13 NA PATAY KAY TISOY

(NINA AMIHAN SABILLO, JG TUMBADO, DAHLIA S. ANIN)

LABING-TATLO na ang naiulat na nasawi sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, V, AR VIII matapos ang pananalasa ng Bagyong Tisoy sa bansa.

Sa report na ipinaabot sa Camp Crame, sa bahagi ng region 5, ay mula sa mga bayan at lalawigan ng Libmanan, Camarines Sur; Bulan, Sorsogon; Sorsogon City; Goa, Camarines Sur; at Pili, ang mga nasawi habang mayroon ding sugatan makaraang mahulugan ng puno sa Polangui, Albay.

Sa bahagi naman ng region 4B, MIMAROPA ay Lima ang nasawi na kinilalang sina Ildefonso Reyes Delos Santos, Jessie Santos, Efren De Guzman Cueto, Domindor Motol Lazo, na pawang mula sa lalawigan ng Oriental Mindoro, at Bernabe Minay Lundag mula naman sa lalawigan ng Marinduque.

Sa report naman ng Office of Civil Defense sa Region VIII ay isa ang nasawi sa Ormoc City makaraang matumbahan ng puno at napuruhan nang husto ang ulo nito.

Base naman sa report ng Catanauan Municipal Police Station sa Camp Crame, isa ang nasawi sa bahagi ng CALABARZON.

Kinilala itong si Rafael Palma na tinamaan din ng bumagsak na punong kahoy sa bahagi ng Barangay Gatasan.

Habang kidlat naman ang kumitil sa buhay ng isang Joe Quinto Sta. Ana na residente ng Barangay Sibulan, Polilio.

Sa ngayon, patuloy pang kinakalap ng Camp Crame ang mga report mula sa kanilang himpilan na naapektuhang mga bayan at lalawigan.

Please follow and like us:
Read More

500K EVACUEES SA BICOL REGION, INILIKAS

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT na sa halos kalahating milyon ang bilang ng mga residenteng inilikas sanhi ng pagragasa ng bagyong Tisoy sa Bicol  Region.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 5 na siyang nagsilbi bilang first responders matapos manalasa si Tisoy, pumalo na sa 455, 232 hanggang nitong alas-5:00 ng umaga ng Martes ang mga inilikas sa 2,880 na  mga evacuation center sa nasabing  rehiyon partikular  sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, Camarines Norte at Sur gayundin sa Sorsogon at Naga City.

Nabatid din na may dalawang casualties ang naitala dulot ng bagyo, kung saan 1 ang patay matapos na makuryente sa Libmanan habang 1 naman ang sugatan sa Polangui matapos bagsakan ng puno.

Kinilala ng Libmanan Municipal Police Station (MPS) sa Camarines Sur ang nasawi na si Marco Paolo Ursua, 33, vendor, ng Centro B, Brgy. Loba-Loba ng nasabing bayan.

Inaayos umano ng biktima ang bubong ng kanilang bahay pasado alas-10:00 ng umaga nitong Lunes bilang paghahanda sa bagyo nang dumikit sa yero ang isang damaged live wire na naging dahilan ng pagkakakuryente nito.

Dahil sa lakas ng kuryente dumausdos ito sa kanal malapit sa kanilang bahay, kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Samantala nasa 52 bayan at mga lungsod naman ang iniulat na nawalan ng kuryente sa Bicol sanhi ng bagyong Tsioy habang nasa 4,093 na mga pasahero sa mga pantalan  ang istranded.

Bagama’t walang naitalang matinding pinsala sa mga gusali at kabahayan, nasa 20 naman ang mga kalsada sa rehiyon ang iniulat na nalubog sa baha.

 

Please follow and like us:
Read More

RESIDENTE NG MAYNILA SA COASTAL AREAS PINALILIKAS

(DAHLIA S. ANIN)

PINALILIKAS na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng Maynila nakatira sa coastal area dahil sa banta ni bagyong Tisoy.

Ang mga residente ng Baseco, Isla Puting Bato, Aroma at Happyland ang ilan sa mga pinalilikas dahil sa posibleng storm surges. Pansamantala silang sisilong sa mga evacuation centers sa kanilang mga lugar.

Alas 11 ng gabi noong Lunes nang mag-landfall ang bagyo sa Gubat, Sorsogon, ayon sa Pagasa at posibleng magdala ito ng malakas na hangin at ulan sa Metro Manila.

“Ayon sa Pagasa, baka lumakas ang bagyo patungo sa Maynila,” ani Moreno.

Sa ngayon ay taglay ni Tisoy ang hangin na nasa 175kph at bugso na umaabot sa 240kph.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG TISOY NAPANATILI ANG LAKAS, NASA S. QUEZON, MARINDUQUE, ROMBLON

NAPANATILI ng bagyong Tisoy ang lakas at nasa bahagi ng ng Bondoc Peninsula sa kasalukuyan.

Nabatid sa 8AM weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng San Francisco, Quezon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon sa Pagasa, ang ‘eyewall’ ng bagyo ay kasalukuyang nananalasa at naghahatid ng napakalakas na hangin  at malalakas na pag-ulan sa Southern Quezon, Marinduque, at Romblon.

Sa loob ng susunod na tatlong oras ang ‘eyewall’ ng bagyo ay makaaapekto na sa Cavite, Batangas at sa norther portion ng Mindoro Provinces.

Maari din itong muling tumama sa kalupaan o ‘di kaya ay dumaan sa bahagi ng Marinduque-Simara Island-Banton Island bago mag-tanghali.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 3 sa sumusunod na mga lugar:

– Camarines Sur
– Albay
– Camarines Norte
– Masbate including Ticao at Burias Islands
– Romblon
– southern portion ng Quezon (Perez, Alabat, Quezon, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Pitogo, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Calauag, Catanauan, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, Mulanay, San Narciso, San Francisco, San Andres)
– Marinduque
– Oriental Mindoro
– Occidental Mindoro including Lubang Island
– Batangas
– Cavite
– Laguna

Tropical cyclone wind signal number 2 naman sa:
– Catanduanes
– Sorsogon
– Metro Manila
– Bulacan
– Bataan
– Tarlac
– Pampanga
– Nueva Ecija
– southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan)
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Calamian Islands (Coron, Busuanga, Culion, Linapacan)
– Cuyo Islands (Cuyo, Magsaysay, Agutaya)
– Zambales
– Pangasinan
– Northern Samar
– Aklan
– Capiz
– Northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao)
– Northern Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Btad, San Dionisio, Sara, Concepcion, Lemery)

Tropical cyclone wind signal number 1 sa:
– Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones and San Agustin)
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Ilocos Sur
– La Union
– Quirino
– Nalalabing bahagi ng Aurora
– northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Araceli, Dumaran)
– Eastern Samar, Samar, Biliran, northern Negros Oriental (Canlaon, Guihulngan, Vallerhermoso)
– northern Negros Occidental (Talisay, Calatrava, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso, Bacolod, Murcia, Salvador Benedicto, San Carlos, Bago, Pulupandan, Valladolid, La Carlota, San Enrique, Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla)
– Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Tuburan, Carmen Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands)
– Nalalabing bahagi ng Antique
– Nalalabing bahagi ng Iloilo
– Guimaras
– Leyte

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat at alerto.

Please follow and like us:
Read More

LIQUOR BAN

liquor ban12

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Tisoy, ipinagbawal sa bayan ng General Luna sa lalawigang ito ang pag-inom ng alak simula Lunes hanggang Miyerkoles.

“Selling and consumption of alcoholic beverages are prohibited starting Dec. 2 until Dec. 4,” ani Mayor Matt Florido sa kanyang order na nakasaad sa Municipal Advisory na kanyang inilabas Lunes ng umaga

Sa panayam sa telepono, ipinaliwanag ni Florido na mahirap umanong magsagawa ng anumang “pre and post disaster activities” kapag lasing ang kausap.

“Kalimitan kasi kahit umuulan (at may bagyo) ay nag-iinom ang tao,” ang katwiran ng alkalde kung bakit siya nagpalabas ng nasabing utos.

Binigyang-diin pa niya na kapag nagbigay ng dikretiba ang “operation center” ng kanilang disaster risk reduction and management office “ay dapat nasa wastong pag-iisip ang mga tao at wala sa impluwensya ng alak”.

Suspendido rin ang klase sa lahat ng levels sa public at private schools sa nasabing bayan hanggang Miyerkoles.

Ipinagbawal din ni Florido ang pagpapalaot sa Tayabas Bay ng lahat ng bangka dahil sa mapanganib na banta ng panahon at muli lang makapaglalayag ang mga sasakyang-dagat kapag nagpalabas ang munisipyo ng bagong order.

Ang bayan ng General Luna ay binubuo ng 27 barangay at may kabuuang populasyon na 26,500.

Please follow and like us:
Read More

SIGNAL NO. 3 ITINAAS SA 6 LALAWIGAN SA BAGYONG TISOY

(NI KIKO CUETO)

UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga lugar kung saan nakataas ang Signal Number 3, ayon sa Pagasa.

Patuloy ang banta ng malakas na hangin at buhos ng ulan na magpapabaha sa mabababang lugar sa bansa.

Malakas na ulan ang asahan sa Bikol, Samar at Biliran.

Matinding ulan din ang asahan sa Northern Cebu, Northern Negros Island, Dinagat Islands, Siargao Island, at natitirang bahagi ng Eastern Visayas.

Ramdam din ang ulan sa Romblon, Mindoro provinces, Samar, Eastern Samar at Calabarzon.

Dito sa Metro Manila, makararanas din ng matinding buhos ng ulan lalo na sa mga lugar kung saan idinaraos ang Sea Games.

Maging sa Central Luzon, Cagayan at Isabela.

Nakataas ang Signal No. 3 sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Southern portion ng Camarines Norte (Daet, San Vincente, San Lorenzon Ruiz, Basud, Mercedes), at sa Burias Islands.

Kabilang naman ang Metro Manila sa Signal No. 2 maging sa Bulacan, Bataan, Pampanga, Eastern portion ng Nueva Ecija (Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, San Antonio, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Tinio, Palayan, San Leonardo, Cabiao, San Isidro, Gapan, Peñaranda).

Gayundin sa Southern Aurora (Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis, Dingalan), Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, Quezon kasama ang Polillo Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, natitirang bahagi ng Camarines Norte, Masbate kasama ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.

Nasa Signal Number 1 naman ang

Southern Isabela (Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones at San Agustin), Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Quirino, natitirant bahagi ng Aurora, natitirang bahagi ng Nueva Ecija, Tarlac, Zambales.

Kasama rin ang Calamian Islands, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, northern part ng Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, Manapla, Murcia, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique, Silay City, Talisay City, Toboso, Valladolid, Victorias City),  Northern Cebu (Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Borbon, Sogod, Catmon, Asturias, at Camotes Islands).

Maging ang Metro Cebu (Balamban, Toledo City, Pinamungahan, Aloguinsan, Naga City, Talisay City, Cordova, Minglanilla, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu City, Consolacion, Liloan, Compostela, and Danao City), Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands at Siargao Island.

Aabot naman sa 500 barangays sa 14 siyudad sa Metro Manila ang posibleng bahain dahil sa bagyo.

Pinayuhan ang mga residente na lumikas na.

Tiniyak naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na nilinis nila ang mga sewerage.

“Pagdating sa mga sewerage natin, ang sabi ko nga summer pa lang pinaghahandaan na ‘yan, araw-araw naman ‘yan. Hindi tayo nagpapahinga diyan. May darating mang bagyo o wala laging nalilinis ‘yan ng ating team sa flood control,” sinabi nito.

Sinabi naman ng Philippine Coast Guard-NCR na nagpakalat sila ng mga tauhan sa Baseco hanggang sa Malabon.

Samantala, aabot na sa 5,327 pasahero ang na-stranded sa Southern Tagalog, Western Visayas, Bicol at Eastern Visayas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG TISOY INAASAHAN SA TUBIG SA ANGAT DAM

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMAT pinsala ang dulot ng bagyong Tisoy, steady na supply naman ng tubig para sa summer ang positibo nitong ihatid para sa mga residente ng Metro Manila.

Ayon sa National Water Resources Board(NWRB) inaasahan nilang makatutulong ang bagyong Tisoy para madagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat Dam,ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nanatiling mababa sa 189 meters ang water level ng dam, kulang pa ito ng 16 meters para maabot ang normal operating level na 205 meters.

Sinabi ni David na umaasa silang mapupunan ang kakulangan ng tubig sa dam sa hatid na pag-uulan ng bagyong Tisoy.

“Itong bagyong Tisoy, kahit may pangamba sa mga epekto nito sa mga kababayan natin, sa punto naman po ng water supply e makakabuti po ito kung saka-sakali,” paliwanag ni David.

Ang Angat Dam ang syang pangunahing nagsusupply ng tubig sa Metro Manila.

Una nang sinabi ng NWRB na kung hindi madaragdagan ang tubig sa dam ay asahan na ang kakapusan ng tubig pagsapit ng buwan ng Marso hanggang Mayo, gayunpaman, maganda ang forecast ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) sa bagyong Tisoy na magdadala ng pag-uulan sa Bulacan at Pampanga kaya positibo ang ahensya na makatutulong ito para maibsan ang problema sa supply ng tubig.

 

Please follow and like us:
Read More

SAMAR, SIGNAL NO. 1 NA  KAY ‘TISOY’

(NI ABBY MENDOZA)

PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyo na may international name na Kammuri at pinangalanan na itong Tisoy, kasabay nito ay inilagay na sa Storm Signal No 1 ang Eastern at Northern Samar.

Ayon sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), napanatili ng bagyo ang lakas nito pagpasok ng bansa, taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 185kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Huli itong namataan 1,165 kilometers East ng  Virac, Catanduanes.

Sinabi ng Pagasana sa Disyembre 2, Lunes ng hapon o sa Disyembre 3, Martes, ng umaga magla-landfall ang bagyo sa Bicol.

Sa forecast ng Pagasa, makararanas ng malakas at madalas na pag-uulan sa December 2 ang Bicol Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran.

Madalas subalit katamtaman na ulan naman sa Romblon,Marinduque at Quezon.

Sa Disyembre 3 ay tuloy-tuloy at malakas na pag-uulan at mararanasan sa Metro Manila, Bicol Calabarzon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Nagbabala ang Pagasa na may dalang malakas na hangin ang bagyo kaya inaasahan ang pinsala gayundin ay asahan ang malalakas na paguulan na maaaring magdulot ng flashfloods at landslide kaya pinapayuhan ang mga naninirahan sa mga low lying areas at malapit sa mga bundok na maging handa sa paglikas.

Pinagbabawal din ang paglalayag sa mga lugar na may storm signal.

 

Please follow and like us:
Read More

DARAANAN NI ‘TISOY’ PINAGHAHANDA NG PAGASA

(NI ABBY MENDOZA)

MAIHAHALINTULAD sa nanalasang bagyong Reming at Glenda ang padating na bagyong Tisoy kaya ngayon pa lamang ay inaatasan na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office na maging handa.

Ayon sa Pagasa, parehas ang direksyon na tinatahak ng bagyo na may international name na Kammuri sa direksyong tinahak ng bagyong Glenda noong November 28, 2006 at bagyong Reming noong July 2014.

Sa bagyong Reming ay 106 ang nasawi, 1250 ang sugatan, 5 ang missing at P38.6 Bilyon ang pinsala.

Sa talaan ng Pagasa si bagyong Glenda ay nag iwan ng 734 patay,  2,360 ang sugatan, 762 ang mawawala at P5.4 Bilyon ang naging pinsala.

Sa monitoring ng Pagasa ay mas lumakas pa ang typhoon ‘Kammuri’.

Namataan ito sa layong 1,470 km sa Southern Luzon ,sa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility, taglay ang lakas ng hangin na 140 kph at bugso na 170 kph.

Sa araw ng Sabado o Linggo ng umaga ito inaasahang papasok ng PAR at maglalandfall sa Catanduanes.

Nilinaw naman ni Pagasa Weather Division Chief Dr. Esperanza Cayanan na sa ngayon ay nanatiling maliit ang tiyansa na maging super typhoon ng paparating na bagyo.

Paliwanag ni Cayanan na iba ang pamantayan na ginagamit ng Joint Typhoon Warning Center ng America sa ginagamit na batayan ng Pagasa.

Ang bagyong Tisoy ay maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region at Samar provinces simula sa Lunes.

Habang sa Central Luzon, Bicol Region, Southern Luzon at Metro Manila ay maaaring makararanas ng malalakas na hangin at pag-ulan sa Martes at Miyerkules.

Samantala umapela ang PAGASA  sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media ukol sa bagyo. Tanging ang mga impormasyon na galing sa Pagasa ang siya lamang paniwalaan para maiwasan ang kalituhan.

 

Please follow and like us:
Read More

DAHIL SA BAGYONG TISOY; ILANG EVENTS SA SEA GAMES, INILIBAN

ILANG events sa Southeast Asian Games ang iniliban ngayong Martes dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy.

Alas-11 ng umaga, ang mga sumusunod na event ay ipinagpaliban:

SUBIC CLUSTER
• Beach Volleyball (moved to Dec. 4)
• Canoe, Kayak, Traditional Boat Race (moved to Dec. 6-8)
• Muay (moved to Dec. 4-8)
• Pencak Silat (moved to Dec.4)
• Sailing/Windsurfing (moved to Dec. 5)
• Modern Pentathlon (moved to Dec. 5)
• Surfing (moved to Dec. 4)
• Sepak Takraw (moved to Dec. 4)

SOUTHERN LUZON CLUSTER
• Underwater Hockey (moved to Dec. 4, subject to actual conditions)
• Skateboard (moved to Dec. 4, subject to actual conditions)
• Polo (moved to Dec. 4, subject to actual conditions)

METRO MANILA CLUSTER
• ESports (training schedule moved to Dec. 4)

CLARK CLUSTER
• Petanque (moved to Dec. 4)

Organizers have yet to finalize new schedules for wakeboarding, golf and other aquatic events, according to a post on the SEA Games 2019 official Facebook page.

Other SEA Games events in venues unaffected by Tisoy will be held based on the original time table, organizers said.

As of 11 a.m., to following sports competitions will push through:

SOUTHERN LUZON CLUSTER 
• Cycling
• Indoor Hockey
• Netball

METRO MANILA CLUSTER
• Floorball
• Badminton
• Fencing
• Football
• Gymnastics
• Tennis
• Weightlifting
• Wushu
• Volleyball

CLARK CLUSTER
• Rugby 7s
• Archery
• Arnis
• Athletics
• Wrestling
• Kurash
• Baseball
• Softball
• Lawnbowls
• Dancesport
• Water polo

 

Please follow and like us:
Read More