KADETE NAKITANG PATAY SA PMA ACADEMY SWIMMING POOL

PATAY na nang matagpuan ang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa ilalim ng swimming pool ng eskuwelahan sa Baguio City, Biyernes ng hapon.

Pagkalunod ang inisyal na dahilan ng pagkamatay ni Mario Telan, Jr., 4th class cadet.

Ayon sa imbestigasyon, hinanap ang biktima ng upper-class cadets bandang ala-1:20 ng hapon.

Tinungo nila ang Jurado Hall ng PMA kung saan nakita ang mga gamit ng kadete sa loob ng comfort room ng swimming pool.

Makalipas ang isang oras, nakita ang katawan ng kadete sa ilalim ng swimming pool, dakong alas-2:44 ng hapon.

Isinugod ang biktima sa Fort del Pilar Station Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Nangako din ang pamunuan ng PMA na gagawin ang lahat ng imbestigasyon upang mabatid ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Sinuspinde naman ang swimming classes sa akademya hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon.

Nakidalamhati rin ang PMA sa pamilya ng kadete at nangakong ibibigay ang kakailanganing tulong ng pamilya.

 

Please follow and like us:
Read More

4-ANYOS ANAK NG PULIS, NALUNOD SA RESORT

lunod2

(NI JG TUMBADO)

SINASABING nalingat sa pagbabantay ng magulang ang naging dahilan kung kaya’t nasawi ang apat na taong gulang na lalaki nang malunod habang naliligo sa isang swimming pool sa bayan ng Alicia, Isabela.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor ang buhay ng biktima na tinukoy na si Joven Rein Gines ng isugod ito sa Lucas-Paguila District Hospital.

Nabatid kay Police Captain Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Provincial Police Office (IPPO), nangyari ang insidente sa Chormel Resort sa Barangay Sto. Tomas, Sabado ng gabi.

Lumalabas sa report na hindi napansin ng magulang ang batang biktima na nagtungo na pala ito sa pangmatandang swimming pool.

Pero paliwanag ng ama ng biktima na si Police Lieutenant George Gines, agad sinagip ang bata mula sa pool at binigyan ng first aid bago dalhin sa naturang ospital.

Inaalam naman ng pulisya kung may nakabantay na lifeguard o wala sa resort ng mangyari ang pagkalunod ng bata upang madetermina kung papanagutin ang may ari ng resort kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL NALUNOD SA SWIMMING POOL

lunod2

NALUNOD ang magkapatid sa isang swimming pool sa lalawigan ng Quezon noong Martes, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa police report ay parehong lumalangoy ang magkapatid na sina Harry Inciso, 7, at ang kanyang ate, Alexandra Nicole, 14, sa swimming pool sa loob ng Aguila Resort sa Barangay Sisi, Quezon,  dakong alas-3:00 ng hapon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tinangka umanong sagipin ni Alexandra si Harry nang mapadako ito sa malalim na bahagi ng swimming pool subalit parehong nalunod ang magkapatid.

Natagpuan ang dalawang bangkay sa ilalim ng swimming pool. (JUN V. TRINIDAD)

Please follow and like us:
Read More