INJECTABLES NA GAMOT GALING THAILAND NASABAT SA NAIA

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo ang assorted medicine at injectables dala ng isang pasahero na walang permit  o clearance mula sa Food and Drug  Administration (FDA).

Batay sa report, hindi nakuha ang pagkakilanlan ng pasaherong dumating sa NAIA terminal 3 mula Bangkok,Thailand sakay ng Cebu Pacific flight 5J 930.

Ayon kay Customs NAIA district collector Mimel Talusan, nadiskubre ang nasabing  gamot  nang idaan sa x-ray scanning ang bagahe at nakita ang imahe ng mga gamot .

Matapos ang eksaminasyon ng mga tauhan ng Customs, nakuha sa bagahe ang 67 bottles of Thai FD Supplement, 1 box Diane Ot 35, 70 boxes Estradiol Valerate Injection USP, 9 boxes Hyles 100, 40 packs Destrodiot Benzoate Inj., 100 packs Estrofem 2ml, 100 packs Progynova 2ml, 20 foils OC-35, 50 foils Duoton Fort Ampule and 25 boxes Prolition Depot, nang walang maipakitang health permit.

Ayon pa kay Talusan, walang maipakita ang may-ari o pasahero ng clearance o kaya ay permit to import dahilan upang kumpiskahin ito kasabay sa pag-turnover ng mga ito sa opisina ng FDA para sa masusing imbestigasyon.

Please follow and like us:
Read More

EX-WORLD CHAMPS JARO, ASIS TALO SA THAILAND, NZ

asis jaro12

(NI ARIEL BORLONGAN)

DALAWANG Filipino boxers na dating kampeong pandaigdig ang lumasap ng masaklap na pagkatalo via knockouts sa mga laban nila sa Thailand at New Zealand, Sabado ng gabi.

Natalo si ex-WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro via 7th round knockout kay WBC ranked No. 6 bantamweight Nawaphon Sor Rungvisai sa Bangkok, Thailand.

Umakyat ng timbang at nabigo rin si dating IBO super featherweight champion Jack Asis via 3rd round knockout kay Kiwi Bowyn Morgan sa kanilang sagupaan para sa bakanteng World Boxing Union welterweight title sa Christianchurch, New Zealand.

“A body shot put the 37-year-old Jaro on the deck to end it as Nawaphon retained his WBC Asia bantamweight title,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

Si Nawaphon ay mayroon ngayong 45-1-1 win-loss-draw record na may 35 pagwawagi sa pammagitan ng knockout, habang bumagsak ang record ni Jaro sa 45-15-5 na may 32 pagwawagi sa pamamagitan ng knockout.

Please follow and like us:
Read More

JODI, NA-VIRUS SA THAILAND KAYA MINALAT

jodithaniland12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

Sa May 8 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang ‘Man And Wife’ na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Gabby Concepcion. Ito ang kauna-unahang proyekto na pinagtambalan ng dalawa. Ito rin ang kauna-uanahang pagkakataon na nakatrabaho ni Jodi si Laurice Guillen bilang direktor kaya talagang kinabahan daw ang aktres.

“To be honest, I was intimidated by the both of them pero they made me feel naman at ease,” nakangiting bungad ni Jodi.

Bilang mag-asawa ang role sa nasabing proyekto ay may ilang maseselan na eksenang ginawa sina Jodi at Gabby.  Ayon sa aktres ay umabot ng dalawang beses na kinuhanan ang kanilang intimate scenes ng aktor dahil talagang nailang siyang gawin ito. “Intimate scene kaagad tapos Gabby Concepcion. Hindi ko alam kung paano ko ba ito hahawakan, paano ko hahalikan. Tapos kailangan lang naming ulitin ulit ‘yung eksena para mas maganda pa,” natatawang kwento ng aktres.

Samantala, kamaikailan ay nagbakasyon sa Thailand si Jodi kasama ang pamilya. Pagkabalik sa Pilipinas ng aktres ay nakaranas na ito ng pamamalat sa boses. “When I get back from our trip, naging ganito na siya. I think it’s a bug that I caught in Thailand. So ayun nag-start lang siya na parang sore throat tapos naging ganito na siya. Pero don’t worry about me, I’m good,” pagbabahagi ng aktres. -Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

3 KILONG COCAINE BYAHENG THAILAND NASABAT; 3 ‘COURIER’ HULI

NBI12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

NAHULOG sa kamay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong ‘courier’ ng iligal na droga na sinasabing mga recruit ng mga asawang Pinay ng miyembro ng Western African Drug Syndicate (WADS) nang makuhanan ng mahigit 3 kilong cocaine sa tangkang pagpuslit patungong Thailand, sa magkasunod na operasyon sa Pasay at Pasig City, iniulat kahapon.

Sa pulong-balitaan sa NBI headquarters kahapon, ipinrisinta sa mga mamamahayag ang mga suspek na kinilalang sina Ma. Clara Q. Bedico, Alvin J. Avila, at Antonette R. Mendiola, matapos isailalim sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) sa paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs ) na may kaugnayan sa Section 26 (Conspiracy to Transport Dangerous Drugs) sa ilalim ng Republic Act 9165.

Sinabi ni  NBI deputy for investigative services Vicente De Guzman III na Marso 28, 2019 nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa ibibiyaheng cocaine ng isang Pinay patungo sa Thailand.

Nakipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang NBI at sa Pasay Police  at  kaagad pinababa sa eroplanong patungong Thailand si Bedico at naroon si Avila na umaalalay sa kaniya, para sa pagpapalusot ng travelling bag na nadiskubreng nakapalaman sa loob ng limang pirasong hard-bound childrens book  ang cocaine na nasa 3,297.5 kilos.

Nabatid na si Bedico at Avila ay nakatakdang makipagkita rin sa isa pang suspek na si Mendiola sa isang motel sa Pasig City para magkostudi pansamantala ng travelling bag na may lamang cocaine, habang naghihintay pa ng rebooking sa flight patungong Thailand si Bedico.

Agad ikinasa ang follow-up operation nitong Marso 29 at nadakip sa isang motel si Mendiola.

Ayon pa sa NBI, ang mga suspek na Pinoy ay nare-recruit lamang sa pamamagitan ng Facebook ng mga Filipina partners ng mga miyembro ng WADS. Nagiging interesado umano ang mga Pinoy na tanggapin ang alok na trabaho na inakala sa una ay magdedeliber lamang ng mga alahas sa iba’t ibang bansa.

Ang nasabing cocaine ay nakatakdang dalhin din mula Thailand patungong Brazil, ayon sa NBI.

Patuloy pang iniimbestigahan ang mga personalidad na nasa likod ng nasabing sindikato.

 

Please follow and like us:
Read More

2 PINAY BIKTIMA NG SEX RING SA THAILAND NASABAT SA NAIA

pal12

(NI FROILAN MORALLOS)

HINARANG sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Pinay na pinaniniwalaang biktima ng sindikato para mag-perform ng sex act sa ibang bansa kapalit ng pera.

Pasakay na ang dalawang Pinay sa kanilang flight sa Philippine Airlines (PAL) sa Naia terminal 2 papuntang Bangkok, Thailand nang masakote ng mga tauhan ng Immigration Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) bago makaalis.

Ayon sa pahayag ni Commissioner Jaime Morente, agad nilang inirekomenda sa BI ang pagpapa-blacklist sa isang Omani na kumuha sa serbisyo ng dalawang Pinay.

Kasama ring inirekomendang mai-blacklist si Khalid Khalaf Gharib Al Shuraiqi, nagsilbing ‘escort’ ng dalawang Pinay, matapos mabuking ang kanilang modus.

Inamin ng isa sa biktima sa mga immigration officers na pinangakuhan sila ng halagang P5,000 kada araw kung makikipagtalik sa isang Omani sa loob ng walong araw .

Sinabi ng mga biktima na kapos sila sa pera at kapwa tumatayong breadwinner ng pamilya kaya’t napapayag silang bumiyahe ng Thailand para magtrabaho.

Ayon naman kay Morente, maituturing na undesirable alien ang mga dayuhan na magbubugaw o pagtatrabahuhin bilang prostitute sa ibang bansa ang mga Pinay.

Idinagdag nitong sinasamantala nila ang kahinaan at kahirapan ng mga Pinay kaya’t madali nilang napapapayag ng ganoong uri ng trabaho sa ibang bansa.

Ang dalawang biktima ay inilipat sa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sumailalim ng masusing imbestigasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

50 ENDANGERED REPTILES NASABAT SA NAIA

reptiles200

(NI DAVE MEDINA)

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa NAIA Terminal 2 ang hindi bababa sa 50 reptiles mula sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Atty. Andres Villaruel, ng DENR – NAIA, sakay  ang mga kinumpiskang hayop  ng Philippine Airlines Flight PR 737.

Ayon sa naturang opisyal,  ang mga kinumpiskang hayop ay nasa dalawang bagahe na nasa pangalan ng isang Neil Ryan Dysoco pero wala umanong maipakitang mga dokumento si Dysoco kaya’t kinumpiska na nila ang mga bearded dragon, chameleon at iguana.

Maari aniyang kasuhan si Dysoco ng paglabag sa Wildlife Resources Conversation and Protection Act sa kabila nang pagtanggi ni Dysoco na may nalalaman ito  sa mga nakumpiskang hayop, na mula P25,000 hanggang P45,000 ang halaga ng bentahan sa black market.

Please follow and like us:
Read More