81-ANYOS KUBRADOR NG STL PATAY SA VAN

accident12

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON – Todas ang isang 81-anyos na lalaking kubrador ng Small Town Lottery (STL) matapos aksidenteng mabangga ng humaharurot na van sa Maharlika Highway sakop ng bayan ng Atimonan, sa lalawigang ito noong Lunes. Sa report ng Atimonan police station, kinilala ang biktima na si Rolando Montejo Sr., residente ng Barangay Tagbakin. Tumatawid ang biktima sa highway sakop ng nasabing barangay, bandang alas-6:20 ng gabi habang nangongolekta ng taya sa STL nang salpukin ito ng humahagibis na Toyota Hi-ace Commuter van na minamaneho ni Robert Dosdo,…

Read More

ZAMBALES-OLONGAPO TUTUTUKAN SA JUETENG 

jueteng 12

(NI JG TUMBADO) MAS paiigtingin pa ang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) laban sa pamamayagpag ng ilegal na sugal sa bansa, partikular ang jueteng. Ito’y matapos tanggalin na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa bansa. Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernand Banac, batid nilang ginagamit na front ng jueteng ang STL kaya mas matinding monitoring ang kanilang gagawin at huhulihin ang mga masasangkot dito. Kasabay nito, sinabi ni Banac na mananatili pa rin ang kanilang “one strike policy”…

Read More

DALANGIN NG BAYAN, IBALIK ANG STL

STL-4

Mahirap walang pagkain sa mesa (Ni Jun V. Trinidad / Huling labas) NGUNIT may ilan din namang STL kubradores na pilit lumalaban sa kabila ng desperasyon sa biglang pagkawala ng legal na hanapbuhay. “Sa hirap ng buhay ngayon, hindi dapat umasa lang sa pangungulekta ng taya para makaraos sa 24 oras. Kailangang humanap din ng ibang pagkakakitaan,” katwiran ni Maria Sheila Sarguilla, 53, isa sa mga dating kubrador ng loterya na nawalan din ng trabaho. Pinagkakaabalahan ngayon ni Sarguilla ang pagbebenta ng iba’t ibang kakanin sa bangketa – mainit na…

Read More

PANGUNGUBRA SA STL, MARANGAL NA TRABAHO

STL-3

(Ni Jun V. Trinidad / Ikaapat na bahagi) BATAY sa impormasyon ng pulisya, kadalasan umano ay may koneksyon sa mga lokal na opisyal ang mga nagpapatakbo ng “bookies” sa kanilang mga lugar o kung hindi man ay ang mismong nanunungkulan sa munisipyo ang operator ng bawal na sugal. “Sa ganitong sitwasyon, hindi mahirap para sa sinumang gustong bumangka sa jueteng ang muling simulan ang iligal na sugal. Bukod pa rito, may nakahanda na silang batalyon ng mga STL kubradores na nawalan ng trabaho para ­mangulekta ng taya para sa kanila,”…

Read More

PAGLAGANAP MULI NG JUETENG TUTUTUKAN

(NI NIC ECHEVARRIA) MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng  Philippine National Police (PNP) ang paglago ng operasyon ng sugal na jueteng matapos ipasara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng gaming outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sinabi ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa press conference sa Camp Crame nitong Lunes, na hindi nila inaalis ang posibilidad na muling maglabasan ang mga illegal numbers game sa bansa partikular ang jueteng. Ayon kay Albayalde kasalukuyan na nilang minomonitor ang mga intelligence report na kanilang natatanggap kaugnay  sa muling pagbuhay ng operasyon ng jueteng…

Read More

8-K TRABAHADOR NG STL SA N. COTABATO, JOBLESS

north cotabato 12

(NI BONG PAULO) KIDAPAWAN CITY – Nasa 8,000 na trabahador ang nawalan ng trabaho simula Sabado ng umaga matapos ipasara ng Cotabato Police Provincial Office ang Small Town Lottery Outlet sa Quezon Boulevard, Kidapawan City. Mismong si Provincial Director Police Colonel Maximo Layugan ang nanguna sa pagpapasara sa nasabing outlet. Ang hakbang ay ginawa ng CPPO matapos ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng Lotto, Small Town Lottery (STL), Keno, Peryahan ng Bayan at lahat ng gaming operation o scheme na may lisensya o prangkisa mula sa Philippine Charity…

Read More

LOTTO OUTLETS INIISA-ISA NANG ISINASARA

(NI MAC CABREROS) BILANG pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinuyod ng Eastern Police Districtang mga lotto outlets sa Lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong City at San Juan  (PaMaMariSan), ngayong Sabado ng umaga. Pinamunuan mismo ni EPD director, BGen. Nolasco Bathan, kasama si San Juan City  Police chief, Col. Ariel R. Fulo sa pagsasara sa mga lotto outlets sa 79 F. Blumentritt St., 107, N. Domingo St., Brgy. Pedro Cruz; 02 G.B Santos St., Brgy Rivera; 19-A N. Domingo St., Brgy Progreso; 146 Aurora Blvd, Brgy Balong Bato; Aurora…

Read More

LAMAYAN NIRATRAT, 4 PATAY, 2 SUGATAN

lamay

(Ni JUN V. TRINIDAD) INFANTA, Quezon – APAT na tao ang namatay at dalawa ang sugatan nang ratratin ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang lamayan sa bayang ito, Miyerkoles ng gabi. Sa report ni Colonel Osmundo de Guzman, Quezon police director, biglang pumasok ang salarin na may suot na bonnet sa loob ng bakuran ng isang lamayan sa Purok Irrigation sa Barangay Ilog dakong 8:45 ng gabi. Gamit ang kalibre .45 na pistola, nagsimula na itong magpaputok ng baril hanggang sa tamaan ang mga nakikipaglamay na sina Herman Cuento,…

Read More