LASENGGONG ANAK, TINAGA NI ITAY

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umubra ang tapang ng isang anak nang sugurin nito ang kanyang ama sa bahay at nagwala, dahilan para tagain ito, sa Roxas City.

Kinilala ang biktimang si Genesis Evangelio, 29, habang sumuko sa pulisya ang suspek at ama nitong si Jaime, 66, at kapwa residente ng Barangay Sinamongan, Pilar, Capiz.

Batay sa report ng Pilar Municipal Police Station, lango sa alak ang biktima nang sugurin nito ang kanyang ama sa bahay at nagwawala. Sa inis ng matandang Evangelio, kumuha ito ng itak at tinaga sa dibdib ang anak .

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima pero dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at inaantay na lamang ang desisyon ng pamilya kung magsasampa ng kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

ALAGANG MANOK KINATAY; 3 ANAK TINANGKANG KATAYIN NG TATAY

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

NAGAWA pang makailag ng magkakapatid ang mga wasiwas ng kutsilyo ng kanilang sariling ama nang magwala ito sa kinatay nila ang alaga nitong manok, sa Kalibo, Aklan.

Kinilala ang magkakaptid na sina Jayme Nacino, 21, Jomar, 20, at Jason 19,  habang ipinaaresto naman nila ang sariling ama na si Leonilo Nacino,  53, mga residente ng Brgy. Bubog, Numancia, Aklan.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-aamang Nacino sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente, nakipag-inuman ang suspek sa Brgy. Pook, Kalibo at nang malasing ay umuwi na ito sa kanilang bahay.

Dito, naabutan niya ang mga anak na sina Jomar at Jason at kinompronta bakit nila kinatay ang alaga nitong manok, saka kumuha ng kutsilyo at tinangkang saksakin ang dalawa na mabilis naman nakailag.

Dumating naman ang isa pang anak na si Jayme, at tinanong ang ama (suspek) kung bakit mainit ang ulo nito, dito, tinangkay din siyang saksakin at nailagan naman ito ni Jayme.

Agad naman nagtungo sa Numancia Police Station ang magkakapatid at inireklamo ang ama ng tangkang pagpatay .

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek sa bahay nito at nakuha ang kutsilyo na ginamit na may habang 7-pulgada .

Please follow and like us:
Read More

TATAY BINARIL SA HARAP NG ANAK

north cotabato 12

(NI BONG PAULO)

PATAY ang isang haligi ng tahanan nang paslangin ng dalawang gunmen sa harap mismo ng kanyang anak sa isang mababang Paaralan sa Barangay Silik sa bayan ng Pikit, North Cotabato, Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Elmer Amahan Baclayon, 27, magsasaka at residente ng Barangay Kolambog ng nasabing bayan.

Ayon kay Police Corporal Paul Vincent Fulleros, imbestigador ng Pikit PNP, alas-7:00 ng umaga habang inihatid ng biktima ang kanyang anak na lalaki nang biglang lumapit ang dalawang mga suspek at pinagbabaril ito.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na pistol na ginamit sa pamamaril.

Samatala, alas-10:00 naman ng umaga ng Lunes ay isang John Joel Santos, 25, ang binaril naman sa Poblacion sa bayan ng Pikit.

Naglalakad lamang umano ang biktima sa harap ng barangay hall nang barilin ng hindi pa nakilalang gunman.

Nakatakas ang suspek kaya hindi ito napuruhan sa kabila ng ilang beses itong pinagbabaril.

Kapwa iniimbestigahan ang dalawang magkahiwalay na pamamaril sa bayan ng Pikit sa loob ng isang araw.

 

Please follow and like us:
Read More

TATAY ‘DI NASARAPAN SA ULAM; MISIS, ANAK SINAKSAK

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL ang mag-ina makaraan pagsasaksakin ng kanilang padre de pamilya habang kumakain nang hindi umano masarap sa nilutong ulam, probinsya ng Cauayan.

Kinilala ang mag-inang Gloria De Guzman, 52, at anak nitong si Angelito De Guzman, 24, binata, pintor, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Edward Carag, 51 anyos, pawang residente ng Sipat St. Purok 7, Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Batay sa report ng PNP Cauayan, nasa hapag-kainan ang tatlo at kumakain nang bigla na lamang uminit ang ulo ng suspek at kumuha ng kutsilyo saka pinagsasaksak ang mag-ina.

Nabatid, na hindi umano nasarapan ang suspek sa pagkain at nagreklamo kung magulo ang bahay na nauwi sa pananaksak.

Kaagad naman dinala sa ospital ang mag-ina at nilapatan ng lunas ang mga tinamong sugat sa katawan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong double frustrated homicide.

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK KRITIKAL SA SAKSAK NG AMA

aklan12

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL sa ospital ang isang anak nang pag-uundayan ito ng saksak ng kanyang sariling ama dahil sa sinitang bitbit na kutsilyo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Aklan.

Kinilala ang biktimang si Josegani Santillan, Jr, 25, habang nadakip naman ang suspek at ama nitong si Josegani Santillan, Sr., 60, kapwa residente ng Sitio Laguna, Brgy. Union, Nabas, Aklan.

Batay sa report ng Nabas Police Station, pauwi na ang mag-ama galing inuman nang sitahin umano ng batang Santillan ang matanda tungkol sa dala nitong kutsilyo.

Sa halip na itabi ng matandang Santillan ang dala nitong patalim, itinarak niya sa kanyang anak na tinamaan sa tiyan, dibdib, balikat at mga kamay.

Nagtulung-tulong naman magkakapitbahay na dalhin sa Aklan Baptist Hospital ang biktima para lapatan ng paunang lunas at kalaunan ay inilipat din sa Aklan Provincial Hospital at patuloy na inoobserbahan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Please follow and like us:
Read More

TATAY HULI SA RAPE NG 2 ANAK 

(NI ANNIE PINEDA)

HIMAS rehas ang isang ama makaraan reklamo ito ng panggagahasa ng kanyang dalawang anak na babaeng menor de edad, iniulat kaninang umaga sa Misamis Oriental.

Ayon sa Women and Children Protection Desk-Tagoloan Police Station, inaresto nila ang 36-anyos na suspek matapos ireklamo ng panggagahasa ng mismong kanyang 2 anak.

Personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mga biktima na hindi pinangalanan at humingi ng tulong sa umano’y ginagawang pang-aabuso sa kanila ng ama.

Mabilis naman rumesponde ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya at posibleng maharap sa patung-patong ng kasong panggagahasa ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

TATAY, TINAGA, SINUNOG NG ANAK

negros

(NI KIKO CUETO)

PINATAY sa taga ang isang 56-anyos na lalaki at sinunog pa ng sariling anak sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Salvador Benedicto, Martes ng gabi.

Sa imbestigasyon, natutulog ang ama kasama ang kanyang asawa nang pasukin ng kanilang 40-anyos na anak na lalaki ang kanilang bahay sa Barangay Igmaya-An.

Pinagtataga ng anak ang kanyang ama hanggang sa namatay matapos nito, hinila ng anak ang bangkay ng kanyang ama palabas ng bahay at saka sinunog.

Sinubukan pigilan ng kanyang 60-anyos na ina ang suspek pero pati siya ay tinaga rin.

Nakatakas naman ang kanyang ina na nagpapagamot sa ospital sa Bacolod City.

Sa imbestigasyon ng pulis, sinasabing may diperensya sa pag-iisip ang nakatakas na suspek.

Lumalabas din na iniwan siya ng kanyang asawa nitong nakaraang linggo kaya maaring nakapagpalala ito sa kanyang pag-iisip ayon sa pulis.

Nakatakda rin sanang sumailalim sa medical check-up ang suspek bago pa man nangyari ang karumal-dumal na pagpatay.

Please follow and like us:
Read More

TATAY NA NAN-RAPE SA 4-BUWANG ANAK, PATAY SA PULIS

gun

NAPATAY nang mang-agaw umano ng baril ang tatay na sinasabing nanghalay sa kanyang apat na buwang sanggol sa Gerona, Tarlac.

Ayon sa ulat, nakipagkita umano ang suspect sa mga pulis sa isang bahagi ng McArthur Highway sa Gerona, Tarlac para umano pag-usapan umano ang kanyang kaso.

Gayunman, nang malamang naisampa na ang kaso laban sa kanya, nagwala umano ang suspect  higit nang dadalhin na ito sa himpilan ng pulisya. Pagpasok umano sa mobile patrol ay inagaw umano ang baril ng isang pulis kaya’t napilitan na nilang barilin ang suspect.

Hindi naman kumbinsido ang pamilya ng suspect sa akusasyon ng misis nito. Sinabi ng mga ito na may sumundo umano sa suspect at nalaman na lamang nila na patay na ito. Hindi rin umano sila naniniwala sa akusasyon ng misis na pinagsamantalahan nito ang sanggol.

Noong nakaraang linggo, napatay din ang isang lalaki na nanghalay umano sa isang walong buwan na sanggol matapos mang-agaw ng baril sa loob ng presinto.

Please follow and like us:
Read More

TATAY NA NAGBITIN PATIWARIK SA ANAK, KULONG

child

ARESTADOang isang ama makaraang maging viral ang video ng ginawa nitong pagbitin patiwarik sa kanyang sariling anak na lalaki sa Sta. Rosa, Laguna.

Sinabi ni Supt. Eugene Orate, chief of police ng Sta. Rosa, dinakip nila ang lalaki na itinago sa pangalang Jessie, dakong alas-11:30 ng umaga ng Huwebes. Isasailalim sa drug test ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa child abuse law.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente nuong Disyembre 18 kung saan ay ibinitin ng suspek ang 4-taong gulang na anak na patiwarik at saka kinuhaan ng video ang pananakit dito.Ipinadala umano ng suspek ang video sa social media account ng kanyang misis nuong Disyembre 25 para mapuwersa siyang umuwi.

Nasa Iloilo ang ginang matapos magkaroon ng alitan ang mag-asawa.Isang netizen ang nagpost sa Facebook ng nasabing video na nakakuha ng mahigit 1.8 milyong views at 200,000 shares. Mapapanuod sa video ang pagtatanong ng suspek sa kanyang nakatiwarik na anak kung masaya siya sa ginawang pag-alis ng ina.

Nakita rin ang panununtok ng suspek sa mukha at iba pang bahagi ng katawan ng bata na nuo’y hindi makapalag. Nabatid din mula kay Senior Supt. Eleazar Matta, Laguna police chief, na nakatakda nang kunin ng Department of Social Welfare and Development ang kustodiya sa bata na nagtamo ng mga pasa sa katawan matapos ang insidente.  Pabalik na rin ng Laguna ang ina ng bata.  (JG Tumbado)

Please follow and like us:
Read More