700 KILO NG PANGGAWA NG BOMBA NASABAT

patikul sulu12

(NI AMIHAN SABILLO)

UMAABOT sa 700 kilo ng ammonium nitrate na sangkap na panggawa ng bomba, at isang 81mm mortar fuse ang narekober ng mga tropa ng Joint Task Force Sulu sa Brgy. Latih, Patikul, Sulu.

Ito ang inihayag ni Lt. Col. Gerald Monfort, kung saan natagpuan ang pampasabog matapos isumbong ng mga residente sa 63rd Mechanized Company ng 1st Brigade Combat Team (1BCT) ang pinaghihinalaang explosive device sa isang abandonadong bahay sa kanilang barangay nitong Sabado.

Sinabi ni BGen Leopoldo Imbang Jr, Commander of the 1BCT na kalimitang nagpre-‘preposition’ ng mga pampasabog ang ASG  sa labas ng Metro Jolo para i-pick up at i-deliver ng ibang mga ASG members.

Gayunman, hindi nila inaasahan na makita ang ganito kalaking pampasabog sa kanilang isinagawang search.

Paliwanag naman ni P/Col Pablo Labra, Sulu PPO Director, base sa kanilang forensic examinations, ang mga pampasabog na ginamit sa Jolo Cathedral at Brgy. Tanjung, Indanan bombings na may ammonium nitrate ay signature na gamit sa bomba ng ASG.

Inihayag naman ni Joint Task Force Sulu Commander Major General Corleto Vinluan, Jr., na malaking kapinsalaan ang naiwasan dahil sa pagkarekober sa pampasabog.

Please follow and like us:
Read More

2 POLICE ESCORT NG MGA GURO, SUGATAN SA AMBUSH

patikul sulu12

(NI NICK ECHEVARRIA)

DALAWANG pulis ang sugatan habang inihahatid ang mga guro mula sa Department of Education (DepEd), sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu, Lunes ng umaga.

Naganap ang insidente sa Brgy. Igasan, Patikul, Sulu bandang alas-7:45 ng umaga habang nagsasagawa ng route security ang nasabing mga pulis bilang escort ng mga guro na nakatalaga sa Silangang bahagi ng Patikul nang paulanan ng bala ng mga bandido.

Sa report ng Police Regional Office BARMM kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac, nakilala ang dalawang sugatang pulis na sina P/Cpl. Angelo Canapi at P/Pat. Nijar Awwalon, ng 2nd Mobile Force Company ng Sulu Provincial Police Office.

Dahil sa pananambang nagtamo ng tama bala ng baril sa kanang braso si Canapi samantalang sa  noo naman nasugatan si Awwalon na kapwa dinala sa  Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa Brgy. Busbus, Sulu para lapatan ng lunas.

Kaagad namang ipinag-utos ni PRO-BARMM Director P/BGen. Marni Marcos ang pagtugis sa mga salarin para papanagutin sa batas.

Hinangaan naman ng pamunuan ng Philippine National Police, ayon kay Banac, ang dalawang pulis na hindi natinag sa malalakas na armas ng mga salarin na nakaligtas sa ambush sa pagganap ng kanilang sinumpaang tungkulin.

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU SA PUMP BOAT NASABAT NG PH MARINES

(NI JESSE KABEL)

LIMANG kalalakihan na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf  at 28 heat sealed  plastic sachets na naglalaman ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Marine Battalion Landing Team 8 ng Philippine Navy Marines at Banguingui Municipal Police Station sa karagatang sakop ng Brgy Tainga, Bakkaw, sa lalawigan Sulu.

Ayon kay Capt, Felix A. Serapio, Phil. Navy (Marine) Director, Marine Corps Public Affairs Office, isang joint law enforcement ang kanilang inilunsad matapos makatangap ng intelligence information hinggil sa mga hinihinalang drug dealers at mga kasapi ng Abu Sayyaf terror group na parating mula sa karagatang sakop ng barangay Tainga.

Nang harangin ng awtoridad ang dalawang pump boat na itinuro ng mga impormante ay na-recover sa mga hinihinalang ASG members ang mga hinihinalang shabu na nasa 28 plastic sachets, mga drug paraphernalia at isang magazine assembly para sa  caliber 45 at may limang bala.

Agad na dinala ng mga sundalo ang kinumpiskang droga at dalawang pump boat, kasama ang limang suspek, sa Bangungui Municipal Police Station para sa paghahain ng kaukulang kaso.

Please follow and like us:
Read More

2 EGYPTIAN SUICIDE BOMBERS NASA SULU — INTEL 

(NI JESSE KABEL)

MAY mag asawang Egyptian national ang sinasabing nakapasok na sa area ng Sulu para magsagawa ng pagpapasabog at target ng dalawang suicide bomber ang dalawang simbahan sa nasabing lalawigan,

Ito ang intelligence information na ibinahagi sa media ngayong Martes ni  Prof. Rommel Banlaoi, chair of the Philippine Institute for Peace and Violence at Terrorism Research Professor.

Ayon kay Professor Banlaoi, misyon ng dalawang Egyptian national na isakatuparan ang iniatas na pagpapasabog sa mga target na ibinigay sa kanila.

Bukod dito, layunin din umano ng mga ito na hikayatin ang mga local terrorist na magsagawa ng suicide bombing.

“They are here to really carry out the instruction of the Islamic state to conduct intermittent bombing operations in the Philippines and to encourage the locals to conduct suicide bombings as their most effective weapons for jihad,” ani Banlaoi.

Ang sinasabing Egyptian couple ay may kaugnayan din umano  sa Indonesian couple na nagsagawa ng suicide attack sa Jolo cathedral noong nakaraang taon na kumitil ng pito katao. Kasalukuyang bina-validate ng military at kapulisan ang nasabing ulat hinggil

sa panibagong suicide bomber na nakapuslit papasok ng Pilipinas at umano’y kinukupkop ng Abu Sayyaf group sa ilalim ng pamumuno ni Hajan Sawadjaan.

Suportado umano ang mga ito ng iba pang foreign terrorists.

Sinasabing  target ng grupo na pasabugan ang  Carmel of Mary Immaculate at  Saint Therese of the Child Jesus Church sa  Bgy Bus-bus, Jolo, Sulu at isasagawa  ito ng Egyptian couple na kinilalang si alyas Abu Abdurahman at asawa nito.

Magugunitang may tatlong insidente na ng suicide bombing ang naitala ng mga awtoridad, kabilang na ang pinakahuling pagsabog na isinagawa umano ng isang  Filipino suicide bomber sa gate ng Army First Brigade Combat team, na ikinamatay ng walo katao.

Una rito, inihayag ng isang opisyal ng DILG na patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang ilang trained suicide bombers na nakapuslit sa bansa.

” Kasi meron pa tayong foreign terrorists na hinahanap na trained suicide bombers, hanggat hindi natin na-neutralize itong mga ito, hindi natin masasabing safe talaga completely yung ating key cities sa Mindanao,” paliwanag pa ng opisyal.

Please follow and like us:
Read More

TAWI-TAWI, SULU, BANTAY SARADO SA DINUKOT NG 10 MALAYSIAN

tawitawi12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NANINIWALA ang militar na nasa  Sabah, Malaysia pa rin ang mga bandidong dumukot sa 10 Malaysian nationals na naunang napaulat na mga Filipino na mangingisda na lulan ng dalawang fishing boats.

Ito ang pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., kasunod ang utos sa militar na mahigpit na bantayan ang Tawi-Tawi at Sulu.

Sa intelligence report ng AFP,  inilipat umano ng Malaysian kidnappers ang 10 bihag sa mga bandidong Abu Sayyaf, kaya posibleng sa Tawi-Tawi o Sulu dalhin ang mga ito dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad ng bansang Malaysia sa kanilang mga boarders.

Sa kasalukuyan, patuloy ang mahigpit na  koordinasyon ng AFP sa Malaysian authorities simula pa nang mapaulat ang kidnapping sa karagatang sakop ng Lahad Datu, Sabah nitong Martes.

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 BATA BIKTIMA NG GIYERA SA SULU; 6 ASG PATAY DIN

patikul sulu12

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY ang dalawang bata makaraang maipit sa giyera ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu,  Sabado ng hapon.

Ayon sa impormasyong ipinarating ng Joint Task Force Sulu, nagsasagawa ng community support program activities sa Barangay Igasan ang mga miyembro ng 6th Special Forces Battalion dakong alas-5:00 ng hapon nang umatake umano ang tinatayang 30 miyembro ng bandidong grupo.

Namatay sa kalahating oras na bakbakan ang mga biktimang may edad isa at 12 habang nasugatan naman ang dalawa pang sibilyan at limang sundalo.

Anim naman ang nasawi at pito ang nasugatan sa panig ng ASG.

Naniniwala si Brig. Gen. Divino Rey Pabayo Jr., commander ng Joint Task Force Sulu, na desperado ang ASG na takutin ang mga residente na pinaghihinalaan umano ng grupo na nakikipagtulungan sa militar.

“The death of the 2 innocent children and the wounding of 3 other civilians are indicative of the ASG’s desperate actions of sowing fear among the local populace,” ani Pabayo.

Please follow and like us:
Read More

6 SUGATAN SA BARILAN HABANG BUMOBOTO SA SULU

crime100

(Ni NELSON S. BADILLA)

ANIM na tauhan ng magkalabang kandidato sa pagka-alkalde sa Panglima Estino, Sulu ang nasugatan nang magkabarilan habang bumoboto, Lunes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga sugatan na sina Asiri Sajaani, 65, Ibno Sahipa, 64, Barree Abih, 46, Ommal Hasan, 57, Nadzra Munib, 41, at isang alyas “Aduwin.”

Ayon sa tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WesMinCom) ng Philippine Army (PA) na si Colonel Gerry Besana, nagkaroon ng ‘armed confrontation’ ang mga tauhan ng dalawang kandidato sa pagkaalkalde ng nasabing bayan kung saan anim sa kanila ang sugatan.

Ani Besana, alas-6:35 ng umaga nang maganap ang insidente o mahigit kalahating oras mula nang magsimula ang pagboto ng mga botante sa nasabing bayan.

Aniya, natigil lamang ang barilan nang dumating ang tropa ng mga sundalo.

Itinakbo sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan.

 

Please follow and like us:
Read More

PINSAN NI SAHIRON, 8 IBA PA, PATAY SA ENGKWENTRO SA SULU

patikul sulu12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang Abu Sayaff Group (ASG) sub-leader na pinsan at kanang kamay ni Radullan Sahiron kasama ang walong iba pa sa apat na magkakasunod na engkwentro laban sa militar sa dalawang magkalapit na barangay sa Patikul, Sulu.

Nakilala ang napatay na sub-leader na si Julie Ikit makaraang makasagupa ang pwersa ng mga tauhan ng 32nd Infantry Battalion (32IB) nitong Huwebes ng alas-10:37 ng umaga.

Nabatid na nasa 120 mga miyembro ng ASG, sa pamumuno ni Sahiron at Hatib Hajan Sawadjaan, ang nakaengkwentro ng militar sa Sitio Bud Taming,  Brgy., Panglayahan, Patikul sa nasabing lalawigan na tumagal ng 45 minuto.

Matapos ang unang engkuwentro, nasabat naman ng blocking force ng 1st Scout Ranger Battalion ang mga nagsisitakas na bandidong ASG sa Sitio Kan Isnain, Brgy. Kabun Takas sa nabanggit ding bayan ganap na alas-3:45 ng hapon.

Nasorpresa umano ng blocking force ng mga rangers ang mga ASG na napilitang maghiwa-hiwalay at naiwan ang bangkay ng isa nilang kasamahan na narekober naman ng militar.

Sa patuloy na pagtugis ng Scout Rangers, muli nitong naka-engkwentro ang isang maliit na grupo ng mga tumatakas na terorista isang kilometro ang layo mula sa Sitio Kan Isnain ganap na alas-5:00 ng hapon.

Makalipas ang 45 minuto, nakasagupa namang muli ng mga tauhan ng 32IB habang nasa blocking position ang isa pang splinter group ng ASG na tila mga dagang nasukol na agad nagsipuslitan sa iba’t-ibang direksyon para makatakas sa pwersa ng militar.

Ayon sa ulat pito pang ASG  ang nasawi habang 19 ang malubhang nasugatan sa mga sumunod na bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng militar at mga tumatakas na terorista nitong Huwebes.

Ayon naman kay Brigadier General Divino Rey Pabayo Jr,  Commander ng Joint Task Force Sulu, malaking dagok sa ASG ang pagkamatay ng kanang kamay ni Sahiron at walo pa nitong kasamahan gayundin ang malubhang pagkakasugat ng 19 sa kanila.

Pinasalamatan din ni Pabayo ang patuloy na kooperasyonng ibinibigay ng lokal na komunidad sa lugar na nagresulta sa matagumpay na operasyon ng militar at nagpataas sa moral ng mga tumutugis na sundalo.

 

Please follow and like us:
Read More

3 ABU SAYYAF TODAS SA 10-MINUTONG BAKBAKAN

abu12

(NI JG TUMBADO)

TATLONG miyembro ng ISIS-inspired terror group na Abu Sayyaf ang iniulat na napatay ng militar sa sagupaan sa bulubunduking bahagi ng Simisa Island, Barangay Banguigui, Sulu Linggo ng umaga.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Gerry Besana, ng Western Mindanao Command (Wesmincom), nakabakbakan ng Marine Battalion Landing Team 3 ang nasa 20 armadong terorista sa  nabanggit na lugar dakong alas 7:58 ng umaga.

Tumagal umano ng may 10 minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong tauhan ni ASG sub leader Najir Arik.

Wala naman umanong nasugatan o napatay sa panig ng mga sundalo na nangunguna rin sa pagtugis sa mga tumakas na teroristang grupo.

Nagsasagawa pa umano ng clearing operations ang militar sa lugar ng engkuwentro.

Please follow and like us:
Read More

KUTA NG SAYYAF BINOMBA, MARAMI PATAY

militar

(NI JESSE KABEL)

KASALUKUYANG hinahanap at kinukumpirma ng AFP Joint Task Force Sulu ang ulat na nasa sampung  Abu Sayyaf ang napaslang sa sinagawang aerial bombardment sa laban sa mga teroristang grupo na namataang nagtitipon tipon sa bulubunduking bahagi ng Kabuntakas , Patikul Sulu simula pa noong Biyernes.

Ayon kay Philippine Army  Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, commander ng  Joint Task Force Sulu, kasalukuyang nilang sinususyod ang kabundukan at lubahang nahihirapan ang kanyang mga tauhan dahil sa lawak at sukal ng area.

Nabatid na base sa human intel report at impormasyong nakalap mula sa mga civilian asset ay nasa siyam hanggang sampu na ang napapaslang ng military ng simulan ang air at ground strikes.

Ayon kay Pabayo, “may mga report pero hindi pa ma-confirm dahil report lang e, wala pang body count talagang nakuha e, may mga natamaan pero nadala, nabitbit  nila… di namin ma-pinpoint pa e, maraming nagsabi may sampu, may syam, wala pang confirmation

Sinabi pa ni Pabayo na hindi kaagad makadikit ang tropa dahil sa madawag ang lugar at ilang bundok ang kailangan daanan ng tropa na nag iingat dahil sa ulat na nasa 200 ASG ang nagtitipon tipon bago sinagawa ang pag atake.

Sinasabing nagsama ang puwersa nina Radulan Sahiron at Hajan Sawadjaan na pinaniniwalaang naghahanda para sa isang malaking pananalakay o pananabotahe sa inuumpisahang Bangsamoro Transition Government.

Namataan ang pagsasanib ng may 200 puwersa ni Sahiron at Sawadjaan sa bulubunduking bahagi ng patikul kaya isinagawang ‘surgical airstrike’ ng Armed Forces of the Philippines Biyernes ng umaga.

 

Please follow and like us:
Read More

MILITAR NAKASAGUPA SA 20-MINUTONG BAKBAKAN, ASG ATRAS

abu12

(NI BONG PAULO)

PATULOY ngayong tinutugis ng mga sundalo ang mga tumakas na kasapi ng bandidong Abu Sayyaf matapos na maka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan ang mga ito sa bulubunduking bahagi ng Barangay Upper Binoang, Talipao, Sulu nitong Sabado ng umaga.

Nagsimulang magkabakbakan ang mga ito alas-6:30 ng umaga matapos na magsagawa ng opensiba ang Task Force Sulu (JTFS) laban sa mga bandidong ASG.

Ang JTFS na kinabibilangan ng special forces ay nagsagawa ng security operation ng makasagupa ang nasa 10 mga Abu sayyaf sa Barangay Upper Binoang sa nabanggit na bayan.

Sinasabing ang mga bandidong Abu Sayyaf na nakasagupa ng militar ay mga tagasunod nina ASG sub-leaders Jaber Susukan at Angag Jaji.

Nagtagal ng 20 minuto ang palitanng putok hanggang sa umatras ang mga kalaban.

Wala namang may nasaktan o nasawi sa hanay ng pamahalaan pero posibleng may mga nasawi o nasugatan naman sa panig ng Abu Sayyaf dahil sa mga bakas ng dugo na natagpuan sa pinangyarihan ng bakbakan makaraang binanatan sila ng 81-millimeter mortar ng mga sundalo habang papatakas ang mga ito.

Nasamsam ng mga sundalo ang mga armas ng ASG na M-16 Armalite rifle, dalawang bandoleers, cellular phone at iba pang mga personal na gamit.

Nitong Biyernes, sinabi ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, JTFS commander, na naglunsad sila ng pambobomba target ang nasa 200 na ASG sa Sitios Agas-Agas at Limasan, Barangay Kabbon Takas sa bayan ng Patikul.

Ginawa ng opisyal ang opensiba sa lugar matapos na makatanggap sila ng report na ang grupo nina ASG leaders Radulan Sahiron at Hatib Hajan Sawadjaan ay nagpapalakas ng pwersa sa lugar.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

P11-M SMUGGLED NA SIGARILYO NASABAT NG COAST GUARD

yosi1

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang umaabot sa P11 milyong halaga ng mga kontrabandong sigarilyo lulan ng dumaong na cargo ferry sa Zamboanga City Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat ni Lt. Commander Jimmy Vingno, station commander ng Coast Guard sa Zamboanga City dakong alas-5:30 ng umaga nang makumpiska ang nabanggit na shipment sa loob ng isang commercial ferry na nagmula sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Vingno na ang pagkakatuklas sa malaking halaga ng smuggled na mga sigarilyo ay bunga ng intelligence report hinggil sa isang commercial ferry na naglalaman ng mga imported na sigarilyo patungo ng pantalan ng Zamboanga kung kaya mabiis na  inalarma ng PCG ang kanilang mga tauhan.

Nasa 158 kahon ng mga smuggled na imported na sigarilyo ang nabawi na inilagay sa compartment ng engine room nito ng vessel.

Sa unang report sinasabing may halong illegal na droga umano ang mga kahong-kahong imported na sigarilyo, subalit sa isinagawang pagsusuri wala namang nakitang mga ipinagbabawal na gamot.

Wala pang pang umaangkin sa kasalukuyan sa mga nasabat na  kontrabando ng sigarilyo.

Please follow and like us:
Read More

FOREIGN TERRORISTS NAISPATAN SA KUTA NG ASG

sulu

(NI JG TUMBADO)

KASALUKUYAN umanong kanlong ng Abu Sayyaf group ang ilang foreign terrorists sa Sulu na umanoy nakatakdang maghasik ng panibagong terorismo sa Mindanao.
Ito ang kinumpirma ng Defense Department na nasa dalawang suicide bombers na foreigner ang naispatan umano habang nasa kampo ng ASG sa Sulu.

Ang dalawang Arab-looking suicide bombers ay kasa kasama ng mismong bagong talagang ’emir’ ng ISIS-Philippines na si ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Ang nasabing grupo rin ang nasa likod ng naganap na pagpapasabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu at tangkang pagpapasabog sa isang lugar sa lalawigan ng Basilan.

Samantala, Tiniyak naman ni Interior Secretary Eduardo Año na tuloy ang pagmo-monitor ng pamahalaan sa galaw ng teroristang grupo.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na bukod sa nasabing Arab ay may namonitor rin silang ilang Moroccan at Indonesian nationals ang ngayon ay nasa kuta ng Abu Sayyaf bilang mga trainer.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sila titigil hangga’t hindi nauubos ang pwersa ng Abu Sayaff sa Patikul, Sulu.

Nakipag ugnayan na rin sila kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde kung saan sinabi nito na hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa dinoble ang pangangalap ng mga impormasyon para hindi makalusot ang mga teroristang grupo.

Please follow and like us:
Read More

‘AJANG-AJANG’ MEMBER PATAY SA ENGKUWENTRO

ajang6

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Special Action Force (SAF) ang isang miyembro ng kilabot na ‘Ajang-Ajang’ group ng Abu Sayyaf makaraan itong makipagbarilan sa Jolo, Sulu.

Sa report na nakarating kay CIDG Director Chief Supt. Amador Corpus, inilunsad ang manhunt operation laban sa suspek na si Alex Habbibondin alyas Amah Alex sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder nito na inilabas ng korte sa Jolo.

Natunton umano ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni Habbibondin sa Sitio Barrio Militar kaya agad silang nagkasa ng operasyon Miyerkoles ng madaling araw.

Gayunman, nauwi sa operasyon ang pagsisilbi sana ng arrest warrant matapos manlaban si Habbibondin na dahilan ng pag neutralize sa kanya.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng suspek ang isang caliber 357 magnum na ginamit sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad.

Nabatid sa report na si Habbibondin ay sangkot sa ilang serye ng engkwentro kasama ang ASG  sa pagitan ng mga military sa Jolo, Sulu noong February 2 at kabilang ito sa mga kasamahan sa ‘Ajang-Ajang’ group na nasa likod ng malagim na pagpapasabog sa Jolo cathedral.

Please follow and like us:
Read More

2 PRO-ISIS GROUPS BINABANATAN NG MILITAR

zamboa

(TEKSTO/PHOTO BY AL JACINTO)

ZAMBOANGA CITY – Kaliwa’t-kanan ngayon ang opensiba ng militar sa dalawang pro-ISIS groups sa Mindanao na kung saan ay walang humpay ang atake ng mga tropa sa Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu at BIFF naman sa Maguindanao.

Mahigit sa dalawang dosenang sundalo na ang napaslang at sugatan mula nang umpisahan ang opensiba na matinding sagupaan sa Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul sa Sulu. Isinabit ng militar ang Abu Sayyaf sa suicide bombings nitong Enero 27 sa our Lady of Mount Carmel Cathedral na inako naman ng ISIS.

 

RESIDENTE LUMIKAS

 

Limang sundalo ang kumpirmadong nasawi Sabado ng hapon at halos dalawang dosenang iba ang sugatan sa labanan konta mahigit 100 Abu Sayyaf. Dahil sa sagupaan ay nagsilikas na ang mga residente sa ilang mga barangay sa Patikul sa takot na maiipit sa gulo.

Walang ulat ng civilian casualties at hindi rin naglalabas ng anumang impormasyon ang Western Mindanao Command. Ngtunit ayon naman sa Joint Task Force Sulu ay may impormasyon sila na isang foreign militant ang napatay sa labanan, ngunit hindi pa matiyak kung anon ang nationalities nito. Sugatan rin umano ang isang Abu Sayyaf commander na si Idang Susukan.

Linggo ng umaga ay namataan sa Zamboanga ang isang convoy ng militar na may dalang mga sealed caskets ng napaslang na sundalo sa Sulu at patungo ang mga ito sa Edwin Andrews Air Base.

Sinabi naman ni Major General Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division, at ng Joint Task Force Central (Mindanao) o JTFC, na binomba nito ang mga bunkers at foxholes ng BIFF sa bayan ng Sultan sa Barongis sa Maguindanao.

 

BUNKERS, FOXHOLES BINOMBA

 

Naglunsad umano ito ng opensiba mula pa kamakalawa matapos na magbigay ng intelligence ang mga dating BIFF members – na sumuko sa militar – ukol sa taguan ng mga dating kasamahan. Binansagan ni Sobejana na DAESH-inspired ang BIFF. Ang DAESH ay ang Arabic name ng ISIS na ang ibig sabihin ay “al-Dawlah al-Islamīyah fī l-ʻIrāq wa-sh-Shām.”

“JTFC launched surgical air, artillery and ground operation to the identified and confirmed targets against the DAESH-inspired terrorist group under Salahudin Hassan. Initial result of the operation is the destruction of suspected 20-capacity bunkers and foxholes of the DAESH Inspired terrorist groups,” ani Sobejana. “The successful operation is a result of positive information and support provided by the former members of BIFF who surrendered to JTF Central.”

Ang opensiba ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ng madugong atake sa cathedral.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PICTURE NG JOLO ‘BOMBERS’ INILABAS

teen

COTABATO CITY – NAGLABAS ang Philippine Army ng mga litrato ng tatlo sa apat na kalalakihan na umano’y suspect sa pagbomba sa Jolo Cathedral noong Linggo ng umaga.

Ang mga kabataang lalaki ay nahagip ng CCTV sa lugar. Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana, ng Western Mindanao Command na ang apat na teenager ay pumasok sa simbahan at isa-isa umanong lumabas bago magsimula ang misa bandang alas-8 ng umaga. Ilang minuto ang nakalipas, dalawang pagsabog na ang narinig.

Please follow and like us:
Read More

AJANG-AJANG NG SAYYAF INIUGNAY SA JOLO BLAST

sayyaf

(NI DEREK LIPANA)

ITINUTURO ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (Wesmincom) ang Ajang-Ajang group na siyang may pakana sa naganap na kambal na pambobomba sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu noong lingo ng umaga.

Sinabi ni Col. Gerry Besana, spokesperson ng Wesmincom na ang Ajang-Ajang group ang tinaguriang urban terrosrist ng mga Bandidong Abu Sayaff na nag-ooperate sa mga kabayanan.

Ang pahayag ay ibinase ni Besana sa resulta ng CCTV footage na narekober ng mga awtoridad sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog kung saan nahagip ang mga suspek.

Samantala bukod sa Jolo, napapatupad ng mahigpit na seguridad ngayon ang militar sa iba pang mga lugar sa Mindanao kasunod ng naganap na mga pagsabog sa nasabing cathedral.

Ipinahayag ni Maj. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na nagdeploy na sila ng mga armoured personnel carrier sa kanilang area of responsibility sa Maguindanao, para bantayan ang mga matataong lugar partikular ang mga simbahan, palengke at mga mall.

Naniniwala si Sobejana na malaking tulong ang pagpapakita ng pwersa ng militar para magsilbing hadlang sa anumang banta ng terorismo.

Idinagdag pa ng heneral na Malabo ring mag spill-over o kumalat pa sa ibang bahagi ng Mindanao ang nangyaring malagim na trahedya sa Jolo Cathedral.

Sa huling report ng PNP-ARMM nasa 20 ang bilang ng mga namatay sa insidente na kinabibilangan ng 14 na mga sibilyan, 5  sundalo at isang miyembro ng Philippine Coastguard, habang 111 naman ang sugatan, kabilang ang 90 mga sibilyan, 17 mula sa AFP, 2 sa PNP at 2 sa coastguard.

Please follow and like us:
Read More