PEKENG PSC EMPLOYEE HULI SA REKLAMO NG 6 SA ‘SEA GAMES’ 

(NI ROSE PULGAR)

ISANG 48-anyos na lalaki na nagpakilalang kawani ng Philippine Sports Commission (PSC) ang naaresto makaraang tangayin ang salapi ng anim na katao na kanyang pinangakuan ng trabaho sa nagaganap na South East Asian (SEA) Games na katumbas ng malaking sahod, Martes ng hatinggabi sa Makati City.

Kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe  ng Makati City Police, ang nadakip na si Rhoderick Malubago na nakatira sa no. 1224 Batangas St. Barangay San Isidro.

Ayon kay Simon, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin ng kanyang mga tauhan si Malubago sa kanyang tirahan sa Batangas St. bunsod sa reklamo ng mga biktima.

Batay pahayag nina Marlina Azur, 59, Roland Palapus, 34, Lorenze Manigbas, 33, Grace Garalde, 56, Arlene Magaso, 35 at Ronald Bellen, 34 na pawang mga taga Sansibar, Barangay San Isidro, nakuhanan sila ng tig-P10,000 ng suspect kapalit ng pangako na bibigyan sila ng trabaho sa nagaganap na SEA games at sasahod sila ng P20,000 bilang mga messenger.

Ayon pa kay Col. Simon, nakuhanan din ng P10,000 ng suspect ang ilang mga biktima ng sunog sa Makati kaugnay sa proyekto umanong pabahay at lupa ng PSC para sila ang unang makinabang subalit huli na nang matuklasan nilang nalinlang pala sila ni Malubago.

Pagdating sa himpilan ng pulisya, itinanggi ng suspect ang alegasyon laban sa kanya ng mga biktima.

Subalit hindi naman naniwala ang mga awtoridad sa kanya at ito ay ikinulong at sasampahan ng kasong estafa thru swindling sa Makati Prosecutor’s Office laban dito.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BEBOT DAKIP SA ‘BAHAY FOR SALE’ SA FB

arrested12

(NI TJ DELOS REYES)

NALAMBAT ng Quezon City police District ang dalawang babae na ang modus operandi ay kukunan ng picture ang isang bahay at ibebenta ito sa internet.

Ayon sa nakarating na ulat kay NCRPO Director Major General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang mga suspek na sina Christina Santos Pablo, 49, digital marketing specialist, ng San Vicente St., Camarin, Caloocan, at Jocelyn Dela Cruz Rendon, digital marketing specialist, Brgy. Sta. Lucia, Novaliches ay inireklamo nina Gil Mendoza Villanueva, 52, pangulo ng Home Owner’s Association at residente ng Block 2, Lot 3, Villa Hermano 3, Princess Home Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novaliches, at Maria Fatima Samaniego, Human Resources II employee, at naninirahan sa Blk. 4, Lot 3-1, ng nasabi ring subdibisyon.

Lumalabas na inireklamo ni Samaniego sa pangulo ng kanilang homeowners ng subdibisyon si Rendon nang i-post umano nito ang bahay ni Samaniego sa online selling  sa  Market Place/Facebook.

Agad namang umaksiyon si  Villanueva at kasama si Samaniego ay nagpanggap silang buyer at doon ay nakumpirma nilang ibinebenta ang tahanan na pag-aari ng biktima sa halagang P3, 780,000 at ang down payment ay P 1, 208, 400.

Sa gitna ng transaksiyon, humihingi umano si Rendon ng P39,000 sa biktima para sa reservation fee at napagkasunduan na sa SM Novaliches magbabayaran kung saan naaresto ang dalawa sa ‘entrapment’ operation ng mga operatiba ng Anti-Cyber Crime ng QCPD.

Nakapiit na ang mga suspek habang nahaharap sa kasong paglabag sa estafa (Swindling) at unjust vexation in Relation to Section 6 ng RA 10175.

 

Please follow and like us:
Read More

KOREAN ‘MOVIE PRODUCER’ ARESTADO SA PAMPANGA 

bi45

(NI FROILAN MORALLOS)

NATIMBOG ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga ang isang Korean national na wanted ng otoridad sa Seoul dahil sa kasong pandarambong ng mahigit sa 200 milyon won o halos P9 milyon, na hiniram niya sa kapwa Koreano para sa movie project.

Ayon kay BI intelligence officer Bobby Raquepo, ng F ugitive Search Unit (FSU), kinilala ang suspek na si Kim Woo, 38, at inaresto noong Huwebes sa Bgy. Balibago, Angeles City.

Nadiskubre na si Kim, ay may nakabimbin na warant of arrest na inisyu ng  Korean court, sa pamamagitan ng red notice ng Interpol .

Dagdag pa ni Raquepo si Kim ay wanted sa kanilang lugar dahil sa kasong swindling ng aabot sa 129 milyon Won noong taon 2013 hanggang 2015 na hiniram niya sa kapwa Koreano para magamit sa kanyang ginagawang pelikula .

Kinasuhan din itong si Kim dahil sa paggastos o defrauding ng pera ng kanyang nabiktima na aabot sa 107 milyon Won upang mag-invest sa itatayong  corporate

Lumalabas sa imbestigasyon na si Kim ay tumakas papunta sa Pilipinas noong August 5, 2018  para iwasan ang kanyang kasalanan.

Ayon kay Commissioner Jaime Mornte agarang pababalikin si Kim sa Korea upang harapin ang kanyang mga kaso , kasabay sa paglalagay ng kanyang pangalan sa talaan ng mga blacklisted na dayuhan , para hindi siya makabalik muli sa bansa .

 

 

Please follow and like us:
Read More