MISIS PINATAY SA TAGA NG SELOSONG MISTER

(NI NILOU DEL CARMEN) LAKING pagsisisi ng  isang lalaki makaraang nang dahil sa selos ay mapatay nito sa saksak at taga ang kanyang misis sa Burdeos, Quezon nitong Bagong Taon. Kusang loob na sumuko sa mga pulis ang suspek na si Rodsel Avenilla Revillame, 48, matapos ang pangyayari. Batay sa report ng Burdeos police, nakainom  ang suspek at gamit ang itak ay pinagtataga nito sa likod ang kanyang misis na si Rosalie Avenilla, 46, sa loob mismo ng kanilang bahay  sa Barangay  Poblacion, alas 9:30 ng gabi. Lasing umanong dumating sa kanilang bahay ang suspek   nang bigla…

Read More

TATAY KINATAY NG ANAK NA MAY ‘SAYAD’ 

(NI ANNIE PINEDA) HALOS humiwalay ang ulo ng isang ama nang matagpuan ang bangkay nito sa poso negro matapos pagtatagain ng sariling anak na umano’y may problema sa pag-iisip dahil sa paghihiganti sa ginawang pagmamalupit sa kanya, iniulat kaninang umaga sa Roxas City. Kinilala ang biktimang si Rizaldo Azuro, 67, ng Sitio Puntod, Brgy. Dinginan, Roxas City. Nasa kustodiya naman ng Roxas-PNP ang suspek at anak ng biktima na kinilalang si Roger Azuro, 44, ng nasabing lugar. Batay sa report ng Roxas Police Station, bago ang insidente ipina-blotter na nawawala…

Read More

NANAY PATAY SA TAGA NG ANAK NA MAY ‘SAYAD’

(NI JG TUMBADO) KARUMAL-DUMAL  ang sinapit na kamatayan ng isang 63-anyos na lola makaraan siyang pagtatagain hanggang sa mapatay mismo ng kanyang sariling anak na sinasabing may diperensya sa pag-iisip sa bayan ng Manabo sa lalawigan ng Abra. Tig-isang malalalim na tama ng taga sa batok at balikat ang tinamo ng biktima na siyang dahilan ng pagkasawi nito. Batay sa imbestigasyon ng Manabo Municipal Police, pasado alas 11 ng tanghali ng Martes nang mangyari ang brutal na krimen sa bakuran ng mag-ina sa Barangay Poblacion. Nagsasampay umano ang lola matapos…

Read More

2 GINANG KRITIKAL SA TAGA, SAKSAK, NG 14-ANYOS KAWATAN 

(NI ANNIE PINEDA) KRITIKAL sa ospital ang dalawang ginang matapos pagtatagain ng isang binatilyo matapos silang looban, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz. Kinilala ang biktimang sina Helen Opina, 50, at Analyn Quintos, 42, kapwa residente ng Sitio Santa Ana, Barangay Binuntucan, Pontevedra, Capiz. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si alyas ‘Jordan’, 14, ng nasabing lugar. Batay sa report ng Pontevedra Police Station, natutulog sa loob ng bahay ang mga biktima nang pumasok ang suspek at tinangkang pagnakawan ang mga ito. Umalma ang mga biktima kaya pinagtataga…

Read More

MAG-AMA NANAGA NG KAPITBAHAY SA AWAY-PAMILYA

(NI SIGFRED ADSUARA) MAGKASAMA sa kulungan ang mag-ama matapos pagtulungan saksakin at tagain ang kanilang kapitbahay dahil sa matagal ng awayan ng pamliya sa Trece Martires City, Cavite. Nakakulong ngayon sa Trece Martires Custodial Center ang mag-amang suspek na si  Lauro Landicho, 56, isang security guard at anak nitong si Laurence, 28, kapwa ng Block 9 Lot 41 Cuidad Adelina Brgy Conchu, Trece Martires City, Cavite. Nagpapagaling naman na sa Gen Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima na si Wilfred Digo, driver ng Blk. 3 Lot 21 Ciudad Adelina Brgy. Conchu…

Read More

LALAKI TINAGPAS NG BESTFRIEND

(NI ANNIEL PINEDA) HINDI inakala ng isang lalaki na ang mismong matalik pa nitong kaibigan ang maglalagay sa kanya sa bingit ng kamatayan, matapos pagtatagain habang nag-inuman nang hindi magkaunawaan, sa lalawigan ng Capiz. Kinilala ang bikitmang si Marlon Frio, 40, ng Barangay Duran, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Noel Fabuna, 56, ng Bgy. Sto. Angel, Dumalag, Capiz. Batay sa report ng Dumalag Police Station, naganap ang insidente sa Barangay San Miguel, Dumalag, Capiz, habang nag-iinuman ang magkakaibigan . Subalit, makalipas ang ilang oras, nagkaroon ng hindi…

Read More

BITIN SA ALAK; TANOD PINATAY SA TAGA

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang isang lalaki makaraan pagtatagain ng kainuman na nabitin umano sa alak sa isang inuman, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Balete, Aklan. Kinilala ang biktimang si Ronnie Sarandin, 48, barangay tanod, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Robert dela Cruz, 27, at kapwa residente ng Barangay Guanco, Balete. Batay sa report ng Balete Police Station, dakong alas 6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang biktima at suspek sa kapitbahay nilang si Randy Cuadrante…

Read More

LALAKI TINAGA SA ULO NG SINAWAY NA LASING 

(NI ANNIE PINEDA) NASA balag ng alanganin ngayon ang buhay ng isang lalaki makaraang tagain sa ulo ng lasing na kapitbahay na nagwawala dahilan para kanya itong sawayin, Sabado ng gabi, sa Capiz. Kinilala ang biktimang si Lot Labetoria, 31,  habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Reneboy Victor, 39, kapwa residente ng Brgy Roxas, Tapaz, Capiz. Batay sa report ng Tapaz-PNP, dakong alas 8:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, lasing ang suspek at nagwawala ito sa labas ng kanilang…

Read More

SYOTA NG ANAK, TINAGA NG LASING TATAY 

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON – Bugso ng galit sa kalapastanganan sa kanya ay tinaga ng isang 34-anyos na tatay ang syota ng kanyang anak sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito noong Biyernes. Sa report ng pulisya, dumating si Rose Jean Gurango, kasama ang kanyang lasing na boyfriend na kinilalang si John Mark Atendido, 20, sa kanilang tahanan sa Barangay Pulo, bandang 10:00 ng gabi. Agad na nagwala at minura ng lasing din na tatay na kinilalang si Alexander Joven si Rose Jean kung bakit kasama ang nobyo. Dahil…

Read More

70-ANYOS LOLO TINAGA NG KAPWA LOLO SA SELOS  

(NI ANNIE PINEDA) HINDI inakala ng isang 70-anyos lolo na pagseselosan ito ng kanyang kapitbahay na kapareho ng edad na nauwi sa pananaga, habang nakikipag-inuman ang una, iniulat kaninang umagsa sa lalawigan ng Isabela. Inoobserbahan ngayon sa ospital ang biktimang si Pablo Tagao, biyudo, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Casamiro Madela, 70, at kapwa residente ng Bgy. Ibujan, San Marian , Isabela. Batay sa report ng San Mariano Police Station, nakikipag-inuman ang biktima sa bahay ng kanyang stepson nang bigla na lamang dumating ang suspek na armado…

Read More

LASENGGONG ANAK, TINAGA NI ITAY

(NI ANNIE PINEDA) HINDI umubra ang tapang ng isang anak nang sugurin nito ang kanyang ama sa bahay at nagwala, dahilan para tagain ito, sa Roxas City. Kinilala ang biktimang si Genesis Evangelio, 29, habang sumuko sa pulisya ang suspek at ama nitong si Jaime, 66, at kapwa residente ng Barangay Sinamongan, Pilar, Capiz. Batay sa report ng Pilar Municipal Police Station, lango sa alak ang biktima nang sugurin nito ang kanyang ama sa bahay at nagwawala. Sa inis ng matandang Evangelio, kumuha ito ng itak at tinaga sa dibdib…

Read More

KUYA TINAGA SA LEEG NI BUNSO

romblon murder

(NI AMIHAN SABILLO) MULI na naman nangyari ang makasaysayang isinasaad sa bibliya na pagpaslang sa sailing kapatid, pero sa pagkakataong ito ay nakatatandang kapatid ang pinaslang ng nakakabata sa lalawigan ng Romblon, Miyerkoles ng gabi. Base sa report ng Romblon PNP sa Camp Crame, nangyari ang krimen sa isang inuman sa bahagi ng Barangay Ilaruan lalawigan ng Romblon, pasado alas-7:00 ng gabi. Nakikipag-inuman umano sa kanilang kapitbahay ang biktima na si Federico Montajo 39, nang dumating ang nakababatang kapatid na si Fernin, 34. Mainit na umano ang ulo ng suspect…

Read More

MISIS, TINAGA, SINAKSAK NG SELOSONG MISTER

(NI NILOU DEL CARMEN) NASAWI ang isang ginang matapos pagsasaksakin ng kanyang mister dahil sa pagseselos na nauwi sa trahedya sa Sto. Tomas, Batangas, Linggo ng hapon. Kinilala ang biktima na si Juvy Lozon, 33, residente ng Blue Isle Subd., Brgy. Sta. Maria,  Sto Tomas. Batay sa report ng Sto Tomas police, dakong alas 2:30 ng hapon nang magkasagutan ang biktima at ang mister nitong si Rodrigo Lozon, 57, sa loob mismo ng kanilang bahay. Ayon kay PMSgt. Teresa de los Santos, may hawak ng kaso, matagal na umanong nagseselos…

Read More

ANAK PUMALAG SA KAAWAY NG TATAY, 2 TINAGA SA ULO

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON — Dalawang senglot na magkapatid ang parehong tinaga ng nabuwisit na anak matapos na hamunin ng away ang kanyang tatay sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito noong Sabado. Sa report ng pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Jayson Leynes, 29, at Marte Leynes, 29, parehong residente ng Barangay Banugao sa nasabing bayan. Parehong lango sa alak ang dalawang biktima na nagtungo sa bahay ni Vilmar Soltura, 33, bandang 10:50 ng gabi. Naging magulo ang magkapatid sa tapat ng bahay at pilit na hinahamon…

Read More

AMA, BINARIL, TINAGA NG ANAK

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY–Matapos pagbabarilin pinagtataga pa ng itak ng kanya mismong anak ang kanyang ama matapos silang magkaalitan sa loob kanilang kubo sa Sitio Panaga, Barangay Colasas, Paquibato District,  Lunes ng gabi. Kinilala ng Paquibato Police Station ang biktima na si Freddie Lumantad, 55, at ang suspek na anak ay si Joseph Lumantad, 26, pawang nakatira sa lugar. Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, napag-alaman na magkasama pa ang mag-ama sa pagbebenta ng kanilang produktong mais sa sentrong parte ng lugar. Matapos nito ay nakipag-inuman ang biktima sa…

Read More

LASING NAGHAMON NG AWAY, PINATAY SA TAGA 

(NI ANNIE PINEDA) HINDI umubra ang tapang ng lasing na kinuha lamang sa alak, nang sugurin at hinamon ng away ang kapitbahay makaraan pagtatagain ito ng ng anak ng huli, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz. Kinilala ang biktimang si Marlon Villasin, 38, habang kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek na si Alfredo Villanueva, 56, at kapwa residente ng Barangay Alasaging, Maayon, Capiz. Batay sa report ng Maayon Municipal Police Station, naganap ang insidente sa labas ng bahay ng ni Villanueva sa nasabing lugar. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya,…

Read More

MAG-AMA PINAGTATAGA NG KAPITBAHAY

(NI SIGFRED ADSUARA) LUMALA ang alitan  imbes na maayos nang pagtatagain  ang mag-ama ng isang 35-anyos na suspek ng pinuntahan ang huli upang makipagkasundo sa Dasmarinas City, Cavite. Ginagamot ngayon sa Pagamutan ng Dasmarinas ang mag-amang Eduardo Maliksi, 52, at anak nitong si Kim Roun, 25, may-asawa, driver, kapwa residente ng  Brgy Paliparan 1, Dasmarinas City, Cavite matapos pagtatagain ng suspek na si Michael Gunda, 35, ng Island Park Excess Lot., Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite. Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo ng Bacoor City Police Station, dakong alas-12:40…

Read More

MAGSASAKA PATAY SA TAGA NG MAGTATAY

crimebolo123

QUEZON – Parang puno ng saging na pinagtataga hanggang sa mamatay ang mag-ama ng nakaalitan nilang magsasaka sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito noong Biyernes. Sa report ng pulisya ay kinilala ang biktima na si Lito Jariño, 47, residente ng Barangay Jongo sa bayang nabanggit. Bandang alas-6:30 habang patungo ang biktima sa isang tindahan para bumilina ng hapunan hapunan ay bigla na lang sumulpot sa daan ang naghihintay na si Anthony Ayana kasama ang anak na si Christian na parehong may hawak na itak. Bigla na lang umanong sunud-sunod na…

Read More

ULO NG MATANSERO SINIBAK SA SELOS NG AMO

crimebolo123

(NI JESSE KABEL) HINDI na nagising ang isang  matansero nang tagain ito sa ulo habang natutulog nang nagseselos niyang  amo sa Brgy. Zone 7, Bulan, Sorsogon. Hinihinalang isang crime of passion ang pagkasawi ni Rodrigo Gueta, alyas Tutay, 36, matapos siyang pagtatagain ng among si Roger Hermosa, 54. Sa impormasyong ibinahagi ni P/Maj. Joel Trinanes, hepe ng Bulan Municipal Police Station, selos ang sinasabing  motibo ng suspek nang  sumuko ito sa awtoridad matapos ang insidente. Ayon sa hepe, nagtungo na sa himpilan ng pulis ang suspek upang isumbong ang umano’y…

Read More