GURO, ESTUDYANTE PATAY SA TREN 

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang guro at mag-aaral habang 15 ang sugatan nang mahagip ng tren ang sinasakyan nilang van, iniulat sa lalawigan ng Camarines Sur. Kinilala ang mga namatay na sina Glenda Ravago, guro sa pampublikong paaralan at Jaime Victor Olarte, 12-anyos, grade 6 student, at residente ng bayan ng Sipocot, Libmanan. Dinala naman sa Libmanan District Hospital at Naga City Hospital ang 15 sugatan na pawang mga pasahero ng van. Kinilala ang dalawang operator ng tren na sina Ian Berina at Domingo Medroso. Batay sa report ng Libmanan-PNP,…

Read More

TEACHER NA TULAK, TIMBOG SA PARAK

SHABU-ARRESTED

(NI JG Tumbado) NATIMBOG ng pulisya ang isang 40-taong gulang na guro matapos itong magbenta ng shabu sa ikinasang drug bust operation sa bayan ng Dalaguete sa probinsya ng Cebu. Nakilala ang teacher na tulak na si Roy Ysao, ng Sitio Lalin, Barangay Poblacion at nagtuturo sa Dalaguete National High School. Si Ysao ay dinakip ng mga operatiba ng Municipal Station Drug Enforcement Group pasado alas 9:00 ng umaga ng Biyernes sa tapat mismo ng nabanggit na paaralan. Narekober ng pulisya mula sa posesyon ng suspek ang isang plastic sachet…

Read More

TEACHER NAHULOG SA MOTOR, NASAGASAAN NG KASUNOD NA SUV

motoraccident12

(NI JG TUMBADO) DEDO ang isang 25 taong gulang na guro nang mahulog mula sa pinag-aangkasang motorsiklo sa bayan ng Sariaya, Quezon. Nakilala ang biktima na si Julia Jimenez, dead on the spot sa lugar ng aksidente sa kahabaan ng national road sa Barangay Talaan Aplaya. Lumalabas sa imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police, naka-angkas umano ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang kapatid patungong Lucena City pasado alas dose ng tanghali ng Huwebes. Isang mini tanker umano na nasa kabilang linya ang iniwasan ng motorsiklo habang ito ay mabilis…

Read More

VAN SUMALPOK SA BAHAY: TITSER PATAY, 4 SUGATAN

accident12

(NI BONG PAULO) NORTH COTABATO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang guro habang sugatan naman ang apat na iba pa, kabilang ang drayber, matapos bumangga ang pampasaherong van sa isang bahay pahingahan sa National Highway Barangay Dalingaoen sa bayan ng Pikit, North Cotabato. Kinilala ang nasawi na si Leonila Salang Fernandez, guro ng isang paaralan sa Cotabato City at residente ng Amhersia St. NovaTierra Village Lanang Davao City, habang ang nasugatan ay sina Juvil Hermosura, ng Surallah South Cotabato, Czyrie Jade Cariaso na taga Upi Maguindanao, Kamesa Pananggilan,…

Read More

TITSER KINATAY SA LOOB NG BAHAY 

(NI ANNIE PINEDA) NALILIGO sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang isang guro sa loob ng kanyang tahanan nang pasukin ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan, Martes ng gabi sa Catanduanes. Kinilala ang biktimang si Melrose Baloloy, 37, nagtuturo sa Maysuram Elementary School, at residente ng Brgy. Toytoy, Caramoran, Catanduanes. Batay sa report ng Maysuram Police Station, dakong alas 11:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente may dalawang lalaking pumasok sa bahay…

Read More

M’DANAO QUAKE: GURO ITINAYA ANG BUHAY SA MGA ESTUDYANTE

(NI DONDON DINOY) MAKILALA, North Cotabato-Viral ngayon sa social media ang isang guro ng day care matapos itaya ang buhay masagip lang ang mga bata mula sa mga gumuhong pader dahil sa malakas na lindol noong Martes. Kinilala ang guro na si Erlinda Ajero, residente sa lugar, na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan at ulo matapos tamaan ng mga hollow blocks. Agad dinala sa ospital ang ginang at nasa maayos na ang kalagayan. Sinabi ng anak nito na si Mark, guro rin sa Kidapawan City, nabigla na lamang…

Read More

TEACHER PISAK ANG ULO SA TRUCK

accident121

(NI CHERK BALAGTAS) PISAK ang ulo ng isang babaeng guro nang magulungan ng  truck habang angkas  ng  motorsiklo sa Lungsod ng Malabon, Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Elsa May Enrique-Atega, 39, guro sa Maypajo High School at residente ng Block 39 Lot 18 Phase 2 Area 2, Kaunalaran Village, Lungsod ng Navotas, habang sugatan naman ang co-teacher niya na si Leo Cantilang, 31, ng Tindalo Street, Tondo, Lungsod ng Maynila, matapos tumilapon  sa minamanehong motorsiklo. Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang truck driver na si Jaynard Ibuyat,…

Read More

TEACHER, 2 ANAK KINATAY NG MISTER; SUSPECT NAG-SUICIDE

(NI ANNIE PINEDA) PINANINIWALAAN sinumpong sa sakit sa pag-iisip ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na mister dahilan para pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kanyang misis at dalawang anak saka nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili, sa probinsya ng Butuan city. Kinilala ang nasawing suspek na si Rogelio ‘Jocjoc’ Ravelo Jr, 35, dating overseas Filipino worker (OFW), asawa nitong si Alfonsita Roales Ravelo, 39, elementary school teacher, at dalawa nilang mga anak na sina RJ Ravelo, 9 at CJ Ravelo, 3, pawang mga residente ng Sitio Gapas-Gapas Brgy.…

Read More

NAMBOSO KAY TITSER, HULI

(NI SIGFRED  ADSUARA) SWAK sa kulungan ang isang 34-anyos na lalaki nang naaktuhan habang sinisilipan ang isang teacher na naliligo sa Rosario, Cavite. Kasong Unjust vexation, Disobedience,  resisting arrest to agent of Person in Authority at paglabag sa Sec. 12 Article II of R.A 9165 ang isinampa laban sa suspek na si Rolando Aquino, ng DO Jimenez St., Brgy Wawa 1 Rosario, Cavite,  dahil sa reklamo ng 39-anyos na teacher, ng Brgy Wawa, Rosario, Cavite. Sa ulat ni Corporal Joeyluz Pulasan ng Rosario Municipal Police Station, naligo ang biktima dakong…

Read More

TIMBOG SA DROGA SI MA’AM

naga cebu12

(NI JG TUMBADO) TIMBOG ang isang 27-anyos na public school teacher sa ikinasang anti-drug operation sa Naga City sa Cebu, gabi ng Lunes. Ayon kay Major Maria Luisa Calubaquib, nahulihan ng shabu si Noemi Iglesia, kasama ang dalawa pa na sina Julius San Vicente, 27 at Bien Patrick Pasibe, 23, nang pagbentahan nila ang isang poseur buyer sa bahagi ng Jacob St. Barangay Bagumbayan Sur dakong alas 11:50 ng gabi. Bukod sa isang plastic sachet na nakuha sa buy bust ay nasamsam pa mula sa posesyon ng mga suspek ang…

Read More

BALA NG KALIBRE .45 TUMAPOS SA BUHAY NG GURO

(NI ANNIE PINEDA) NALIGO sa sariling dugo sa loob ng sinasakyan tricycle ang isang guro makaraan barilin ng hindi pa kilalang suspek, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Davao del Sur. Kinilala ang biktimang si Felipe Capisos Niemis Jr., 52, ng Barangay Zone 2, Digos City at isang Senior High School teacher sa nasabing lugar. Batay sa report ng Sta. Cruz Municipal Police Station, naganap ang insidente sa sakayan ng tricycle sa nasabing lugar . Kuwento ng driver na si Marvin Jamunan, sumakay sa kanyang tricycle si Niemes para sana…

Read More

SEX VID SA TEACHER NAGBANTANG IKAKALAT; LALAKI HULI       

sextortion

(NI ALIAIN AJERO) HULI ang isang pamilyadong lalaki sa isang entrapment operation sa isang motel kung saan niya pinilit na makipagtagpo para magtalik at huthutan ng salapi ang isang may-asawang guro kundi ay ipakakalat niya sa social media ang umano’y sex video nila ng babae, Miyerkoles ng gabi sa Caloocan City. Sa halip na seksing katawan ay rehas ngayon ang hinihimas ng suspek na si Ric Quemado, 39, may-asawa, , ng  Morning Breeze, Caloocan City. Kasong robbery extortion ang kinakaharap nito sa pulisya. Alas-6 ng gabi ay nakikipagtagpo ang suspek…

Read More

 MOTORSIKLO UMILALIM; TEACHER PISAK SA TRUCK

accidentsign1

(NI NILO DEL CARMEN) MALAGIM na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng guro matapos na ito ay magulungan ng cargo truck habang nagmomotorsiklo sa highway sa Pagsanjan, Laguna, Martes ng tanghali. Agad nasawi ang biktimang si Richella Mapalo na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at  katawan. Batay sa report ng Pagsanjan police, galing sa eskwelahan ang biktima at tinatahak ng motorsiklo na minamaneho nito ang kahabaan ng national highway mula sa Pagsanjan patungo sa direksyon ng bayan ng Sta Cruz,  nang bumaligtad ito sa kalsada at tumilapon sa gitnang bahagi ng…

Read More

MISTER NG TEACHER ITINUMBA SA LOOB NG SCHOOL

crimeshooting12

(NI JG TUMBADO) PATAY sa pamamaril ang isang mister sa loob mismo ng silid aralan sa paaralang pinagtuturuan ng kanyang asawang guro sa Barangay Mabini, Ormoc City, araw ng Linggo. Nakilala ang biktima na si Bienvinido Casimero Jr., 42, miyembro ng Civil Security Unit ng naturang lungsod habang ang suspek naman ay natukoy bilang si Ronnie Pocson. Batay sa ulat kay Police Major Joel Talagon, habang abala ang biktima kasama ang kanyang asawa na naglilinis sa loob ng silid-aralan sa paghahanda sa class opening nang mangyari ang pamamaril. Agad tumakas…

Read More

PRENO ‘DI KUMAGAT: TEACHER PATAY, 2 KRITIKAL SA JEEP

accident121

(NI JULIE DUIGAN) PATAY ang isang hindi muna tinukoy na teacher, habang dalawa ang nasa malubhang kalagayan , makaraang mabundol ng pampasaherong jeep , nitong Lunes sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at  Pureza St. Sta. Mesa, Manila. Dahil dito, nahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide at  reckless imprudence resulting to double serious Physical Injuries at nakapiit ang driver na si Fernando Florida. Sinabi nito na nawalan siya ng preno at nadale  rin matapos masalpok ng motorsiklo ang closed van na  minamaneho  ni John Lee Espiritu. Kaugnay nito, aalamin naman ni Master…

Read More

2 TEACHER BIKTIMA NG AKYAT-BAHAY

akyat15

(NI NICK ECHEVARRIA) ISINARADO at siniguradong naka-lock ng dalawang guro ang pintuan ng kanilang inuupahang kwarto sa Blk. 19B Welfareville Compound, Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City, bago umalis patungo sa paaralan na kanilang pinapasukan noong Huwebes ng umaga bandang alas-5:45. Ito ang pahayag ng dalawang teacher na sina Lurita Sabulao y Esquierdo, 29, at Theresa Karla Abucot, 28,  nang magtungo sa himpilan ng pulisya sa nabanggit na lungsod para magreklamo. Ayon sa salaysay ng mga biktima, nagulat na lamang si Lurita ng i-chat siya ng isa nilang kapitbahay habang nasa…

Read More

STUDENT TINARAKAN SI SIR

isabela

(NI JG TUMBADO) PATAY ang isang head teacher makaraang burdahan ng sunod sunod na saksak ng kanyang grade 7 student sa loob mismo ng bahay ng una sa Aurora, Isabela. Agad namang nadakip sa isinagawang follow up operation ng mga awtoridad ang suspek na menor de edad na lalaki na nasa pangangalaga ngayon ng municipal social welfare and development matapos na mai-turn over ng pulisya. Batay sa nakarating na ulat kay Police Senior Insp. Villamor Andaya, hepe ng Aurora municipal police station, nakilala ang biktima na si Bobby Galiza, head…

Read More