2 CONTRACTORS GUILTY SA TAX EVASION

TAX EVASION

NAPATUNAYANG guilty beyond reasonable doubt ng Court of Tax Appeals (CTA) sa pandaraya sa buwis ang dalawang contractors sa lalawigan ng Palawan.

Kinilala ang mga hinatulan na sina Rebecca S. Tiotangco, sole proprietress ng Anilos Trading and Con-struction, at Rommel S. Ynion, sole proprietor ng Hoksing Builders.

Ang dalawa ay hinatulan sa paglabag sa Section 254 (Tax Evasion) at Section 255 (Willful Failure to File VAT Returns and Willful Failure to Supply Correct and Accurate information in their Tax Returns) ng Na-tional Internal Revenue Code of 1997, bilang amended (Tax Code).

Sa isinagawang evaluation at comparison ng BIR sa gross income declared ni Tiotangco sa kanyang 2008 at 2010 Quarterly VAT Returns (2551Q) laban sa kanyang kinita sa parehong periods na sinertipikahan ng provincial government ng Palawan, nadiskubre na ang akusado ay hindi nagbigay ng tamang impor-masyon ng kanyang Quaterly VAT returns ng kanyang gross income.

Tinukoy rin ng CTA na paulit-ulit na ginawa ng akusado ang pandaraya sa kanyang gross sales/receipts (nang mahigit 30%) na ikinalugi ng gobyerno sa buwis.

Bunsod nito, si Tiotangco ay pinatawan ng tatlong counts ng paglabag sa Section 255 ng Tax Code, at pagkakakulong ng isang taon, bilang minimum, hanggang dalawang taon bilang  maximum  at ipinag-utos na magbayad ng  P10,000 halaga ng danyos.

Samantala, si Ynion ay napatunayan ding guilty sa kasong Evasion of Income Tax and Willful Failure to Supply Correct and Accurate information sa kanyang Income Tax Returns (ITR) para sa taxable years 2006, 2008 at 2010.

Kaugnay nito, si Ynion ay may kabuuang dinaya umano sa buwis sa gobyerno sa halagang P208,695, 131.32, at may walong bilang ng  paglabag sa Tax Code na may parusang pagkakakulong. (JOEL O. AMONGO)

 

Please follow and like us:
Read More

TAX EVASION SA 182 CHINESE

TAX EVASION

(EXCLUSIVE SA PERYODIKOFILIPINO)

IBINUNYAG ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na maliit lang ang buwis na binabayaran ng kamakailan ay ni-raid na ilegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Cebu City na nag-ooperate bilang betting station gamit ang 22bet. com website.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa, walang awtorisasyon ang Xin Juang Jen Cheng Ltd. na maglunsad ng operasyon bilang online gamit outfit dahil hindi naman ito nakarehistro para sa nasabing klase ng negosyo.

Subalit, sinabi ni Gulla na nakarehistro ang Xin Juang Jen Cheng Ltd na nasa Tower Once Plaza Magellan sa Lapu-lapu City bilang business process outsourcing (BPO) company o service provider.

Hindi man makapagbigay ng dokumento ang BIR kaugnay sa binabayarang buwis ng nasabing Chinese firm, nilinaw pa rin ng Deputy Commissioner ng BIR na hindi matatawag na POGO ang Xin Juang Jen Cheng Ltd.

“That company is paying only small amount of tax. It’s a service provider and not operator,” paliwanag ni Guballa.

Nabatid ng PeryodikoFilipino Inc. na walang inisyung tax identification number (TIN) ang BIR sa kumpanyang nabanggit kung saan inaresto sa isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang may 182 empleyado na pawang dayuhan kasama ang 31 ‘high profile’ Chinese.

Ayon pa sa abogadong opisyal ng BIR, may panuntunan ang kanilang tanggapan na dapat mayroong TIN mula sa BIR ang mga nagtratrabaho sa bansa maging dayuhan o Filipino pa man sila.

“Kung nahuli sila na wala silang TIN may violation sila sa amin sa tax (BIR), may kanya-kanya violation ang mga sangay ng pamahalaan. Tulad sa Immigration sa alien  permit, Department of Labor sa employment permit at Philippine Amusement and Gaming Corporation sa permit sa POGO,” paliwanag ni Guballa.

Idinagdag pa nito na batas sa Pilipinas na kapag nagtrabaho ang isang tao, awtomatikong kinakaltasan ang suweldo nito para sa buwis.

Nilinaw din ni Guballa na may inter-agency task force na nagmomonitor sa mga Chinese na nagtratrabaho sa POGO.

Ang mga ahensiya ng gobyerno na bumubuo ng task force ay BIR, PAGCOR, DOLE, Philippine National Police, National Bureau of Investigation at Bureau of Immigration (BI).

Nabatid ng PeryodikoFilipino Inc na umaabot lang ng 93,000 ang Chinese na legal at nakarehistro na nagtratrabaho sa POGO na nasa kanilang talaan para sa 2019.

Subalit sinabi ni Guballa na binanggit sa kanila ng PAGCOR at BI na mahigit 130,000 ang Chinese na empleyado ng POGO sa Pilipinas.

“Pero naniniwala kami sa BIR na mas marami pa ang mga Chinese employees na ito base sa mga nakukuha naming impormasyon mula sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Kasabay nito, nanawagan si DepCom Guballa sa mga dayuhan na magbayad ng tamang buwis sa BIR upang hindi sila magkaroon ng problema.

“Gayundin dapat ang mga Pilipino. Kelangang magbayad ng tamang buwis,” ani Guballa.

Naunang ibinunyag ng PeryodikoFilipino Inc. na nagkaroon ng lagayan o suhulan sa nangyaring raid sa Xin Juang Jen Ching Ltd, Inc. na nasa Lapu-Lapu City, Cebu kung saan 182 empleyado nito ang hinuli sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge  Soliver Peras, 1st Vice Executive Judge ng 7th Judicial Region sa Cebu.

Sa pamamagitan ng interpreter, nag-offer ng P150 milyon ang mga inarestong Chinese kapalit ng kanilang kalayaan subalit tinabla sila ng mga operatiba ng CIDG Police Regional Office 7.

Pumasok sa eksena ang isang mataas na opisyal ng Malakanyang na nakabase sa Cebu at pilit inaarbor ang kaso subalit hindi pa rin bumigay ang mga pulis kaya’t umakyat sa P250 milyon ang offer na suhol.

Umabot sa P500 milyon ang naging suhol subalit sinampahan pa rin ng kaso ang mga Chinese kabilang ang 31 ‘high value” employees.

Matapos ang inquest proceedings, pawang nanlumo at na-low morale ang mga miyembro ng raiding team sapagkat nakasaad sa resolusyon ng fiscal na “for further investigation” ang kaso. (JEDI PIA REYES/JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More