3-ANYOS PATAY SA SUNOG; 100 BAHAY NAABO

(NI ROSE PULGAR) ISANG tatlong taong gulang na batang babae ang nasawi habang sugatan naman ang siyam na taong gulang na batang lalaki nang tupukin ng apoy ang 100 kabahayan at 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa isang oras na naganap na sunog sa Barangay Ligid Tipas Taguig City, Sabado ng umaga. Kinilala ni Taguig City Fire Marshall Supt. Randolph Bides ang labi ng paslit na si Prescious Clarisa Parcarey na sunog na ang katawan. Habang ang sugatan na si John Rey Mendibel na nagtamo ng minor injury sa…

Read More

BANGKAY NG BABAE TINADTAD NG BALA

crime55

(NI ROSE PULGAR) WALA nang buhay nang matagpuan ang isang hindi pa nakikilalang babae na may tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Taguig City, Huwebes ng madaling araw. Sa ngayon ay patuloy pa rin inaalam ng pulisya ang pagkakilalan ng biktima na tinatayang nasa edad na 35 hanggang 40 taong gulang, may taas na 5’1″ hanggang 5’3″, mahaba ang buhok nakasuot ng pulang blusa, itim na maong na pantalon at may dalang kulay  gray na shoulder bag. Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police,…

Read More

2 HULI SA PEKENG PERA

(NI KIKO CUETO) TIMBOG ang dalawang suspek na nagbayad umano ng pekeng pera sa isang tindera sa Evangelista Street sa Quiapo, Maynila. Ayon sa pulis, nangyari ito ng Biyernes ng gabi. Kwento ng tindera na si Liberty Celis, bumili sa kanya ang suspek na kinilalang si Myla Gudal, at nagbayad ng pekeng P200 bill para sa biniling wall sticker. Nagawa pa niyang magsukli ng P100 kaya’t lugi pa siya. Nalaman lang daw niyang peke ang P200 bill na ibinayad sa kanya nang bumili siya sa isa pang tindahan. Pagbalik umano…

Read More

17-ANYOS LAGLAG SA P120-K SHABU

SHABU BUYER

(NI ROSE PULGAR) ISANG 17-anyos na umano’y tulak ng droga at nakumpiskahan ng mahigit P120,000 halaga ng shabu sa Taguig City, Miyerkoles ng gabi. Sa detention cell ng Taguig City Police ang bagsak ng suspect naitinago sa pangalang ‘Junie’ na may kinakasama at residente sa no. 47 NP Cruz St., Barangay Ususan sa nasabing lungsod. Batay sa ulat ni Cpl. Pascual Jile Cherwaken , may hawak ng kaso, nagkasa ng anti-criminality at validation operations ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni S/Sg Ericson Aquino sa…

Read More

IRANIAN KALABOSO SA HINIPUANG CALL CENTER AGENT

arrested

(NI ROSE PULGAR) ARESTADO ang isang Iranian national nang hipuan umano nito sa kaselanang bahagi ng katawan ang isang dalagang call center agent habang naghihintay ng masasakyang tricyle, Martes ng gabi sa Taguig City. Nakakulong ngayon sa Taguig City Police ang suspect na si Mehdi Esfini Farahani, 29, binata, ng 438 Pio Del Pilar, Makati City. Ang biktima ay itinago sa pangalang “Loren”, 21, nakatira  sa Barangay Central Signal, nang nasabing lungsod. Lumalabas sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente dakong alas-7:20, sa harap ng Lakay’s…

Read More

PULIS, MISIS, 5 PA HULI SA TAGUIG BUY BUST

(NI ROSE PULGAR) ARESTADO ang pitong drug suspects kabilang ang isang aktibong pulis sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police, Biyernes ng gabi sa Taguig City. Iniharap kanina sa mga mamamahayag nina National Capitan Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Guillermo Eleazar , Southern Police District (SPD) Director Police Brig. General  Nalacso Bathan at Taguig City Police Chief Police Col. Alexander Santos ang mga suspect na sina PCMS Rahid Sanguan, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG); ng Phase 2…

Read More

2-ANYOS BABY TUMAWID SA KALSADA, PATAY SA VAN

accident12

(NI KOI HIPOLITO) DEAD on arrival sa Taguig District Hospital ang biktimang dalawang taon gulang na batang babae matapos magulungan ng isang SUV, Lunes ng hapon sa Mindanao Avenue, Brgy. Maharlika, Taguig City. Nakilala ang biktima na si Monaira Sabaan, ng Blk.15 Lot 10 sa nasabing lugar, habang ang suspek na driver ay nakilala lamang na si Charlie Mapandi. Base sa inisyal na imbestigasyon binabagtas ng suspek ang matarik na bahagi ng Mindanao Aveneue nang hindi mapansin ng suspek na gumagapang patawid ang batang biktima na kanyang aksidenteng nagulungan. Mabilis…

Read More

KAWANI NG TAGUIG CITY HALL HULI SA KOTONG

kotong

(NI ROSE PULGAR) ARESTADO ang isang kawani ng Taguig City Hall sa ikinasang entrapment operation ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng isang retiradong heneral sa kasong robbery extortion at bribery, Huwebes ng hapon sa lungsod. Sa detention cell ng Taguig City Police ang bagsak ng suspect na nakilalang si Jhon Paul Mabilin, 32, inspector ng Taguig City Hall Assessor Office, nakatira sa no. 139 F Manalo St., Barangay Calsada Tipas ng nabanggit na lungsod. Kinilala naman ang biktima nito na si retired General Jonathan V. Ablang, nakatira sa Lot 14, Block…

Read More

ANTI-CRIMINALITY OPS: 2 PULIS HINAGISAN NG GRANADA

granada

(NI KOI HIPOLITO) SUGATAN ang dalawang pulis ng Taguig City Police Station na nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) matapos na makaengkuwentro ang isang hindi kilalang suspek na namaril at nambato ng granada, madaling araw ng Miyerkules sa Maguindanao St., Road 4 New Lower Bicutan sa Lungsod ng Taguig City. Nakilala ang mga nasugatan na sina PEMS. Santiago Cordova at PCpl. Alnajim Abduhalim. Base sa panayam ng Diaryo Bomba kay Taguig City Police Chief, PCol.  Alexander Santos, kasalukuyang nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga biktimang pulis sa nasabing…

Read More

BINATILYO BINOGA SA SELOS

(NI LYSSA VILLAROMAN) DAHIL umano sa selos, isang 17 –anyos na estudyante ang namatay matapos barilin ng kanilang kapitbahay, Linggo ng gabi sa Taguig City. Ang biktima ay nakilalang si  Senator Carit, nakatira sa 26 Apple St., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan. Si Carit ay nagtamo ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan at kaagad namatay. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen ng alas-11:45 kamakalawa ng gabi sa Mulawin st., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig. Sa pahayag ng ina ng biktima, na si…

Read More

PACC INTEL DIRECTOR NANUTOK NG SEKYU, DINISARMAHAN

crime45

(NI KOI HIPOLITO) DINISARMAHAN ng otoridad ng Taguig City Police Station ang isang opisyal umano ng Presidential Anti-Corruption Commision (PACC) matapos ireklamo ng kanyang nakasagutan na security guard sa harap ng St. Lukes Medical Center sa kahabaan ng Medical Arts Building Drive Way, Bonifacio Global Center sa Lungsod ng Taguig City, Lunes ng madaling araw. Nakilala ang suspek na si Mariano Jose Villafuerte III, 56, Director for Intelligence and Investigation ng Presidential Anti-Corruption Commision (PACC) at residente ng No. 262 San Rafael Street, Malacanan Complex, Brgy. San Miguel, Manila habang…

Read More

LIVE-IN PARTNERS HINOLDAP, PINATAY SA TINDAHAN

crime32

(NI KOI HIPOLITO) PALAISIPAN ngayon sa mga otoridad ng Taguig City Police Station kung may iba pang motibo sa pamamaril at panghoholdap sa maglive in partner na natagpuang nakahandusay at patay na sa loob ng kanilang tindahan na ukay-ukay at grocery store sa Taguig City. Nakilala ang mga biktimang sina Marlo Landreza, empleyado ng Taguig City Hall at Girlie Gacer, kapwa ng Blk 141, Lot 14, Maharlika Road, Upper Bicutan ng Taguig City, bandang alas-9:10 ng gabi nitong Lunes. Base sa panayam ng Diaryo Bomba kay Taguig City chief of…

Read More

P1-M SHABU ‘STOCK’ SA BAHAY; 1 ARESTADO

(NI ROSE PULGAR     ) HULI ang isang binata at nakumpiskahan ng P1 milyong halaga ng shabu sa loob ng kanyang bahay matapos pasukin ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics at Special Drugs Enforcement Unit (SWAT-SDEU) ng Taguig City Police, Linggo ng gabi sa Barangay New Lower Bicutan ng lungsod. Sa pamamagitan ng search warrant, dakong alas-11:50 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng SWAT at SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Jesus Padua, hepe ng Police Community Precinct (PCP)-2,  ang bahay ng suspect na nakilalang si John Daryl Pili,…

Read More

NANINGIL NG UTANG PINASLANG

crimeshooting12

(NI ROSE PULGAR) NASAWI ang isang lalaki nang barilin ito ng kanyang sinisingil sa utang sa Barangay Hagonoy, Taguig City Martes ng gabi. Namatay noon din ang biktima na nakilala lamang sa alyas ‘Cholo’, na nasa edad na 30 hanggang 35 anyos, may taas na 5’9, nakausot ng kulay itim na t-shirt , green sport jacket, blue short pants at may katamtaman ang pangangatawan, makaraang magtamo ng dalawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa dibdib nito. Base sa isinumiteng report ni Police Colonel Alexander…

Read More

RALIYISTA NA NAKAPERHUWISYO SA C-5 KAKASUHAN

c5

(NI ROSE PULGAR) PINAG-AARALAN ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na kasuhan  ang ilang supporters ng natalong kandidato sa pagka-alkalde dahil sa isinagawang kilos protesta sa rush hour,  na nagdulot ng matinding trapik sa C-5 Road, Taguig City,  nitong Huwebes ng gabi. Base sa pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia, wala umanong permit ang nasa 3,000 supporters nang natalong kandidato  sa pagka-alkalde na si outgoing Taguig Representative  Arnel Cerafica, nang magsagawa ng kilos protesta. “Pinag-aaralan ng mga abogado natin sa MMDA kung ano ang puwede natin i-kaso diyan. Obstuction, illegal parking, lahat ng puwede…

Read More

BABAE TINADTAD NG BALA, ITINAPON SA KALSADA

crime

(NI ROSE PULGAR) WALA nang buhay at tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan ang isang babae sa Lower Bicutan , Taguig City, Linggo ng gabi. Sa pamamagitan ng identification card, nakilala ang biktima na si Ramhela Vicente,34, ng Aguho , Pateros, Metro Manila. Base sa ipinadalang report ng Southern Police District, dakong alas-10:30 ng gabi nang matagpuan duguang at wala nang buhay ang biktima sa kahabaan ng Sitio Ulingan, Purok 3 C-6 Road Barangay New Lower Bicutan. Nakatanggap ng tawag sa telepono ang desk…

Read More

4 ‘CARNAPPERS’ PATAY SA HPG COPS

carnap1

PATAY ang apat na hinihinalang carnappers matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City, Biyernes ng umaga. Lumutang na rin ang sinasabing biktima ng carnapping. Tatlo sa apat ang namatay noon din habang ang isa ay naisugod pa sa ospital ngunit namatay din. Sinabi ni Police Brigadier General Roberto Fajardo, director ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), na nagpalabas siya ng grupo matapos ang insidente ng dalawang carnapping incident Huwebes ng gabi, sa Taguig at Maynila. Naispatan umano ang sasakyan kung saan lulan ang mga…

Read More

ESTUDYANTE TARGET SA P3.4-M SHABU

shabu16

NASAMSAM ng mga awtoridad ang nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa New Lower Bicutan, Taguig City, Biyernes ng hapon. Ang naarestong si Euela Arguel Rosario, target ng operasyon, ay dati nang nakulong noong 2012 sa droga rin ngunit nakalaya nang maabsuwelto. Nakuha sa suspek ang nasa kalahating kilo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon. Ayon kay Levi Ortiz, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ilang magulang ang lumapit sa kanila para ireport ang trabaho ng suspect kung saan sa harap ng eskuwelahan…

Read More