PACMAN VS THURMAN: UPAKAN NA!

(NI VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/ PHOTO BY WENDELL ALINEA)

LAS VEGAS – Ngingiti-ngiti si Manny Pacquiao habang kumakaway sa libong fans na sumaksi sa official weigh-in, Biyernes (Sabado sa Maynila) sa MGM Grand Garden Arena.

Si Thurman naman ay sinalubong ng ‘boo’ ng pro-Pacquiao crowd, na ikinairita nito.

Kapwa tumimbang ng 146.5 pounds sina Pacquiao at Thurman, mababa nang bahagya sa 147-pound limit para sa kanilang WBA welterweight showdown.

“It’s going to be a good fight,” komento ni Pacquiao habang nasa entablado, ilang saglit matapos tumuntong sa weighing scale.

At kanyang idinugtong na mayroon siyang patutunayan sa laban nila ni Thurman.

“I want to prove something in this fight. It’s all set for tomorrow,” wika ni Pacquiao.

Naunang nagsalita si Thurman at sinabing kanya ang labang ito.

“It is my time. This is one time. Manny Pacquiao ain’t doing nothing to me, baby,” deklara ni Thurman.

Ayon pa ay Thurman, pagkakataon na niya ito para ibagsak ang ‘Legend’ na si Pacquio.

“This is a once in a lifetime opportunity to destroy a legend,” anang 30-anyos na si Thurman.

Tatangkain ni Pacquiao na mahablot ang korona ni Thurman – ang ‘super’ welterweight, itinuturing na pinaka-importaneng championship belt sa nasabing boxing division.

Please follow and like us:
Read More

BABALA NI PACQUIAO: THURMAN ‘DI AABOT NG 12TH ROUND

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

LAS VEGAS – “HINDI matatapos ang 12-round.”
Ito ang pag-analisa ni eight division word champion Manny Pacquiao sa kalalabasan ng 12-round WBA welterweight showdown nila ni Keith ‘One Time’ Thurman Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena.

“There is a big percentage that this fight will not go 12 rounds.  That is not a prediction, just my analysis,” ani Pacquiao.

Kung tutuparin nga raw ni Thurman ang pahayag nito na makikipagsabayan kay Pacman, dalawang bagay lang ang mangyayari sa Amerikano–mana-knockout o kusang aayaw.

“If he goes toe-to-toe with me that will be lovely.  It will make it a shorter fight.” wika ng Pambansang Kamao.

Nananatiling paboritong magwawagi ang Filipino boxing icon. Sa pinakahuling betting odds, ang 40-anyos na Fighting Senator ay -155, habang +135 naman si Thurman, mas bata ng sampung taon kay Pacquiao.

Nangangahulugan, na ang pustang $155 kay Pacquiao (kung mananalo) ay kakabig lamang ng $100. Habang, ang pustang $100 kay Thurman ay $135 naman ang balik.

Ang pusta namang Pacquiao by KO (1st & 2nd round) ay 50/1 ($1=$50). Kung KO sa 3rd at 4th at 12th round nama’y 40/1 ($1=$40). At 30/1 kung mana-knockout ni Pacquiao si Thurman sa 5th-11th round.

Habang mas mataas na 60/1 naman kung iiskor si Thurman ng 1st o 2nd round KO ($1=$60). 50/1 sa 3rd,  4th at 12th round. At 40/1 ($1=$40) mula round 5th-11th round.

Samantala, hindi na nag-ensayo si Pacquiao kahapon. Sa halip, nagpahinga na lamang ito bilang paghahanda sa official weigh-in ngayong Biyernes (Sabado sa Manila).

Inaasahang magaang na makukuha ni Pacquiao ang 147-pound weight limit.

Aabangan naman kung sosobra sa timbang si Thurman, na napabalitang nahirapang magbawas. Pero agad na pinabulaanan ng kampo nito ang balita.

Please follow and like us:
Read More

UNDERDOG KAY PACQUIAO; PABOR KAY THURMAN  

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

LAS VEGAS – Hindi tinablan si Keith ‘One Time’ Thurman ng binasang bible verse ni eight division world champion Manny Pacquiao hinggil sa pagpapakumbaba.
Matapos ang final press conference, Miyerkoles (Huwebes sa Manila) para sa kanilang 12-round WBA welterweight match, muling umatake ang bibig ni Thurman nang makapanayam ng iba’t ibang sangay ng mga miyembro ng media.
Bilang huling mensahe bago matapos ang press conference, isang verse mula sa bibliya ang binasa ni Pacquiao na hango sa Jeremiah 9:23-24, kung saan nagsasaad na huwag magyabang sa sinuman, sa halip ay maging mapagkumbaba.

Hindi naman ito pinansin ni Thurman, sa halip, umaapaw ang kumpiyansa nitong pinroklama na mananalo siya at pupusta sa sarili na kanyang patutulugin si Pacquiao sa first, second o seventh round ng kanilang sagupaan.

Pero hihintayin pa muna niya umanong tumaas ang ‘odds’ bago niya ilatag ang pusta, upang mas malaki aniya ang kakabigin niyang panalo dahil sa pagiging underdog.

Base sa sports book dito, ang first o second round knockout (pabor kay Thurman) ay 60-1 ang odd. Habang ang Thurman by 7th round KO ay 40-1 naman.

“Well, to be honest, we were waiting because so many people are betting for Pacquiao,” pahayag ni Thurman (29-0, 22KOs). “So, we’re waiting. We believe that the odds are gonna keep being not in my favor, which gonna allow me to really maximize my bets.

“So, I went to the bank today. We got the money ready, but we haven’t gotten the ticket yet. Because, you know, they’re still gonna shift. It’s not Friday night. All the fans aren’t here at the MGM yet. And, you know, them Asians have been getting it in. I think I’ve offended a lot more other Filipinos than I did Manny Pacquiao.
“And then we’re going for first-round knockout, second-round knockout and then, lucky-number-seven-round knockout,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Thurman na pupusta siya ng $10,000 sa laban.

At ang reaksiyon ni Pacquiao sa tinuran ni Thurman: “Salamat sa donasyon.”

Please follow and like us:
Read More

PACQUIAO ‘DI AABOT NG 6th ROUND –THURMAN 

(NI ARIEL BORLONGAN)

BUONG yabang na sinabi kahapon ni WBA welterweight champion Keith Thurman na patutulugin niya si eight-division titlist Manny Pacquiao bago sumapit ang 6th round ng kanilang unification bout sa Hulyo 20 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“I bet none of Pacquiao’s sparring partners were going at his body. Keith ‘One Time’ Thurman is going to touch the body. I want to know how he reacts,” sabi ni Thurman sa BoxingScene.com.

“My prediction? Less than six rounds. I would love to be 30-0 with 23 knockouts. We’ve got 22 and we’ve held those 22 knockouts for a little too long. It’s time to get one more knockout,” dagdag pa niya.

Ngunit iba naman ang nasa isip ni Pacquiao, na gustong turuan ng leksiyon ang mabungangang Amerikano.

“I’m so motivated for this fight for all of the trash talk he’s saying and I want to prove him wrong,” sabi ni Pacquiao.

“The most dangerous thing is when you’re not ready and in condition.”

“At this age, at 40, there is a level of adjustment in terms of body recovery, unlike when you were young, you pushed your body in training day by day, you recovered at night,” dagdag ni Pacquiao.

“At this stage, where you are strong, it is difficult to recover the next day, but right now, the speed is there, the power, the speed … by the grace of God.”

 

Please follow and like us:
Read More

PACQUAIO MAGPAPA-IMPRESS SA PRESS

IPAKIKITA ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa media bukas ang resulta ng kanyang training para sa unification bout niya kay Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Manila). Bubuksan ang Wild Card Gym sa Los Angeles para sa media para personal nilang makita ang paghahanda ng 40-anyos na si Pacquaio laban sa kapwa kampeon na si Thurman.

Ayon sa longtime publicist ng fighting senator na si Fred Strernburg ng Sternburg Communications, bibigyang pagkakataon ang press na mainterbyu si Pacquiao bago ito magsimula ng kanyang workout.

Maging ang Team Pacquiao kabilang si head trainer Buboy Fernandez, training adviser Freddie Roach, at strength and conditioning coach Justin Fortune ay magpapaunlak umano ng interbyu.

Si Pacquiao ay nasa huling linggo na ng training sa City of Angels at base sa naging tradisyon na, dederecho siya sa Las Vegas Lunes ng hapon (Linggo sa Manila) para sa fight week.

Target ni Pacquaio na madungisan ang perpektong 29-0, na may 22 knockouts na rekord ng Amerikano at mapag-isa ang kanyang WBA “regular” welterweight at “super” title ng kanyang kalaban.

Samantala, kung noong mga nakaraang linggo ay panay ang “trash-talk” ni Thurman laban kay Pacquaio, nitong Martes ay bigla itong kumambiyo at sinabing napahanga siya sa “one-sided win” nito kontra kay Adrien Broner noong Enero.

“I was impressed by his performance against Adrien Broner. It was inspiring. After watching him, I got out into the streets and ran at one in the morning. Because I just watched a 40-year-old man beat a much younger man. Manny has done so much, but he wants to do more,” sabi ni Thurman.

Please follow and like us:
Read More

PACQUIAO VS THURMAN KASADO NA

pacman250

(NI ARIEL BORLONGAN)

HALOS kumpleto na ang negosasyon para sa unification bout ng mga kampeon ng WBA sa welterweight division na sina Keith Thurman ng United States at Manny Pacquiao ng Pilipinas.

“According to The Ring Magazine’s Mike Coppinger, Pacquiao and fellow WBA welterweight world champion, Keith Thurman are near a deal for a fight on July 13th,” ayon sa ulat ng Fight Sports.

“The July date is optimal for Pacquiao, as that is when the Filipino Senate is out of session, so both men can fight for the WBA “regular” (Pacquiao) and “super” (Thurman) versions of the title,” ayon pa sa ulat.

Natamo ni Pacquiao ang kanyang WBA “regular” welterweight title noong Hulyo 15, 2018 nang patulugin niya si Argentinian Lucas Matthysse sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakuha naman ni Thurman noong Marso 7, 2015 ang WBA “super” welterweight title sa pagdaig sa puntos sa dating kampeon na Amerikano ring si Robert Guerrero pero halos dalawang taon siyang nabakante sa boksing sanhi ng mga pinsala sa katawan.

“While no other details have emerged, Pacquiao-Thurman would most certainly be a Pay-Per-View, the same way Pacquiao’s win over Adrien Broner was aired on Showtime Pay-Per-View in January, with over 400,000 purchases of the Las Vegas based broadcast,” dagdag sa ulat.

May rekord si Pacquiao na 61-7-2 win-loss-draw na may 39 panalo sa knockouts samantalang may perpektong kartada si Thurman na 29 panalo, 22 sa pamamagitan ng knockouts.

Samantala, masusubukan naman kung may ibubuga pa si dating WBO Oriental super featherweight at lightweight champion Anthony Marcial na lalaban kay Shizuoka-based Brazilian Cristiano Aoqui sa Abril 6 sa Korakuen Hall, Tokyo, Japan.

Galing si Marcial sa limang sunod na panalo, apat sa pamamagitan ng knockouts at umaasa siyang muling mapapalaban sa world ranked boxer makaraang matalo sa kapwa Pinoy at dating IBO super featherweight champion Jack Asis via 3rd  round TKO noong 2009 sanhi ng putok sa kaliwang kilay.

Galing naman sa dalawang sunod na panalo via stoppages si Aoqui kina Duang Hongin ng Thailand at Filipino Joffrey Garcia kaya gusto niyang talunin si Marcial para mapalaban sa Japanese title bout.

May rekord si Aoqui na 13-7-2 win-loss-draw na may  siyam na pagwawagi sa knockouts kumpara kay Marcial na may kartadang 24-3-1 win-loss-draw na may 22 panalo sa knockouts.

Please follow and like us:
Read More