9-ANYOS BUGBOG-SARADO SA LIVE-IN PARTNER NG NANAY

agusan del sur12

(NI ANNIE PINEDA)
KRITIKAL ang kalagayan ng isang batang babae matapos himatayin sa tindi ng bugbog na inabot mula sa kanyang stepfather sa Purok-5, Barangay Del Monte, sa bayan ng Talacogon, Agusan Del Sur.

Huling iniulat na agaw-buhay ang biktima na tinukoy lang si alyas Diding, 9, habang ang suspek ay ang ka-live in ng kanyang ina na si Bulam Kembriya, 42, residente ng nasabing lugar.

Napag-alamang nagreklamo sa Talacogon Municipal Police Station ang lola ng biktima na si Ernita Estrilla at isinalaysay na kahit maliit ang pagkakamali ng bata ay lagi itong sinasaktan ng stepfather.

Kamakalawa ay dumanas ng matinding pananakit ang bata hanggang mawalan ito ng malay kaya isinugod sa Davao Regional Center habang tumakas naman ang kanyang stepfather.

Please follow and like us:
Read More

LOVE TRIANGLE SA BADING: 15-ANYOS BINARIL NG AMAIN SA CLASSROOM

crime43

(NI CYRILL QUILO)
(UPDATED)

ANG stepfather na security guard ang sinasabing bumaril at nakapatay sa isang 15-anyos na grade 7 student habang nasa loob ito ng classroom, Huwebes ng tanghali.
Dalawang tama ng bala ang ibinaon ng suspect na si Renan Valderama sa biktimang si Mark Anthony Andress, estudyante ng Castor Alviar National High School sa Brgy.Masili ,Calamba City.

Nabatid na bandang alas-12:30 ng tanghali habang nasa lunch break ang biktima ay nagulat na lamang ang mga estudyante nang puntahan ng suspect ang biktima.

Sinabi pa na ang ina ng biktima ay nakakulong sa kasong droga sa BJMP ng Calamba CPS.

Ayon kay PLt.Col.Jac Malinao, hepe ng Calamba City Police Station, nagkaroon  muna umano ng komprontasyon ang mag-amain bago ang krimen.

Nabatid na isang bading umano na kaibigan ng suspect ang itinuturong nag-udyok sa suspect na barilin ang bata.

Isang anggulo ngayon na love triangle ang tinitingnan sa trahedya.

Sinampahan ng four  counts na child abuse si Valderama na tumakas matapos barilin ang biktima.

Agad na dinala naman sa Healthserve Los Baños ang biktima upang lapatan ng lunas ang kanyang sugat ngunit bandang alas 4 :00 ng hapon ay namatay din.

Please follow and like us:
Read More

17-ANYOS DALAGITA PINALAKOL NG STEPFATHER

crime ax 12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 17-anyos na dalagita makaraang pagsasaksakin at palakulin ng ama-amahan nito na nagtangka pang gahasain ang biktima sa Brgy Upper Glad 1, Midsayap North Cotabato, Lunes ng umaga. Nakilala ang nasawi na si Jeanny Mae Rollan, grade 11, sa Saint Jude College at residente ng housing area Brgy Upper Glad 1 Midsayap, North Cotabato.

Suspek ang kanyang stepfather na si Jesus Socito.  Naganap ang krimen alas 5:10 ng umaga nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng pulisya tinangka umano ng suspek na gahasain ang dalagita ngunit nanlaban ito.

Kumuha ng itak ang stepfather, pinagtataga ang biktima at hinampalos pa ng palakol ang ulo at mukha.

Dead on the spot ang dalagita nang magtamo ng malaking sugat sa ulo at mukha.

Agad namang sumuko ang suspek sa kanyang mga kapitbahay at mga opisyal ng barangay.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa Midsayap PNP at patuloy na iniimbestigahan.

 

Please follow and like us:
Read More

15-ANYOS SEX SLAVE NG LOVER NG NANAY

rape 12

(NI KOI HIPOLITO)

MAHAHARAP ngayon sa kaso ng rape ang amain ng biktima dahil sa reklamong paulit-ulit umanong panggagahasa sa kanya, sa Womens and Childrens Protections Desk (WCPD) ng Parañaque City Police Station, Lunes ng tanghali.

Ang biktima ay itinago sa pangalan na alyas “Che-che”, 15, grade 9 student habang ang suspect ay kinilalang si Danilo Gamit, 54, ng Barangay La Huerta, Parañaque City.

Base sa report, ipinagtapat umano ng menor de edad sa kanyang tiyahin ang pangmomolestiya at panggagahasa ng kanyang amain. Sa tuwing umaalis ng bahay ang kanyang ina, ikinakandado umano ni Gamit ang kanilang pintuan saka siya gagahasain.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 8353 o Rape ang nakakulong ng suspek at walang inirekomendang piyansa.

Please follow and like us:
Read More