na tumakas. Base sa ulat, dakong alas-7:05 ng gabi ,nag-away umano ang biktima at ang kanyang misis na nakilalang si Rona Jane sa loob ng kanilang tahanan.…

Read More

TITO INIMBITAHAN SA GINILITANG BATA

teen

(NI ALAIN AJERO) KABILANG ang tiyuhin ng 12-anyos na dalagitang ginilitan ng leeg sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City sa  mga iimbitahan ng pulisyang mga persons of interest. Ang biktimang si Mhyrrhaquel Singson, ng Block 13, Lot 14, Shelterville Subdivision, Brgy, 171 Bagumbong ay natagpuan ni Rossel Villaralbo, helper ng bahay,  at agad umanong iniulat ang ang insidente sa barangay. Ayon kay Villaralbo, pumunta siya sa tirahan ng mga Singson upang maglinis sa bahay ngunit napuna nyang nakakandado ang main dook at pagsilip niya sa bintana ng kusina ay niya…

Read More