MISIS ITINUMBA PAGBABA NG PAMPASAHERONG VAN 

crime43

(NI ANNIE PINEDA)

DUGUAN na bumulagta ang isang misis nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek pagkababa mismo sa sinakyan nitong pampasaherong van, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Surigao del Sur.

Kinilala ang biktimang si Analyn Surita Dahunog, 36, ng P-7, Brgy. Quirino, Madrid, Surigao del Sur.

Batay sa report ng Madrid Municipal Police Station, naganap ang insidente malapit lamang sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, galing Tandag City ang biktima at sumakay ito ng pampasaherong van pauwi at pagkababa nito agad siyang nilapitan ng suspek at binaril ng dalawang beses na agad nitong ikinamatay.

Mabilis naman tumakas ang suspek at kasama nito na nagsilbing look-out ilang metro lamang ang layo sa pinangyarihan.

Paniwala ng mga awtoridad, matagal nang sinusubaybayan ng mga mag suspek ang biktima hanggang magkaroon ang mga ito ng pagkakataon at naisagawa ang pagpatay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWA PATAY SA RED TIDE

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang mag-asawa matapos umanong malason sa kinain nilang shellfish na positibo sa paralytic shellfish poisoning, iniulat kaninang umaga sa Barangay Kinayan sa Barobo, Surigao del Sur.

Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Lucia Quiñonez Namoc, 55, at Leonito Cumahig Namoc, 58, kapwa residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Barobo Municipal Police Station, kumain ng shellfish na tintawag na telepono ang mag-asawa na nagmula sa baybaying dagat ng Lianga Bay na may mataas na level ng red tide toxin.

Nabatid, na naisugod pa sa ospital ang mag-asawa, pero nalagutan din ng hininga.

Sinabi naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Caraga, na hindi sila nagkulang sa pagpaalala matapos magpalabas ng adivosry na mahigpit na ipinagbabawala munang kainin lahat ng uri ng shellfish mula sa Lianga Bay na nasasakop sa mga bayan mula sa San Agustin hanggang sa Hinatuan, Surigao del Sur.

 

Please follow and like us:
Read More

BAHAY INARARO NG TRAK; 3-ANYOS PISAK

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG binawian ng buhay ang isang paslit na lalaki makaraan araruhin ang kanilang bahay ng humaharurot na trak, sa Surigao City.

Kinilala ang biktimang si BJ Alcala, 3-taon gulang at residente ng Surigao City, Surigao del Norte, habang sugatan naman si Filborg Aclo, tricycle driver ng nasabing lugar.

Hawak na ng pulisya ang suspek at driver ng trak na kinilalang si James Castillo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Castillo ang trak at tinatahak nito ang palusong na bahagi ng kalsada sa naturang lugar.

Bigla na lamang umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang suspek at nagtuluy-tuloy ito sa bahay ng pamilya Alcala at nabangga ang bata ganun din si Aclo.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara na rin patay ng doktor si Alcala habang nilalapatan ng lunas si Aclo.

Sinampahan na ng kasong Reckless imprudence resulting in homicide, physical injury at damage to property si Castillo.

 

Please follow and like us:
Read More

LTO ENFORCER PATAY, 2 TAUHAN SUGATAN SA AMBUSH

(NI JESSE KABEL)

DEAD on the spot ang team leader ng Land Transportation Office (LTO) Regional Office Enforcement Unit nang tambangan ito ng mga hindi pa nakikilalang salarin, Miyerkoles ng umaga sa lungsod ng Surigao.

Sa police report na ibinahagi ng Surigao City Police Office patay s pamamaril si Felixberto Loayon habang kasalukuyang ilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawang kasamahan nito.

Ayon sa pagsisiyasat ng  Surigao City Police, sakay ng kanilang sasakyan ang grupo ng LTO enforcers at tinatahak ang direksyon patungong Poblacion ng Surigao City nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan sa mga suspect.

Please follow and like us:
Read More

‘BIHAG’ NG NPA NATAGPUANG PATAY

surigao del sur123

TANDAG CITY, Surigao del Sur—Bangkay  na nang matagpuan ang isang lalaking umanong isa sa mga binihag ng rebeldeng New People’s Army (NPA), sa Sitio Banahao nitong Biyernes.

Kinilala ng 36th Infantry Battalion ang nasawi na isang miyembro ng Civilian Active Auxiliary na si Ryan Badiang, 24. Off duty umao ito nang dukutin ng mga rebelde kasama ang iba pang bihag.

Nagsasagawa ng rescue at pursuit operations ang militar nang madiskubre ang bangkay ng ni Badiang.

Nakilala ang biktima dahil sa kaniyang suot na damit.

Binihag si Badiang noong Mayo 30 kasama ang 3 pang sibilyan ngunit hindi pinalaya tulad ng tatlong iba pa noong Hunyo 3.

Kinondena ni Infantry battalion commanding officer Lt. Col. Xerxes Trinidad ang ginawa ng rebelde. “Ganito po kasama ang mga NPA, ang ginagawa nila papatay ng sibilyan, mangkikidnap ng sibiliyan papatayin,” aniya.

Wala pang inilalabas na pahayag ang NPA kung sila nga ang may kinalaman sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

GUSALI GUMUHO, 26 NA-TRAP NAILIGTAS

GUHO45

(NI JG TUMBADO)

GUMUHO ang harapang bahagi ng isang gusali sa Barangay Mangagoy, Bislig City sa Surigao del Sur, Sabado ng gabi.

Nabatid mula sa ulat ng Bislig City Police, partikular na bumigay ang signage ng isang botika dakong alas-8:00 ng gabi kung saan ay naipit sa loob ng gusali ang may 26 na indibidwal.

Nailigtas naman ng mga rumispondeng otoridad ang lahat ng mga naipit sa pagguho sa drug store na nasa kanto ng Abarca at Picasales St., ng nasabing lungsod.

Maliban sa nasirang bahagi ng botika, nadamay din sa pinsala ang pitong motorsiklo at isang traysikel na nakaparada sa labas ng establisyimento.

Walang naiulat na nasugatan sa pangyayari.

Aabot na umano sa 20 taon ang gusali kung saan ginawang hotel ang pangalawang palapag nito.

 

Please follow and like us:
Read More

100 BALA SA INAMBUS NA MAG-ASAWA

crime

WALANG balak buhayin ng mga armadong lalaki ang mag-asawang inambus matapos ubusin ang mahigit sa 100 bala sa katawan ng mga ito sa Diatagon, Surigao del Sur.

Dead on the spot si Mark Edward, 33, habang hindi na umabot nang buhay ang misis nitong si Solivera Salvador, nang tambangan sa Barangay Anibongan.

Galing umano ang mag-asawa sa Diatagon at pagdating ay doon na sila pinagbabaril ng mga suspect. Nabawi sa crime scene ang mahigit sa 100 mga basyo ng bala ng iba’t ibang klase ng armas.

Tinututukan ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa negosyo ang pagpatay sa mag asawa.

Please follow and like us:
Read More