SEAMAN KARARATING NG NAIA ITINUMBA NG RIDING IN TANDEM

GUN FIRE-2

(NI TJ DELOS REYES)

PALAISIPAN pa sa pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay sa isang seaman ng riding-in-tandem matapos walang habas na pagbabarilin habang nasa gasolinahan Sabado ng madaling araw sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Bethuel Amoroto, 54, nakatira sa No.001 Del Rey Aguinaldo St., Brgy. Baesa, Caloocan City.

Base  sa ulat, pasado 1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Petron gasoline station sa kanto ng Quirino Highway at Tandang Sora Ave., Brgy. Sangandaan, QC.

Lumalabas na kararating lang ni Amorato kung saan sinundo siya sa NAIA nina Joan Romagos, Nestor Ignacio at Chickee Tan.

Nabatid na sakay ng Mitsubishi Montero ang biktima kasama ang tatlo na sumundo at habang nagpapakarga ng gasolina ay basta na lamang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril si Amorato.

Sinubukan pang itakbo biktima sa MCU Hospital subalit idineklarang dead on arrival ito bunsod na rin ng mga tama ng bala na tinamo nito sa iba’t ibang parte ng katawan habang ang mga suspek ay mabilis na pinaharurot ang motorsiklo na hindi nagawang maplakahan.

Patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa pangyayari at inaalam na nila kung may CCTV sa lugar upang makilala ang mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

HOLDAPER NA TANDEM PATAY SA PASIG ENCOUNTER

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isa sa dalawang lalaking umano’y holdaper na riding-in-tandem nang mabaril ng mga rumespondeng awtoridad sa isang engkwentro, matapos nilang holdapin ang isang call center agent sa Barangay Manggahan, Pasig City, Sabado ng madaling araw.

Dead on arrival sa Pasig Doctors Hospital ang di kilalang suspek dahil sa mga tama ng bala sa katawan, habang nakatakas naman ang kanyang hindi pa rin nakilalang kasabwat.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Police, nabatid na dakong 2:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Amang Rodriguez Avenue, sa Barangay Manggahan.

Nauna rito, naglalakad umano sa lugar ang biktimang si Ritchell Pontillano, 30, isang call center agent, kasama ang kanyang dalawang anak na lalaki, nang bigla na lang silang hintuan ng mga suspek, na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Tinutukan umano ng baril ng mga suspek ang mag-iina at saka nagdeklara ng holdap.

Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima at kaagad na nagsisigaw at humingi ng tulong sa mga nagdaraang motorista.

Nataranta naman ang mga suspek kaya’t mabilis nang tumakas ang mga ito habang nagtungo ang mag-iina sa tanggapan ng Police Community Precinct 7 (PCP7) at nagsumbong sa mga pulis.

Hinabol ng mga awtoridad ang tumatakas na mga suspek ngunit sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga suspek na nauwi sa palitan ng putok, hanggang sa tamaan ng mga awtoridad ang suspek na nagmamaneho ng motosiklo kaya’t sumemplang ang mga ito.

Mabilis namang kumaripas ng takbo at nakatakas ang kanyang backrider habang isinugod ng mga pulis sa pagamutan ang suspek ngunit binawian rin ng buhay.

Narekober ng mga awtoridad mula sa crime scene ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril, isang fired cartridge at isang unit ng SYM motorcycle na may plakang 5655 UF.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

BGRY CHAIR KRITIKAL SA PAMAMARIL NG TANDEM

(NI ROSE PULGAR)

AGAW-BUHAY ngayon sa pagamutan ang isang barangay chair nang pagbabarilin ng riding in tandem habang ang biktima ay kasama ang kanyang anak  sa Pasay City nitong Martes ng gabi.

Patuloy naman nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Reynaldo Flores, 57, may-asawa, ng Barangay 10 Zone 4, makaraang magtamo ng isang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ibaba ng kaliwang tainga at tumagos sa kanang bahagi ng kanyang bibig.

Batay sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang , hepe  ng Pasay City Police dakong dakong alas-7:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa tapat ng isang bangko sa may Sen. Gil Puyat Avenue, Barangay 157 Pasay City.

Lumalabas sa imbestigasyon, may hinihintay ang biktima kasama ang kanyang anak na si Carlo , nang biglang huminto sa kanilang tapat ang isang motorsiklo na magka-angkas ang dalawang lalaki  na kapwa nakasuot ng full-face helmet kaya hindi sila nakilala at walang salitang dalawang beses na pinaputukan ang biktima at hindi naman ginalaw ang kanyang anak.

Nang duguang bumulagta at sa pag-aakala ng mga suspect na napatay nila ag biktima ay mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo at sabay na tumakas ang mga ito patungo sa direksyon ng Makati City .

Agad naman humingi ng saklolo si Carlo sa mga taong narooon at agad na naisugod sa nasabing pagamutan ang kanyang ama.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang mabatid ang motibo sa pamamaril at inaalam rin kung may kaugnayan sa kanyang tungkulin ang tangkang pamamaslang dito.

Please follow and like us:
Read More

PARAK TODAS SA TANDEM 

crimeshooting

(NI KEVIN COLLANTES)

DEAD on the spot ang isang pulis nang barilin sa ulo ng riding in tandem habang naglalakad patungo sa terminal ng jeep, sa Barangay San Jose, Antipolo City, nitong Miyerkoles.

Isang tama ng bala sa ulo ang agarang ikinamatay ng biktima, na nakilalang si P/SSgt Jose delos Reyes, 55, at nakatalaga sa Camarines Sur, Bicol region, na sakop ng PRO-5, at residente ng Block 178, Camarin, Caloocan City, habang nakatakas naman ang mga salarin.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-4:28 ng hapon nang maganap ang krimen sa terminal ng jeep sa Emraud Square Plaza, sa Barangay San Jose Antipolo City.

Nabatid na kabababa lamang umano ng biktima sa tricycle at patungo sana sa naturang terminal ng mga jeep na biyaheng Antipolo City at Cubao, Quezon City, nang sundan ng mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo.

Nang matiyak na tinamaan ang target ay mabilis nang humarurot palayo sa lugar ang mga suspek.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin gayundin ang motibo sa pagpatay.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO, KASAMA, ITINUMBA NG TANDEM

(NI BONG PAULO)

DEAD on the spot ang isang senior citizen at isa pang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Kidapawan City at Mlang, North Cotabato, nitong Miyerkoles.

Unang pinagbabaril ang isang lolo sa Purok 4, New Esperanza, Mlang, Cotabato na nakilalang si Jame Dumlao Bebillo, 62, magsasaka at residente rin ng nasabing lugar.

Sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na pinagbabaril ang biktima habang nakatayo lamang sa harap ng kanilang bahay alas 7:50 ng gabi nang lapitan siya ng mga suspek na mabilis ding tumakas patungo sa Barangay Neuva Vida, Mlang, matapos ang krimen.

Samantala, sa Kidapawan City, pasado alas 7:00 ng umaga nitong Miyerkoles, patay din matapos barilin ang isang 39-anyos lalaki na nakilalang si Eldin Vinte Biyo.

Base sa nakuhang mga identification card ng biktima, dalawa umano ang tirahan nito sa Barangay Luhong Antipas at Barangay Linao, Matalam.

Sa ulat, lulan ng motorsiklo ang biktima habang binabaybay ang daan patungong Matalam. Pagsapit sa lugar ay dinikitan siya ng riding in tandem at pinagbabaril.

 

Please follow and like us:
Read More

3 DEDBOL SA TANDEM

RIDING-IN-TANDEM-5

(Ni JG TUMBADO)

Tatlong indibidwal ang patay sa walang habas na pamamaril ng riding-in-tandem sa bayan ng Bayawan, Negros Oriental Biyernes ng gabi.

Kabilang sa mga pinagbabaril ay ang 60 taong gulang na biyuda na si Heide Rio, ang live-in partner nito na si Richard Billalos, 29 anyos at ang menor de edad na lalaki na tinukoy sa pangalang Jay-R, pawang mga residente ng Barangay Banga sa nasabing bayan.

Nabatid kay Bayawan City Police Station chief Lt. Josue Lungog,  sakay ang mga biktima ng motorsiko na may plakang XR 125 at ilang metro na lamang ang layo sa kanilang bahay nang pagbabarilin sila ng dalawang armadong lalaki na angkas din sa motorsiklo sa Sitio Cancaban.

Base pa sa report, bumagsak na ang mga biktima sa lupa subalit binalikan pa ang mga ito ng mga suspek at ilang beses pa silang pinagbabaril bago tuluyang tumakas sa lugar.

Hindi na umabot ng buhay sa Bayawan District Hospital ang mga biktima.

Isinantabi ng pulisya ang anggulong ilegal na droga sa krimen dahil nagtitinda lamang ang biyudang si Rio ng herbal medicines habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

TRAFFIC ENFORCER BINISTAY NG BALA NG TANDEM

gun12

(Ni KOI HIPOLITO)

Binawian ng buhay ang isang traffic enforcer matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo bandang 9:30 ng umaga nitong Lunes sa kahabaan ng Edsa Extension sa tapat ng Double Dragon Plaza, Brgy. 76 sa lungsod ng Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Joey De Chavez, nasa hustong gulang at regular na Traffic Enforcer sa Pasay City Government.

Base sa report ng isang nakasaksi sa krimen, nakarinig umano siya ng sunod-sunod na putok ng baril malapit sa kanyang pinagtatrabahuan at bigla na lamang umanong nagtakbuhan ang ilan mga by stander sa lugar.

Ang bumaril na dalawang suspek ay sumakay ng isang motorsiklo patungo ng North Bound sa Edsa Extension.

Napag-alaman ng mga rumespondeng otoridad sa misis ng biktima na nakakatanggap ng  pagbabanta sa buhay ang kanyang namatay na asawa dahil sa kanyang trabaho.

Nanawagan naman si Pasay City police chief PCol. Bernard Yang, sa iba pang  mga

posibleng nakasaksi at nakakilala sa mga salarin na agad makipag-ugnayan sa Pasay City Police Station para mapanagot at madakip ang mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

HEAD NURSE, TINODAS NG TANDEM

riding

(Ni NILOU DEL CARMEN)

Patay ang isang babaeng head nurse matapos na ito ay pagbabarilin ng riding-in- tandem suspect habang nagmamaneho ng kanyang sports utility vehicle   (SUV)  sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna Linggo ng gabi

Kinilala ang biktima bilang si Arlene Saludo, 44-anyos, residente ng Barangay Batino, head nurse ng Calamba Doctor’s Hospital.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inihatid umano ng biktima ang kanyang anak na lalaki at bumaba na  Mayapa Road, malapit Canlubang exit ng lumapit ang isa sa mga suspek at pagbabarilin ito.

Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

Isinugod naman sa kalapit  lamang na San Jose Trauma Hospital and Medical Center ang biktima subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor dahil sa mga tinamong tama ng bala sa leeg.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at nangangalap na rin ng mga CCTV footages sa lugar para makilala ang mga salarin.

Please follow and like us:
Read More

INDIAN NATIONAL, BEBOT, PATAY SA TANDEM 

crimeshooting12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang Indian national at ang babaeng angkas nito sa kanyang motorsiklo makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang motorcycle riding criminals sa Oriental Mindoro, Lunes ng umaga.

Naganap ang insidente ng pamamaril sa Brgy. San Antonio, Roxas ng nabanggit na lalawigan bandang alas-10:44, na nagresulta sa pagkamatay ng mga biktima na nakilalang sina, Harbhajan Singh, 40, negosyante at Maria Ana Adame Brucal, 35, , negosyante, kapwa nakatira sa Brgy. Bagumbayan sa nasabi ring bayan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, magkaangkas ang dalawang biktima sa sinasakyang kulay itim na motorsiklo na minamaneho ni Singh galing sa Bayan ng Mansalay patungo sa kabayanan ng Roxas nang ratratin ng riding in tandem pagsapit sa hangganan ng nasabing mga bayan.

Ayon sa report ng Brgy. Captain na si Hermis Catapang sa pulisya, nilapitan umano ng mga suspek ang mga biktima at saka pinagbabaril ng maraming beses, kung saan nagtamo ng mga tama ng bala si Singh sa kaliwang bahagi ng likod at dibdib na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Namatay naman habang ginagamot sa Oriental Mindoro Southern District Hospital si Brucal matapos magtamo ng bala sa kanyang ulo, kaliwang braso at binti at sa tiyan, habang mabilis namang tumakas ang dalawang suspek patungo sa bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro.

Narekober ng pulisya ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45 baril at 2 basyo ng 9mm pistol habang ikinasa naman Roxas MPS ang isang manhunt operation para sa posibleng pagkakadakip sa mga tumakas na suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

19-ANYOS NEGOSYANTE PATAY SA TANDEM     

(NI KIKO CUETO)

CEBU CITY: Patay ang 19-taong gulang na negosyante nang pagbabarilin ng dalawang gunman sa Barangay Mabolo,

Linggo ng gabi.

Sa report, sinasabing nagmamaneho ng kanyang sports utility vehicle ang biktimang kinilalang si Jeffrey Gomonit.

Bigla na lamang may tumabi na naka motorsiklo at naka-bonnet na suspek, saka siya pinaputukan.

Hindi inabutan ng mga pulis ang mga gunman.

“May iba din kasing nilalakad ang ating mga roving police nang mangyari ito,” paliwanag ni Lt. Pablito Saldo, deputy chief ng Mabolo police.

Kabilang aniya sa mga iniimbestigahan ng pulisya ang indibidwal na kinatagpo ni Gomonit sa isang mall sa downtown Cebu bago ang pamamaril.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

WAITER PINALUHOD BAGO BINOGA

(NI JG TUMBADO)

TODAS ang isang 19-anyos na waiter nang pagbabarilin ito ng motor riding criminals sa Lapu-Lapu City.
Dead on the spot bunsod ng apat na tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan ang biktima na si France Almeria, isang delivery crew at waiter sa Barangay Mactan at residente ng Sitio Mahayahay, Barangay Bangkal sa nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni Police Staff Sargeant Vhenje Pantuan, dakong alas 3:00 ng madaling araw ng Sabado nang maganap ang pananambang sa biktima.

Angkas umano si Almeria sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kasintahan na si Jean Omisol habang binabagtas ang national highway ng Barangay Bangkal.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay naka buntot ang dalawang hindi pa tukoy na armadong lalaki na sakay din sa motorsiklo at nang mag overtake ang mga ito ay hinarang ang dinaraanan ng magkasintahan.

Sinabihan umano ng backrider na suspek si Almeria na bumaba sa motor at lumuhod bago siya malapitang  pinaputukan ng sunud-sunod.

Hindi pa mabatid sa imbestigasyon ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagpatay sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

EX-COP PATAY SA TANDEM

(NI CYRILL QUILO)

TAMA sa ulo ang agad na ikinamatay ng dating pulis at ngayon ay negosyante matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Sinagtala, Mabitac, Laguna, Biyernes ng umaga.

Dating miyembro ng Philippine National Police si Victor Recio, 57, may-ari ng funeral parlor.

Ayon sa imbestigasyon ng Mabitac Municipal Police Station, naglilinis ng harapan ng kanyang funeral parlor ang retiradong pulis nang biglang may sumulpot na dalawang hindi kilalang kalalakihan na naka-jacket at bonnet.

Habang sakay ang dalawang lalaki ng kanilang motorsiklo, agad bumunot ng baril ang angkas nito at sabay paputok sa biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

LOLO ITINUMBA NG TANDEM

(NI JG TUMBADO)

UTAS ang isang senior citizen makaraang pagbabarilin sa Barangay Mabini, Daraga sa Albay, Martes ng gabi.

Kinilala ni Police Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police, ang biktimang si Eriberto Lomerio, 64.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Lomerio ang kanyang traysikel dakong alas-6:40 ng gabi nang sabayan ng suspek at malapitang pagbabarilin ng suspek.

Isinugod pa si Lomerio sa Daraga Doctors Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay. Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya ang motibo at nasa likod ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

3 TODAS SA TANDEM

crime43

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

PALAISIPAN sa mga pulis ang pagkamatay ng tatlong lalaki, kabilang ang isang 43-anyos na negosyante na itinumba umano ng riding-in-tandem hitmen sa Caloocan City.

Sa kasalukuyan ay blangko pa ang pulisya kung ano ang motibo at sino ang pumatay kina Marlon Rapiz, 37, ng 44 Sociodad St., Brgy. 151; Carlo De Guzman, 43, negosyante, ng Blk 20, Lot 3, Villa Roma II, Saog Marilao, Bulacan; at ang kasama nitong nakilala lang sa alyas na ‘Jason Kid,’ ng Valenzuela City.

Nabatid na naglalakad  ang biktimang si Rapiz sa North Diversion Road nang harangin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo malapit sa kanto ng Progreso St., Brgy. 154  dakong alas-6:20 ng gabi noong Biyernes saka pinagbabaril na dagling ikinamatay ng biktima.

Matapos ang insidente ay parang walang nangyaring tumalilis ang mga suspek.

Bago ito, noong Miyerkules ng gabi ay niratrat at napatay din ng dalawang lalaking lulan ng a kulay itim at asul na motorsiklo sina De Guzman at Jason Kid malapit sa Caloocan Cockpit Arena sa Diamond St., Brgy. 166, Caybiga.

Ayon sa ulat, sakay sina De Guzman at Jason Kid ng Mitsubishi Adventure (ZGL-699) at tinatahak ang Diamond St. dakong alas-11:15 ng gabi pagkagaling sa sabungan nang pagbabarilin sa harap ng Lina’s Grill ng mga nakabuntot na suspek.

Agad na tinamaan si Jason Kid na nagmamaneho ng sasakyan habang nakababa pa si De Guzman at tinangkang tumakas ngunit tinugis ng mga suspek at nang masukol ay pinagbabaril at iniwan lang nang matiyak na patay na ito.

 

Please follow and like us:
Read More

EGYPTIAN NATIONAL PINASLANG NG TANDEM

crime100

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY–Inaalam pa ng mga otoridad ng Digos City Police Office (DCPO) kung ano ang motibo at sino ang nasa likod ng pamamaril at pagpatay sa isang Egyptian National, madaling-araw ng Lunes.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Haitian Ramadan Hamed Abdelrady, 31, may-ari ng isang videoke bar sa lugar at residente ng Barangay Zone 1, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Ayon kay Police Staff Sgt. Earl Cruz Guarino, imbestigador, nangyari ang insidente habang pauwi sa kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang live-in partner sakay ng motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na sinundan ng dalawang suspek na nakasakay ng motorsiklo ang mga biktima at pinagbabaril pagsapit sa Jumao-as.

Tinangka pa ni Abdelrady na makaligtas sa mga kriminal sa pamamagitan ng pagtakbo ngunit hinabol din siya ng isa sa mga suspek at nang maabutan ay doon na pinagbabaril ng tatlong beses.

Nakaligtas naman ang kinakasama nito na agad ding tumakbo sa ibang direksyon.

Walang nakitang basyo ng bala ang Scene of the Crime Operation (SOCO) operatives na nag-iimbestiga at kasama sa tinitingnang anggulo ang pagsasampa ni Abdelrady ng kaso sa isa sa kanyang mga helper sa videoke bar.

Kinasuhan umano ng biktima ang helper dahil sa nawawalang P60,0000 dalawang linggo na ang nakalipas.

 

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL TASK FORCE BINUO SA PINATAY NA PULIS-QC

(NI JEDI PIA REYES)

AGAD nang iniutos ang pagbuo ng Special Investigation Task Group ng Quezon City Police District (QCPD) upang siyasatin ang pagbaril na ikinamatay ng aktibong pulis na nakatalaga sa Anonas Police Station (Police Station 9).

Pasado alas-6:00 ng Sabado ng gabi nang puntiryahin ng dalawang suspek si Police Master Sergeant Anthony Lacson, 40, sa Anonas Road kanto ng Pajo Street, Barangay Quirino 2A, Project 2.

Si Lacson na nagsisilbing desk officer ng presinto ay sakay ng kanyang motorsiklo nang habulin at pagbabarilin ng mga suspek. Nang sumemplang ang pulis, lumapit pa ang mga suspek at muli itong binaril ng malapitan bago tumakas.

Wala pang pagkakakilalan ang mga suspek na may taas na 5’6″ hanggang 5″7″, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot na mga itim na jacket at maong na pantalon.

Bagama’t naisugod sa Quirino Memorial Medical Center si Lacson, hindi na rin siya umabot nang buhay.
Lumalabas sa cursory examination sa pulis na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Hindi pa batid ang motibo ng krimen .

Kasabay nito, tiniyak ni QCPD Director Police Brigadier General Joselito Esquivel na hindi sila titigil sa pagtutugis ng mga salarin kasabay ng apela sa sino mang nakasaksi sa krimen na makipagtulungan sa kanila para sa ikakaresolba ng kaso.

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN PATAY SA TANDEM

(NI ROSE PULGAR)

PATAY ang isang barangay chairman  nang  pagbabarilin ng riding in tandem habang ang biktima ay lulan ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, hindi na umabot ng buhay sa Manila Adventist Medical Center ang biktimang si Jojo Balais, 42, ng Barangay 37, Zone 3, Pasay City.

Base sa isinumiteng report ni  Police Colonel Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, dakong alas-5:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa harap ng Pasay City Academy sa Buendia Avenue, Barangay 37, Zone 3 nang nasabing lungsod.

Lumalabs sa imbestigasyon,  minamaneho ng biktima ang kanyang Yamaha NMAX at habang papatawid ito ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo na walang plaka, na sakay ang dalawang lalaki.

Pagtapat ng mga suspect sa biktima ay sabay na pinagbabaril ito ng back rider.

Duguang bumulagta ang biktima at mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi mabatid na direksyon.

Kaagad namang isinugod ng mga  rescue team ang biktima sa nabanggit na pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng mga manggagamot.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad  at sinusuri na ang nakalagay closed circuit television (CCTV) camera para sa pagkakilanlan ng mga salarin.

 

Please follow and like us:
Read More

 LALAKI INAMBUS NG TANDEM SA HARAP NG INA

CRIME12

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY, Davao del Sur–Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Digos City Police Office (DCPO) upang malaman ang motibo ng pamamaril sa isang 30-anyos na lalaki habang ito ay nagmamaneho ng kanyang multicab, alas 4:55 ng hapon ng Linggo.

Kinilala ang nasawi na isang Kevin Zamora, residente ng Brgy. Sinayawan, sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa Rizal Avenue kanto ng Mary Crumb Street sa Barangay Zone 1 nitong lungsod.

Pauwi na ang biktima kasama ang kanyang ina na nakasakay sa harapan ng multicab nang bigla na lang dumating ang dalawang lalaking nakasakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril si Zamora.

Ayon sa mga nakakita sa insidente tumakas ang mga suspek matapos tadtarin ng bala ang biktima.

Agad binawian ng buhay ang biktima ngunit ligtas naman ang ina nito.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang DCPO upang matukoy ang mga suspek at makasuhan sa pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

BRGY. CHAIRWOMAN SA NARCOLIST PATAY SA TANDEM

(NI HARVEY PEREZ)

TODAS ang isang barangay chairwoman  na nasa listahan ng  narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos  pagbabarilin ng suspek na riding in tandem habang nakaupo sa tapat ng kanilang barangay hall , kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Walang buhay nang dumating sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Barangay Chairwoman Aileen Guidotong, 47 ng Barangay 314, sanhi ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang mga suspek na magkaangkas sa hindi naplakang motorsiklo.

Ayon sa  imbestigasyon ng  Manila Police District-homicide section , dakong alas  6:40 ng gabi nang maganap ang insidente habang nakaupo ang biktima sa harap ng kanilang barangay hall sa Lope de Vega Street sa Sta. Cruz, nang dumating ang mga suspek at kaagad siyang pinaputukan ng apat na ulit.

Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang motibo  ng pagpaslang sa biktima at pagkakilanlan ng suspek.

Nalaman na noong Abril, 2018, nagpalabas ng listahan ng nacolist ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kabilang ang pangalan ng biktima sa listahan.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINOGA SA PISNGI, PATAY

crime

(NI HARVEY PEREZ)

TODAS ang isang babaeng negosyante nang barilin nang malapitan  sa pisngi ng dalawang suspek na riding in tandem  na nagkunwang customer sa kanyang tindahan, Miyerkoles ng gabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba ng mga doktor  sa Tondo General Hospital, ang biktimang si  Anabeth Pareyna,  ng Alabat St., Balut Tondo.

Sa imbestigasyon ni PMSgt Rodel Benitez, ng Manila Police District-homicide section , alas 7:39 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng tindahan ng biktima  na nasa  tabi lamang ng Tondo General Hospital sa panulukan ng Honorio Lopez Boulevard at Kalakal St., sa Balut,Tondo.

Nabatid na nagtungo umano sa tindahan ang gunman at nagkunwaring may bibilhin. Nang lumapit ang biktima ay agad itong   binaril sa pisngi .

Mabilis sumakay sa nag-aabang na kasamahan ang suspek nang makitang bumulagta  ang biktima.

Dinala ng mga nakakitang istambay  sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito umabot nang buhay.

Inaalam  ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga  suspek at posibleng motibo sa pagpaslang.

 

Please follow and like us:
Read More

TANOD NIRATRAT NG TANDEM

crime55

(NI ALAIN AJERO)

PATAY ang isang tanod na dating may nakaaway na motorista nang barilin ng dalawang magkaangkas na salarin, Huwebes sa Navotas City.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ronilo Sison, 54, isa ring tricycle driver, ng Blk 22, Lot 26, Phase 2, Area 1, Dagat-Dagatan, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) sanhi ng tama ng bala sa leeg.

Nag-aayos ng daloy ng trapiko ang biktima sa kanto ng Lapu-Lapu Ave. at Dalag St., alas 12:15 ng tanghali nang mula sa likuran ay barilin ng malapitan sa leeg ng magkaangkas sa motorsiklong mga suspek na agad tumalilis.

Pinag-aaralan na ng pulisya ang footage mula sa closed circuit television (CCTV) camera na nakahagip sa pamamaslang upang malaman kung kasama ang naunang nakaalitan ng biktima sa mga suspek.

Nabatid na bago ang pamamaslang ay may nakasagutan si Sison na isang motoristang binalewala ang mga traffic signs.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-COP PATAY SA TANDEM

trike12

(NI KOI HIPOLITO)

Dead on the spot ang isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo, Sabado ng hapon sa Antonio Arnaiz Avenue, Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Darwin Cruzin, 44, ng Tramo Street, Brgy.64 sa Pasay.

Ayon sa report, lulan ng minamanehong tricycle ang biktima nang sabayan ng isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek at pinaputukan ng sunud-sunod sa likod ang biktima na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay.Tumakas ang dalawang salarin patungo sa direksyon ng Edison Street sa Makati City.

Narekober sa crime scene ang isang piraso ng basyo ng bala para sa cal.45 na baril nagpapatuloy ang isinasagawang technical investigation ng SPD-SOCO at naglatag na ng follow up investigation ang Station Investigation and Detection Management (SIDMB) at inaalam na ang motibo sa nangyaring pamamaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

SUNDALO NILIKIDA NG TANDEM

crime

(NI BONG PAULO)

DEAD-on-the-spot ang isa pang sundalo matapos mabiktima ng pamamaril sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Army Staff Sgt. Levi Verande Lardera, 40,may asawa, nakatalaga sa Army’s 37th Infantry Battalion, at residente ng Gonzalo Javier Street, Barangay Rosary Heights 7 ng syudad.

Sa ulat ng City PNP, Biyernes ng pasado alas 12:00 ng tanghali, sakay ng motorsiklo patungong Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang biktima nang tabihan ng riding tandem suspects at agad na pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang likod at kanang balikat ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Please follow and like us:
Read More

PULIS ITINUMBA NG TANDEM SA ANTIPOLO

police

(NI TJ DELOS REYES)

TODAS ang isang pulis matapos pagbabarili ng riding in tandem sa mismong loob ng subdivision na tinitirhan nito Lunes ng umaga sa lungsod Antipolo.

Kinilala ang biktima na si PO3 Jose Jello Changcoco, 48, anyos nakatalaga sa Angono Police Station at residente ng #802 Pearlene St Crisrimar Village Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Aldrin Tangi, dakong 6:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Gate 2 ng Cristimar Village ng nabanggit na barangay.

Papasok na si Changcoco sa kanyang trabaho at papalabas ito ng gate ng kanilang subdivison sakay ng kanyang pulang Hyundai Getz nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa motrosiklo.

Nagawa pang maiatras ng pulis ang sasakyan nito palayo sa gunman dahilan upang mataranta ang mga suspek at mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo patungo sa direksyon ng Sitio Ligtasan.

Sinubukan pang isugod sa Unciano Medical Hospital si Changcoco subalit idineklara itong dead on arrival sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa pangyayari at inaalam ang motibo sa pananambang.

Please follow and like us:
Read More