SULU NIYANIG NG MAGKASUNOD NA PAGSABOG

(NI AMIHAN SABILLO)

MAGKAKASUNOD na pagsabog ang yumanig sa mga residente ng Patikul, Sulu Martes ng umaga, na nagresulta sa pagkakasugat ng isang kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Westmincom spokesperson Maj. Arvin Encinas, ang unang pagsabog ay naganap bandang alas-7:34 ng umaga.

Isang improvised explosive device (IED) ang sanhi ng unang pagsabog, na masuwerteng walang sugatan.

Ang ikalawa ay habang nagsasagawa ng clearing operations ang mga tropa ng 13 Special Forces Company, kasama ang K9 units sa blast site, nang maganap ang ikalawang pagsabog, sampung metro lang ang layo mula sa unang pagsabog dakong alas-8:30 ng umaga.

Sugatan sa ikalawang pagsambulat si Cpl Rene M Mediana ng 43rd K9 pltn, ng Phil army, na nagtamo ng shrapnel wounds sa ibabang bahagi ng katawan.

Kasalukuyang namang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Please follow and like us:
Read More