49-ANYOS PATAY SA NALUNOK NA BUHAY NA TILAPIA

(NI KIKO CUETO)

PATAY ang isang 49-taong gulang na lalaki nang dahil sa hinuling buhay na tilapia na bumara hanggang sa kanyang lalamunan, sa Bugasong, Antique.

Ayon kay PSSGT. Kirby Aguilar, case investigator, aksidenteng nalulok ng biktima na hindi muna nila pinangalanan, ang tilapia na kanyang hinuhuli.

Bago ang aksidente, nanghuhuli ang biktima ng tilapia sa Paliwan River sa Sitio Dam, Bgy Tagudtod, gamit lamang ang kanyang kamay.

Kasama niya ang kanyang 11-taong gulang na anak na nanghuhuli rin ng isda na medyo malayo sa ama.

Kwento ng asawa ng biktima, nakita na lamang niya ang asawa na tumatakbo papunta sa kanya at humihingi ng tulong dahil sa isda na bumara sa kanyang lalamunan.

Nang tignan sa bibig makikita pa umano ang buntot ng isda sa loob ng lalamunan.

Sinubukan nila itong alisin pero hindi nila kinaya.

Dumating ang mga emergency responders at dinala sa ospital pero namatay rin dahil sa suffocation.

Paliwanag ng asawa ng biktima, karaniwang kinakagat ng lalaki ang mga nahuhuling isda, o inilalagay sa kanyang bibig, para magamit pa ang kamay sa panghuli sa iba pang isda.

Para umano pagbalik sa dalampasigan ay doon ilalagay ang mga nahuli niya sa isang container. Ayon sa pulis, sasaialim pa rin sa autopsy ang labi ng biktima.

Naniniwala naman ang pamilya na aksidente ang nangyari.

 

 

Please follow and like us:
Read More

4 MANGINGISDA NALIBING NANG BUHAY SA MINAHAN

crime12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NALIBING  nang buhay ang apat na mangingisda makaraang pasukin ang isang abandonadong ‘open pit mining’ sa Rapu-Rapu, Albay.

Ayon sa naantalang report  ni P/Major Ma. Luisa Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 5 nitong Miyerkules, wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng nasabing minahan sa Purok 5, Brgy. Batan ng naturang bayan, ang mga biktimang  sina Orly Bisco, 36; Timoteo Balunzo, 30; Salvador Bata, 25; at Erwin Velasco, 29.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng Rapu-Rapu Municipal Police Station (MPS), bandang alas- 5:00 ng hapon nitong Hunyo 24, sa  lote na pag-aari umano ng isang Shian Banania nangyari ang insidente.

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nag-utos sa mga biktima na pasukin para kunin sa loob ng abandonadong open pit mining ang isang submersible pump na matagal na umanong naiwan doon.

Nabatid na unang pumasok sa loob ng minahan sina  Veloso at Salvador subalit hindi na nakalabas ang mga ito kaya sinundan naman nina Balunzo at Bisco para saklolohan sana ang dalawang kasamahan subalit maging sila man ay hindi na  nakalabas sa hukay.

Paliwanag naman ng hepe ng Rapu-Rapu MPS na si P/Captain Dante Bonafe,  mag- aalas-6:00 na ng gabi nang matanggap nila ang ulat kaya agad  nakipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) Rapu-Rapu at Regional Health Unit (RHU) para sa isang search and retrieval operation.

Unang nakuha ang bangkay nina Velasco at Bata habang kinabukasan na (June 25)  nang makuha ang bangkay naman nina Balunzo at Bisco.

atuloy namang inaalam ng pulisya kung sino ang lalaking nag-utos sa apat na biktima para pasukin ang matagal nang abandonadong minahan na naging sanhi ng kamatayan ng mga ito.

Please follow and like us:
Read More

3 BATA INIWAN SA LOOB NG KOTSE, PATAY

crime12

(NI JG TUMBADO)

PATAY  na nang matagpuan ang tatlong bata matapos iwan ang mga ito sa loob ng kotse sa bayan ng Orion, Bataan.

Nakilala ang mga biktima na sina Agatha Morales, 9, , Shamel Alghela Morales, 8, at Pauline Keziah Morales, 6, na pawang magpipinsan.

Batay sa naantalang ulat ng Orion police, huling nakita ang mga bata na naglalaro sa loob ng kanilang kotse sa Barangay Calungusan, ilang metro lamang ang layo sa plantasyon ng petrolyo nitong araw ng Lunes, May 13.

Mismo ang ama ng isa sa mga bata na si Jessie ang nakadiskubre sa insidente pasado alas 8:00 ng gabi.

Ayon sa pahayag ng ama sa pulisya, iniwan nya sa loob ng kanilang sasakyan ang mga bata alas 4:00 ng hapon habang ipinarada nito sa bahagi ng eskinita.

Dinala pa ng ama ang mga bata sa St. Michael Hospital subalit idineklarang dead on arrival na ang mga ito.

Sinasabing na suffocate o nahirapang huminga ang mga biktima nang sila ay iwanan dahil sa pagkakasara ng mga bintana ng kotse.

Please follow and like us:
Read More

BANGKAY NG LALAKI ITINAPON SA C5 ROAD

salvage

ITINAPON mula sa kotse ang bangkay ng isang lalaking natagpuan sa gilid ng C5 Road sa Taguig City, Linggo ng madaling araw.

Walang anumang identification card ang biktima na tinatayang nasa 20-30 ang edad at ibinalot sa kumot nang itapon. Ibinalot din ng cellophane ang ulo nito dahilan ng kanyang kamatayan.

Wala ring saksak o tama ng bala sa katawan ang biktima at suffocation umano ang sanhi ng pagkamatay sa Upper Mckinley Road, ayon sa pulisya. Ang biktima ay nakasuot ng checkered na shorts at t-shirt.

Sinabi ng mga saksi na itinapon ng dalawang lalaki mula sa umaandar na sasakyan ang bangkay at tumakas papuntang southbound.

Naglakad lamang umano ang dalawang lalaking nagbaba ng bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan gayundin ang pagkalap ng CCTV footage upang mabatid ang mga nasa likod ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

4 PATAY NG LOOB NG BALON

crime

(NI JESSE KABEL)

APAT katao ang nasawi sa pagkalunod nang hindi na makaahon sa isang malalim na balon na lalagyan sana nila ng water pump  New Washington, Aklan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa report ng Aklan Provincial Police Office kinilala ang mga nasawi na sina Hermenio Bantang, ng Barangay Bobog, Numancia, Aklan, Darwin Cuesta, 56, Rene Felizardo, 42,  at Jodel Felizardo, 47, residente ng Barangay Lawaan, New Washington, ng nasabing bayan.

Ayon sa New Washington Municipal Police Station, maglalagay sana ng submersible water pump ang mga biktima sa may 35 talalampakang lalim ng balon ng maganap ang aksidente bandang alas 11:00 Huwebes ng tanghali sa Sitio Ilaya, Brgy. Lawaan.

Lumitaw sa imbestgasyon na habang ikinakabit ang underground submersible water pump ay bumaba si Bantang sa balon na may 35 pulgada lamang ang luwang ( 35 inches diameter and 35 feet deep) para ikabit ang  submersible water pump .

Gayunman, biglang nawalan ng contact sa mga kasama at hindi na ito nakaahon si Bantang kaya nagpasya ang tatlong kasamahan na babain na ito subalit ang mga ito ay hindi na rin nakaahon.

Kinailangang pagtulungan ng PNP, BFP at MDRRMO para maiahon ang mga biktima.

Hinala ng ilang nakasaksi na posible ring may natumbok na nakakalasong gas o usok ang mga biktima kaya hindi na nakalabas ng balon at tuluyang nalunod kaya ipinag-utos ng Aklan PPO na imbestigahan ang pangyayari.

 

Please follow and like us:
Read More

BABY NADAGANAN NG KUTSON, PATAY!

crime

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG 1-taong gulang na sanggol ang binawian ng buhay nang madaganan ng isang malaking kutson habang natutulog sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, nitong Huwebes.

Dead on arrival na sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Austine Tesorero, 1 and 3 months old, dahil sa supokasyon.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, naganap ang insidente sa tahanan ng pamilya Tesorero sa Block 1, Lot 7, Masbate Street, Mangga 2, Nagpayong,  Barangay Pinagbuhatan, dakong alas-12:30 ng tanghali.

Ayon sa ama ng biktima na si Joey, natutulog ang sanggol kaya’t panatag ang loob na iniwan nila ito sa kanilang silid habang sila naman ng asawa at iba pang kaanak ay nasa dining area at nanananghalian.

Nagulat na lamang umano sila nang pagpasok ng asawa niya sa silid ay nakitang nabagsakan na pala ang bata ng kanilang queen size bed foam na nakasandal sa kanilang dingding, sanhi upang ma-suffocate ito.

Kaagad nilang isinugod sa pagamutan ang sanggol ngunit idineklara na itong patay ng mga doktor.

 

Please follow and like us:
Read More

3 PATAY SA SAMPALOC FIRE

SUNOG by MIKE ROMERO

(NI SAMANTHA MENDOZA/PHOTO BY MIKE ROMERO)

PATAY na nang matagpuan sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang tatlo katao dahil sa ‘suffocation’ matapos masunog ang kanilang bahay,kahapon ng umaga sa Sampaloc,Maynila.

Ayon kay   FSInsp Reden Alumno,ng  Bureau of Fire Protection (BFP)  ang mga nasawi ay nakilalang sina Lynn Rose Valentine, 50; Sibjordan Valentine,26; at Grenre Tropicales,17,pawing residente ng 658 Doña Maria St.  Sampaloc,Maynila.

Habang nakaligtas naman si Roselyn Salcedo,anak ni Lyn Rose,na noon ay nasa unang palapag  ng bahay  na nagtamo ng mga paso sa braso at kamay.

“Kahit na masakit na ang mata ko dahil sa usok talagang pinilit kong makalabas ng bahay,”ayon kay Salcedo.

Wala umanong itinaas na alarma ang BFP sa sunog na nagsimula dakong alas 6:17 ng umaga at naideklarang fire-out dakong alas 6:47 ng umaga.

sa inisyal na imbestigasyon ng arson,posibleng faulty electrical  wiring  na nanggaling sa kisame sa ikalawa palapag ng bahay nagsimula ang sunog.

Posible umanong nahirapan na makababa at naharangan na ng apoy ang daraanan  kaya hindi na  nakalabas ang mga biktima na nasa ikalawang palapag bukod pa sa maraming nakaharang sa mga dadaanan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng arson.

Please follow and like us:
Read More

10-ANYOS PINATAY; MAGKAPATID ARESTADO

arrest

BACOLOD CITY – ARESTADO ang magkapatid na ang edad ay 17 at 20 matapos umanong patayin ang isang 10-anyos na batang babae sa Talisay City, Negros Occidental.

Nabatid na, tinakpan ng magkapatid ng tela ang ilong at bunganga ng biktima hanggang mamatay at itago sa ilalim ng lababo ng kanilang nirerentahang bahay sa Barangay Zone 14-B, Talisay City.

Sinabi ng tatay ng bata, kasama umano niya ang anak bago ang insidente ngunit nawala ito at inakalang naglalaro lamang. Gayunman, ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin mahanap ang bata kaya’t agad nang inireport sa pulis ang pagkawala nito.

Hindi pa nagsasalita ang mga suspect kung bakit nila pinatay ang bata. Inaalam din kung ginahasa ang bata bago patayin.

Please follow and like us:
Read More