TALIM ISLAND AYAW MAABUSO, AYAW MAGING CASINO

TALIM ISLAND

(Ni Fernan J. Angeles / Huling labas)

NABATID sa ilang residente ng Talim Island na sakop ng mga bayan ng Binangonan at Cardona sa lala-wigan ng Rizal na hinihimok sila ng isang grupong kumakatawan sa mga kumpanya ng business tycoon na si Lucio Tan na ibenta ang kanilang pag-aaring lupa sa mataas na halaga.

Iginigiit ng emisaryo ng negosyante na ang lugar ay gagawing malaking proyektong pangturismo na magbibigay ng maginhawang buhay sa mga mamamayan ng nasabing pamayanan.

Tutol sa proyekto ni Tan

Gayunpaman, nanati­ling may agam-agam ang marami sa kanila — kabilang si Chino Erasga Cerda na nagpahayag ng pagtutol sa nasabing proyekto ni Tan. Si Cerde na kasalukuyang nasa Estados Unidos ay nananati­ling nagmamay-ari ng ilang mga lupain sa Talim Island. Ang nasabing mga lupa, amiya ay ba-hagi ng mana mula sa kanyang mga magulang na pawang tubong Isla.

Bagamat malayo sa kanyang tinubuang bayan, patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan at panaka-nakang pagbibigay ayuda sa mga taga Isla Talim na kanya umanong “kinamulatang tahanan” Aktibo din siya sa isang kilusang naglalayong pangalagaan at protektahan ang Isla Talim laban sa mga nag-tatangkang “abusuhin o babuyin” ang kanilang isla.  Mayroon din siyang isang binuong grupo ng mga environmental advocates para sa Isla Talim.

Nagpahayag din ang pangamba si Cerda pata sa kanyang tinubuong bayan — “Ang feeling ko, sinaman-tala nila yung mga taga-isla. Marami kasi sa amin dun namumukot (mangingisda) lang kaya nung latagan nila ng pera, tinanggap agad kasi nga naman hindi na halos sumasapat sa pangangailangan ng pamilya ang kita sa pangi­ngisda.”

ST FRANCIS CHURCH

Hindi for sale dahil pamana

Maging ang kanyang pamilya (magulang at mga kapatid) ay minsan nang kinumbinsing ipagbili ang ka-nilang  mga lupain upang bigyang daan ang “tourism project” ni Tan subalit nananatiling matatag sa ka-nilang una nang naging tugon — “Hindi for sale ang property namin.  Pamana yan ng aming mga na-katatanda.”

Nakakaduda din aniya ang pag-iwas ng mga nasabing business brokers na sagutin ang mga tanong ng mga residente ng nasabing isla hinggil sa nasabing “tourism project”.

“Surprisingly, they (brokers) won’t give any detail on the company that has been bankrolling the land purcha­ses, pero somebody from their group eventually gave in – and dropped the name of Lucio Tan as the man behind the project”, ani Cerda.

International airport hindi pumasa

Una nang ibinasura ng gobyerno ang isang unsoli­cited proposal na naglalayong magtaguyod ng isang international airport sa gitna ng Laguna de Bay.

“I heard the Philippine government already dumped the project to construct an international airport sa Talim… as per the study (I heard also) that the airport project inTalim is not feasible because of the shallow foundation of the island itself. My mom is retired employee of government and yes it is true that they have plans like casino and international airport according to her the plan has already been submitted to the municipality of Binangonan… years back”, dagdag pa niya.

Sa pagsasaliksik ng Diar­yo Bomba, hangad din ng mga nagtutulak ng nasabing “tourism project” na ku-nin ang mayamang deposito ng basalt sa mala-bulubunduking terrain ng nasabing isla kasabay ng pagpa-patag sa lugar. Nananatiling nasa tanggapan ng Department of Environment and Natural Re-sources (DENR), Laguna Lake Development Authority (LLDA) at Mines and Geo-Sciences Bureau (MGB) ang aplikasyon para sa offshore basalt mining sa Laguna de Bay.

Ang Isla Talim ang pinakamalaking isla sa Laguna de Bay. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang west-ern section na kinabibilangan ng 17 barangay ay sakop ng munisipalidad ng Binangonan. Ang eastern section naman ay bahagi ng bayan ng Cardona. Mayroon itong 10 barangay.

Tanging mga pampasaherong motorized banca ang paraan sa pagtungo sa Isla  Talim. Tinatayang isa’t kalahati hanggang dalawang oras ang travel time sa pagbiyahe patu­ngo o paalis mula sa Isla Talim.

Please follow and like us:
Read More

TALIM ISLAND CASINO TARGET NI LUCIO TAN

TALIM ISLAND

(Ni Fernan J. Angeles)

SAWA na marahil si Filipino Chinese business tycoon Lucio Tan sa yaman mula sa kanyang negosyo ng paggawa ng nakakamatay na sigarilyo.

Bukod sa mataas na buwis bunsod ng sin tax law, kaliwa’t kanang kaso pa ang kanyang patuloy na hinaharap sa iba’t ibang sala ng husgado.

LUCIO TAN-4Bagamat hindi gaanong aktibo sa kalakalan, tahimik na itinutulak ng kanyang mga pinagkakatiwalaang business brokers ang isang bagong negosyong kinahuhumalingan ng maraming Pilipino (may kaya man o yaong mga pobre) — sugal.

Sa isang eksklusibong panayam sa ilang mga residente ng Talim Island na sakop at pinaghahatian ng mga bayan ng Binangonan at Cardona sa lalawigan ng Rizal, masigasig ang panghihimok sa kanila ng isang grupong umano’y kumakatawan sa mga kumpanya ng nasabing business tycoon na si Lucio Tan.

Anila, nais bilhin ng nasabing mga emisaryo ang kanilang mga lupain bilang bahagi ng isa umanong malaking proyektong pang turismong magbibigay raw ng ginhawa sa mga mamamayan ng nasabing pamayanan.

Ang Isla Talim ay isang nakabibighaning tanawin dahil sa ito ay matatagpuan sa pusod ng Laguna de Bay at matatanaw mula sa mga lakeshore ang mga munisipalidad na nakapalibot sa nasabing lawa.

Bukod sa salaping alok para sa kani-kanilang mga lupain, pangako anila ng nasabing grupo na bibigyan sila ng hanapbuhay at gagawan ng isang kominidad kung saan ilalagak ang mga pamilyang ma-aapektuhan ng kanilang bagong buisness venture — isang malaking casino na nakakubli sa likod ng world-class hotel and resort.

Di hamak na mas mataas kaysa sa “existing market value” ang alok na presyo sa kanilang mga lupain, dahilan upang ang ilan sa kanila ay tuluyang nakumbinsi at ganap nang naibenta ang kanilang lupain sa Isla Talim.

Gayunpaman, nanatiling may agam-agam ang marami sa kanila — kabilang si Chino Erasga Cerda na nagpahayag nang pagtutol sa nasabing proyekto ni Tan.

Si Cerde na kasaluku­yang nasa Estados Unidos ay nananatiling nagmamay-ari ng ilang mga lupain sa Talim Island. Ang nasabing mga lupa, aniya ay bahagi ng mana mula sa kanyang mga magulang na pawang tubong Isla.

Bagamat malayo sa kanyang tinubuang bayan, patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan at panaka-nakang pagbibigay ayuda sa mga taga Isla Talim na kanya umanong “kinamulatang tahanan.”

Aktibo din siya sa isang kilusang naglalayong pangalagaan at protektahan ang Isla Talim laban sa mga nagtatangkang “abusuhin o babuyin” ang kanilang isla.

Mayroon din siyang isang binuong grupo ng mga environmental advocates para sa Isla Talim.

Please follow and like us:
Read More