90 KABAHAYAN NATUPOK, 50 PAMILYA HOMELESS

fire123

DAVAO City – Aabot sa 50 pamilya ang nawala ng tirahan matapos matupok sa sunog ang kanilang bahay dakong alas-10:30 ng umaga noong Miyerkoles, Enero 15, sa Purok 2, Bryco, Barangay 5-A, Bankerohan nitong lungsod.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Bangoy District, patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon upang alamin ang posibleng sanhi ng sunog.

Ngunit ayon sa isang residente, napabayaang sinaing na nakalagay sa kalan ang pinagmulan ng apoy na nagresulta sa sunog.

Dahil pawang yari sa light materials ang halos lahat ng mga kabahayan ay mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang mga barong-barong sa gilid ng Davao River sa Governor Generoso Bridge sa Bankerohan.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naideklarang fire-out dakong alas-12:45 ng tanghali.

Nilinaw naman ng BFP na walang namatay sa sunog ngunit may ilang residente ang nasugatan matapos magpumilit na iligtas ang kanilang mga gamit.

Sinabi ni Brgy. 5-A Kagawad Gege Mata, pansamantala nilang inilagay ang mga residente sa Bankerohan Gym at ipagagamit sa mga ito ang “Project Hope” ng barangay.

Sa inisyal na talaan ng BFP-Bangoy Fire Department, umabot na sa 90 kabahayan ang natupok sa sunog ngunit patuloy pang binibilang ng City Social Services and Development Office (CSSDO) ang mga pamilyang apektado. (DONDON DINOY)*

Please follow and like us:
Read More

200 PAMILYA NASUNUGAN

sunog11

TINATAYANG 200 pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin  ang 80 kabahayan sa sunog na nagsimula dakong alas-9:56 ng umaga at tumagal ng halos dalawang oras sa isang residential area sa Good Year Almanza Uno, BF, Las Piñas City nitong Martes.

Ayon kay Bureau of Fire Arson investigator Chief Marvin David, ang sunog ay nagsimula sa bahay na pag aari ng isang Rolando Loreto.

Sinabi ng mga awtoridad, faulty electrical wiring ang isa sa  kanilang tinitingnang posibleng sanhi ng sunog na mabilis na kumalat sa iba pang kabahayan na pawang yari lamang sa  light materials.

Nakadagdag din umano ang malakas na hangin sa mas mabilis na pagkalat ng apoy.

Samantala, isang fire volunteer ang nagkaroon ng first degree burn ngunit agad namang nabigyan ng first aid ng rescue team mula sa Philippine Red Cross.

Nahirapan ang ilang fire volunteers at BFP sa pag-apula sa apoy  dahil makitid ang kalye papasok sa looban na kinaroroonan ng mga bahay na  nilamon ng apoy.

Patuloy  ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang posibleng sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng napinsalang mga ari-arian. (DAVE MEDINA)

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NATUPOK, DALAGITA NATUSTA 

sunog

SANTIAGO City – Mistulang uling na nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay, nitong Huwebes ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Nadine Zerrudo Viernes, 14-anyos, habang nasugatan sina Nestor Selmo Zerrudo, 66; Aida Ancheta Zerrudo, 64, at Sophia Zerrudo Viernes, 10-anyos, pawang residente ng San Jose, Santiago City.

Batay sa report ng Pamatay-sunog ng Santiago City, bandang alas-11:00 ng gabi nang sumiklab ang bahay ng pamilya Zerrudo.

Napag-alaman, mahimbing na natutulog ang mag-anak nang makaramdam sila ng init hanggang sa makita na lamang na umuusok na kanilang bahay.

Mabilis namang nakalabas ng bahay ang tatlong residente sa tulong ng kanilang mga kapitbahay ngunit hindi na nailigtas pa si Nadine at na-trap sa kanyang silid na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Inaalam ng pulisya ang pinagmulan ng sunog at halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy. (ANNIE PINEDA)

 

Please follow and like us:
Read More

BODEGA NG TELA NASUNOG, 17 SUGATAN

SUNOG-7

UMABOT sa 17 katao ang dumanas ng minor burns na karamihan ay bumbero at ang iba’y nangungupahan makaraang tupukin ng apoy ang isang bodega ng tela sa ikatlong palapag ng isang gusali kahapon ng madaling araw sa harap ng Sto. Niño Church sa Tondo, Manila.

Base sa ulat ni Fire Inspector John Joseph Jaligue, chief investigator ng Manila Fire District ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng isang residential-commercial building sa Lakandula St. sa Tondo.

Sa report ng BFP, bandang alas-5:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na umakyat sa ika-limang alarma at  idineklarang fire-under control dakong alas-8:30 ng umaga.

Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil tumatalsik sa kanila ang nalulusaw na mga tela na tumatagos sa kanilang coat o personal protective equipment kaya karamihan sa sugatan ay mga bumbero na dumanas ng minor burns.

Nabatid na tatlong residente rin ang isinugod sa ospital dahil sa abrasions.

Isang Junjun Fornel na nangungupahan sa nasunog na gusali, ang nagkasugat-sugat ang katawan matapos daw siyang dumausdos pababa sa tubo ng tubig mula sa fourth floor para makaligtas sa sunog.

Nalaman na ang gusaling anim na dekada na ay pag-aari umano ng isang nagngangalang Perfecto Tiu,

Tinatayang aabot sa P3 milyon ang halaga ng napinsalang mga ari-arian.

Aalamin ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung may paglabag sa fire code ang may-ari ng gusali lalo’t napansin ng mga bumbero na madilim sa loob nito at walang gumaganang emergency light.

Inaalam din ng BFP kung problema sa kuryente ang sanhi ng sunog lalo’t may narinig daw ang isa sa mga nangungupahan, na may pumutok sa nasunog na gusali.

Kasamang nasunog ang isang unit ng katabing nine-storey commercial-residential building. (RENE CRISOSTOMO/DAHLIA ANIN)

Please follow and like us:
Read More

LOLA NATUSTA SA SUNOG

(NI ANNIE PINEDA)

MISTULANG uling nang matagpuan ang bangkay isang lola nang ma-trap ito sa nasunog niyang bahay nang magsindi ng posporo at itinapon sa mga labahin na damit, kaninang madaling-araw sa lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang biktimang si Magdalena Garcia, 90-anyos at residente ng Purok 7, Sunset Village , Isabela City.

Batay sa report ng Isabela-PNP, dakong ala 1:00 ng madaling araw ng Huwebes nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon, nagsindi ng kandila ang biktima sa loob ng kanyang silid at aksidenteng naitapon niya ito sa mga labahan na damit.

Dahil dito, mabilis na lumiyab ang mga damit at kumalat ang apoy sa loob ng kabahayan na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng pamatay-sunog ng Isabela, tupok ang buong kabahayan ng biktima at nakita ang sunog na katawan nito.

Dinala naman sa ospital ang dalawang residente na nasugatan sa nasabing sunog.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLANG BAKASYUNISTA PATAY SA SUNOG SA PUERTO PRINCESA

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang 67-anyos na babae makaraang masunog ang tinutuluyan nitong bahay sa Puerto Princesa City, Palawan, Miyerkoles ng gabi.

Kasabay nito, nabatid mula kay Fire Marshal Chief Inspector Nilo Caabay, Jr. na aabot sa siyam na bahay ang natupok sa sunog na nagresulta ng halaga ng pinsala sa P200,000.

Dakong alas-7:46 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Purok Huwaran, Barangay Tiniguiban ng nasabing lungsod. Bandang alas-9:00na ng gabi nang tuluyang maapula ang apoy.

Ilang oras matapos maapula ang sunog ay natagpuan ng kanyang anak na si Roland ang bangkay ni Luceña Valdez.

Galing ang pamilya ng biktima sa Maynila at bumibisita lamang sa Puerto Princesa City para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa kanilang mga kamag-anak doon.

Inakala umano ng mga kaanak ni Valdez na nahatak na ito ng kanyang apo palabas ng nasusunog na bahay.

Sinabi ni Caabay na gawa sa mga materyales na madaling masunog ang bahay ng tinuluyan ni Valdez at malapit sa baybayin kaya’t hindi umano agad narespondehan.

Patuloy pang sinisiyasat ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy na galing sa bahay ng mga Valdez.

Please follow and like us:
Read More

BATANG ARSONIST WANTED SA 7 SINUNOG NA ESTABLISHMENT

(NI JESSE KABEL)

ISANG menor de edad na sinasabing may dipresensiya sa pag-iisip ang pinaghahanap ngayon ng mga  pulis at militar  matapos matukoy na ito ang responsible sa napaulat na pitong kaso ng panunog sa ilang tindahan at kabahayan sa Kabacan North Cotabato.

Kamakailan ay isa namang bahay at tatlong tindahan ang sinunog ng isang bata na nagdulot ng pagkabahala ng mga residente.

Sinasabing na tukoy na ng awtoridad ang nalalabing suspek na isang bata na sinasabing may problema sa pag-iisip. Una rito ay naaresto ang isang  12-anyos na batang lalaki na itinuturong responsible sa pitong kaso ng panununog sa bayan ng kabacan

Ayon kay Fire Inspector Albert Lagura ng Bureau of Fire Protection  Kabacan, tinatayang aabot sa mahigit  P2  milyon ang kabuuang danyos sa pitong magkakahiwalay na sunog.

Sa impormasyong ibinahagi ni Kabacan Cotabato Municipal Disaster Risk Reduction and Management Head, David Don Saure, may testigo umano na nakakita sa bata na pansamantalang hindi muna kinilala na may dalang plastic at lighter, bago ang insidente ng sunog.

Base sa pagsisiyasat isinagawa ang panununog sa loob lamang ng magdamag.

Please follow and like us:
Read More

2,000 PAMILYA NAWALAN NG BAHAY SA 5-ORAS SUNOG SA M’DALUYONG

HALOS limang oras ang itinagal ng sunog bago naapula sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong kung saan aabot sa 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Ayon kay Mandaluyong City Fire Sr. Insp. Joscar Bongalon, 500 bahay ang natupok ng apoy na nagsimula bandang alas-3:00 ng hapon.

Sa bahay ng isang Maria Biada umano nagmula ang apoy na mabilis kumalat sa magkakadikit na kabahayan.

Umabot sa Task Forcnaalam pa sa ngayon ang sanhi ng sunog.

Pansamantalang manunuluyan ang ibang apektadong pamilya sa Panatag court.

Please follow and like us:
Read More

59-ANYOS BABAE PATAY SA SUNOG

NAMATAY sa sunog ang 59-anyos na babae sa loob ng kanyang bahay sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng hatinggabi.

Bedridden umano ang biktima at mag-isa lamang sa bahay nang sumiklab ang apoy, ayon kay Bacoor City fire marshal Jude Sumeg-ang.

Nasa trabaho ang mga kaanak nang mangyari ang sunog. Ang nag-aalaga naman sa kanya ay iniiwan siya kapag nakatulog na.

Nabatid na sa mismong kwarto ng biktima nagmula ang apoy na posible umanong faulty electrical wiring ang sanhi. Kasamang natupok ang tatlong bahay sa subdibisyon na umabot  sa ikatlong alarma bago naapula.

 

Please follow and like us:
Read More

70 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG SA MAKATI

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NASA 70 pamilya sa 26 kabahayan ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang isang lugar na dikit-dikit ang kabahayan, Martes ng umaga sa Barangay Tejeros, Makati City.

Base sa ulat na nakalap sa Makati City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas 7:36 ng umaga sa bahay ng isang Laarni Villalva sa 272 J.P. Rizal St. Brgy. Tejeros, Makati City.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil ang mga nasunog na kabahayan ay gawa lamang sa semi-light materials.

Umabot sa ikaapat na alarma ang naturang sunog na idineklarang fire out bandang alas 10:00 ng umaga.

Ayon kay F/Major Ronald Sanchez ng Makati City BFP, wala namang nasugatan o nasawi samantalang ang danyos sa naturang sunog ay umabot sa P1.2 milyon.

Please follow and like us:
Read More

MAGKAPATID NA PASLIT PATAY SA SUNOG

(NI HARVEY PEREZ)

NASAWI ang magkapatid na paslit dahil sa suffocation nang  masunog ang ikalawang palapag ng kanilang bahay, Miyerkoles ng umaga sa Tondo, Maynila.

Hindi na nailigtas ng kanilang lola ang mga biktimang sina Aliyah Raine Morales, 9, at kanyang kapatid na si Anastacia Marie Morales, 18 buwang gulang, kapwa residente ng Gagalangin, Tondo.

Sa imbestigasyon ng Manila Bureau of Fire Protection  (BFP), dakong alas 9:16 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa second floor ng tatlong palapag na tahanan, ng mga biktima sa 633 B. Bulacan Street, Gagalangin, Tondo.

Nabatid na ang bahay ay pagma-may-ari ni  Marina Sia  na inuokupahan ng isang Rica Marie Ocampo.

Nalaman na alas 9:37 ng umaga nang maapula ang sunog na umabot  sa kalahating oras at idineklarang fire out alas 9:39 ng umaga.

Ayon kay   F/Insp. John Joseph Jalique, hepe ng Intelligence Division ng Manila Fire District, wala ang mga magulang ng mga bata nang maganap ang sunog dahil pumasok ang mga ito sa trabaho.

Gising na umano ang mga bata nang umalis ang kanilang ina, at iniwan sila sa pangangalaga ng kanilang lola, kaya’t nagtataka ito kung bakit nasa silid pa ang mga ito nang maganap ang sunog.

Habang ang lola naman mg mga biktima ay nasa unang palapag umano ng bahay at nang sumiklab ang sunog ay hindi na nagawa pang isalba ang mga biktima.

Ayon kay  Jalique gawa naman sa konkretong materyales ang bahay, pero  maliit umano ito at tila pinilit  lamang na malagyan ng ikatlong palapag at makitid din ang daanan kung kaya hindi na nagawa ng mga biktima na makababa.

Inaalam kung ano ang sanhi ng sunog na sa  inisyal na imbestigasyon ay  posibleng appliances na naiwan nakasaksak.

Please follow and like us:
Read More

MAGKAPATID NA PASLIT PATAY SA SUNOG; 2 PA SUGATAN

PATAY ang magkapatid na batang babae nang sumiklab ang sunog sa kanilang tirahan, Linggo ng umaga sa Caloocan City, habang sugatan ang dalawa pang bata na kapwa kapatid ng mga nasawi.

Sunog na ang katawan ng isang alyas Mikmik na natagpuan sa likod na bahagi ng kabahayan habang hindi na umabot nang buhay ang kapatid nitong 8-taong gulang.

Kritikal naman ang dalawa pang kapatid ng mga ito sa tinamong sunog sa katawan.

Nasa ospital ang mga tauhan ng City Social Welfare Department (CSWD) para alalayan sa pagpapagamot ng mga biktima. Sagot na rin ng CSWD ang pagpapalibing sa 2 bata.

Hindi pa batid sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Caloocan ang  pinagmulan ng sunog.

Subalit, ayon sa mga kapitbahay, matagal nang walang kuryente ang bahay ng mga biktima at tanging kandila lamang ang ginagamit.

Patuloy pang inaalam kung ang mga bata lamang ang nasa loob ng bahay nang maganap ang sunog.

 

Please follow and like us:
Read More

MISTER NASUNOG SA SAMPAYAN 

electrocution

(NI ANNIE PINEDA)

SA kagustuhang makatulong sa paglalaba sa kanyang misis, natusta ang isang mister makaraang makuryente habang nagsasampay sa ginawa nitong sampayan nang masagi ang livewire, sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang biktimang si Mohammad Kasan, 26, at residente ng Barangay Layog Maguindanao.

Batay sa report ng pulisya, bago ang insidente naglalaba ang asawa ng biktima habang gumagawa naman siya ng sampayan.

Pagkatapos nito ay nagkusang nagsampay ng mga nilabhan ng kanyang misis , subalit hindi nito napansin ang livewire.

Nasagi nito ang sampabayan dahilan para magkikisay at nasunog ang katawan nito na agad niyang ikinamatay.

 

Please follow and like us:
Read More

GASOLINAHAN NAGLIYAB 

(NI KIKO CUETO)

NANG dahil sa hindi pagpatay sa makina habang nagpapakarga, nasunog ang isang gasolinahan, sa Dapa, Surigao del Norte.

Sa report, sinasabing nagmula ang sunog nang magkarga ng gasolina ang isang tricycle driver nang hindi pinapatay ang makina.

Isang pump boy ang nagtamo ng paso sa insidente.

Dahil sa gasolina, nahirapan ang mga bumbero at inabot ng tatlong oras bago naapula ang apoy.

Kinailangan pang gumamit ng kemikal ang mga nagrespondeng bumbero para tuluyang mapatay ang apoy.

Tinatayang aabot sa isa’t kalahating milyong piso ang halaga ng nasunog.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNOG SA STAR CITY

STAR CITY

NASUNOG ang isang bahagi ng amusement park sa Pasay City na umabot sa task force bravo.

Ayon sa unang ulat, nagsimula ang sunog sa Star City sa “Snow World” kaninang alas-12 ng madaling araw na nadamay pati ang opisina ng Manila Broadcasting Company (MBC).

Mabilis na nakapag-responde ang mga bumbero para maapula ang sunog.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagkakasunog.

Please follow and like us:
Read More

AMA SINUNOG ANG SARILI, 4-ANYOS NA ANAK ISINAMA

fire

(NI ANNIE PINEDA)

BILANG isang anak, hindi natiis ng 4- anyos na batang lalaki na nakikita ang ama nito sa nasusunog nilang bahay, matapos umanong magpakamatay ang ama sa pamamagitan ng pagsunog , dahil umano pangungulila sa kanyang misis, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Negros Occidental.

Kinilala ang mga namatay na sina Rolin Alpar, 24, at anak na si John Gabriel, kapwa residente ng Purok Tuburan, Barangay Bacong, Bago City, Negros Occidental.

Batay sa report ng Bago City Police Station, hapon ng Biyernes, nang palabasin ng bahay ni Rolin ang kanyang anak at naiwan siya sa loob saka nagsunog.

Habang nag-aapoy ang bahay, nakita ito ng kanyang anak na nasusunog kaya dali-daling tumakbo papasok ng bahay ang bata para sana iligtas ang ama, pero maging siya ay nasunog.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidnete, nakitang magkayakap pa ang mag-ama na parehong sunog at wala nang buhay.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, plano talagang sunugin ni Rolin ang kanilang bahay dahil magpakamatay ito.

Ayon naman sa kapitbahay ng mag-ama, bago ang insidente, nag-iwan pa

ito ng video para sa kanyang misis na nagtatrabaho Saudi Arabia bilang domestic helper.

Dahil gawa lamang sa light materials ang bahay mabilis itong nilamon ng apoy.

Paniwala ng mga awtoridad posibleng nangulila ang matandang Alapar sa kanyang asawa at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kaya nagawa nitong sunugin ang bahay at magpakamatay subalit nadamay ang kanilang anak.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PASLIT NATUSTA SA 18-MINUTONG SUNOG

(NI ANNIE PINEDA)

SA loob lamang ng 18-minutong sunog, nalitson nang buhay ang isang batang lalaki nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay, kaninang umaga sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Mon Harry Anhao, 5, ng Sitio Proper Agus, Barangay Agus, Cebu City.

Batay sa report ng pulisya, dakong 9:17 kaninang umaga nang magsimula ang sunog sa isang gymansuim sa likuran bahagi ng bahay ng pamilya Anhao.

Kuwento ng ama ng biktima na si Pedy Anhao, hindi niya agad naisalba ng anak dahil nagluluto ito sa isang karinderya sa lugar.

Mabilis naman rumesponde ang mga pamatay-sunog at naapula ang sunog bandang alas 9:35 ng umaga kung saan natagpuan ang sunog na bangkay ng bata.

Sa insiyal na pagsisiyasat, lumabas na short circuit ang pinagmulan ng sunog mula sa nakasaksak na electric fan.

Please follow and like us:
Read More

CONSTRUCTION FIRM NILOOBAN, SINUNOG NG MGA ARMADO

fire

(NI KIKO CUETO)

PINASOK at sinunog ang mga heavy equipment ng isang construction company sa bayan ng Guimbal, Iloilo Miyerkoles ng gabi.

Sa report, pwersahang pinasok ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang Wilkinson Construction sa Barangay Igcocolo, alas-10 ng gabi.

Doon nila ginising at saka inipon sa iisang lugar ang mga tauhan ng kumpanya.

Maya-maya pa ay binuhusan ng gasolina ang mga gamit saka sinindihan.

Kabilang sa sinunog na heavy equipment ang backhoe at transmit mixer.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa pangingikil ng mga rebelde ang insidente.

“Hindi rin nila makilala kasi nakasibilyan ang mga ito. Kaya sa ngayon hindi pa malinaw kung ano ang motibo nila,” ani Guimbal fire marshal Russell Gotera.

May mga impormasyon umano na pinapadalhan ng extortion letter ang kumpanya ngunit hindi pa ito kinumpirma ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWA, PATAY SA 20-MINUTONG SUNOG  

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI nailigtas ang kanilang buhay ng mag-asawang doktor at nurse nang masunog ang tinutuluyan nilang bahay, Linggo ng madaling-araw sa Calbayog City,  Samar.

Kinilala ang mga namatay na sina Pacifico Maypa, 60, medical doctor, taga Iloilo City at misis nitong si Delie Mae Maypa, 57, nurse, taga Ozamiz City, at kapwa nakatira sa residential building na pag-mamay-ari ng Adventist Hospital sa Barangay P4, San Policarpio, Calbayog City, Samar.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:20 ng madaling araw ng Agosto 31, nang magsimula ang sunog sa tinutuluyang bahay ng mag-asawa.

Kaagad naman sumaklolo ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Calbayog at tuluyan naapula ang apoy bandang alas 4:40 ng madaling madaling araw.

Nang pasukin ang bahay natagpuan ang bangkay ng mag-asawa.

Please follow and like us:
Read More

BAGONG TAYONG PRESINTO TINANGKANG SUNUGIN

sultan kudarat

(NI NICK ECHEVARRIA)

BIGO ang apat na hindi pa nakikilalang kalalakihan sa tangkang panununog sa bagong tayong Community Police Assistance Center (Compac) sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat, Biyernes ng gabi.

Lumalabas sa report ni P/Capt. Herman Luna, Lambayong Municipal Police Station commander, na binuhusan ng gasolina ng apat na suspek ang naturang tanggapan ng Compac at saka sinindihan.

Napansin naman kaagad ito ng mga nagbabantay na tanod na nasa  hindi kalayuan sa nasabing lugar kaya hinabol ang mga suspek subalit nagawa ring makatakas ng mga ito.

Pinagtulungan namang apulain ng mga nagbabantay na tanod at ng mga residente ang nasabing apoy hanggang sa dumating ang mga nagrespondeng bumbero kaya bahagya lamang ang naging pinsala ng nasabing gusali.

Nakahanda namang magbigay ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Lambayong sa sinumang makapagtuturo sa mga nakatakas na suspek at sa iba pang responsable sa mga naganap na patayan sa kanilang komunidad.

Please follow and like us:
Read More

MAGLOLO PATAY SA SUNOG

fire

(NI ANNIE PINEDA)

NATUSTA nang buhay ang isang lolo samantalang patay din ang kanyang apo na nagtago sa loob ng banyo sa kasagsagan ng sunog sa kanilang bahay sa Cagayan de Oro City.

Sinasabing ang nahulog na itinitindang butane ang dahilan ng sunog na napunta sa may sinding katol.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bomidiano Ramoga, 64-, at apo na si Chester Ramoga, 12, kapwa residente ng Barangay Canitoan, sa lungsod.

Batay sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang ala 1:00 ng madaling araw sa tahanan ng pamilya Ramoga kung saan natagpuan ang sunog ng katawan ng lolo at habang nakita naman sa banyo ang apo na namatay sa suffocation.

Ayon sa asawa ni Bomidiano na si Corazon, nagising siya nang makaamoy ng nasusunog na bagay, kaya lumabas ito ng silid at dito na niya nakita ang makapal na usok sa kanilang sala dahilan para gisingin ang anak saka mabilis na lumabas ng bahay.

Tinangka pa niya sanang bumalik sa loob ng bahay para isalba ang mister at kanyang apo, pero hindi na niya nagawa sanhi ng malakas na apoy sa buong kabahayan.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng pamatay na sunog pero , tuluyan ng nilamon ng apoy ang buong kabahayan ng Ramoga habang bahagyang nasunog ang dalawang katabing bahay nito.

Paniwala ni Corazon, maaring nagkalkal ang pusa sa kanilang tindahan at nasagi ang mga paninda nilang daing hanggang sa nadamay ang tinitinda nilang tingi-tinging butane at napatakan ang katol na nakasindi na naging sanhi ng sunog.

Sinabi pa nito na gumagamit ang kanyang anak ng katol kapag natutulog.

Please follow and like us:
Read More

2 RETIRADONG GURO, NALITSON SA SUNOG

fire

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang dalawang retiradong guro na na-trap sa  nasusunog nilang bahay sa magkakahiwalay na insidente sa  lalawigan ng Pangasinan at Batangas, Martes ng madaling araw.

Sa unang insidente na iniulat ng  Pangasinan Police,  alas -12:20 ng madaling  araw  nang masunog ang bahay ni Nora Erfe , 89, biyuda, retiradong guro at residente sa Brgy. Poblacion, San Fabian, Pangasinan.

Sa salaysay ng  isa sa mga kapitbahay at kapamilya ng biktima na si Ann Erfe, 37, nagsimula mismo ang sunog sa silid ng matanda  sanhi ng natumbang kandila sa altar kung saan mabilis kumalat ang apoy nito.

Dahil sa nilalamon ng malaking apoy ang buong kabahayan, hindi nagawang mailigtas pa ang biktima.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang matanda nang marekober ito sa loob ng banyo nang maapula ang sunog ganap na ala-1:00 ng madaling araw.

Samantala sa  isa pang insidente ng sunog ang naganap dakong alas- 2:30 naman ng madaling araw sa isang tahanan sa Brgy. Sampaga, Batangas City kung saan nakulong din ng apoy ang isa pang retiradong guro na si Celering Alday Sultera .

Nagulantang na lamang umano ang mga residente sa lugar nang makitang nilalamon ng apoy ang tahanan ni Alday na nasawi sa insidente matapos na ma-trap sa sunog.

Naapula naman ang apoy ng mga nagrespondeng pamatay sunog bandang alas-3:32 ng madaling araw  at narekober  ang sunog na katawan ng biktima.

Inaalam pa ang lawak ng pinsala at halaga na iniwan ng sunog.

Please follow and like us:
Read More

4-ANYOS PATAY SA SUNOG

fire

(NI KIKO CUETO)

ILOILO CITY — Hindi pinalad ang isang 4-taong gulang na batang lalaki nang mamatay dahil sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, Iloilo City Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Daniel John Peralta, na nakita ng mga bumbero sa loob ng banyo.

“Duda kami na sarado ang pintuan kaya hindi siya nakalabas,” ani Iloilo City fire marshal Christopher Regencia.

Sa imbestigasyon, sinasabing nagsimula ang sunog pasado alas-9 ng gabi ng Martes at mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang tatlong bahay.

Nakaligtas ang mga magulang at dalawang kapatid ni Peralta. Ayon sa kanila, mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi nila namalayan na naiwan ang bata.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog habang tinatayang nasa P75,000 ang danyos nito. 

 

 

Please follow and like us:
Read More

NEWLY GRAD, 2 PASLIT, NATUSTA SA SUNOG

sunog

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang dalaga na bagong graduate sa kolehiyo habang dalawang mga paslit naman ang nasawi makaraang malitson sa nasunog na boarding house sa Salem Street Barangay Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat, hapon nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sweetzel Mae Natabio, 22, dalaga;  Prince Ryan Gillona, 5, at Julliane Heart Hitalia, 5, pawang mga residente sa lugar.

Tatlong bahay ang tinupok ng apoy sa isang compound na pag-aari ni Arlene Relator.

Ayon kay Marivic Natabio, ina ni Sweetzel Mae, nangyari ang sunog alas-3:30 ng hapon  kung saan bigla umanong nagliyab ang boarding house. Dahil sa laki ng apoy ay hindi na nakalabas ang mga biktima.

Naabo na ang bahay nang abutan ng mga bombero dahil gawa lang ito sa kahoy o light materials.

Please follow and like us:
Read More