GRADE 11 STUDENT NAGBARIL SA SARILI

(NI TJ DELOS REYES)

TILA mas pinili na lamang ng isang grade 11 student na magbaril  sa sarili upang tapusin ang kanyang buhay kesa tumalon sa tinitirhan na condo unit nito sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang biktima na si Wylls Ian Vallo, 17, residente ng 38flr Unit 3809, Grass Residence Tower 4, Barangay Sto. Cristo, Bago Bantay ng nasabing siyudad.

Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-6:00 ng umaga nang matuklasan ang duguang katawan ng biktima sa loob ng condo unit.

Lumalabas na dumating ang ama ng biktima na si Jose William Vallo at nang buksan nito ang pintuan ng kanilang unit ay dito na niya nakita ang anak na nakahiga sa kanyang kama at wala nang buhay.

Agad na ipinagbigay ni Jose sa duty security guard ang pangyayari na siya namang tumawag sa kapulisan.

Sa eksaminasyon lumalabas na nagtamo ng tama ng bala sa sentido si Wylls na siyang dahilan ng agaran na kamatayan nito.

Narekober mula sa crime scene ang isang Glock 9mm na siyang ginamit na baril sa pagpapatiwakal ng biktima at isang papel na suicide note na nakasaad na ‘Paalam Tatalon na ako’.

 

Please follow and like us:
Read More

KELOT KINALASAN NG LIVE-IN PARTNER, NAGBIGTI

suicide

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Pinaniniwalaang matinding kalungkutan at pagkaulila ang dahilan kung bakit kinitil ng isang 36-anyos na lalaki ang sariling buhay matapos matagpuang wala nang buhay sa Purok 1, Barangay Del Carmen, President Roxas, North Cotabato, nitong Linggo.

Kinilala ang nasawi na si Rackie Reginan Alisaje at nakatira din sa nasabing lugar.

Sa ulat ng President Roxas PNP, natagpuan ng kapitbahay ng biktima na nakalambitin ito sa puno ng durian pasado alas 6:00 ng umaga.

Nang makausap ng mga otoridad ang ina ni Alisaje, sinabi nitong isa sa mga posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang anak ay matapos na iwan ito ng kanyang kalive-in dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ilang araw bago nagpakamatay si Alisaje ay tulala na ito at halos hindi na kumakain.

Nagsisiyasat na rin ang pulisya kung may foul play sa pagkamatay nito.

 

Please follow and like us:
Read More

COOK NAKITANG PATAY SA WATER TANK NG RESORT

crime12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cavite police kung nagpakamatay ang isang 44-anyos na cook sa isang resort  matapos natagpuang wala nang buhay sa loob ng tangke ng tubig  sa Alfonso, Cavite.

Hinihinalang may ilang oras ng patay ang biktimang si Vicorino Obnamia, may-asawa, stay-in cook  ng Sitio Salipit, Brgy Talisay, Calatagan, Batangas.

Sa ulat ni PSSgt Boyet Soriano ng Alfonso Municipal Police Station, dakong alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na patay sa loob ng tangke ng tubig sa loob ng Preziosa Botanical Park and Farm Resort sa Brgy Sulsugin, Alfonso, Cavite.

Ayon kay Rodel Mercado, inakyat niya ang tangke ng tubig na may 50 feet ang taas upang pinturahan ang metal braces ng tangke nang napuna nito na may pares ng tsinelas sa flooring at pantaas na damit sa hagdanan bakal kaya naghinala ito na may umakyat na tao kaya umakyat siya hanggang sa taas ng tangke at napansin niya na bukas ang takip nito.

Nang kanyang silipin, nakita niya ang isang tao sa loob na nakadapa kaya bumaba at ipinagbigay alam sa guwardiya.

Ayon naman kay Elvira Atienza, Resort Supervisor, na umaga pa lamang ay hinahanap na niya ang biktima dahil wala pang nagluluto sa resort.

Napag-alaman pa na ang ang biktima ay dati na umanong nagtangkang magpakamay sa pag-inom ng muriatic acid bagama’t sinabi ni PSSgt Soriano na bina-validate pa ang nasabing impormasyon.

“Bagama’t sa ngayon, nalunod ang dahilan ng pagkamatay ng biktima, pero iniimbestigahan pa kung nagpakamatay ito dahil wala namang dahilan  upang umakyat  sa taas ng tangke kung walang pakay itong magpakamatay, ” ayon kay Soriano.

 

Please follow and like us:
Read More

NAG-AWAY NG GF; CHINESE NATIONAL TUMALON SA BUILDING

crime44

(NI ROSE PULGAR)

AGAW-BUHAY ngayon sa pagamutan ang isang Chinese national nang tangkain nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikaapat na palapag sa isang gusali  matapos silang magkatampuhan ng kanyang nobyang Pinay Biyernes ng madaling araw.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital, ang biktmang si Yang Zhuang, 20, binata, empleyado ng isang online gaming customer service, tubong Jiling Province China at pansamantalang naninirahan sa no. 402 GG Cruz corner Airport Road, Baclaran nang nasabing lungsod.

Ayon kay Police Colonel Rogelio Rosales Jr. hepe  ng Paranaque City Police, dakong alas-5:10 ng madaling araw nang tumalon ang biktima mula sa ikaapat na palapag ng Pearl Plaza Building, Barangay Tambo sa naturang lungsod.

Masuwerte namang nakaligtas sa bingit ng kamatayan ang biktima dahil bumagsak ito sa bubong ng yero ng isang bahay sa tabi ng nasabing gusali.

Agad naman naisugod sa nasabing pagamutan ang biktima na nagtamo ng pinsala sa cervical spine at bali sa magkabilang binti.

Sinabi ni Rosales, bago maganap ang insidente, nagkaroon muna nang pagtatalo ang biktima at ang nobya nitong Pinay (hindi na binanggit ang pangalan) na nauwi sa tampuhan.

Labis na dinamdam ng biktima ang pag-aaway nila ng kanyang kasintahan na naging dahilan ng tangkang pagpapakamatay nito.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang insidente at inaalam din kung may naganap na foul play sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

HELPER TUMALON SA BUILDING, SUMALPOK SA TRANSFORMER

crime12

(NI HARVEY PEREZ)

PATAY ang isang helper matapos lumipad mula sa ika 11 palapag na gusali  at tumama pa ang mukha sa transformer ng isang poste ,Martes ng madaling araw, sa   Binondo, Maynila.

Nasunog at duguan ang mukha nang makitang nakahandusay ang biktimang si Danilo Lachida, 41, ng 539 Caballeros St., Binondo.

Ayon kay P Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide, bago tumalon ang biktima, nakipag-inuman muna ito sa kanyang kasamahang helper , barangay tanod at isang senior citizen sa lugar, dakong alas 9:00 ng gabi at nang malasing ay nagwala at pinagtatapon ang ilang gamit sa kusina bago pinaalis ang mga kainuman at saka nagkulong sa kuwarto.

Pasado alas 2:00 ng madaling araw nang makarinig ang mga residente ng isang malakas na pagsabog na nagmula sa transformer ng poste at kalabog sa kalsada.

Kasunod nito ay nakitang nakahandusay  na  sunog at duguan ang mukha ng biktima.

Dinala ng mga by-stander sa  Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktima  pero patay na ito nang dumating sa pagamutan.

Please follow and like us:
Read More

DEPRESSED NA NANAY NAGBIGTI

crime12

(NI ANNIE PINEDA)

DEPRESYON ang nakikitang motibo ng mga anak sa pagsu-suicide ng kanilang ina sa bayan ng Tboli, South Cotabato.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagbibigti ng biktimang kinilala ni P/Maj. Bernie Faldas, hepe ng Tboli PNP, na si Rosita Atam, 43, residente ng Prk. Lugan 3, Barangay Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa imbestigasyon, dinatnan ng isang kamag-anak na nakabitin sa grills ng bintana ng kanilang bahay ang biktima.

Bago ito, nagpadala ng text messages ang biktima sa kanyang mga anak na parang nagpapaalam.

Kaya naman nakiusap ang panganay na anak ng biktima sa isang kamag-anak para puntahan ang kanilang nanay at doon na natuklasan ang pagpapatiwakal nito.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulisya ang pangyayari.

 

Please follow and like us:
Read More

‘DI KINAYANG MAWALA SI MAHAL

suicide12

(NI FRANCIS SORIANO)

TILA ending sa pelikula nagtapos ang buhay ng isang 22-anyos na lover boy, makaraan nitong wakasan ang kanyang buhay gamit ang piraso ng tela sa pagbibigti matapos tapusin na ng relasyon ang kanilang pag-ibig noong Biyernes ng gabi, sa Valenzuela City.

Kinilala ni PCOL Carlito Gaces, hepe ng Valenzuela City Police Station ang biktima  na si Johnbert Antolin, residente sa 5030 Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon.

Ayon kay Gaces, natagpuan umano ang biktima ng kanyang trabahong si Mark Joshua Tioxon, 23, na nakasabit sa kanyang kuwarto gamit ang piraso ng tela at nakapulupot sa kanyang leeg na wala nang buhay, dakong alas 9:00 ng gabi.

Agad naman ipinagbigay alam ito sa kanyang live-in-partner na si May Nidua at kaibigan ng biktima na mabilis isinugod sa Valenzuela Medical Center pero idineklarang dead on arrival, dakong alas 10:05 ng gabi.

Lumalabas sa paunang ulat ng Valenzuela City Police Station Investigation Unit (SIU), nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at live-in-partner nito at gusto na umanong wakasan ng babae ang kanilang relasyon.

Samantala, hinihintay naman ng awtoridad ang resulta ng autopsy examination  na isinagawa PNP Crime Laboratory sa labi ng  biktima upang malamang kung may foul play na naganap.

Please follow and like us:
Read More

THERAPIST TUMALON SA GUSALI NG PGH

crime12

(NI JULIE DUIGAN)

HINALANG depresyon ang dahilan kung bakit ninais na magpatiwakal ang isang 30-anyos na massage therapist makaraang  tumalon sa ikapitong palapag ng gusali ng Philippine General Hospital(PGH) at bumagsak sa roof top ng  ikaapat na palapag  sa annex building , Miyerkoles ng gabi, sa Taft Avenue, Ermita, Manila.

Kinilala ang biktimang si Rico Godoy, ng  5404 M. Curie St. Barangay Palanan, Makati City.

Base sa ulat na isinumite kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:54 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng PGH hospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napagalaman sa kapatid ng biktima na si Catherine na dumaranas umano ng lagnat ang biktima  at dinala nila ito sa Barangay Palanan Health Clinic at binigyan naman ng reseta para sa iinuming gamot, pero ininom ito ng biktima lampas sa dosage na ibinigay sa kanya ng doctor dahilan para  hindi ito maging komportable  at mahirapan sa paghinga.

Ipinasiya umano ng mga kaanak nito na ilipat ang biktima sa St. Claire Hospital kung saan pinayuhan sila na i-confine ang biktima para ma monitor ang kondisyon nito pero tumanggi ang biktima na ma-confine kaya dinala na lamang ito sa bahay ng kanyang kapatid sa Imus, Cavite pero noong sumunod na araw lumala ang kondisyon ng biktima kaya dinala ito sa Our Lady of Pilar Medical Center pero dahil hindi kaya ang gastos ay ini-refer sila sa Philippine General Hospital.

Ini-admit naman  ang biktima kung saan sinabi ni Dra.Vanessa Angelie De La Paz na dumaranas ito ng depresyon.

Miyerkoles ng bandang 8:30 ng gabi matapos ma-interview ang biktima ni De La Paz at paalis na ang doktor nang makita nila na pumunta ng comfort room ang biktima at ini-lock nito ang pinto.

Kinutuban  ang kanyang bayaw na si Redjor Mapano sa posibleng masamang gawin ng biktima kaya niya ito sinundan  at nang buksan ang pinto dito niya nakita ang biktima na tatalon na sa bintana at tinangka niyang hawakan sa kamay ang biktima  pero nakatalon na ito at bumagsak sa roof top ng ikaapt na palapag na  annex building.

Please follow and like us:
Read More

SUICIDE SA CONDO

suicide

(NI JULIE DUIGAN)

NATAGPUAN ang isang suicide note sa tabi ng nagbigting 21- anyos na dalaga, sa loob ng banyo ng isang condominium sa Malate,Manila Sabado ng madaling araw.

Naisugod pa sa Manila Doctor’s Hospital, subalit hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Natasha Deplomo, nanunuluyan sa Unit 2708 Birch Tower sa 1622 Jorge Bocobo St., Malate.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Richard Escarlan, kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District – Homicide Section , bandang alas-12:40 ng madaling araw, nang madiskubre ang biktima na nakatali sa leeg ang electrical cord na hair flat iron sa sabitan ng kurtina sa loob ng banyo ng nasabing condo.

Ayon kay Zeug Sahquiang,boyfriend ng biktima, kumatok umano siya sa pinto ng kuwarto pero walang nagbubukas, kaya nagpasiya itong gamitan ng duplicate key ang pinto at hinanap nito ang nobya.

Dito na niya nakita sa loob ng banyo na nakabigti, kaya dali dali umano nitong tinanggal sa pagkakatali saka , mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan subalit idineklara itong dead on arrival.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubreng may iniwang suicide note ang dalaga, kaya masusi itong iniimbestigahan , habang pansamantalang pinipigil ang boyfriend ng dalaga.

Please follow and like us:
Read More

CONSULTANT NAHULOG MULA 9TH FLR NG CONDO

crime12

(NI FRED SALCEDO)

PALAISIPAN pa rin sa mga pulis kung tumalon o nahulog ang isang consultant ng isang kompanya, sa Quezon City.

Ito ang iniimbestigahan ng mga awtoridad makaraang matagpuan ang katawan nito na duguan at lasug-lasog  sa garden ng isang condominium sa Barangay Bagumbayan, Quezon City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ni P/Captain Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit CIDU, ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Jose Miguel Del Rosario, 56-anyos, consultant ng Kawasaki at residente ng Olympia Heights  Condominium na matatagpuan sa Orchard Road, Eastwood City, Cyber Park , Bagumbayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon natagpuang duguan at lasug-lasog na katawan ni Del Rosario sa garden sa ground floor ng nasabing condominium.

Una dito ay namataan ang biktima at ang live-in partner niya na nakilalang si Roselle Ann Mae Palma na nagtalo at nauwi sa matinding away sa parking lot ng condominium.

Nilapitan umano ito ng guwardiya upang pag-ayusin.

Bagama’t naawat naman ang pagtatalo ng mag-live-in ay nagdesisyon umano ang babae na umakyat sa 9th floor at tuluy-tuloy na nagtungo sa kanilang silid at inimpake ang kanyang mga damit at kagamitan.

Nabatid na nagpasama pa umano si Palma sa sekyu sa unit at habang palabas ng silid ang babae ay panay naman ang habol ni Del Rosario at pinipigilan itong umalis subalit nagpatuloy pa rin ang una at naiwanang nakatayo sa hallway ang biktima.

Nabatid pa na habang nasa loob ng elevator si Palma ay nakatanggap ng tawag ang sekyu sa handheld radio na nahulog si Del Rosario mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ng condo.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGOD NA SA BUHAY

suicide12

(NI JEDI PIA REYES)

WALA ng buhay nang matagpuan ang 21-anyos na binata na nagbigti sa kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City, Huwebes ng umaga.

Tinukoy ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakakilanlan ng biktima na si Jovet Trilles Nidea, 21, welder, at residente ng Brgy. Nova Proper ng nasabing lungsod.

Dakong alas-5:30 ng madaling araw nang matagpuan ng kanyang bayaw si Nidea na nakabigti gamit ang kawad ng kuryente sa kisame ng ikalawang palapag ng bahay.

Yayayain sana si Nidea na mag-almusal subalit tumambad na sa mga kasamahan nito sa bahay ang nakabigting katawan ng biktima.

Nabatid na nitong mga huling araw, madalas na banggitin ng biktima na pagod na siya sa buhay at palagi umano itong madaling mairita at magalit.

Gayunman, masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may ‘foul play’ sa sinasabing pagbibigti ng biktima dahil wala man lamang umano itong iniwan na suicide note.

Please follow and like us:
Read More

RUSSIAN NATIONAL NAG-SUICIDE SA CONDO

taguig city map12

(NI KOI HIPOLITO)

WALA nang buhay nang matagpuan ng kanyang asawang Filipina ang isang Russian national sa loob ng kanilang banyo na pinaniniwalaang nagpatiwakal gamit ang mga damit na itinali sa kanyang leeg, Biyernes ng hapon sa Unit 10E 10th Floor ng  Viceroy Condominium Florence way St., Mc Kinley Hill, Brgy. Pinagsama, Taguig City.

Nakilala ang biktima na si Alexey Chelakov, 32, isang seaman.

Ayon sa salaysay ng asawa ng biktima pumasok umano sa loob ng comfort room si Chelakov habang naghahanda siya ng mga gamit papunta ng gym subalit nang subukan umano niyang magpaalam sa kanyang mister ay hindi ito sumasagot na ipinagtaka ng babae.

Sinubukan niya umanong tingnan ang biktima at tumambad sa kanyang harapan ang nakabigting katawan nito at wala nang buhay. Agad na tinanggal ng babae ang mga itinaling damit ng biktima sa leeg bago tumawag ng saklolo sa mga otoridad.

Inaalam na ngayon ng mga imbestigador ng Taguig City Police Station kung may foul play sa pagkamatay ng dayuhan.

 

Please follow and like us:
Read More

SUICIDE SA 42ND FLOOR

crime12

LASOG ang katawan at namatay noon din ang isang 23-anyos na binata nang tumalon mula sa ika-42 palapag ng isang condominium building sa Bonifacio Global City sa Taguig, ayon sa pulisya.

Ang biktima ay sinasabing tumalon sa naturang gusali sa kanto ng 4th Avenue at 25th St., bandang alas-4:10 ng Lunes ng hapon.

Sinabi ni Col. Alexander Santos, Taguig City police na patuloy na iniimbestigahan ang kaso ng sinasabing suicide.

Please follow and like us:
Read More

SUICIDE NOTE SA TEXT

crime12

(NI CYRILL QUILLO)

WINAKASAN ng isang 20-anyos na factory worker ang kanyang buhay nang makita itong nakabigti sa loob ng banyo sa  Brgy. San Felipe, Padre Garcia Batangas.

Laking gulat ng lolo na si Jovito Quinto nang tumambad sa kanya ang wala nang buhay na si Justine Pastrana. May lubid ang leeg nito at nakatali sa bakal sa banyo.

Ayon kay lolo Jovito, madaling araw nang siya ay gagamit ng banyo, nakita nya ang kanyang apo na wala nang buhay at nakatali sa leeg ang isang lubid .

Nagbaka-sakaling mailigtas pa ang buhay ng apo kung kaya’t dinala agad ito sa Rosales Hospital ngunit idineklara ito ng doktor na dead on arrival na ang biktima.

Isang araw bago ang pangyayari, nag-iwan ito ng text message sa kanyang ina na “Ako’y lalagay na sa tahimik,bahala na kayo sa aking mga kapatid at sa tatay, palagi nyo silang aalagaan.”

Please follow and like us:
Read More

INIWAN NG ASAWA, NEGOSYANTE NAGBIGTI

suicide

(NI JULIE DUIGAN)

MULA  umanong iwan ng asawa, anim na buwan na ang nakararaan, nagpasiya nang kitlin ang sariling  buhay ng isang 37 anyos na negosyante, nang matagpuang nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto sa Tondo, Manila, Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Ranier Lao, ng Raja Matanda St., Tondo.

Batay sa ulat ni Det. Donald Panaligan na isinumite kay P/Capt. Henry Navarro , hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:30 ng umaga , nang matagpuan si Lao sa ikalawang  palapag ng kanyang kuwarto.

Salaysay ni Rosita Briones, 53, kasambahay ng pamilya Lao , bandang alas-6:00 ng umaga nang dumating ang kanyang amo galing sa labas ng bahay.

Sinundan umano nito si Lao, sa utos umano ng tiyahing si Lolita ngunit, pinababa siya ng biktima.

Ilang saglit pa ay humihingi na ng tulong ang anak ng biktima dahil nakabitin na ang kanyang ama at halos wala nang buhay.

Dito na humingi ng saklolo si Briones sa kapitbahay. Napag-alaman na mula umanong iwan ng asawa ay madalas na tulala at naiba na ang pag-uugali nito.

Please follow and like us:
Read More

UTOL SINUNDAN SA HUKAY

suicide

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ISANG retiradong  manager ng banko ang nagkaroon umano ng depresyon nang mamatay ang kanyang kuya kaya’t nagdesisyon itong sundan sa kabilang-buhay ang kapatid, sa Valenzuela City, nitong Biyernes.

Nadiskubre ang bangkay ni Glenn Brecio Ruiz, 61, ng kanyang pamangkin na si Laarni Jeanne Ruiz, alas-10:00 ng umaga, na nakabitin sa comfort room  ng kanilang bahay sa 35 Sabino Alley Compound, Brgy. Maysan.

Kable ng kuryente na ipinulupot sa leeg ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Kukuha sana ng damit si Laarni sa gilid ng kanilang bahay nang mapansin ang suicide note ng biktima kung saan nakasaad na sa banyo matatagpuan ang kanyang bangkay.

Humahangos na sinabi ni Laarni sa isang tiyahin ang nalaman at inutusan siya nitong humingi ng tulong sa barangay.

Sa  tulong ng mga tanod ay pinuwersa ang pinto ng banyo at bumulaga sa kanila ang bangkay ng biktima.

Diabetic ang biktima at dumanas ng  depresyon  mula nang mamatay ang kanyang kuya.

 

Please follow and like us:
Read More

LUBID SA DUYAN GINAMIT SA SUICIDE NG OFW

cebu200

(NI JESSE KABEL)

BUMOTO muna bago nagbigti ang isang overseas Filipino worker dahil sa umano’y away nilang mag-asawa sa Toledo, Cebu, Lunes ng gabi.

Ayon sa Toledo City Police Office, kauuwi lamang ng bansa ng biktima sa Brgy. Dinagat Soriano, ng nasabing  lungsod nang maganap ang insidente.

Bago makitang nakabigti ang biktima ay nagtalo umano ang mag-asawa dahil sa madalas nitong pag-uwi ng gabi . Ilang oras pa ay nakita nang nakabigti ang biktima gamit ang lubid ng duyan ng anak.

Please follow and like us:
Read More

TRAHEDYA SA MENTAL HOSPITAL: APO PINATAY NG LOLO

crimeshooting12

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang drug suspect na naka-confine sa mental hospital, nang barilin ng sariling lolo, bago niya (suspek) binaril ang sariling asawa na ikinasugat nito at saka nagpakamatay, sa loob mismo ng naturang pagamutan sa Barangay Mauway, Mandaluyong City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Mandaluyong City Police chief, P/Lt.Col. Moises Villaceran, ang biktimang si Joshua Anthony Ocampo, 27, convicted sa drug charges at naka-confine sa National Center for Mental Health (NCMH) para isailalim sa psychiatric treatment, habang agaw-buhay sa NCMH ang kanyang lola, na habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakukuha ang pangalan.

Samantala, patay rin ang suspek na si Wilfredo Ocampo Sr. matapos na magbaril sa sarili.

Ayon kay Villaceran, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob mismo ng Pavillion 6 ward 1, ng NCMH, sa Nueve de Pebrero St., Brgy. Mauway.

Bago ang krimen ay dinalaw umano ng mag-asawang Ocampo sa pagamutan ang apong si Joshua, na nakatakda nang ilipat sa piitan upang pagsilbihan ang hatol sa kanya ng hukuman dahil sa kasong ilegal na droga.

Gayunman, sa hindi pa batid na kadahilanan, habang nag-uusap ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang maglolo, sanhi upang bumunot ng kalibre .45 pistola si Wilfredo at binaril si Joshua.

Ayon kay Villaceran, ikinabigla ng lola ang pangyayari, at naghisterikal ito sanhi upang maging siya ay barilin din ng asawa.

Nang makitang kapwa duguan na ang asawa at apo, dito na umano biglang nagbaril sa sarili ang suspek, na nagresulta sa kamatayan nito.

Tiniyak naman ni Villaceran na isasailalim nila sa imbestigasyon ang mga guwardiya ng NCMH upang matukoy kung paano naipuslit ng matanda ang baril sa loob ng pasilidad, gayung napakahigpit ng pagbabantay doon, bukod pa sa umiiral ang election gun ban ngayon.

Aalamin rin aniya nila kung may plano na talaga ang matanda na patayin ang apo dahil sa baon na kaagad nito ang baril nang magtungo sa pagamutan.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BESES NAGTANGKA; OPERATIONS MANAGER NAGBIGTI

cavite12

(NI SIGFRED ADSUARA)

SA pangatlong pagkakataon, natupad din ang kagustuhan na mamatay ng  isang 56-anyos na operations manager matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Noveleta, Cavite.

Kinilala ang biktimang si Abel Reyes, may-asawa, manager ng ICT Company  at residente ng  517 Llamado St. Sta. Cruz, Cavite City.

Sa ulat ni PSSgt Ricky Cerilos ng Noveleta Municipal Police Station, dakong alas 11:50 Martes ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang live-in partner na si Jessica Caprisa sa loob ng tinutuluyang bahay.

Ayon kay Jessica, nagising siya sa pagkakatulog nang mapansin nitong wala sa kanyang tabi ang kanyang asawa.

Nang hanapin, nakita nito sa kanilang bintana ang bangkay ng biktima na nakabitin sa grill gamit ang isang electrical wire.
Dagdag pa ng kanyang asawa, dumaranas ng depresyon si Reyes at dalawang beses na umano itong nagtangkang magpakamatay.

Please follow and like us:
Read More

FAMILY DRIVER NAGPAALAM SA FB BAGO NAG-SUICIDE

suicide

(NI TJ DELOS REYES)

NAGAWA pang makapagpaalam sa Facebook  ng isang family driver bago

nagpatiwakal sa mismong tahanan ng kanyang employer, Biyernes ng umaga sa Quezon City.

Kinilala  ang biktima na si Romnick Pertez Rosales, 29, binata,  stay-in family driver sa Lot 6, E. East Fresno St., California Village, Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Base sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ang nakabigting katawan ni Rosales sa ikatlong palapag ng bahay na kanyang pinagtatrabahuhan.

Nabatid na isang sinturon ang ginamit ng biktima na itinali sa kanyang leeg at ibinuhol sa  metal spiral stairway sa ikatlong palapag ng bahay ng amo nito na nakilalang si Ranie Undiana.

Isinugod sa Novaliches District Hospital ang biktima subalit idineklara itong  dead-on-arrival.

Ayon sa pamangkin ng amo ng biktima, bago natagpuan ang nakabigting katawan ni Rosales ay nabasa niya sa facebook account nito ang mensaheng “Paalam sa Lahat. ”

 

Please follow and like us:
Read More

NAMATAYAN NG ANAK; SEKYU NAG-SUICIDE

crime100

(NI JULIE DUIGAN)

ISANG malakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng comfort room ng isang banko at nadiskubreng patay ang isang 24-anyos na sekyu, dahil sa hindi umano nito matanggap ang pagkamatay ng 3-buwang gulang na anak na namatay noong isang taon, iniulat ng pulisya.

Nakilala ang biktimang si John Kennedy Claudio, ng Chancellor Security Agency at residente ng Sta.Ana, Manila.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Jorlan Taluban , kay P/Capt. Henry Navarro , hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas- 8:59 ng umaga , nang ireport ang pagkamatay ng biktima, sa loob ng comfort room sa China Bank sa G. Square sa panulukan ng Taft Avenue at J.Nakpil St., sa Malate.

Nabatid kay Fatty John Subron, 29 , kasamahang sekyu ni Claudio, nakita nitong naliligo sa sariling dugo makaraang puwersahing buksan ang pinto ng comfort room.
Sa impormasyon nakuha sa ina ng biktima,  bago nagpakamatay ang anak ay nagpaalam ito na gusto na niyang sundan ang kanyang tatlong buwan gulang ng anak na namatay sa pneumonia noong Setyembre 2018.

Pinayuhan pa umano  nito ang biktima na huwag iyon gawin dahil maari pa naman siyang magkaroon muli ng baby.

Ilang araw na umanong matamlay ,walang ganang kumain at hindi lumalabas ng kuwarto ang biktima hanggang sa pumasok ito sa kanyang trabaho nitong Biyernes.

Napag-alaman na dumating si Claudio sa China Bank ng dakong 7:30 ng umaga,at nagsabay pa umano silang magkape ni Subron .

Nakita pa umano nito na inaayos ng biktima ang kanyang uniporme at saka nagpunta sa loob ng CR.

Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng putok.

Please follow and like us:
Read More

CHINESE NA PUMATAY SA MAG-UTOL, NAG-SUICIDE

crime12

(NI JULIE DUIGAN)

MAKALIPAS lamang ang ilang oras matapos umanong patayin ang magkapatid na Chinese sa loob ng condominium sa Quiapo, Maynila, nagpakamatay umano ang Chinese ring suspect sa takot sa ginawang krimen.

Nagpapatrulya umano ang mga tanod sa panulukan ng Avenida Riza at Remegio St., sa Sta. Cruz, Maynila nang mamataas na nilalaslas ng suspect ang kanyang pulso.

Dito na umano isinugod sa  Jose Reyes Memorial Medical Center upang malunasan, ngunit habang nasa emergency room ay tumakbo umano ang suspek patungo sa terasa ng ikalimang palapag ng pagamutan at tumalon, bandang 3:26 ng madaling araw.

Hindi naman kaagad namatay ang suspek, nang masalo  ng scaffolding, na ginagamit sa konstruksiyon sa façade ng pagamutan, subalit dakong alas-6:58 ng umaga nang bawian ito ng buhay dahil sa matinding pinsalang nakuha ng katawan sa paglaslas at pagtalon.

Please follow and like us:
Read More

DIGITAL SPECIALIST NAKITANG PATAY SA BATH TUB NG HOTEL

crime600

(NI ROSE G. PULGAR)

BLANGKO pa rin ang pulisya sa pagkakatagpo sa bangkay ng isang lalaking hubo’t-hubad sa bath tub sa loob ng tinutuluyang nitong silid sa isang 5-star hotel, Martes ng tanghali, sa Taguig City.

Sa isinumiteng report ni Senior Supt. Alexander Santos, hepe  ng Taguig City Police, dakong alas-12:22 ng tanghali nang matagpuan ng security guard ng 5-star hotel (Shangrila Hotel ) sa Bonifacio Global City, Fort Bonifacio ang bangkay ni Mark Joseph Ubalde, 33, isang digital specialist at naninirahan sa no. 802 SMDC Grass Residence Tower 4 sa Quezon City.

Sinabi ni Santos, sa naunang pagsisiyasat, pagkalunod ang nakikita nilang dahilan ng pagkamatay ng biktima na nakalublob ang walang saplot na katawan sa bath tub sa room 2727 ng ika-27 palapag ng sikat na hotel.

Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag mula sa guest service center ng hotel ang mga security personnel na humihiling na suriin ang naturang silid dahil hindi sumasagot sa tawag ang umookupa rito.

Nang buksan ng duty security personnel ang silid ng biktima, dito na tumambad ang bangkay ng lalaki na nasa loob ng comfort room at nakalublob sa tub.

Kaagad naman humingi ng tulong sa in-house doctor ang security personnel ngunit idineklara na itong walang buhay.

Sinusuri na ng awtoridad ang closed-circuit television (CCTV) camera upang mabatid kung may ibang tao pa na pumasok sa loob ng room ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

‘CHILDHOOD SWEETHEARTS’ EDAD 17, 13, NAG-SUICIDE

crime123

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Natagpuang wala nang buhay ang dalawang mag-aaral ng University Laboratory School – University of Southern Mindanao (ULS-USM) matapos na pinaniniwalaang nag-suicide sa Purok 6, Barangay Katidtuan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, Lunes ng umaga.

Sa panayam kay Police Lt. Col. Bernard Tayong ng Cotabato Police Provincial Office ang mga biktima na hindi pinangalanan ay edad 17 ang lalaki (grade 10) habang 13-anyos naman ang babae (grade-7).

Sa ulat, alas-9:30 ng umaga nang makarinig ng putok ng baril ang kanilang katiwala sa ikalawang palapag ng bahay.

Agad na umakyat ang caretaker at nakitang duguan ang dalawang menor de edad na kapwa may tama ng bala sa ulo.

Ang kalibre .38 na revolver ay nakita sa paanan ng lalaki na posibleng ginamit nito sa pagbaril sa kanyang ka-MU (mutual understanding) bago naman siya nagbaril sa sarili.

May nakita ring suicide note na ‘My father cares only for my grade.’

Ayon kay Tayong, ang 13-anyos naman na dalagita ay ilang beses ding nag-attempt na kitlin ang kanyang buhay noong mga buwan ng Pebrero at Marso.

Inaalam pa kung kanino ang baril na ginamit ng 17-anyos na binatilyo dahil bago ang insidente ay nakita ng kanilang katiwala na bukas ang silid ng kanyang amo gayung parati naman umanong naka-lock ito kapag aalis ang mag-asawa.

Inilibing na kahapon ng hapon ang bangkay ng lalaki sa Barangay Salapungan batay sa kaugaliang Islam habang nasa isang punerarya naman ang bangkay ng 13-anyos na dalagita.

Gayunpaman patuloy ang imbestigasiyon kung may ‘foul play’ sa pagkamatay ng dalawa.

Please follow and like us:
Read More