BABALA NG NWRB: POSIBLENG MAWALAN NG TUBIG SA SUMMER

(NI KIKO CUETO)

POSIBLENG muling magbalik ang mahina o walang tulo ng tubig sa gripo dahil hindi pa rin sapat ang mga pag-ulan para punan ang kakulangan ng imbak na tubig sa Angat Dam.

Sa ngayon, ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nasa 202.6 meters.

Mas nababa ito sa 212 meters na normal high water level.

Ito rin ang itinuturong dahilan ng National Water Resources Board kaya’t hindi nila maibalik ang water allocation na46 cubic meters per second mula sa kasalukuyang  40 m³/s, sa Manila Water at Maynilad.

“Kailangan po nating ma-manage ang supply para mapaabot… hanggang sa summer po, bago po ang mga pag-ulan. Kaya sa ngayon po, hindi pa ho natin maibabalik sa normal na alokasyon,” sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. sa panayam sa DZMM.

“Posible po talagang magpapatuloy iyong hindi normal na serbisyo ng tubig para sa kababayan po natin,” dagdag nito.

Nagkaroon ng rotational water service interruptions sa Metro Manila mula noong October 2019.

Nitong Marso, walang tumulo na tubig sa gripo sa malaking bahagi ng Metro Manila nang bumagsak sa below critical level ang tubig sa Angat Dam.

 

Please follow and like us:
Read More

TAG-INIT SA TAG-ULAN, PAGASA NAGPALIWANAG

(NI KIKO CUETO)

IPINALIWANAG ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kung bakit sa panahon ng tag-ulan ay tila mala-summer ang init ng panahon.

Ayon sa Pagasa, ang mga mauulap na papawirin sa Metro Manila ang siyang suspek sa init, dahil iniipit nito ang iniaakyat na init mula sa lupa at hindi hinahayaang makalabas sa kalawakan.

Ito rin ang dahilan kung bakit mainit ang temperatura tuwing gabi.

“Fair weather po kasi iyong ini-expect natin for the next 3 days so possible po na medyo maaraw po talaga iyong magiging panahon natin,” paliwanag ni Pagasa weather forecaster Ezra Bulquerin.

“Then medyo cloudy rin po sa ibang areas so pagdating ng gabi, iyong init na dapat lalabas, nata-trap. ‘Pag gabi, medyo mainit po ang nararamdaman natin,” dagdag niya.

Ang Bagyong Onyok, na lumabas ng bansa noong Lunes, ay posible namang magpaulan sa malaking bahagi ng northern Luzon, lalo na sa Batanes.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng mainit na temperatura na may kalat-kalat na ulan.

Inaasahan naman ng Pagasa ang dalawa hanggang tatlong bagyo ang papasok ngayong Oktubre.

 

Please follow and like us:
Read More