KINABUKASAN NG PINOY JINS NASA KAMAY NG PTA

(NI ANN ENCARNACION)

NASA kamay ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kapalaran ng national jins na nangangarap mag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Magkakaroon ng taunang general assembly ang PTA  bukas ng alas-9 ng umaga sa San Andres Coliseum sa Malate, Manila na dadaluhan ng tinatayang 400 regional heads , coordinators at instructors, at taekwondo officials mula sa AFP at PNP.

Pangungunahan nina PTA top officials, Grandmasters Sung Chon Hong, Monsour Del Rosario at 30th SEA Games deputy chef de mission Stephen Fernandez, ang general meeting kung saan pag-uusapan ang pagpili sa apat na Pinoy jins na isasabak sa Olympic qualifying tournaments (OQT) sa Tokyo Summer Games.

Nakatakda ang OQT sa unang quarter ng taon, habang ang Summer Games ay magaganap Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Ilan sa mga inaasahang pagpipilian para sa OQT ang mga taekwondo jins na sina Pauline Lopez, Samuel Morrison, Dave Cea at Kurt Barbosa, na pawang nanalo ng gintong medalya sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Please follow and like us:
Read More

‘ WAG GAMITIN ANG TAEKWONDO SA KAWALANGHIYAAN — MONSOUR

(Ni ED DE LEON)

Maliwanag ang statement ni Congressman Monsour del Rosario na hindi pinapayagan sa taekwondo na gamitin iyon sa pambubugbog sa ibang tao, lalo na’t kung alam mo na dahil sa nalalaman mo sa martial arts ay walang laban iyon sa iyo. Hindi rin tama, sabi niya, na gamitin ang taekwondo, o alin mang martial arts para takutin ang kapwa tao.

Nasa disiplina ng taekwondo, na iyan ay gagamitin lamang bilang self defense at hindi offense.

Kailangang mag-react ni Monsour, kasi nga sinasabing iyan taekwondo champion, black belter, ginagamit ang taekwondo sa kawalanghiyaan.

“Mga anak ko mismo tinuturuan ko ng taekwondo eh, pero lahat ng tinuruan ko ng martial arts, mas inuuna kong turuan ng disiplina at kagandahang asal. Kasi naniniwala ako na kung hindi maganda ang attitude ng tao, hindi na dapat turuan ng martial arts, kasi nga magagamit iyan ay hindi maganda. Hindi naman iyan ang layunin ng sports.

Maski na noong araw, iyong simula niyang mga martial arts, pinag-aaralan iyan at ginagamit para ipagtanggol ang tama. Iyong martial arts noong una, itinuturo iyan ng mga monks sa templo. Hindi iyan para makapanakit lang, kaya mali na gamitin iyan sa pambu-bully,” sabi ni Monsour.

Bilang isang congressman, sinasabi nga niyang naniniwala siyang kailangan na ngang muling pag-aralan, amyendahan o tuluyan nang ibasura ang RA 9344, o iyong Juvenile Act na ginawa ni Senador Kiko Pangilinan.

“Maganda iyong layunin ng batas, pero lumalabas na ang masamang epekto nito dahil nagagamit sa maling pangangatuwiran. Kailangan na iyang pag-aralan ng susunod na kongreso, “sabi pa niya.

                                                                            

Dapat kumikitang pelikula ang gawin

 

Totoong kailangan natin ng mga may katuturan, pero kumikita namang mga pelikula. Mukhang may maling paniniwala na iyong mga pelikulang pang-award ay dapat na iyon lang ang ambisyunin, iyong awards at hindi naman kumikita. Tandaan ninyo, higit sa lahat ang pelikula ay isang industriya, at kung industriya dapat kumikita dahil maraming mga taong umaasa ng kanilang kabuhayan diyan.

Tama iyong ambisyon nila na makarating sa mga festivals abroad, manalo ng awards, pero may pag-asa bang kumita ang mga iyon? Nakalabas ba sa mga commercial theater circuits sa abroad maging ang mga pelikula ng henyong si Akira Kurosawa? Kumita ba ang mga pelikula ni Luchino Visconti? Nakalabas ba sa mainstream cinema si Pier Paolo Pasolinni? Ang kumita sa Japan ay iyong mga kuwento ng mga samurai. Ang kumita sa Italya ay mga cowboy films kung tawagin ay “spaghetti westerns”. Kung wala ang mga iyon, gutom ang industriya sa Japan at sa Italya noong araw. Kagaya rin ng gutom ang film industry sa Pilipinas ngayon.

Please follow and like us:
Read More