TAXI DRIVER, HINOLDAP, PINASLANG SA PASAY

cabdriver12

(NI KOI HIPOLITO)

INAALAM  ng otoridad ng Pasay City Police Station ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamaslang sa isang taxi driver na natagpuan sa loob ng kanyang minamanehong taxi at iniwan sa lugar ng F.B. Harrison Avenue corner Gotamco St., Brgy. 16, Zone 1 sa Pasay City, dakong 9:30 ng gabi noon Miyerkoles.

Nakilala ang biktima na si Edgardo Egan, 54, residente sa No.696 Block 2, Nueve de Pebrero St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City, taxi driver ng Elpa Taxi Company na meron plaka na UVW-582.

Base sa ipinadalang report ng Buendia Police Community Precint (PCP-2) kay Pasay City acting Chief of Police Colonel Bernard R. Yang, isang tawag umano ang kanilang natanggap galing sa isang security guard na nakatawag pansin sa grupo ng mga kalalakihan na nakapaligid sa isang kulay puting kotse. Nang lapitan para alamin ang pangyayari ay nakita niya bangkay ng biktima.

Sinabi ni P/Cpl. Anthony Rico na posibleng hinoldap muna bago pinaslang ng hindi pa kilalang salarin ang biktima.

Limang saksak sa katawan ang tinamo ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

2 TAXI DRIVER NA NAMBIBIKTIMA NG CHINESE TIMBOG

ARRESTED-12

(NI DAVE MEDINA)

ARESTADO ang isang taxi driver at kasabwat nito  na sinasabing kasama sa grupo na nambibiktima ng mga Chinese national.

Ang pagkakadakip sa suspek ay dahil sa maagap na mga barangay officials at resulta ng manhunt operation na isinagawa ng mga operatiba ng Ayala Police Community Precinct 5, Makati CPS, SPD  bandang alas-2:00 ng madaling araw ng Martes sa Baliuag Transit, Edsa, Cubao, Quezon City.

Kinilala ang nahuling mga suspek na taxi driver na sina  Fredelino Almirante Amido, 43, nakatira sa 84-A Kapayapaan St., Bagong Barrio, Caloocan City at Ricardo Renio Villarin , 47, residente ng Area 4, Sitio Libo, Brgy. San Antonio,

Base sa  report na isinumite  ni PCAPT Anthony  Bagsik, hepe ng  PCP-5, Makati CPS kay  PCoL Rogelio P. Simon,  Chief of Police ng Makati CPS, sinabi na sumakay ang biktimang  sina Xianhui Zhu at Nam Yan, kapwa Chinese national at residente ng Jazz Residences sa Bel-Air, Makati sa taxi na may  plate number AQA 5556 na minamaneho ni Fredelino sa Urban Avenue, Barangay Pio Del Pilar, Makati City.

Nagpahatid umano ang dalawang Chinese national sa Jazz Mall, Makati City pero dinala sila ng suspek sa Pinagkaisahan, Makati City kung saan sumakay naman ang ikalawang suspek sa tabi ng driver.

Nang marating umano nila ang EDSA Magallanes Southbound, Barangay San Lorenzo, nagdeklara ng holdap ang suspek na si Ricardo Villarin at tinutukan sila ng baril bago kinulimbat ang kanilang  P7, 000 at mobile phone.

Agad umanong bumaba tangay lahat ng pera at mobile phone ang suspek na si Villarin habang nagtuloy sa pagmamaneho ng taxi si Fredelino hanggang makarating ng  Arnaiz Avenue, Makati City.

Dito na nakakita ng pagkakataon ang mga biktima na magsumbong sa barangay officials kaya agad na naaresto ang taxi driver.

Agad na nagsagawa ng  follow-up operations ang pulisya sa Cubao,  Quezon City malapit sa  Baliwag Transit na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na si Villarin, pagkakabawi sa mobile phone ng biktima at pagkakakumpiska  sa Toyota Lovelife na get away vehicle at isang kalibre .38 baril na kanyang ginamit sa panghoholdap.

Kasalukuyan ngayong nakakulong ang mga suspek na kinasuhan sa Makati City Prosecutors Office sa kasong Robbery, Illegal Possession of Firearm at Violation of Omnibus Election Code.

 

Please follow and like us:
Read More

GITGITAN SA HIGHWAY: TAXI DRIVER, PATAY

TAXI-4

PINAGBABARIL hanggang mapatay ng isang motorcycle rider ang nakagitgitan nitong taxi driver sa Sta. Ana, Maynila.

Sinabi ng pasahero na unang hinarang ng suspect ang kanyang motorsiko sa intersection ng P. Ocampo St. sa Osmena highway dahil sa umano’y masamang tingin ng biktima.

“Ang sama mo makatingin ah, sabi ng suspect,” pahayag ng pasahero sa sagutan ng dalawa.

Inawat din umano ng pasahero ang driver ng taxi na wag nang patulan ang suspect at kasama nito ngunit hindi na umano natapos ang gitgitan sa kalye hanggang paputukan ng suspect ang biktima.

Tatlong basyo ng bala ang nakita sa crime scene.

Please follow and like us:
Read More