AWOL NA SUNDALO KALABOSO SA SHABU

shabu300

BULACAN – Natimbog sa ikinasang buy-bust operation ang isang AWOL (absent without official leave) na sundalo ng Philippine Army (PA) sa Barangay Pulong Gubat, sa bayan ng Balagtas sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ni Bulacan PNP acting director P/Col. Emma Libunao ang arestadong suspek na si Jomel Cordez, 38, may-asawa, tubong Camarines Sur at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar. Base sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-11:30 ng umaga nang madakip ang suspek sa buy-bust operation na ikinasa ng Bulakan Police at Balagtas Police. Hindi na nakapalag ang…

Read More

2 SUNDALO NALASING, NAGWALA, KINULONG 

(NI ANNIE PINEDA) KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang kasapi ng Philippine Marines (PM), makaraan arestuhin ng mga pulis nang magpaputok at manipa ng may-ari ng tindahan ng alak, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City. Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Sergeant Franz Dominik Principe nakatalaga sa Lanao del Sur at Private First Class Vicente Catunao Jr.  na nakatalaga naman sa Tawi-tawi, at kapwa residente ng Brgy. Abangay, Dingle, Iloilo. Batay sa report ng Dingle Municipal Police Station, magkasamang nag-inuman ang dalawa sa isang kiosk sa bayan ng Dingle, Iloilo…

Read More

SUNDALONG NAN-RAPE SA VAN, TINARAKAN NG GUNTING SA SELDA 

(NI ANNIE PINEDA) SUGATAN ang sundalo na gumahasa sa dalagitang special child matapos atakihin ng gunting sa loob ng kulungan ng pinsang babae ng biktima, iniulat kaninang umaga sa Bacolod City. Ginagamot sa ospital ang suspek na si Deo Balangen, 32, tubong Benguet, at miyembro ng 12th Infantry Battalion-Philippine Army sa Bacolod City. Nahaharap naman sa kasong frustrated murder, ang 24-anyos na babaeng hindi pinangalanan, na pinsan ng biktima matapos saksakin ng gunting si Balangen. Batay sa report, bandang alas 2:00 ng madaling nang atakihin ng pinsan ng biktima na…

Read More

MIYEMBRO NG AFP NANUTOK NG BARIL SA BILYARAN

(NI DONDON DINOY) ISANG miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kinasuhan ng mga otoridad matapos magreklamo ang isang sibilyan na tinutukan siya nito ng baril sa isang inuman sa Catalunan Grande, noong Sabado. Sa ulat ng Talomo Police Station, kinilala ang isang opisyal ng militar na si Sergeant Stephen Alintano Balquedra, 32, nakadestino sa 6th Scout Ranger Company, 2nd Scout Ranger Battalion (SRB), na nakabase sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur. Narekober sa suspek ang isang rock island armory na caliber .45 pistol, may kasamang magazine…

Read More

SUNDALO PATAY SA KABARO

(NI KOI HIPOLITO) DEAD on the spot ang isang sundalo matapos barilin ng nakasagutan na kasamahan, Miyerkoles ng madaling sa Western Bicutan, Taguig City. Namatay si Pfc. Gerald Niko Del Pilar, aktibong miyembro ng Armed Forces at naka-assign sa MPBN HHSG sa Fort Bonifacio. Arestado naman ang suspek na sina Sgt.John Necesito, 33, na nakadestino sa Light Reaction Regiment ng AFP at Jepoy Arcilla habang nakatakas ang tatlong iba pang kasabwat na patuloy na inaalam ang mga personalidad. Sa imbestigasyon ng Taguig City police station, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo…

Read More

4 SUNDALO, 6 PA PATAY SA AKSIDENTE

accident12

(NI JG TUMBADO) DEDBOL ang apat na sundalo gayundin ang anim na iba pa sa magkakahiwalay na aksidente sa Samar, Bohol at Isabela. Maliban sa apat na sundalong namatay, tinatayang pitong indibidwal pa ang nasugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa national highway sa Barangay Apolonia, Paranas, Samar. Sa inisyal na impormasyon mula kay Police Col. Maria Delia Rentuaya, naganap ang aksidente dakong alas-9:00ng umaga ng Martes. Sangkot sa insidente ang wing van truck, Hilux at traysikel. Kabilang sa mga nasawi sina SSgt Crisostomo Gabuay; Sgt. Sherwin Antonio; Sgt.…

Read More

6 SUNDALO NAPASLANG, 20 SUGATAN SA SAGUPAAN SA SAMAR

(NI AMIHAN SABILLO) ANIM na sundalo ang napaslang at 20 ang sugatan habang isa sa panig ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa sagupaan ng mga ito, Lunes ng gabi sa Eastern Samar. Ayon kay P/Col. Lito Abriz, Provincial Director ng Eastern Samar Provincial Police Office, nangyari ang engkuwentro sa Sitio Bangon, Brgy. Pinana-an, Borongan City. Nagsasagawa umano ng focused military operations ang mga miyembro ng Army’s 14th Infantry Battalion sa lugar ng makasagupa ang humigit kumulang 50 rebelde kung saan isa ang nasawi. Gayunman, bago sumiklab ang bakbakan,…

Read More

SUNDALO NAGWALA SA KTV, ARESTADO

arrested76

(NI JG TUMBADO) ARESTADO ang isang aktibong tauhan ng Philippine Marines makaraan itong magwala sa loob ng isang KTV bar sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Taytay, Palawan. Nakilala ang suspek na si Private First Class Louie Nietes Geonanga, 27, residente ng Barangay Paglaum. Base sa report ng pulisya, mag alas 11:00 ng gabi ng Lunes nang maganap ang pagwawala nito sa loob ng bar sa labis na kalasingan. Naglabas umano ng baril si Geonanga at iwinasiwas ito sa mga taong nasa loob ng bar at maging sa mga umaawat…

Read More

SUNDALO, BEBOT, HULI SA DROGA

arrested12

(NI BONG PAULO) ARESTADO ang isang miyembro ng sundalo na sinasabing High Value Target at ang isa pa nitong kasamang babae matapos ikasa ng mga operatiba ng pulisya ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa Barangay New Bunawan, Tulunan, North Cotabato, Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Sgt. Oscar Dapriza, detachment commander sa Barangay Lampagang, Tulunan, sa ilalim ng Delta Company ng 39th IB, Philippine Army, at ang isa pa na si Myrene Ferino, 45, ng Glan, Sarangani Province. Ang operasyon ay inilunsad alas-2:45 ng hapon…

Read More

2 SUNDALO, 2 REBELDE UTAS SA SAGUPAAN

militarynpa123

(NI JG TUMBADO) UTAS ang dalawang miyembro ng Philippine Army habang dalawang rebelde rin ang namatay sa bakbakan sa Calbayog City, Samar, Sabado ng umaga. Dakong alas-7:15 ng umaga nang maka-engkuwentro ng mga tauhan ng 43rd Infantry Battalion ang tinatayang pitong armadong miyembro ng New People’s Army na pinamumunuan ng isang Salvador Nordan, alyas Badok, at Gahi sa Barangay Olera. Nangingikil umano ang mga komunista kaya’t nirespondehan ng mga sundalo. Tumagal ng dalawang oras ang sagupaan bago bumulagta ang apat. Narekober din ng militar ang dalawang M14 rifle na pinaniniwalaang pag-aari…

Read More

SAFEHOUSE NG KFR GROUP SINALAKAY, 1 PATAY

(NI JG TUMBADO) NAPATAY sa pakikipagbarilan ang isa sa mga miyembro ng Kidnap for ransom (KFR) group na isinasangkot din sa pagdukot ng ilang mga opisyales ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa kanilang hideout sa Marilao, Bulacan. Armado ng search warrant, nilusob ng pinagsanib na puwersa ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office 3, PNP-Highway Patrol Group, Bulacan Provincial Police at PNP Anti Kidnapping Group, ang pinagkukutaan ng grupo kung saan napatay ang 41-anyos na KFR member na si Leo…

Read More

SUNDALO NABIKTIMA NG INVESTMENT SCAM, NAG-SUICIDE 

suicide16

(NI ANNIE PINEDA) DAHIL umano sa malaking halagang pagkakautang, nagawa umanong tapusin ang sariling buhay ng isang kasapi ng Philippine Army (PA) sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili, iniulat nitong Miyerkoles sa Cagayan de Oro City. Kinilala ang biktimang si Army Technical Sgt Rogelio Asuncion, 43, miyembro ng 4th ID, Philippine Army , tubong Negros Occidental ng Western Visayas, at naka-assign sa Camp Edilberto Evangelista, Barangay Patag, ng nasabing lungsod. Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang biktima sa loob ng nasabing kampo na naliligo sa sariling dugo…

Read More

SUNDALO HULI SA BUY BUST SA QC

(NI JEDI PIA REYES) KALABOSO ang isang aktibong sundalo gayundin ang dalawang iba pa sa anti-illegal drugs operation sa Barangay Tatalon, Quezon City. Natukoy ang suspek na sundalo na si Staff Sergeant Rector Baguioso, miyembro ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army at kasama niyang dinampot sina Don Samson at Marilyn Gomez. Nabatid mula kay Quezon City Police District Station 11 Commander Police Colonel Alex Alberto, target ng operasyon sina Samson at Gomez na una nang nabilhan ng pinaniniwalaang shabu ng isang poseur buyer sa bahagi ng Leo Street ng nasabing…

Read More

AKTIBONG SUNDALO HULI SA BUY BUST OPERATION

SHABU-ARRESTED

(NI JESSE KABEL) ISANG tauhan ng Philippine Army ang dinakip ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 31-D, Davao City Huwebes ng gabi. Sa ulat ng Davao City Police Huwebes ng gabi, isang active member ng Philippine Army 10th Infantry Division sa Mawab Compostella Valley  na may ranggong  staff sergeant ang inaresto ng kanilang mga tauhan . Nakumpiska sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu at isang pakete ng umano’y marijuana. Ayon sa suspek, nag-optional retirement siya noong Nobyembre at naghihintay na lang…

Read More

SUNDALO NABARIL NG LIVE-IN PARTNER SA MOTEL

(NI JESSE KABEL) PATULOY na inaalam ng mga imbestigador ang motibo sa pagbaril at pagkamatay ng isang aktibong sundalo ng kanyang kinakasama sa loob ng motel sa Catbalogan, Samar. Sa ulat ng Catbalogan City PNP masusi nilang ini-imbestigahan ang pagkasawi ng 31 anyos na si  PFC Carmelo Batocoy Jr. na umano’y aksidenteng nabaril ng kanyang kinakasama sa loob ng motel. Si Batocoy ay kasalukuyang nakadestino sa 8th Infantry Division ng Philippine Army bilang miyembro ng kanilang banda. Ayon sa report na hawak ng Samar Police Provincial Office, nag-check in sa naturang…

Read More

SUNDALO NAGWALA; ARESTADO SA BARIL, BALA

huli

(NI MAC CABREROS) ARESTADO ang isang security officer at Philippine Army reservist dahil sa pagwawala at pagpapaputok ng baril sa Pasig City. Sasampahan ng kasong alarm and scandal at paglabag  sa RA10591 si Mark Anthony Garcia, 39. Sa ulat, alas-4:45 ng hapon ng Linggo nang arestuhin si Garcia sa Sto. Nino St. corner Gate 3, SPS Compound, Brgy. Rosario, Pasig  City. Nakatanggap ng impormasyon si Michael Mora, barangay security force, na may kaguluhan sa lugar kung saan may nagwawala at nagpaputok ng baril. Humingi si Mora ng responde mula sa…

Read More

SUNDALONG NAKALIGTAS SA GIYERA PATAY SA AKSIDENTE

accident12

(NI JG TUMBADO) ISANG sundalo na pauwi para sa bakasyon ang nasawi matapos masangkot sa aksidente sa bayan ng Naga, Zamboanga Sibugay, araw ng Huwebes. Dead on the spot ang biktima na si Sergeant Enerio Sergio Soriano, 34,  nakatalaga sa 18th Infantry Battalion na nakabase sa Basilan. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo nang sumalpok ito sa isa pang motorsiklo na kasalubong nito sa bahagi ng national highway sakop ng Barangay Aguinaldo dakong alas-7:00 ng umaga. Sa lakas umano ng banggaan ng dalawa ay kapwa…

Read More

RESBAK NG BIFF: OFF DUTY NA SUNDALO ITINUMBA

(NI BONG PAULO) COTABATO CITY – Pinaniniwalaang resbak ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang panibagong pagpaslang sa isang sundalo nang tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek sa Barangay Semba Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, nitong linggo ng gabi. Sa ulat na nakarating kay Maguindanao police provincial director Sr. Supt. Ronald Briones na walang dalang armas si Corporal Sahelbasar Alaja, squad leader ng 90th Infantry Battalion ng Philippine Army nang mangyari ang pananambang sa Barangay Semba, ito dahil sa naka off duty ang sundaloo nang maganap ang insidente.…

Read More

GRANADA NASABAT SA ‘SUNDALO’ SA MRT

sundalo22

INAALAM pa ng awtoridad ang motibo ng isang lalaking nahulihan ng granada sa MRT Cubao station, Sabado ng gabi. Patuloy na isinasailalim sa interogasyon sa Cubao Police Station ang suspect na nagsabing dati siyang sundalo. Nabatid na ang suspect ay pasakay na ng MRT-3 bandang alas-7:10 ng gabi nang makita habang idinadaan sa x-ray machine ang bitbit nitong granada na nasa loob ng kanyang backpack. Nang tanungin sinabi nito na wala syang balak gamitin sa pampasabog o lumikha ng karahasan dahil dadalhin lamang umano niya ang granada sa kapatid nito…

Read More

11 SUNDALO SUGATAN SA PINASABOG NA IED NG NPA

ied

LABING-ISA sundalo ang sugatan matapos makasagupa ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Compostela Valley araw ng Miyerkoles. Nabatid kay Capt. Jerry Lamosao, tagapagsalita ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, alas 10 ng tanghali ng maganap ang sagupaan sa pagitan ng 10th Division Reconnaissance Company at 25th Infantry Battalion at ng mga rebelde sa Sitio Tinago, Brgy. Mt. Diwalwal sa bayan ng Monkayo. Sinabi ni Lamosao na iniulat ng mga residente sa mga sundalo ang presensya ng NPA sa lugar na nagre-recruit umano ng mga bagong…

Read More