BAGONG TAYONG PRESINTO TINANGKANG SUNUGIN

sultan kudarat

(NI NICK ECHEVARRIA)

BIGO ang apat na hindi pa nakikilalang kalalakihan sa tangkang panununog sa bagong tayong Community Police Assistance Center (Compac) sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat, Biyernes ng gabi.

Lumalabas sa report ni P/Capt. Herman Luna, Lambayong Municipal Police Station commander, na binuhusan ng gasolina ng apat na suspek ang naturang tanggapan ng Compac at saka sinindihan.

Napansin naman kaagad ito ng mga nagbabantay na tanod na nasa  hindi kalayuan sa nasabing lugar kaya hinabol ang mga suspek subalit nagawa ring makatakas ng mga ito.

Pinagtulungan namang apulain ng mga nagbabantay na tanod at ng mga residente ang nasabing apoy hanggang sa dumating ang mga nagrespondeng bumbero kaya bahagya lamang ang naging pinsala ng nasabing gusali.

Nakahanda namang magbigay ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Lambayong sa sinumang makapagtuturo sa mga nakatakas na suspek at sa iba pang responsable sa mga naganap na patayan sa kanilang komunidad.

Please follow and like us:
Read More

TUMAKBONG ALKALDE ITINUMBA

sultan kudarat1

(NI ANNIE PINEDA)

NATALO na nga sa kakatapos na mid-term elections, itinumba pa ang dating tumatakbong alkalde nang pagbabarilin ito ng mga hindi pa kilalang suspek, sa bayan ng Lambayong Sultan Kudarat.

Kinilala ang biktimang si Edgar Lucero, 53, may asawa at residente ng Brgy.  Namnama Lambayong Sultan Kudarat.

Nilalapatan naman ng lunas ang dalawang anak nito na nagtamo ng mga pasa at bukol sa katawan.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa national highway ng Brgy Didtaras sa bayan ng Lambayong habang binabaybay ng biktima ang kalsada sakay ng motorsiklo at angkas ang dalawa nitong anak.

Bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek na nakasakay din ng motorsiklo ang biktima na tinamaan sa ulo, mukha at dibdib na agad nitong ikinamatay.

Kuwento ng mga kaanak ng biktima, nito lamang nakalipas na buwan ay nakakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Lucero, pero binalewala lamang niya ito sa dahilan wala naman siyang nakaaway.

Tumakas ang mga suspek sa hindi malamang diresksyon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam na rin ang motibo sa pamamaslang o kung may kinalaman ito sa pagtakbo ng biktima sa pulitika.

 

Please follow and like us:
Read More

DRIVER ITINUMBA NG PASAHERO

sultan kudarat1

(NI BONG PAULO)

PATAY ang isang habal-habal driver makaraang pagbabarilin ng suspek na nagbalat-kayo na pasahero nito sa Purok Linglingay, Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat, Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ng Lambayong PNP na pinamumunuan ni Police Captain Herman Luna ang biktimang driver na si Aljie Mangelen, may asawa at ng Barangay Liit, Lambayong Sultan Kudarat.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyat na binaril ng suspek ang biktima  pagsapit sa Purok Linglingay, Poblacion, Lambayong mag mag-aalas-9:00 ng umaga.

Habang nakahinto para tingnan ang nasirang motorsiklo na patungo sana sa Barangay Liit mula sa Poblacion Lambayong nang pagbabarilin siya ng pasahero.

Ligtas naman ang isa pang pasahero ni Mangelen na si Josephine Linga, 60-anyos, ng Barangay Kabulakan sa nasabing bayan.

Ayon kay Luna, ang biktima ay agad na binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos barilin ang biktima, sumakay ang gunman sa naghihintay na motorsiklong minaneho ng kasabwat nito.

Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pagbaril sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

4 UTAS SA AMBUSH

crimeshooting

(NI BONG PAULO)

APAT katao ang naiulat na nasawi makaraang tambangan at pagbabarilin habang sakay sa kanilang kotse sa panibagong krimen na naganap sa Barangay Rebuken sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao, Miyerkoles ng tanghali.

Kinilala ang isa sa apat na mga nasawi na si Dayaba Kari, 67, at residente ng Pigcawayan, North Cotabato, habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng tatlong iba pa.

Sa ulat na nakarating kay Police Major Julhamin Asdani, alas-12:00 ng tanghali habang binabaybay ng mga biktima ang national highway sakay ng puting Toyota Wigo (ADP 3187) nang sundan sila ng isang brown na Toyota Innova at pinagbabaril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Patuloy pang inaalam kung ano ang motibo sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

2 NAG-AAPPLY MAG-SUNDALO, NILIKIDA

sultan kudarat1

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Bumulagta ang dalawang mga aplikante sa pagkasundalo makaraang sundan at pagbabarilin ang mga ito ng pinaniniwalaang mga local Islamic State-inspired group habang sakay ng kanilang motorsiklo sa Barangay Rebuken sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao,  Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Celso Kusain II, 25, residente ng Sitio Talisay, Brgy, Pob 1, Parang at Glenn Mark Anthony Jumadiao, 23, ng  Brgy. Sarmiento parehong taga Parang, Maguindanao.

Batay sa ulat ng Sultan Kudarat PNP, alas-2:40 ng hapon sakay ang mga biktima ng motorsiklo at sinasabing pauwi na sa bayan ng Parang nang dikitan ng dalawa kataong sakay ng isa pang motorsiklo at pinagbabaril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima sanhi upang tuluyang malagutan ng hininga.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Sultan Kudarat Municipal Police Station at inaalam kung ano ang dahilan ng pagpatay sa mga biktima.

Malaki ang paniniwala ng mga opisyal ng sundalo at ng police intelligence units sa lalawigan na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nasa likod ng pag-atake sa dalawa.

 

Please follow and like us:
Read More

3 SASAKYAN NAGKARAMBOLA, 1 PATAY, 1 KRITIKAL

road mishap12

(TEKSTO/PHOTO BY BONG PAULO)

ISA ang naiulat na nasawi habang isa pa ang kritikal matapos magsalpukan ang tatlong sasakyan sa national highway ng Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Lunes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Rene Apurada, 43, ng Esperanza, Sultan Kudarat habang kritikal naman ang drayber ng wing van na si Nilo Tabuhay, 47.

Sa ulat ni SPO4 Elmar Segura, ng Traffic section ng Isulan PNP, pasado alas-6:00 Lunes ng umaga nang patungo sana ng bayan ng Esperanza ang wing van (CYL 420) nang makabanggaan ang isang forward truck (GHA 910) at ang isang Mazda Town-Ace (temporary plate 1201-388003) na minamaneho ni Afdal Usok.

Lulan ng mga produktong oil palm ang wing-van at kumalat sa kalsada ang mga karga nitong African palm oil kung saan wasak at nayupi naman ang harapan ng wing van at forward truck gayundin ang isang Mazda.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasiyon sa nasabing aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

NEWLY GRAD, 2 PASLIT, NATUSTA SA SUNOG

sunog

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang dalaga na bagong graduate sa kolehiyo habang dalawang mga paslit naman ang nasawi makaraang malitson sa nasunog na boarding house sa Salem Street Barangay Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat, hapon nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sweetzel Mae Natabio, 22, dalaga;  Prince Ryan Gillona, 5, at Julliane Heart Hitalia, 5, pawang mga residente sa lugar.

Tatlong bahay ang tinupok ng apoy sa isang compound na pag-aari ni Arlene Relator.

Ayon kay Marivic Natabio, ina ni Sweetzel Mae, nangyari ang sunog alas-3:30 ng hapon  kung saan bigla umanong nagliyab ang boarding house. Dahil sa laki ng apoy ay hindi na nakalabas ang mga biktima.

Naabo na ang bahay nang abutan ng mga bombero dahil gawa lang ito sa kahoy o light materials.

Please follow and like us:
Read More

2 MILF, 3 PA, HULI SA P1.2-M SHABU

sultan kudarat1

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO –Arestado ang lima katao, kabilang ang dalawang miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isinagawang drug buy-bust operation sa national highway, Barangay Kalawag 3, Isulan, Sultan Kudarat, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga natimbog na sina Noraida Sabang, Namraida Sengkong Mama, Aisa Nasser Baldido, Abdul Zainudin at Anwar Kasim na ngayon ay nahaharap sa sa kasong paglabag sa Comprehensive Philippine Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang lima ay mga residente ng Cotabato City, ayon sa ulat ng Police Regional Office-12.

Nahuli ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-12, Isulan Municipal Police Station at ng Provincial Drug Enforcement Unit ang mga suspek matapos maharang ng mga ahente ng PDEA habang sakay ang mga ito sa isang van, dakong alas-5:00 ng umaga.

Nabatid na may mga residente na tumimbre sa mga pulis dahilan para mahuli ang mga ito dala ang ipupuslit nilang P1.2 milyong shabu.

Please follow and like us:
Read More

SUSPECT SA RAPE/SLAY NG 5-ANYOS ARESTADO

sultan kudarat1

(NI JESSE KABEL)

BAGO tuluyang inihatid sa huling hantungan ang limang taong gulang na batang babae na ginahasa saka inilunod sa ilog ay nadakip ng mga awtoridad ang salarin nang bumalik ito malapit sa pinangyarihan ng krimen sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Inilibing nitong Sabado ang batang babae na biktima ng pangagahasa at pagpatay sa Palimbang, Sultan Kudarat.

Sa report ng Palimbang Municipal Police Stataion, nadakip naman nila Biyernes ng hapon ang itinuturong suspek na si Erlie Castro sa Barangay Maguid matapos mamataan  ng mga residente.

Ayon kay Police Major Jerylle Caranay, hepe ng Palimbang Municipal Police, hindi na nakalayo pa ng suspek dahil sa gutom at pagod bunsod nang ilang  araw na pagtatago sa mga pulis mula nang  ilunsad ang manhunt operation laban sa kaniya.

Nakakulong na sa Palimbang Municipal Police Station si Castro, na dati nang nahuli dahil sa kasong pagnanakaw.

Sa imbestigasyon lumilitaw na nilublob sa tubig ang batang babae  pagkatapos umanong gahasain ng suspek.

Ngayon Lunes ay pormal na maghahain ng kasong rape at murder ang pamilya ng biktima laban kay Castro.

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK NG MILF COMMANDER NILIKIDA NG TANDEM

sultan kudarat

(NI BONG PAULO)

BUMULAGTA ang anak ng isang Kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos pagbabarilin ng suspek na riding in tandem assassins sa panibagong krimen na naganap sa Purok San Isidro, Barangay New Cebu, Lambayong sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Norman Sanday, alyas Dong, anak ni MILF 106 Base Command Commander Guevarra, na pinaslang habang nagmomotorsiklo sa Purok San Isidro, Barangay New Cebu, alas otso ng umaga.

Ayon kay Lambayong, Sultan Kudarat Chief of Police, Senior Inspector Herman Luna, ang biktima ay agad na binawian ng buhay matapos tamaan ng mga bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan at ulo.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang tatlong basyo ng kalibre 45 pistol. Ayon kay Luna, personal grudge ang motibo na sinundan ng kanilang imbestigasyon sa insidente.

Dinagdag din ni Luna na nangako naman ang ama ng biktima na si Commander Guevarra na ipapaubaya na lamang sa mga pulis ang imbestigasyon sa kaso at pagtugis sa mga salarin.

Please follow and like us:
Read More

MOTOR RIDER EXHIBITION: 1 PATAY, 1 SUGATAN

motor1

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang tricycle driver makaraang madamay sa aksidente ng mga rider na nagsasagawa ng ‘exhibition’ sa kahabaan ng kalsada sa national highway sa Sultan Kudarat.

Ang pangyayari ay nakuhanan ng dash cam ng isa sa mga lumahok na rider kung saan tila naka-planking ang mga rider sa ibabaw ng kani-kanilang mga motor habang umaandar.

Lumalabas sa ulat na nais abutin ng isa sa mga rider ang paa ng isa pang rider at ilang saglit pa ay nawala na siya sa video.

Biglang tumilapon ang isang lalaking nakaputing pantalon mula sa traysikel na nasa kaliwa nito.

Tumilapon din ang nag-i-exhibition na mga rider at humambalang ang kani-kanilang mga motor sa kalsada.

Napag-alamang tricycle driver ay nakilalang si Rodrigo “JR” Combatir, Jr.

Dead-on-the-spot si Combatir habang kritikal ang lagay ng isa sa mga rider na si Pairudin Makong.

Patuloy nang sinisiyasat ng mga otoridad ang insidente.

Please follow and like us:
Read More

KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN: 2 PATAY, 11 SUGATAN

accident

DALAWA ang patay habang 11 ang sugatan nang magbanggaan ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Sultan Kudarat, ayon kay Police regional spokesperson Supt. Aldrin Gonzales.  Sinabi sa report na sina  Herson and Gio Matunding ay patungong Cotabato Cuty sakay ng Toyota Avanza, ay kapwa namatay matapos bumangga sa isang Mitsubishi Strada pick-up truck at isa pang six-wheeler Fuso Canter.

Kabilang sa mga sugatan sina Vincent Mark Bablos, Maria Socias, Benjie Biaca, Marivic Alcano, Marga Quintos, Ken Quintos, Josefina Puentoba, Danny Vicente, Vever Tomandang, Ernesto Gulmatico, at Victoriano Gulmatico.

Ginagamot na ngayon sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ang mga biktima.

Please follow and like us:
Read More